Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

스물다섯

Pagkatapos sabihin yun ni Luhan ay nagstop muna sila sa isang coffee shop.

Kanya kanya silang umorder ng mga gusto nilang kape at tahimik itong ininom.

Walang nagsasalita ni isa sa kanila, di nila alam kung bakit nakararamdam sila ng awkwardness, sa pagkakaalala nila ay huling beses nilang naramdaman ito nung pangalawang beses nilang pagkikita ulit 8years nang nakalilipas.

Huminga ng malalim si Luhan at tinignan yung relo niya.

10:15am, bukas na siguro yung mall ng ganitong oras.

Sinilip niya si Sehun na nasa tabi niya, "Samahan mo ko sa mall mamaya"

Napatingin naman yung iba sa kanya at napahinga ng malalim.

Nagtaka si Luhan kung bakit ganun yung mga tingin nila sa kanya, yung tingin na parang ang daming gustong sabihin, ang daming gustong gawin pero natatakot. Alam mo yun, yung mga matang takot na ayaw mong makita sa mga mata ng taong importante sayo.

Kinagat ni Luhan yung labi niya at pumikit ng mariin sabay labas ng phone niya at sinearch niya sa call logs yung bagong number ni Baekhyun.

Pinindot niya yung call at yung loudspeaker, nagriring na, napatingin si Chanyeol kay Luhan at nakita ni Luhan yung pagkislap ng mga mata ni Chanyeol na ngayon niya nalang ulit nakita.

[Hello? Luhan anong oras ka pupunta? Badtrip ka naman oh]

"Baek," sabi ni Luhan at napahinga ng malalim, "m-may mga gustong kamustahin ka"

Tumahimik yung kabilang linya kaya nagsalita ulit si Luhan.

"O-Okay lang ba?"

Hindi pa rin nagsasalita si Baekhyun sa kabilang linya pero naririnig nila yung paghinga niya.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa kanila pati sa kabilang linya hanggang sa may isang batang bumasag ng katahimikan.

"Papa!"

Napatingin si Luhan sa phone niya dahil alam niyang titignan siya ni Chanyeol at baka hindi niya mapigilan yung bibig niya, naramdaman niyang hinawakan ni Sehun yung kamay niya sa ilalim ng lamesa.

Lalong bumilis yung tibok ng puso ni Chanyeol dahil sa boses na narinig niya. Hindi niya alam kung bakit tuwing makaririnig siya ng boses ng bata sa kabilang linya tuwing kausap si Luhan ay bumibilis ng ganito yung tibok ng puso niya.

[U-Uhhh.. Hello?] Sabi ni Baekhyun.

"Baekhyun..."

Napatingin sila kay Xiumin na nagsalita habang nakayuko at nakapikit.

"S-Sorry... d-dun sa mga nasabi ko noon"

[Past is past, wala na yun. Okay na sakin yun. Wag mo na isipin] tumahimik sa kabilang linya at narinig nila ang pagtawa ng isang bata, [Kamusta kayo? K-Kompleto kayo?]

Napatingin si Kyungsoo at Kris kay Chanyeol, siniko naman ni Tao ni Chanyeol na nasa tabi niya.

Tumingin si Chanyeol kay Tao na parang natatakot.

"Sige na, ayan na siya" bulong ni Tao sa kanya.

Huminga ng malalim si Chanyeol bago nagsalita, "B-Baekhyun..."

[Chanyeol?]

Mabilis na sabi ni Baekhyun sa kabilang linya, hindi nila alam na umiiyak na si Baekhyun sa kabilang linya dahil namimiss na niya yung mga kaibigan niya.

"O-Oo. Kamusta?" Tanong ni Chanyeol habang tumitibok ng mabilis yung puso niya.

[O-Okay naman ako. Kayo? Kamusta?] Nilayo ni Baekhyun yung phone sa bibig niya pagkatapos niyang magsalita, good thing hindi nagcrack yung boses niya.

"Okay lang rin naman k-kami..." Kahit hindi siya nakikita ni Baekhyun ay tumango si Chanyeol habang sinasabi niyang okay sila.

Okay siya ngayon dahil kausap niya si Baekhyun. Okay na siya dahil ngayon alam na niya kung anong dapat niyang gawin.

Tama nga yung hula niya, na kapag narinig niya ulit si Baekhyun, babalik lahat, lahat lahat pati yung kulay ng mundo niya babalik.

Now, I know what I wanted to do, Baek. Just please, give me time.

[L-Luhan?]

"Oh yes?"

[Wala. Wag ka na pala pumunta. Taeyeon is here]

"Lagi naman akong inuunahan niyan eh"

[Di mo lang talaga priority si Baekhyun!] Rinig niyang sigaw ni Taeyeon sa kabilang linya kaya napataas ang isang kilay ni Luhan, as if Taeyeon sees him.

"Hay nako, Taepoop! Alam ko yang mga ganyan mo. Wag ako! Kilala kita!"

[Well, I dont know you! Ibaba ko na to, ang pangit mo kasi!]

"Look who's talking?!"

[Taeyeon is maganda. Diba, baby? Say it dali]

"Tita Taeyeon is kind"

Nang marining ulit ni Chanyeol yung boses nung bata ay bumilis lalo yung tibok ng puso niya. Who are you? Tanong niya sa sarili niya.

Napatawa naman ng malakas si Luhan dahilan kaya napagtinginan sila sa loob ng coffee shop.

"Oh ano? Kind ka lang, di ka maganda!"

"Tito Luhan is handsome"

"Aba't?!"

[Pano ba yan? Handsome ka daw?] Si Taeyeon naman ang tumawa ng malakas dahil dun.

[Sige na, Luhan. Isama mo si Sehun pagpunta mo dito ha? Magpapaturo lang ako. Babush, Lupoop!]

Sabay baba ng tawag. Hindi nakarecover si Luhan sa tito luhan is handsome. Kasi sa pagkakaalala niya 3yrs old palang si Chanhyun ay tinuruan niya na itong sabihin yung 'Tita Luhan is pretty'.

Natauhan lang siya ng sabay na nagtanong si Kyungsoo, Jongin, Lay, at Chanyeol ng, "Sino yung bata?"

Nagkatingin yung apat at nagkangitian.

Simula nang marinig niya yung iyak ng bata nung kausap niya si Luhan, 3 taon nang nakalilipas ay nasa utak niya pa rin. Hindi siya naniniwalang anak ng tita niya yun dahil walang ibang kamag anak si Luhan dito sa Korea bukod sa lola't lolo niya na umuwi pa galing sa China para samahan siya rito sa Korea.

"A-Anak ng," lumunok si Luhan ng dalawang beses, inaantay naman ni Chanyeol yung sasabihin ni Luhan, gusto niyang malaman kung sino yung bata, gusto niyang makita, gusto niyang malaman kung bakit ganun yung epekto ng bata sa kanya kahit boses lang, "anak ng kuya ni Baekhyun"

Chanyeol blinked twice, he's lying. But what if anak nga talaga yun ng Kuya niya?

But Chanyeol controlled himself. And heaved a deep sigh.

"I thought nakabuntis si Baekhyun.." Bulong ni Chanyeol kaya tinignan siya ni Luhan nang may malaking ngiti.

"No, he's single," sabi ni Luhan sa kanya, "he's waiting for you," lumungkot yung mukha ni Luhan pero nakangiti pa rin siya, ngiti na may panghihinayang, "but he's late. Too late"

Ngumiti si Chanyeol sa kanya, "We're on time, Luhan"

Napatingin si Sehun kay Luhan at napasimangot si Sehun nang makita niya na may kakaibang ngiti na naman si Luhan sa labi niya.

Park Chanyeol.... you idiot. Pinapadali mo yung trabaho ni Luhan eh.

Napailing nalang si Sehun, gusto niyang mapahaba pa yung plano ni Luhan. Walang thrill kung mabilis mahuhulog si Chanyeol sa patibong.

"But Baekhyun and Taeyeon noona live under the same roof, diba? I feel something fishy about them," sabi ni Sehun at sumandal sa upuan niya sabay cross arms, "Minsan nagyayakapan rin sila" gustong matawa ni Sehun sa biglang pagbabago ng reaksyon ni Chanyeol sa sinabi niya at naramdaman niya rin yung pagkurot ni Luhan sa hita niya. "Its true. You can ask Luhan. Sa harap pa nga namin minsan eh. Diba Luhan?" nakangiting sabi ni Sehun at nilingon si Luhan na nakasimangot.

Biglang nainis si Luhan sa mga sinabi ni Sehun dahil baka bumigay na naman si Chanyeol at mas maniwala kay Sehun, "Yeah, right!" Sabi niya at humarap kila Suho na nasa right side niya at doon kinagat niya ng mariin yung labi niya.

Hinawakan ni Luhan yung phone niya na nasa lamesa at may dinial, "Hey, yeah, this is Luhan, we can date, maybe tonight, 7pm, text me the location. Thanks!"

Napatingin naman si Sehun kay Luhan sa mga narinig niya. Nang matapos si Luhan ay tinignan siya ni Sehun ng masama.

"What was that? And who's that?," tanong ni Sehun pero hindi siya sinasagot ni Luhan, "Excuse me, Mr. Luhan, may boyfriend ka na" sabi niya pero hindi pa rin siya sinasagot ni Luhan.

"Ohhhhkay? What was that?" Tanong ni Jongin dahil nakatulog siya, nagising siya ganito na yung eksena.

Napasandal naman si Chanyeol sa upuan niya't inisip ng mabuti yung sinabi ni Luhan at ni Sehun.
Yeah, Taeyeon is Baekhyun's bestfriend. So normal lang na magkayakap sila. But what if may something na nga?

Chanyeol ruffled his own hair in frustration.

Paulit ulit na nagrereplay yung mga nangyayari sa utak niya, noong college sila hanggang ngayon.

Taeyeon never left Baekhyun's side. Sino nga ba namang hindi mafafall sa babaeng ganun? Pero no way!

Napakunot yung noo ni Chanyeol at nagiistomp habang nakaupo. Hindi niya alam na pinanonood na siya ng mga kasama niya.

"No, he loves me. Sinabi niya yun. Pero pano kung inakit siya ni Taeyeon?" Sabi niya sa sarili niya. Hindi niya napansin na malakas na yung boses niya. Akala niya ay nasa utak niya lang yung boses.

Nakatingin lang sila kay Chanyeol, si Jongin ay nakapangalumbaba habang nakatingin sa labas at inaantay yung susunod na sasabihin ni Chanyeol. Si Kris naman ay umorder na ng bagong set ng coffee's. Siya na daw bahala, libre niya na.

"Sabi ni Luhan single siya and he's waiting for me. Pero pano kung nagsawa na siyang mag antay?" Napailing naman si Chanyeol habang winewave yung kamay niyang nakapatong sa lamesa. Nag istomp na naman si Chanyeol at medyo naalog yung lamesa pero wala pa rin siya sa wisyo.

"Pano ko makukuha si Baekhyun sa isang taong hindi siya iniwan nung iniwan ko siya? Pano?" Bulong niya kaya napangiti si Sehun, ayan ganyan dapat maguluhan ka muna bago ka magdesisyon pag isipan mo muna lahat.

Naihampas naman ni Chanyeol yung dalawang kamay niya sa mukha niya at biglang sumigaw, "Ahhhh!" Bigla naman siyang natauhan kaya nagbow siya at nagsorry.

"S-Sorry po" sabi niya at yumuko.

Nagpipigil naman matawa yung iba dahil ang gulo gulo na ng buhok niya, dagdag pa yung mga sinabi niya. Kaya naisip nilang wag ipaalam kay Chanyeol na naririnig nila yung sinasabi niya.

"Oy, anyare?" Tanong ni Suho at uminom ng kape para maitago yung nakangiti niyang labi.

Sabi na nga ba't mahal niya pa rin si Baekhyun. No matter what will happen next, I'll support them. They're my friends and they deserve happiness and delight in this world.

Sabay sabay naman silang napainom ng kaoe dahil natatawa talaga sila kay Chanyeol. Hindi naman sumagot si Chanyeol dahil bumalik na naman siya sa sarili niyang mundo kaya pinanood nalang muna nila ulit si Chanyeol na nakatulala at biglang ngingiti, guguluhin yung buhok, magpapout, sisimangot, mag iistomp, iwewave yung kamay, magpefacepalm, tapos maggrowl.

"Huy Chanyeol! Ano ba nangyayari sayo?" Tanong ni Tao pagkatapos niyang hampasin si Chanyeol kaya napabalik sa realidad si Chanyeol.

"H-Ha?" Wala sa sariling tanong ni Chanyeol at napatingin sa paligid niya.

"Ang likot mo kaya" sabi pa ni Tao.

"A-Ah sorry. May iniisip lang ako" sabi ni Chanyeol at uminom ng kape.

"Si Baekhyun?" Tanong ni Chen habang nakangiti ng nakakaloko.

"Oo--- hindi!" Pagdedeny ni Chanyeol.

"Sows! Dineny pa. Kanina pa ka bulong ng bulong ng Baekhyun. Para ka kayang tanga" sabi pa ni Chen kaya napayuko si Chanyeol dahil nahihiya siya.

"Hay nako, Chanyeol. Ubusin mo na yang kape mo dahil pupunta pa ko kila Baekhyun" sabi ni Luhan kaya napatingin si Chanyeol, ibubuka palang sana ni Chanyeol yung bunganga niya ay pinatahimik na agad siya ni Luhan.

"Bup bup bup bup! You can't come with me. I told you, ihahanda ko pa si Baekhyun"

"Pero nakapag usap na kami?" Pagaargue ni Chanyeol sa sinabi ni Luhan.

Nagcrossed arms si Luhan, "Tell me, Park. Kapag ba may nabasag kang plato and iniwan mo for almost 5-6yrs tapos binalikan mo't kinausap babalik ba siya sa dati?" Sabi nito at sumandal ng maayos.

"No!" Mabilis na sagot ni Chanyeol not thinking na relate yun sa kanila ni Baekhyun.

"Exactly! Baekhyun needs time. I need to talk to him and convince him na bumalik satin. Bumalik sayo" sabi ni Luhan, dun niya lang narealize na yung sinabi ni Luhan previously is about him and Baekhyun's situation.

"Alam niya atang fiancé mo na si Dara eh" sabi ni Sehun kaya tinitigan na naman siya ni Luhan ng masama.

"Alam niya? Shit! What to do?" Sabi ni Chanyeol at halata sa mukha niyang natataranta siya.

"Ano ka ba, Chanyeol. Totoo naman diba?" Sabi ni Lay. Tinitigan naman siya ni Chanyeol ng masama, "Bakit? May nasabi ba kong mali?" Tanong niya sa kanilang mga kasama.

Di na siya sinagot ng mga kaibigan niya kaya ngumuso nalang si Lay.

"Hayaan mo na muna yun, yeol. Kailangan ko nang umalis. Mauna na ko, okay? Text text nalang ha?" Sabi ni Luhan, tumayo na siya at sumunod namang tumayo si Sehun.

Bago tuluyang sumunod si Sehun sa nakalabas nang luhan ay may sinabi siya kay Chanyeol, "Iiinform kita mamaya sa kung anong ginagawa nila ni Taeyeon noona" sabi ni Sehun sabay takbo, "Luhan wait!"

Napatingin naman sila Suho kay Chanyeol na nakatunganga na naman.

"Ay nako, tara na nga. Iwan na muna natin to. Mall tayo!" Sabi ni Tao at umagree naman sila kay tumayo na.

Paalis na sana sila ng batukan ni Kris si Chanyeol, "Peasant" bulong niya.

Tumayo na rin naman si Chanyeol at di na nagtanong kung saan pupunta. Masyado siyang naooccupied sa mga pangyayari atsaka sa mga nalaman niya.

*

"Ang tagal ni Luhan ha" sabi ni Taeyeon habang nakikipaglaro ng lego kay Chanhyun.

"Magkakasama sila eh" napatingin naman si Taeyeon kay Baekhyun sa kusina.

Nagluluto si Baekhyun ng tanghalian nila, natuto si Baekhyun magluto simula ng makasama niya si Taeyeon sa iisang bubong. Eh pano ba naman, paulit ulit yung niluluto ni Taeyeon gusto niya iba naman. Atsaka gusto niyang ipagluto ng masarap yung anak niya.

"Ano?!--- Ay sorry!" Sabi ni Taeyeon. Napasigaw kasi siya at nagulat si Chanhyun.

"Ano ka ba, Taeyeon. Sinabihan na kitang wag kang sisigaw pag andyan si Chanhyun eh," sabi ni Baekhyun habang sinisilip sila Taeyeon sa sala, "Andun sila, kumpleto sila, andun din si Chanyeol"

Nanlaki yung mata ni Taeyeon at lumapit kay Baekhyun na nasa kusina.

"Narinig niya ba yung usapan namin ni Luhan? Omg! May nasabi ba ako about kay Chanhyun? Shit!" Sabi ni Taeyeon habang iniisip kung may nasabi siyang mali, napakamot naman siya sa noo niya nang wala siyang maalala, "wala naman diba?"

Tumango si Baekhyun, "Good thing wala kang nasabi about sa kanya. Kundi ihahagis kita sa bangin" sabi ni Baekhyun kaya tinulak siya ni Taeyeon.

"Epal neto," sabi ni Taeyeon at bumalik na kay Chanhyun, "pero Baekhyun, anong gagawin mo pag nagkita na kayo ni Chanyeol? Sasabihin mo ba?" Natatakot kasi si Taeyeon na baka masaktan na naman si Baekhyun kay Chanyeol at baka ipagtabuyan na naman siya nito.

Di niya na kayang makitang nasasaktan si Baekhyun. Di niya kayang makita na nasasaktan yung taong mahal niya dahil lang sa taong mahal ng mahal niya.

Kaya hangga't maaari ay ilalayo niya si Baekhyun at Chanhyun kung gusto nila. Pero naisip niya rin kasi na dapat rin malaman ni Chanyeol yung totoo, pero di niya bibitawan si Baekhyun ng ganun ganun lang.

"Ewan ko. Di ko pa rin napag-iisipan eh. Siguro," sabi ni Baekhyun, "itatago ko muna si Chanhyun pansamantala," dagdag pa niya at sinilip sila Taeyeon, "natatakot kasi ako na baka kunin niya si Chanhyun eh"

Napatahimik si Taeyeon dahil dun, pano nga kung kunin ni Chanyeol si Chanhyun kay Baekhyun? Pano na?

"Pero Baekhyun, mukhang tama si Tito," sabi ni Taeyeon habang nakatingin kay Chanhyun, naalala niya kasi yung huling sabi ng papa ni Baekhyun sa kanya, "dapat siguro sabihin mo kay Chanyeol yung totoo"

Nakikita na ni Taeyeon sa mukha ni Chanhyun yung mukha ni Chanyeol. Pinaghalo kasi yung mukha ni Chanyeol at ni Baekhyun.

"Pero sabi mo itago ko siya?"

"Sapat na siguro yung 5yrs na pagtatago kay Chanhyun, Baekhyun"

You deserve to be happy, my love. And I deserve this pain because I chose you. Be happy and Im sure, I'll be happy, soon.

---

I know this is lame but I still wanted to dedicate this to my two beautiful poops who entered my life this january. So, -chanbaekbooty , -baekhyunee, I know cactus na di ka pa okay dahil sa exo con, well pareho tayo huhu. And to you, seashell, ingat ka dyan ha? Your things, watch out. Kwentuhan mo kami, later :) labyu poops!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro