스물넷
After 11 months...
Ngayon lang naasikaso ni Baekhyun yung binyag ni Chanhyun dahil sobrang busy nila sa hotel. Minsan nga'y madaling araw na siya nakakauwi at minsan nama'y hindi na dahil sa marami silang clients.
Halos siya rin lahat ang kumakausap sa mga mag-aapply, pati mag-iinvest sa hotel nila ay siya rin.
Sa kanya inassign ng kuya niya iyon dahil alam nito na kayang-kaya ni Baekhyun yun.
Sabay silang nagpabinyag sa isang simbahan, andun si Luhan, Sehun, Taeyeon, Hyoyeon, Tiffany, Jessica, Krystal, Yesung, Victoria, Heechul at Taehyung bilang mga Godparents ni Chanhyun.
Katrabaho niya si Victprua, Krystal, Heechul at Taehyung sa hotel na halos wala pang tatlong buwan ay kaclose na niya.
"Ang dami namang pagkain, baek" sabi ni Taeyeon.
"Eh bat kasi sakin ka nagpakuha? Eh alam mo namang marami akong kumuha atsaka dapat lang sa katawan mo yan," nginitian niya si Taeyeon, "patpatin" sabay takbo kay Chanhyun.
"Byun Baekhyun!!" Sigaw ni Taeyeon kaya natawa yung ibang bisita dahil para pa rin silang mga bata.
*
Si Chanyeol naman ay napromote dahil sa mga kakaibang theme o style ng mga designs niya.
Pagkauwi niya sa condo nila ni Dara ay agad niya itong niyakap, "Thankyou! Thankyou! Thankyou!" sabi niya habang pahigpit ng pahigpit yung yakap niya.
"Bakit?" Sabi ni Dara habang pinipilit na makita yung mukha ni Chanyeol.
Humiwalay naman si Chanyeol sa yakap at hinawakan sa magkabilang balikat si Dara, "Napromote ako!" Sabi nito sabay halik sa noo ni Dara.
Napapansin ni Dara na sa magiisang taon nilang relasyon ay hindi pa siya nahahalikan ni Chanyeol sa labi. Noon, oo. Yun yung lasing si Chanyeol, yung sinuntok sia ni Taeyeon. Perong ngayong magkarelasyon sila'y hindi pa.
Minsan nga naiisip ni Dara kung nakamove on na ba talaga si Chanyeol kay Baekhyun.
Nakamove on man o hindi, pag sinabi ni Chanyeol yung totoo gagawin ko kung anong dapat.
Sabi niya sa sarili niya.
After 12 months...
3 days nalang at magiisang taon na si Chanhyun. Hindi pwedeng hindi niya asikasuhin yung birthday party ng anak niya kaya kinausap niya yung kuya niya.
"Kuya, magbibirthday na kasi si Chanhyun," nag aalangan niyang sabi, dahil sobrang busy talaga sa hotel kaya baka hindi ito pumayag, "p-pwede mag 1 week leave?"
Ngumiti yung kuya niya at pinat yung ulo niya, "Sabihan mo lang ako kung kulang yung pera mo ha?"
Nakangiting tumango si Baekhyun, "Utang yun, kuya"
"Ano ka ba. Magkapatid tayo tas uutang ka sakin? I offered kaya its nothing" kaya ngumiti siya at nagpasalamat.
Kaya ngayon ay nasa mall si Baekhyun para bumili ng balloons, party poopers, mga ingredients, damit ni Chanhyun pati yung regalo niya sa anak niya.
At hindi niya inaasahang makikita niya yung lalaking patuloy na nagpapatibok ng puso niya sa restaurant. Kasama yung magulang niya at yung babaeng ipinalit sa kanya.
Chanyeol...
Kahit masakit ay pinanood niya pa rin kung pano subuan ni Chanyeol si Dara.
T-That should be me...
Nang halikan ni Chanyeol sa noo si Dara ay natulala si Baekhyun, napansin niyang napalingon sa gawi niya si Chanyeol kaya nagmadali siyang umalis.
Pagkatapos niyang halikan yung noo ni Dara ay may nakita siya sa labas ng restaurant.
Yung lalaking palagi niyang iniisip, yung lalaking hindi siya magsasawang titigan, yung lalaking iniisip niya na si Dara, yung lalaking gusto niyang makasama.
Baekhyun...
Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumabas ng restaurant.
I saw him. I swear, I saw him.
Sabi niya sa sarili niya habang hinahanap si Baekhyun. Sumilip siya sa escalator, at dun. Dun niya nakitang nagmamadaling umalis si Baekhyun.
Nang makababa na si Baekhyun sa escalator ay nagkatitigan pa sila ni Chanyeol.
Ngumiti si Baekhyun, kasabay nun ang pagkawala niya.
Dismayadong bumalik si Chanyeol sa loob ng restaurant.
"Anak, ano yun?" Tanong ng papa niya pagkabalik niya.
Umiling si Chanyeol, "May nakita lang po akong," napatigil siya ng maalala niya yung itsura ni Baekhyun, napangiti siya, "maganda"
Tapos lumingon siya kay Dara. Dara thought that she's the 'maganda' Chanyeol referring to.
After 2 years...
Nagpagawa si Baekhyun ng visa nila ni Chanhyun, just in case n bumalik si Chanyeol ay hindi na siya mahihirapang magtago.
"Bakit ka pa magtatago, Baekhyun? Akala ko ba alam mong mangyayari't mangyayari yun?" Sabi ni Sehun.
Bumalik na sa apartment si Baekhyun at Chanhyun. At sa pagbabalik niya sa apartment ay nakaramdam na naman ng sakit si Baekhyun.
Naalala niya na naman lahat. Lahat ng masasayang alaala, malulungkot, masasakit at kung anu-ano pa.
"Natatakot lang ako, Sehun. Baka kunin niya sakin si Chanhyun" sabi ni Baekhyun habang inaayos yung mga groceries sa ref.
Mag 2yrs old na si Chanhyun. At masaya si Baekhyun dahil lumalaking malusog at normal yung anak niya.
Ang hindi lang normal sa anak niya ay yung tenga. Kaparehas ng sa tatay niya, malaki.
Maraming natutuwa sa anak ni Baekhyun dahil napakacute at masayahin. Mahilig makipaglaro sa park at gustong gusto ng anak ni Baekhyun yung takbuhan.
*
Makalipas ang dalawang taon ay walang nagbago sa araw araw na routine niya sa buhay.
Nagtatrabaho na rin kasi si Dara sa firm ng papa niya. Actually masaya si Chanyeol na hindi niya makikita everyday si Dara sa buong condo dahil almost all the time, gusto ni Chanyeol na mapag isa dahil iniisip niya kung anong gagawin niya pag nakita niya na ulit si Baekhyun, anong sasabihin niya, paano niya ito kakausapin.
Nilabas niya yung phone niya at hinanap sa contacts yung number ni Luhan.
"Lu..."
[Oh? Bakit?]
Napatahimik si Chanyeol ng may narinig siyang umiiyak na bata. Narinig niya rin sa kabilang linya yung boses ni Sehun, baby tahan na oh eto na yung car mo.
"Kaninong anak yun?" Tanong niya habang nakangiti.
[A-Ah sa tita ko] natatatanta naman si Luhan dahil nasa apartment siya ni Baekhyun. Eh may binili lang saglit si Baekhyun tas si Sehun nilalaro yung bata, more like inaagawan ng laruan.
"Ahh. Tanong ko lang kung... kung... k-kamusta si Baekhyun?" Sabi niya.
Nakapikit pa yung isang mata ni Chanyeol habang tinatanong niya yun.
Nagtaka naman si Luhan kung bakit hindi sila nag usap nung nagkita sila.
[Hindi ba kayo nakapag usap?]
"Tinakbuhan niya ko"
Mabilis na sagot ni Chanyeol habang inaalala yung mga nangyari.
[Oh, edi hindi pa ngayon yung time. Time will come at magiging okay rin kayo, okay?]
"Chanyeol, Im home!" Sigaw ni Dara sa pintuan.
[Oh andyan na pala si Dara. Oh sige na babye na muna ha?]
Tumango naman si Chanyeol kahit na alam niyang di siya nakikita ni Luhan.
Sinalubong naman ni Chanyeol si Dara nang may ngiti sa mga labi at nang makita niya ito ay niyakao niya agad sabay halik sa noo.
Gantong ganto yung buhay na gusto niya kasama si Baekhyun. Yung magising ka sa umaga na may masarap na niluluto sa labas ng kwarto niyo, tapos sabay kayong kakain at salitan sa gawaing bahay tapos sasalubungin ng kung sino aung mauunang umuwi sa last na makakauwi ng isang yakap.
Kaso hindi eh. Hindi si Baekhyun yung kasama niya. Minsan naiisip niyang maggive up na kay Baekhyun. Pero may bumubulong sa kanya na wag. Dahil may fate pa, tadhana o destiny at time na magiging way para magkita ulit sila.
After 3 years...
Ngayon lang ulit umiyak ng ganito si Baekhyun. Magdamag siyang umiiyak dahil nasa hospital si Chanhyun.
Sobrang taas ng lagnat niya tas nagdudugo pa yung ilong niya sa sobrang taas ng lagnat. Halos hindi makatulog si Baekhyun dahil mag iisang linggo na sila sa hospital.
Bumibisita naman si Luhan sa hospital para makapagpahinga si Baekhyun. Ganun din naman si Taeyeon pero gabi at madaling araw ang dating niya sa hospital dahil nagcall center agent si Taeyeon.
Hindi naman makabisita si Sehun dahil nag aaral pa siya. Law yung kinuha ni Sehun at kailangan niya pang punan yung 4 na taon sa pag aaral.
"L-Luhan," umiiyak na tawag ni Baekhyun, "a-ano pang kulang sa pag-a-alaga ko sa anak ko?"
Dahil sobrang pag aalaga niya kay Chanhyun hindi niya naisip na magkakasakit ng ganito si Chanhyun nang ganito kalala at babalik na naman sila sa katakot takot na hospital.
Niyakap naman ni Luhan si Baekhyun dahil wala ng tigil sa pag iyak si Baekhyun.
"D-Di ko na alam gagawin ko, Luhan," sinubsob ni Baekhyun yung mukha niya sa balikat ni Luhan, "k-kailangan ng d-dugo ni Chanhyun, s-san ako kukuha?" dagdag pa niya saka umiyak ulit.
Nang makatulog si Baekhyun sa tabi ni Chanhyun ay tinanong niya sa doctor kung anong blood type ni Chanhyun.
"B po sir"
Puta, maam ako! Mas pretty pa nga ako sayo eh.
"Okay, thanks!" Sabi ni Luhan sabay flip ng buhok niya.
Umupo naman siya sa waiting area sa lobby at tinawagan si Chanyeol.
"Answer the call, yeol!"
Pero pang7th ring na ay hindi pa rin sumasagot si Chanyeol.
[H-Hello?] Sagot ni Chanyeol after the 11th ring.
"Bat ngayon mo lang sinagot?" Sabi ni Luhan at pinadyak yung mga paa niya habang nakaupo.
[L-Luhan, 3 am, seriously?]
Pagkasabi nun ni Chanyeol ay agad niyang chineck yung oras.
"Ay, sorry. Malay ko ba"
Sabi niya, narinig niya naman yung pag 'huff' ni Chanyeol sa kabilang linya kaya napataas yung kilay niya.
"By the way, ano blood type mo?" Tanong niya kay Chanyeol.
[Blood type? Sa pagkakaalam ko, O ako. Bakit?]
"Yun! Compatible yun sa B na blood type diba?"
[Seriously? Nag aral ka bang biology?]
"Alam mo Chanyeol, I hate biology, hindi naman lahat ng tinuturo sa Biology totoo eh. Like, man can't be pregnant? Tsk!"
Napaupo naman agad si Chanyeol sa pagkakahiga niya.
[A-Ano?]
Napamura naman si Luhan sa sarili niya at hinampas niya yung bunganga niya.
[Hoy, Luhan! Ano?] Bumilis yung tibok ng puso ni Chanyeol sa sinabi ni Luhan.
Dahil naaalala niya pa rin lahat, Chanyeol buntis ako.
"W-Wala haha. Sige, kukunin kitang donor bukas ha? Text ko yung oras saka lugar. Paki inform din si Kris tsaka si Sehun, okay?" Medyo napahinga ng maluwag si Luhan.
Hindi naman mapakali si Chanyeol sa narinig niyang sinabi ni Luhan.
"Sige, Chanyeol bye na ha? Thankyou. Pasensya sa istorbo. Goodmorning!"
Di na inantay ni Luhan yung sagot ni Chanyeol at binaba na yung tawag. Tinago niya na yung phone niya at hinimas himas yung dibdib niya.
Ay, pader.
Sabi niya sa sarili niya at nagsimula ng maglakad pabalik ng room nila Chanhyun ng may tumawag sa kanya.
"Lupoop!" Napalingon naman agad siya at nakita niyang ang daming bitbit ni Taeyeon na plastic kaya lumapit na siya at tinulungan sa pagbubuhat si Taeyeon.
"Bat ba ang dami mong dala? Ang payat payat mo ang bigat bigat ng mga dala mo..." Sabi ni Luhan kay Taeyeon at tinarayan ito.
"Kamusta si Baekhyun?" Tanong ni Taeyeon habang nasa loob sila ng elevator.
"Ayun, nagpapahinga na. Di na naman tumigil sa pag-iyak yung taong yun" sagot ni Luhan.
Napahinga naman ng malalim si Taeyeon, "Eh si Chanhyun? Kamusta?"
"Sabi ni Baekhyun kailangan daw ng blood donor ni Chanhyun. Dahil sa magiisang linggo na tayo, kung hindi nagsusuka si Chanhyun ng dugo, eh nagdudugo naman yung ilong niya" sabi ni Luhan habang nakasandal sa elevator.
Bumukas na ung elevator na nagsimula na silang lumabas para dumiretso na kila Baekhyun.
"Ano daw bang nangyari kay Chanhyun?"
Tumingin naman si Luhan kay Taeyeon.
"Food Poison daw"
Napailing naman si Taeyeon.
"Pakain kasi tayo ng pakain sa batang yun eh. Pano ba to?" Sabi ni Taeyeon at siniko si Luhan.
"Malay ba natin na may ganun pala" sabi ni Luhan sabay bukas ng pinto nila Baekhyun.
"Tanga ka ba?" Bulong ni Taeyeon sa kanya. "Bata yan eh, what would you expect? Syempre kailangan maingat muna tayo sa mga pinapakain sa kanya"
Tinignan naman siya ni Luhan, "Eh bat di mo naisip yan noon?"
Natahimik naman si Taeyeon, "Ngayon lang nagfunction utak ko, sorry, okay?"
Sabi ni Taeyeon at inayos na yung mga pinamili niya.
Kinaumagahan ay tinext ni Luhan yung oras saka lugar kay Chanyeol, Kris at Sehun para magbigay ng dugo.
Naikwento na ni Luhan kay Sehun kung bakit kailangan niya ng dugo kaya ayun, pumayag na agad si Sehun na magdonate.
Eksakto namang dumating sila eh kakaalis lang ni Baekhyun para kumuha ng ibang gamit ni Chanhyun.
"Para kanino ba to, Luhan?" Tanong ni Chanyeol. Kanina pa siya tanong ng tanong kung para kanino ba yung dugo, hindi naman siya sinasagot ni Luhan.
"Para sa pinsan niya" si Sehun na yung sumagot para kay Luhan.
Tumango naman si Luhan habang sinusulat yung pangalan nilang tatlo.
"Kumpleto ba mga tulog niyo?"
Tanong ni Luhan, tumango naman si Kris dahil buong magdamag siyang tulog kahapon dahil sa pagod niya nung nakaraan dahil sa trabaho. Tumango na rin naman yung dalawa.
After a few minutes ay tinawag na sila, "Chanhyun's blood donors?" Tinaas naman ni Luhan yung kamay niya at tumayo, "This way, sir" sabi ng nurse at pumasok na sila sa room.
Hindi narinig ni Chanyeol yung pangalan dahil busy siya sa pagtingin sa mga naglalarong bata sa tabi niya.
"Yeol, tara na" pag aaya ni Kris sa kanya. Saka lang siya natauhan nang tinawag siya nito.
Kaya sumunod na siya at nagpakuha na ng dugo. Good thing lahat sila compatible sa blood type ni Chanhyun.
Nang matapos silang kuhaan ng dugo ay nakatanggap ng text si Luhan kay Baekhyun.
Lu, papunta na ko. Kain ka muna ha?
Nagreply si Luhan ng, okay, ingat ka, at inaya niya sila Chanyeol, Sehun at Kris kumain.
Sinabihan rin ni Luhan yung nurse na wag sabihin kay Baekhyun kung sino yung mga nagdonate ng dugo.
"Kain tayo?"
"Dapat lang, nanghina ako dun" mabilis na sagot ni Sehun habang hawak hawak yung ininjectionan sa kanya.
"Pasalamat nalang yung batang yun at ang cute cute niya" dagdag pa ni Sehun.
"Can we see the baby? For sure, after niyang mareceive yung blood namin gaganda lahi niya" sabi ni Kris na naging dahilan ng pagblink ni Luhan ng mga mata niya.
"Ang hangin naman dito" sabi pa niya kaya nahampas siya ni Kris.
"Oo na, joke lang eh. Next time ko na ipapakita yung bata. Nagugutom na ko eh, tara" sabi ni Luhan at hinatak na si Sehun.
Habang papalabas sila ay nakita ni Chanyeol si Baekhyun na kabababa lang ng taxi at may bitbit na bag.
Tumigil si Chanyeol, lalapitan niya na sana si Baekhyun ng hilahin siya ni Sehun at ni Luhan.
"Tara na, nagugutom na ko!" Sabi ni Luhan at nilingon si Baekhyun na nagmamadaling pumasok sa loob ng hospital. Hindi sila napansin ni Baekhyun dahil hawak niya yung phone niya.
"N-Nakita ko----"
"Gutom lang yan, yeol" sabi ni Sehun at pinat yung likod ni Chanyeol.
Lumingon ulit si Chanyeol, siguro nga gutom lang to.
Naisip niyang pano nga naman magiging si Baekhyun yun eh pumayat atsaka pumuti at gumanda ng sobra.
After 4 years...
Nagkita si Baekhyun at Kyungsoo sa mall. Kasama nito si Jongin. Nagngitian sila. Akala ni Baekhyun ay hanggang dun nalang silang mag uusap.
Simula ng humiwalay siya sa kanila ay wala ng natanggap na balita si Baekhyun sa kanila. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanila dahil walang kinukwento si Luhan.
Everytime na nagtatanong siya kay Luhan about sa kanila, sinasabi lang ni Luhan na, "Wag na. Baka sumama pa loob mo" kaya di na siya ulit nagtanong.
Sa mahigit 4 na taong lumipas, masasabi ni Baekhyun na ang daming nangyari sa dalawang taong nasa harap niya.
"Kayo na?" Nakangitimg tanong ni Baekhyun.
Inaya siya ni Kyungsoo kumain. Pumayag siya since binabantayan naman ni Taeyeon yung anak niya.
Ngumiti si Kyungsoo, "3 years na rin ata naming pinagtitiisan ang isa't isa"
Natawa si Baekhyun sa sinabi ni Kyungsoo habang si Jongin ay napangiti lang at siniko si Kyungsoo.
Dumating na yung pagkain nila at nagsimula na silang kumain.
Nung una'y tahimik silang kumakain ng magtanong si Jongin, "Kamusta ka?"
Tumingin si Baekhyun kay Jongin at ngumiti, "Okay naman na ko"
"Nagkita na ba kayo ni Chanyeol?" Tanong niya ulit.
"Nasabi kasi samin ni Chanyeol na nagkita kayo ulit" dagdag pa ni Kyungsoo.
Tumango si Baekhyun at tumigil sa pagkain.
"3 years ago. Di naman sinasadyang pagkikita yun" sabi niya ng nakangiti.
"Nag-usap kayo?" Sabi ni Kyungsoo.
Napatingin siya sa mga mata ni Kyungsoo at ngumiti, ngumiti rin si Kyungsoo dahil iba yung meaning ng ngiti na yun para sa kanya, "Hindi"
Nung narinig ni Kyungsoo na hindi ay parang nanghinayang siya.
"Bakit?" Kunot noong tanong pa nito.
Binaba ni Baekhyun yung tingin niya sa plato niya at dun ngumiti kahit na nasasaktan siya, "He's with Dara" sabi niya.
Dahil naaalala niya pa rin kung paano tumingin si Chanyeol kay Dara, kung paano niya ito subuan at halikan sa noo.
Naramdaman niya yung kamay ni Kyungsoo sa kamay niya kaya tinignan niya ito.
"Pag nagkaroon ng chance na makapag usap kayo, please, Baekhyun, pakinggan mo siya" sabi ni Kyungsoo. Tumango naman si Baekhyun kahit ayaw niyang mangyari iyon. Dahil baka katulad lang noon nung pumunta siya sa bahay ni Chanyeol at puro masasakit na salita lang ang sinabi sa kanya.
"Ang dami niyang gustong sabihin sayo" dagdag pa ni Jongin at tumango. Ngumiti si Baekhyun at kumain nalang ulit.
Pagkatapos nun ay nagpaalam na rin si Kyungsoo dahil tapos na yung lunch break niya. Sa isang company siya nagtatrabaho bilang isang manager ng isang department.
"Sige na. Jongin, ingatan mo yan ha?" Sabi ni Baekhyun.
"Ako pa!" Sabi ni Jongin at inakbayan si Kyungsoo.
"Ay, baek," sabi ni Kyungsoo nang may naalala siya, "number mo?" Sabay labas ng phone at inabot niya kay baekhyun.
"We'll still see each other" bulong ni Baekhyun habang nagtatype.
Ayaw niya na kasi sanang magkita pa sila ulit, sa totoo lang. Dahil natatakot siya na baka mapalapit na naman yung loob niya sa kanila tas iwan na naman siya.
Nang matapos siyang magtype ay sinave niya na at binalik kay Kyungsoo.
"Tetext kita ha?" Sabi ni Kyungsoo.
Tumango lang si Baekhyun sa kanya at tumalikod na dahil opposite yung way nila. Pauwi na si Baekhyun habang si Kyungsoo at Jongin ay papuntang trabaho.
Sa trabaho ni Baekhyun, tanging sabado't linggo lang siya walang pasok. Monday-Friday naman ay walang exact time ang off niya sa trabaho.
Mabilis na lumago ang hotel ng kuya niya. At madalas ay napupuri si Baekhyun sa pag eentertain dahil napakadaldal niya at kung anu-ano pa ang sinasabi.
*
Hindi na masyadong napepressure si Chanyeol sa pagtatrabaho dahil madali na ang inassign sa kanya ng manager nila. Magsusupervise nalang siya sa mga construction site at ichecheck kung tama yung mga materyales na binili, kung matibay at maganda ang quality. Dahil sa trabaho niyang ito ay nakabili siya ng sasakyan niya na nagagamit niya sa bagong trabahong inassign sa kanya.
Boss niya rin ang nagbabayad ng gas ni Chanyeol dahil sa masipag naman daw at mapagkakatiwalaan si Chanyeol.
Lahat ng pagsisikap at pag unlad ni Chanyeol ay iniisip niya si Baekhyun.
Yung mga 'what-ifs' niya sa buhay niya.
Gusto niyang makasama ulit si Baekhyun, gusto niyang makuha at angkinin ulit si Baekhyun, pero ayaw niyang saktan si Dara.
Masyadong mabait si Dara, ang hirap niyang saktan. Dahil nung mga panahon na down na down si Chanyeol andyan si Dara para ilift up siya. Nung nadepress siya, andyan si Dara para icomfort siya. He's just returning the favor.
Ayaw niyang saktan si Dara, kaya okay na masaktan siya. Basta si Dara.
Pero pano si Baekhyun?
After 5 years...
Magkarelasyon pa rin si Dara at si Chanyeol. Legal sila sa dalawang party. And they're preparing for their upcoming wedding.
"Chanyeol, una na ko maligo ha?" Tumango naman si Chanyeol habang nagluluto ng umagahan nila.
Tapos na rin nilang ayusin yung mga gamit ni Dara dahil isa na itong business manager sa Australia. Kailangan niyang bumalik agad sa Australia dahil inaasahan na siya doon ng mga bagong investors ng company niya.
Masaya si Chanyeol para sa fiancé niya syempre. Pero hindi pa rin nawawala sa puso't isip niya ang taong nagngangalang Byun Baekhyun.
Minsan ay napapatunganga nalang siya sa kawalan dahil naaalala niya yung masasayang alaala nila ni Baekhyun.
Dahil iba yung binibigay na saya ni Baekhyun sa kanya, at iba rin ang sayang naibibigay ni Dara. Ni minsan ay hindi niya naramdaman ang saya na naramdaman niya kay Baekhyun sa piling ni Dara.
Wala rin namang choice si Chanyeol kundi sundin ang gusto ng Mama't Papa niya. Gusyo na daw nilang magkaroon ng apo. Ang hindi nila alam ay may apo na sila, 5 taon nang nakalilipas.
Nang matapos si Dara maligo ay sumunod na si Chanyeol para maaga si Dara sa flight niya. Hindi sa excited sila, kasi minsan traffic sa daan, baka malate siya.
Tinawagan na rin nila yung mga kaibigan ni Chanyeol na sila Kyungsoo para ihatid si Dara.
Kahit papaano'y naging close na ni Dara ang mga ito.
Masasabi ni Kyungsoo na mali yung naging first impression niya kay Dara dahil mabait naman pala talaga ito.
Close rin ni Luhan si Dara lalo na't pagdating sa mga style ng damit. Kaya malungkot siya na aalis na si Dara. Pero babalik rin naman ito.
Naisip rin ni Luhan na magandang chance to para gawin yung plano niya kaya naeexcite siya sa mga susunod na mangyayari.
"Nasa airport na daw sila" sabi ni Chanyeol pagkasakay nila ni Dara ng sasakyan niya.
"Excited ata sila" sabi ni Dara habang tumatawa ng maliit.
Habang nasa biyahe ay pinaaalalahaanan ni Chanyeol si Dara tungkol sa bahay, sa pagluluto at sa pananamit.
Nang makarating sila sa airpirt ay agad na niyakap ni Xiumin si Dara.
"Dara, ingat ka ha?" Bulong nito bago humiwalay sa yakap. Medyo maaga sila sa flight time ni Dara kaya nagkwentuhan muna sila at kumain ng dalaang baon nila Luhan.
Nang dumating yung oras ng pag-alis ni Dara ay nagsisimula nang maexcite yung mga cells niya sa katawan.
Sabay-sabay silang nagpaalam kay Dara at niyakap ito isa't isa.
Bago umalis si Dara ay umasa siyang hahalikan siya ulit ni Chanyeol sa labi pero hindi. Sa noo pa rin siya nito hinalikan.
"Mag-iingat ka dun ha? Tumawag ka kapag free ka, okay?" Tumango si Dara sa sinabi ni Chanyeol at niyakap ito.
"I'll miss you" bulong ni Dara.
"I'll miss you, too" bulong ni Chanyeol pabalik.
Nang makaalis na si Dara ay eksakto namang nagring yung phone ni Luhan.
Unregistered number...
"Sino to?" Sabi niya kaya napatingin sila sa kanya.
Niloudspeaker niya.
"Hello, sino sila?"
Puro ingay ng laruan yung maririnig kaya medyo nataranta siya.
"H-Hello?"
Pag uulit ni Luhan.
"Ah, sorry," tapos tumahimik ulit.
Medyo napatayo ng maayos si Chanyeol ng marinig niya yung boses. Parang nabosesan rin nila yung boses kaya napatingin sila kay Chanyeol.
"Si Baekhyun to," napatigil si Chanyeol at nanlaki yung mga mata niya, "nanakaw kasi yung phone ko eh"
Napatingin si Luhan kay Chabyeol at nagsisi kung bakit niya pa niloudspeaker.
"Patulong naman, Lu oh" sabi ni Baekhyun at pinindot naman agad ni Luhan yung loudspeaker para ioff yun.
"Pupunta ako mamaya, wait lang baek ha? Bye muna" saka niya binaba yung tawag.
Nakatingin pa rin si Chanyeol kay Luhan, habang sila, hindi nila alam kung kanino sa dalawa titingin.
Nagblink si Chanyeol at huminga ng malalim, "L-Luhan...." Panimula niya, "G-Gusto ko aiyang makita, please"
"C-Chanyeol..."
"W-Wag muna, yeol. M-May problema lang si Baekhyun ngayon" napatingin si Chanyeol kay Sehun. Sila kay Sehun habang si Luhan nakayuko dahil mali yung nagawa niya.
Pero alam niyang magandang simula to para sa plano niya.
"A-Alam mo to?" Naluluhang tanong ni Chanyeol kay Sehun dahil parang niloko siya ni Sehun.
"N-Ngayon ko lang rin nalaman, yeol"
"Gusto ko siyang makita ulit, please"
Pagmamakaawa ni Chanyeol kay Luhan.
"Kakausapin ko muna siya, Chanyeol. Kung mamadaliin natin 'to, baka mawala ulit si Baekhyun," sabi ni Luhan habang nakatingin sa mga mata ni Chanyeol, "baka hindi lang siya sayo mawala ulit, baka patin samin, sating lahat"
I won't let that happen again. But what about Dara? I can't hurt her. What should I do?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro