쉰하나
Pagkabigay kay Baekhyun ng 5 pregnancy tests kit ay aalis na dapat siya. Pero natigilan siya at hinarap ulit yung babae.
Nginitian siya nito pero nag-aalangan si Baekhyun kung magsasalita ba siya o hindi kaya nakangiti lang din siya ng pilit.
But in the end, he realize na kailangan niyang gawin yun.
"U-Uhm, excuse me. May restroom ba rito?" Hawak niya ng mahigpit yung plastic ng mga kit at huminga ng malalim.
Tumango yung babae at tinuro sa kanya yung way, "Yes, Sir. Straight lang po kayo dun then left. Pang mga employees lang po yun but I can sense that its an emergency," lumihis siya ng tingin sa gilid ni Baekhyun at tinignan yung guard, "Ahjusshi, pwede niyo po ba siyang samahan sa restroom? Ihatid niyo lang po."
Tumango yung guard at nauna na kay Baekhyun. Ngumiti si Baekhyun dun sa babae at nagbow, "Thank you." Halos pabulong niyang sabi.
Nahihiya kasi siya, iniisip nung babae na baka natate siya or what. And its kind of embrassinh since he didnt feel that way. Pero hinayaan niya nalang kasi hindi niya 'to magagawa when he arrived at their apartment. Kasi for sure magtataka si Chanyeol kung bakit ang tagal niya sa CR or kung bakit ang tahimik niya sa loob, something like that.
"Dito po, Sir. Iintayin ko po ba kayo---"
"N-No, thank you po."
Pagkasabi nun ni Baekhyun ay nagbow sa kanya yung guard kaya ganun na rin ang ginawa niya.
"Thank you po ulit."
Pagkapasok niya ay tinignan niya muna ang sarili niya sa salamin at napahinga ng malalim. Pagkatapos ng ilang minuto ay tinignan niya yung plastic na may 5 pt kit.
"Bat ba ang dami kong binili?" Tanong niya sa sarili niya at natawa ng mahina.
Pumasok siya sa isa sa mga cubicle at umupo sa closed toilet bowl. Kailangan niya ng icheck kung buntis ba siya o hindi. Hindi siya pwedeng magkamali dahil ilang araw na ang nakakalipas mula ng mangyari yun sa kanila ni Chanyeol ng walang gamit na kahit anong proteksyon.
Isa-isa niyang pinatakan ng urine yung mga pt kit at naghintay. Kahit kinakabahan ay kinakalimutan niya iyon. Para siyang nasa isang exam habang nag-iintay ng resulta. Pagkatapos ng 2 minuto ay lumabas na ang resulta ng mga pregnancy tests niya. Kinuha niya lahat iyon at tinago sa bag niya. Napakamot siya sa noo niya at para bang nagulat siya dahil hindi niya inaasahan ang resultang iyon kahit at the back of his head wishing that the result is the other way around.
Napailing pa siya habang lumalabas sa restroom.
Pagkakita niya roon sa babaeng nasa infirmary section ay ngumiti siya ng pilit at nagbow. Ganun din ang ginawa niya sa guard habang sinasabi nito na bumalik siya ulit.
Bago siya pumara ng taxi ay tinext niya si Chanyeol na pauwi na siya. Pero napangiti siya ng malungkot nang mabasa niya yung ilang messages ni Chanyeol habang nag-iintay siya ng resulta kanina.
"Hay, Baekhyun..." Bulong niya at nang makita niya ang paparating na taxi ay pinara niya agad ito para makauwi na siya.
Nang matanggap ni Chanyeol yung text ni Baekhyun ay tumayo na siya upang icheck yung dalawang bata sa loob ng kwarto nila. Tinaas niya yung mga kumot nito sa kanilang dibdib at hinalikan ang noo.
Pagkalabas niya ay may nakita na siyang taxi na papalapit sa lugar niya, "Baka si Baekhyun na 'to. Kailangan ko ng magmadali."
Kaya tumakbo na siya para makauwi na rin siya agad.
Dahil mahahaba ang binti ni Chanyeol ay nakarating na siya agad sa isang convenient store malapit sa kanila. Bumili siya ng 3 ice cream, yung dalawang flavor which is chocolate and strawberry and the other one is for the kids, double dutch.
Ngumiti siya pagkabayad at agad na tumakbo pabalik ng apartment.
Pagkarating sa apartment ay nakita niyang nakasubsob yung mukha ni Baekhyun sa sofa kaya napangiti siya. Isip-bata pa rin kasi yung boyfriend niya. Pinoke niya yung pisngi ng pwet ni Baekhyun kaya agad napaupo si Baekhyun at nginitian si Chanyeol.
Chanyeol felt something in his smile. Kaya umupo siya sa tabi nito at nilagay ang kamay sa beywang ni Baekhyun, "Something happened?"
Umiling lang si Baekhyun kay Chanyeol pagkatapos ay inihiga niya yung ulo niya sa balikat nito. Chanyeol gently kissed Baekhyun's crown and smelled it afterwards. Pagkatapos gawin ni Chanyeol yun ay napabangon si Baekhyun at tinignan sa mata si Chanyeol.
Gusto niyang sabihin kay Chanyeol na may nararamdaman siyang kakaiba kaya sinubukan niyang gumamit ng PT pero may kung ano kay Baekhyun na pumipigil.
Tinignan lang din siya ni Chanyeol, nag-iintay sa kung anong sasabihin nito sa kanya.
Pero pagkatapos ng titigan na iyon ay walang nasabi si Baekhyun. Kinabisado niya lang ulit yung mukha ni Chanyeol. Dahil nararamdaman niyang kapag sinabi niya yun, iba na naman yung iisipin nito sa kanya. Sasabihin na naman ni Chanyeol na baliw siya kahit may proofs na siyang hawak.
And Baekhyun doesn't want that to happen.
Hinawakan niya yung dalawang pisngi ni Chanyeol at tinitigan ito sa mga mata, "Thankyou, Chanyeol." Sabay halik sa labi nito na tumagal lamang ng ilang segundo.
"Welcome!"
Masayang sabi ni Chanyeol at kumuha ng spoon for Baekhyun. Hindi niya napansin yung mood ni Baekhyun na pababa ng pababa, habang si Baekhyun ay pilit na pinatataas yung nararamdaman niya para hindi magtaka si Chanyeol sa kung anong iniisip o kung anong nangyari habang wala siya.
"Kanina pa sila tulog?"
Tanong ni Baekhyun habang patuloy na nagiiscoop ng ice cream at sinusubo ng diretso sa bibig niya. Napapatulala lang si Chanyeol dahil ang bilis kumain ni Baekhyun ng ice cream, nag-aalala siya baka magkabrainfreeze ito.
"Since magkausap tayo kanina sa phone, tulog na sila."
Tumango lang si Baekhyun at sumubo ulit ng malaking scoop ng ice cream. Chanyeol wants to stop Baekhyun but he couldn't, he's too cute, too adorable, too squishy and too innocent to stop, that's the reason why Chanyeol let him be.
Tumunog ang phone ni Baekhyun kaya chineck niya ito. Habang si Chanyeol ay pumunta ng kwarto nila dahil narinig niya ang pag-ingit ni Baekhee.
Inantay ni Baekhyun na makalabas si Chanyeol bago niya sabihin dito yung text ng Eomma niya. Pero paglabas nito ng kwarto ay karga-karga na niya si Baekhee na nagkakamot ng ulo. Nang makita niya si Baekhyun ay ngumiti siya agad, napatayo naman si Baekhyun sa pwesto niya at nilapitan ang mag-ama niya.
Pinisil-pisil niya yung pisngi ni Baekhee, "Ang cute-cute naman ng princess namin ni Papa Chanyeol."
Napangiti naman si Chanyeol sa nakikita niya. Kahit sino'y maiinlove sa ganitong scene lalo na kung makikita mo yung gusto mong pakasalan kasama ang cute na cute na bata.
Pagkalapag ni Chanyeol kay Baekhee ay agad siyang pumunta ng kusina para kuhaan ito ng baso, he scooped a little bit amount of ice cream and placed it there. Inabot niya ito kay Baekhee at umupo sa sofa. Tumabi naman agad sa kanya si Baekhyun.
"Gusto raw hiramin ni Eomma yung dalawang bata... okay lang ba?" Tanong nito sa kanya.
Tumango si Chanyeol at ngumiti, "Of course. Komportable na si Baekhee sa kanila ni Apo, we don't need to worry about that. By the way, saan sila pupunta? Magdidilim na oh."
"Bibisitahin daw nila si Hyung. Alam mo namang hindi na dumadalaw si Hyung sa Busan. Paano ba naman kasi sobrang busy sa Hotel. Maski kami nila Daehyun hindi makaalis sa upuan." Napapailing pa siya habang sinasabi ang mga iyon.
Dahan-dahan namang ipinatong ni Chanyeol yung ulo ni Baekhyun sa balikat niya at pinat ito, "You can rest here for a bit."
Huminga ng malalim si Baekhyun at pinikit ang mga mata. Before he drifted off to sleep he set a mental note that he'll tell Chanyeol everything since the first time he felt it for the second time around.
(a/n: first time tas second time, wtf aning😂)
Nang makatulog si Baekhyun ay inihiga niya ito sa sofa at tumakbo ng marahan sa kwarto nila para kumuha ng kumot na gagamitin nito. Nang makakuha siya ay ipinatong niya ito habang si Baekhee ay pinanonood yung ginagawa niya.
Pagkatapos niyang gawin yun ay nilingon niya si Baekhee at nagthumbs up, tinawanan lang siya nito kaya napangiti na rin siya.
Maya-maya lang din ay nagising na si Chanhyun. Pagkalabas nito ng kwarto ay agad siyang sinabihan ni Chanyeol, "Baby boy, tulog si Papa Baekhyun. Wag kayong maingay ah? He's a bit tired from work."
Tinanguan lang siya ni Chanhyun at pumunta na kay Baekhee na nanonood ng cartoons sa laptop ni Chanyeol. Habang si Chanyeol ay inihahanda yung mga gagamitin ng dalawang bata sa pagbisita sa kanilang Samchon.
"Chanhyun, come here." Mahinang tawag ni Chanyeol pero napakalakas sa tenga ni Chanhyun.
"Yes, papa?"
Nagulat si Chanyeol ng kaunti dahil sa bilis ng anak niya, "Pupunta si Halmeoni niyo rito mamaya. Sasama niya raw kayo kayla Samchon Baekbom."
Ngumiti naman agad si Chanhyun dahil matagal-tagal na rin simula ng huli niyang makita yung pinsan niyang si Taebom.
"Yes, Papa. Can I pack some toys? I'll pack some for Baekhee's too."
Tumango si Chanyeol ng nakangiti habang nagpupunas ng kamay sa suot niyang apron. Kailangan niyang magprepare ng makakain ng Eomma at Appa ni Baekhyun dahil paniguradong napagod ito sa byahe atsaka para na rin iyon kay Baekhyun.
"I need to cook fast. Baka dumating na sila."
Bulong niya sa sarili niya. Binilisan niya ang pagkilos, multi-tasking, habang naghihiwa ng ibang ingredients ay naghahalo siya ng kimchi stew. Hindi niya nilagyan ng red pepper paste dahil naalala niyang hindi masyadong kumakain si Baekhyun ng maanghang plus hindi rin siya makakain ng maanghang.
After a few minutes, natapos niya na yung kimchi stew, seasoned chicken and ramyeon niya ng eksaktong dumating yung magulang ni Baekhyun.
Nagbow agad si Chanyeol at nakipagshake hands sa Appa nito, "Good Evening po. Gusto niyo po bang kumain muna? Nagluto po ako."
Umiling yung Eomma ni Baekhyun at pinat sa balikat si Chanyeol, "Wag na, hijo. Dumaan lang kami para sunduin yung dalawang bata."
"Kanina pa ba tulog si Baekhyun?" Biglang tanong ng Appa nito kaya napalingon din yung Eomma nito kay Baekhyun na natutulog sa sofa.
Napakamot si Chanyeol ng batok kasi baka pagalitan siya nito. Walang heater sa sala nila kaya baka isipin ng mga 'to na pinababayaan niya si Baekhyun.
"O-Opo. Gisingin ko po ba?" Mahinang tanong ni Chanyeol sa mga ito.
"Nako, wag na. Paniguradong pagod din yan," sabi ng Eomma nito at tinignan yung dalawang bata na kalalabas lang ng kwarto nila dala-dala ang sling bags nilang may laruan, "tara na?"
Lumapit naman si Baekhee at Chanhyun sa Halmeoni at Haraboji nila, "Bye, Papa! See you later!" Masayang sabi ni Chanhyun habang nakahawak sa kamay ng Appa ni Baekhyun.
Tumango naman siya rito at ngumiti, "Wag kayong masyadong makulit dun nk Baekhee, okay? Makinig kila Halmeoni at Haraboji, understand?"
Tumango lang ng tumango si Chanhyun habang ginagaya naman ni Baekhee yung mga galaw nito.
"Sige po, Eomma, Appa. Ingat po kayo." Sabi ni Chanyeol pagkasakay ng mga ito sa sasakyan. Nginitian niya yung dalawang bata sa backseat, "Yung usapan natin ah?" Pagpapaalala niya sa mga ito.
Ngumiti yung Eomma ni Baekhyun sa kanya, "Kami ng bahala sa kanila. Si Baekhyun, ha?"
"Opo, Eomma. Salamat po."
Pagkatapos nun ay umalis na sila.
Napakamot ng noo si Chanyeol dahil lumamig na ang mga niluto niya. Naisipan niyang itabi nalang muna iyon para iiinit nalang pag kakain na sila ni Baekhyun. Tutal wala pa namang dinner time.
Umupo siya sa paanan ni Baekhyun at muntik na niyang madaganan ang bag nito. Kaya kinuha niya, ilalapag niya na sana ng makita niyang nakabukas ito.
Balak niya sanang icheck yung bag ni Baekhyun, di niya pa 'to nagagawa kaya itatry niya, tulog naman kasi si Baekhyun.
May nakita siyang plastic ng isang drugstore, bubuksan niya na sana ng biglang magring yung phone ni Baekhyun na nasa coffee table. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag without looking at the ID caller.
"Hello?"
[Baek--- Asan si Baekhyun?]
Its Kyungsoo.
Sinulyapan niya si Baekhyun bago sumagot, "Tulog, bakit?"
[Pagkagising niya, sabihin mo tawagan niya agad ako.]
Napakunot naman ng noo si Chanyeol but he shrugged it off.
"Okay. Yun lang?" Tanong niya pero binabaan na agad siya ni Kyungsoo, "Ang bait talaga ng taong yun."
Napailing nalang siya habang ibinabalik yung phone sa coffee table. Yung balak niyang gawin kanina ay nawala sa isip niya kaya sinara niya yung bag ni Baekhyun at pinasok yun sa kwarto nila.
Naglaro lang siya sa phone niya pagkatapos nun at inantay magising si Baekhyun. Mag-8 na ng magising si Baekhyun kaya inaya siya ni Chanyeol na magdinner.
"Ikaw nagluto?" Tanong ni Baekhyun habang nakakapit sa isang braso ni Chanyeol. Medyo inaantok pa kasi siya kaya ginawa niya munang unan yung malaking braso nito.
Tumango naman si Chanyeol bilang sagot.
"Nga pala, Baek. Sinundo na nila Eomma yung dalawa. Hindi na kita ginising kasi sabi ni Eomma tsaka ni Appa wag na raw. Pumunta lang daw talaga sila para sunduin yung dalawa." Sabi niya habang sumasandal sa sofa nila at nilagay ang braso sa beywang ni Baekhyun para masuportahan ito.
Hinawakan ni Baekhyun yung kamay ni Chanyeol na nasa beywang niya at nilapat ang palad nito sa tiyan niya, "Eh, anong niluto mo?"
Napangiti si Chanyeol sa ginawa ni Baekhyun, kaya bago siya sumagot ay hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito, "Kimchi stew, Seasoned Chicken tsaka Ramyeon. Let's eat?"
Napapikit si Baekhyun sa mga narinig niya. Wala roon yung gusto niyang kainin ngayon. Pero kahit ayaw niya ay tumango siya at naunang tumayo.
"Sandali lang kasi iiinit ko pa 'to." Nagmamadali naman si Chanyeol sa paglalakad para maunahan si Baekhyun. Natawa naman si Baekhyun sa itsura ni Chanyeol.
Umupo siya at inantay matapos ang pag-steam nito.
Nang matapos na ay hindi niya inaasahang ganoon ang magiging epekto ng amoy. Parang basura ang amoy para sa kanya. Hindi niya gusto.
"Tara, kainan na!" Sigaw nk Chanyeol kaya tumango siya at nagpeke ng ngiti.
Unang subo niya ay nilunok niya agad at sinabayan ng tubig. Pangalawa ay ganun pa rin pero gusto na niyang isuka. Pangatlo ay nginuya niya na sabay inom ng tubig.
"Is this minute to win it challenge?" Natatawang tanong ni Chanyeol at tinanggal ang ilang butil ng kanin sa gilid ng labi ni Baekhyun.
Huminga ng malalim si Baekhyun at tinignan si Chanyeol.
"Channie, I dont want this." Sabi nito ng nakanguso.
Umusod si Chanyeol papalapit kay Baekhyun at hinawi ang bangs nito, "Then what do you want to eat?"
Ngumiti siya kay Chanyeol, "Sundae" maikli niyang sagot.
"Street food?" Nanlalaking mata nito.
Hindi niya alam kung meron pa nun dahil anong oras na, pero sigurado siyang sa mga night market ay makakahanap siya.
Tumango si Baekhyun sa kanya kaya napahinga siya ng malalim.
"Okay." Pinat ni Chanyeol yung kamay ni Baekhyun na nakapatong sa lamesa at ngumiti. Tinapos niya yung pagkain niya at tumayo na.
"Wait for me here, okay?" Sabi niya pa at hinalikan si Baekhyun sa labi saglit.
"Okay!" Masayang sabi niya.
Hindi niya rin alam kung bakit bigla niyang hinanap ang Sundae na street food. Type yung ng street food na sausage, but most of the time "real sundae" ang nahahanap nila which is a pig intestine na may cellophane noodles.
Hinatid niya sa pinto si Chanyeol, "Drive safely!" Sigaw niya pagkapasok ni Chanyeol sa sasakyan. Kumaway pa siya rito ng magsimula na itong umandar.
Inantay niyang mawala si Chanyeol bago siya nagtatakbo papasok. Agad niyang kinuha yung phone niya at tinawagan si Kyungsoo.
[Oh buti naman sinabi ni Chanyeol sayo.]
Nagtaka naman siya dahil wala naman siyang maalala sa sinabi ni Chanyeol, "H-Ha?"
[Sinabihan ko kasi siya kanina. Tumawag ako nung tulog ka. Sabi ko pagkagising mo tawagan mo agad ako kako.]
Tumango siya kahit hindi naman siya nakikita nito, "Okay, okay. Pero Kyung!" Sigaw niya.
[Kailangan sumigaw? Oh bakit?]
Lumingon lingon siya sa paligid, chinecheck niya kung may makakarinig ba sa kanya, "Kyung...."
[Ano nga?]
Pumikit siya at hinawakan ng mahigpit yung phone niya, "Buntis ako..."
[WHAT!?]
Nailayo niya naman yung phone sa tenga niya, "Kyungsoo naman eh. Baka matakot yung bata sa tiyan ko."
Matagal bago sumagot si Kyungsoo kaya chineck ni Baekhyun kung kausap niya pa ba ito. On going pa rin yung call pero wala siyang naririnig.
"Kyungsoo?"
Ilang beses niya pa itong tinawag pero wala pa ring sumasagot. Iiend niya na sana ng biglang bumukas yung pinto ng apartment nila.
Napahawak si Baekhyun sa dibdib niya at pinindot ang end call.
"Nakakagulat ka, alam mo yun? Tss." Binatukan niya si Kyungsoo pagkaupo nito sa tabi niya.
Tinignan siya ni Kyungsoo na para bang naiiyak na natutuwa.
"Oh, bakit ganyan itsura mo?" Tanong ni Baekhyun sa kanya.
Nagulat si Baekhyun ng biglang nagluha yung mata ni Kyungsoo, "H-Huy, bakit?"
"I-Im very happy for the both of y-you. A-At syempre, finally. Wala si Luhan sa tabi mo ngayon kaya may chace na kong mabantayan ka't maalagaan. Im so happy, B-Baek.." Sabi nito habang nakayuko.
Napangiti naman si Baekhyun at hinawakan ang kamay nito, "Finally, Kyung. Finally. But..."
Napa-angat ng tingin si Kyungsoo at tinignan si Baekhyun, "What, but?"
Nakita ni Kyungsoo ang panginginig sa mata ni Baekhyun, "Pano kung iwan ako ulit ni Chanyeol?"
Napalo naman ni Kyungsoo yung kamay ni Baekhyun na hawak niya, "Ano ka ba? May anak na kayo. Hindi ka na niyan iiwan! Ang bobo niya nalang kung gawin niya pa yun!"
Tumango si Baekhyun at ngumiti ng malungkot.
"Baekhyun, ano ba. Malulungkot yung baby mo niyan eh. Smile na! Hindi ka iiwan ni Chanyeol, okay?" Sabi ni Kyungsoo habang hinihimas ang kamay ni Baekhyun para mapabuti ang pakiramdam nito kahit papano.
"Balak ko ng sabihin sa kanya mamaya. Kahit natatakot ako, sasabihin ko." Sabi ni Baekhyun habang nakatingin kay Kyungsoo.
Tumango naman si Kyungsoo, "Sige. Tawagan mo ko pag iniwan ka ulit nung mokong na yun para mabatukan ko na siya," tumawa si Kyungsoo ng mahina pero sumeryoso rin ulit, "balak mo rin bang sabihin sa barkada?"
Napatingin naman si Baekhyun sa mata ni Kyungsoo, "P-Pag naging okay yung pag-uusap namin ni Chanyeol mamaya."
Tumango si Kyungsoo at huminga ng malalim, "Im so happy for you, Baekhyun."
"Masaya rin ako, Kyungsoo." Nakangiting saad ni Baekhyun.
Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na si Kyungsoo. Tumakas lang daw kasi siya sa apartment nila ni Jongin ng malaman yun kay Baekhyun. Kaya baka hinahanap na siya nun ngayon.
Bago umalis si Kyungsoo ay niyakap niya si Baekhyun ng mahigpit, "Think positive, Baekhyun. He'll believe you this time."
Bago humiwalay ay hinalikan ni Kyungsoo ang sentido ni Baekhyun na naging dahilan ng pagngiti nito.
"Thankyou, Soo."
"Anytime."
Pagkaandar ng sasakyan ni Kyungsoo ay kumaway siya at inantay ang pag-alis nito. Nang mawala na ay pumasok siya at hinanap yung bag niya.
Nang makita niya iyon sa kwarto nila ay kinuha niya agad yung plastic. Nilabas niya isa-isa at pinatong sa coffee table. Limang pregnancy test, lahat positive. Lahat dalawang linya. Lahat may dalawang pula. Buntis siya. Kahit pa hiniling niya na 50% ay hindi, masaya siya sa naging resulta.
Ngayon nakikita niya yung buhay kasama si Chanyeol, kasama ang tatlo niyang anak.
Napangiti siya habang nakatingin sa mga pregnancy test. Hindi niya namalayan ang maingay na pagpatay ni Chanyeol ng sasakyan at ang pagpasok nito sa pinto.
Napakunot ang noo ni Chanyeol ng makita si Baekhyun na nakangiti. Sinundan niya ang tingin ni Baekhyun at nakita niyang may limang maliliit na rectangular shape sa coffee table nila.
Naglakad siya papalapit dito at nang makita niya iyon ay napaupo siya sa tabi ni Baekhyun.
Nagulat si Baekhyun sa pag-upo ni Chanyeol. Nagpalipat-lipat yung tingin niya kay Chanyeol at sa Pregnancy tests na nasa harap nilang dalawa.
Hinawakan siya ni Chanyeol sa balikat, "A-Ano 'to?"
Bumagsak naman bigla yung balikat ni Baekhyun. Parang nanghihina siya. Parang ayaw na niyang ituloy yung balak niya.
"B-Baekhyun... Ano 'to?" Sabi ni Chanyeol at tinuro yung mga pregnancy test.
Napapikit si Baekhyun at hinawakan si Chanyeol sa kamay. Pumatak yung luha niya. Yung luha niyang sumisimbolo ng takot niyang mawala si Chanyeol, yung luha niyang sumisimbolo ng sakit na nararamdaman niya sa pwedeng mangyari ngayong gabi.
"C-Chanyeol---" hindi niya natuloy yung sasabihin niya ng biglang tumayo si Chanyeol at lumabas nang pinto nila.
Hindi niya napigilan yung luha niya at napatakip ng mukha niya. Hindi niya inexpect na mauulit 'to. Hindi niya inexpect na mas masakit 'to.
Nakita niya yung pinabili niya kay Chanyeol na nasa lapag. Nakita niya rin yung jacket ni Chanyeol kaya kinabahan siya. Pinunasan niya yung luha niya at kinuha yung jacket ni Chanyeol.
Malamig ngayon kaya hindi kakayanin ni Chanyeol yung lamig sa labas ng walang jacket.
Pagkabukas niya ng pinto nila ay nagulat siya ng makitang nakaluhod at nakayuko si Chanyeol sa sahig.
Naalala niya yung noon. Pumikit siya at pinigilan ang pag-iyak. Lumapit siya rito ng marahan at pinatong kay Chanyeol yung jacket.
Nilingon siya nito. Nakita niyang umiiyak din si Chanyeol.
"M-Malamig, baka lamigin ka rito. A-Ano, sabihin mo l-lang kung a-aalis ka ulit----"
Tumayo si Chanyeol at niyakap si Baekhyun. Kahit gulat ay niyakap niya rin pabalik si Chanyeol. Dun mas lalo siyang naiyak.
"A-Akala ko iiwan mo ulit ako..." Bulong ni Baekhyun.
Umiling si Chanyeol at pinunasan ang luha ni Baekhyun, "Hinding hindi na mangyayari yun."
Tumango si Baekhyun at hinalikan si Chanyeol sa labi. Pinulupot niya yung braso niya sa leeg ni Chanyeol habang si Chanyeol ay sa beywang ni Baekhyun.
Saglit lang pero masarap sa pakiramdam. Nang maghiwalay ay hinalikan pa ni Chanyeol ang noo ni Baekhyun at tinanggal ang jacket na nakapatong sa kanya.
"Mahamog na. Baka mapano si baby, tara na sa loob." Inalalayan naman ni Chanyeol si Baekhyun sa paglalakad papasok. Nasa beywang ni Baekhyun ang kamay niya habang hawak niya sa isa niyang kamay ang kamay nito.
"Ay wait." Sabi pa ni Chanyeol nang marating nila ang pinto ng apartment, "May nalimutan ako. Go ahead." Nakangiting sabi nito.
Sumunod si Baekhyun at pumasok na sa loob. Pagkapasok ay inantay niya si Chanyeol sa kusina dala-dala ang Sundae na pinabili niya.
After a few minutes, no chanyeol around kaya sumilip siya sa sala at nagulat siya sa nakita niya.
"Oh my!" Sigaw ni Baekhyun.
"Did you like it?" Tanong ni Chanyeol habang naka sandal sa gilid ni Baekhyun.
Nginitian niya ng malaki si Chanyeol, "I love it!"
Lumapit si Baekhyun sa Strawberry Shortcake doll at niyakap ito.
"I remember before, you forced me to promise you one thing. Hindi ko pa alam nun na buntis ka kay Chanhyun. Sabi mo noon, pag may nakita akong doll na strawberry shortcake, ibili kita." Nakangiting sabi ni Chanyeol.
Napanguso si Baekhyun at iniscan yung doll.
"Luckily, may nakita akong doll stand sa night market. Hindi talaga iyan yung una kong napansin. Yung ferret doll. But when I was about to get the ferret, I noticed the doll. Kaya kinuha ko. And I didnt hesitate to buy it."
Napangiti si Baekhyun at tumakbo kay Chanyeol. Niyakap niya ito, nasa gitna nila yung doll.
"Thankyou, Channie!"
"Always welcome! By the way, you still like her?"
Tumango si Baekhyun habang nakanguso, "She's getting cuter. Isn't she?" Sabi niya habang nakatingin sa doll.
Napailing si Chanyeol, looks like he wanted to give up but no, "May tigyawat pa rin siya."
Tinignan siya ng masama ni Baekhyun, "That's not a pimple. It's called 'freckles', Mister."
Hinila niya si Baekhyun at niyakap sa beywang, "I dont care as long as I love you."
Binitawan ni Baekhyun yung manika at niyaka si Chanyeol sa leeg, "I love you, too."
And Chanyeol closed the gap between them, once again.
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
fb: facebook.com/aningbyun
twt: @onychophagywp
ig: cacchination
vyrl: onychophagy
👋👋👋👋👋👋👋
thanks!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro