Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

쉰일곱

"What about the balloons? Don't forget the color pink, okay?" Sigaw ni Baekhyun sa cellphone niya habang nagluluto.

Nasa mall kasi si Chanyeol kasama yung iba nilang mga kaibigan, namimili ng mga gagamitin nila para sa birthday ni Chanhyun. Sa dami ng nangyari sa buhay nila, hindi nila masyadong napansin ang pagdaan ng araw. Masyadong mabilis, hindi nga nila nacelebrate ang birthday ni Chanyeol.

[Of course, I wouldn't.] Sagot ni Chanyeol mula sa kabilang linya.

Mabuti na lamang ay nandito yung iba rin nilang kaibigan para bantayan sila Chanhyun at Baekhee, habang yung iba ay tinutulungan siya sa pagluluto ng meryenda nila.

May ilang araw pa naman bago yung birthday ni Chanhyun kaya kampante siyang magiging maayos at maganda yung birthday ng anak nila.

Andun naman si Jongin, Sehun, Kris, Chen, Lay, at Chanyeol kaya mabibili nila lahat ng kakailanganin para sa araw na yun.

"Dalian niyo lang ah? Malapit na rin matapos yung niluluto ko eh." Sabi ni Baekhyun at hinalo-halo pa iyon.

Binaba niya na yung tawag nang marinig niyang nag-Okay si Chanyeol sa kabilang linya.

"Wag kang mag-alala, mabibili nila lahat ng nilista natin." Rinig niyang sabi ni Xiumin mula sa likod niya.

Nilingon niya ito at nakitang hawak-hawak yung manika ni Baekhee. Ngumiti siya rito at tumango.

"You need some help there?" Tanong pa nito sa kanya.

Ngumiti ulit siya at umiling, "No, no need. Patapos na rin kasi ako."

"Okay. Ipeprepare ko nalang yung mga gagamitin, wag mo kong pipigilan, okay." Sabi ni Xiumin. Tumango nalang si Baekhyun at nagpasalamat.

Ilang minuto lang din ay natapos na ni Baekhyun yung niluluto niya habang si Xiumin ay patuloy na naghahanap ng mga gagamitin. Hindi niya naman kasi alam kung asan yung mga gamit nila Baekhyun dito. Ayaw niyang tanungin si Baekhyun kasi alam niyang pag tinanong niya iyon ay siya na ang gagawa nito.

Napangiti si Baekhyun ng makita yung sitwasyon ni Xiumin. Nang magtama yung mga mata nila ay napahinga ng malalim si Xiumin habang nakangiti na para bang humihingi ng pasensya.

"Asan ba kasi yung iba niyong plato? Ang daming kulang eh."

Tinuro ni Baekhyun yung mga cabinet sa itaas ng lababo, "Nandito lahat. Plato, kutsara't tinidor pati baso. Lahat andyan." Nakangiti nitong sabi kay Xiumin.

Tumabi si Xiumin sa kanya at tinignan yung cabinet, "Ang taas naman, ano ba yan." Natatawa nitong sabi.

"Si Chanyeol kasi eh," napangiti si Baekhyun habang inaalala yung nangyari nung araw na yun, "Kung sa baba raw kasi namin ilalagay, maaabot ng mga bata."

Ngumuso si Xiumin at tumango, "Infairness, nagpafunction utak ni Chanyeol." Natawa si Baekhyun sa sinabi ni Xiumin.

"Grabe ka naman. Para mong sinabi na hindi gumagana utak ni Chanyeol."

Umupo si Baekhyun habang hawak-hawak yung tiyan niya. Inalalayan naman siya ni Xiumin at nagpasalamat pagkaupo niya.

"Kasi noon, nagpafunction lang utak niya kapag nagseselos o di kaya kapag nagagalit. Malay ko ba sa taong yun. Matalino naman, mali lang yung paggamit."

Mas lalong natawa si Baekhyun sa sinabi nito. Kasabay nun ang malakas na pagtawa ni Baekhee kaya napalingon sila sa sala t nagkatinginan. Napangiti silang dalawa.

"Oh tara. Alalayan na kita tapos kukuha na ko ng mga plato."

Inalalayan niya si Baekhyun hanggang sa makarating sila sa sala. Nang makita ni Suho na parating si Xiumin at Baekhyun ay inalis niya yung mga laruan na nakakalat sa dadaanan ni Baekhyun at hinanda yung uupuan ni Baekhyun. Nilagyan niya ng extrang unan yung upuan para makomportable ito.

Si Tao naman ay gumawa ng paraan para maiiwas yung dalawang bata sa dadaanan ni Baekhyun. Habang si Kyungsoo at Luhan ay inaantay ang pag-upo niya.

Nang makaupo si Baekhyun ay balik na sa dati yung mga bata. Habang naglalaro yung mga bata ay pinanonood sila ni Baekhyun. Si Xiumin naman ay naging abala sa pag-aayos pati sa paglipat ng mga pagkain sa lalagyan ng mga niluto ni Baekhyun.

They're quite surprised to see that Baekhyun is cooking when they arrived. Naisip nila yun siguro yung benefits mo kapag karelasyon mo ay magaling magluto. Matututo ka rin. Marunong naman kasing magluto si Baekhyun, hindi lang ganun kagaling. But now, he's better than before.

Sabay-sabay silang napatingin sa labas ng marinig ang mga paparating na sasakyan. Tumayo naman si Kyungsoo para buksan yung pinto para na rin tulungan sila sa mga dala nila.

Pagkapasok nila ay agad kinamusta ni Baekhyun ang pamimili nila habang si Chanyeol ay pinapasok yung mga pinamili nila sa kwarto para hindi mapakialaman ni Baekhee. Si Chanhyun kasi napagsasabihan na, si Baekhee ganun din naman pero masyado pa kasing bata kaya nakakalimutan niya yung mga sinasabi sa kanya.

"Paborito bang kulay ni Chanhyun blue at pink?" Tanong ni Chen pagkaupo niya.

Tinignan siya ni Baekhyun, ngumiti at umiling, "Chanhyun likes blue, while Baekhee likes pink. Hindi naman pwedeng isa lang ang may balloons kasi normally sa mga bata talagang may inggitan na magaganap," huminto siya at tinignan yung dalawang bata maya napatingin din sila absentmindedly, "kaya as much as possible, binibilhan namin sila ng tig-isa."

Napangiti si Sehun sa sinabi ni Baekhyun, "You know what, dahil sa pagiging psychology major mo kaya kayo nakapasa sa adoption tests."

Umiling si Baekhyun, lumabas naman si Chanyeol at tumabi kay Baekhyun, "Si Chanyeol ang madalas sumasagot sa tanong nila."

"Ano lang ginagawa mo pag nandito sila?" Tanong ni Jongin.

"Pinanonood ko lang silang maglaro. Its fun watching them." Sagot ni Baekhyun sa kanila.

"What if mag-adopt nalang din tayo?" Suggestion ni Kyungsoo.

Napatingin silang lahat sa kanya, nagulat sila syempre.

"Babe, we dont have enough space." Sagot ni Jongin.

Syempre gusto rin ni Jongin ng bata, he do. He really do. Kaso kailangan nila ng malaking space sa apartment nila. Umpisa palang ng test, bagsak na agad sila.

"We can renovate our apartment. O di kaya lumipat tayo sa mas malaking apartment. Kung gusto naman talaga natin, may paraan diba?" Sabi ni Kyungsoo sa kanya.

Xiumin smiled at him, "Tell me kung kailan ka pupunta ha? Sasama ako sayo."

Tinignan siya ni Chen, "Gusto mo rin?" Nakangiti niyang tanong.

Xiumin nodded, "Sure. Sasama rin ako." Sabi ni Chen sa kanya.

"Kayo? Walang balak?" Tanong ni Chanyeol kay Suho, Lay, Kris, Tao, Luhan at Sehun.

Nagkatinginan muna silang anim.

"Kami ni Lay may possibility. Magmamigrate kasi kami sa China, diba? Kaya baka dun nalang kami mag-adopt. Para talagang fresh from the start." Sabi ni Suho. Pero mas nagulat sila sa nalaman nila.

"Magmamigrate kayo sa China? Bakit? Kelan?" Sunud-sunod na tanong ni Luhan.

Tinignan siya ni Lay at umupo ng maayos, "Remember our business? Inofferan kasi kami ng World Animal Protection Organization sa China. Uhm, tulungan raw namin sila since maraming nagsesend ng feedback samin through social media, kaya napansin nila."

"That's a great opportunity for us. Atsaka atleast doon, mas malapit sa parents ni Lay. If ever, may magbabantay sa aampunin namin." Nakangiting sabi ni Suho.

"Pumayag ba parents mo?" Tanong ni Kris.

Hindi birong tumira sa China lalo na kung Democracy yung nakasanayan mong government. Communism kasi ang sa China. Mas mahalaga sa kanila ang pakikipaglaban.

Suho hesitated but he nodded, "Sa tingin ko naman Im old enough to decide for myself diba?" Natatawa niyang sabi.

Tumango naman sila sa sinabi ni Suho.

"Lets keep in touch ha? Magnininong pa kayo sa anak namin." Nakangusong sabi ni Baekhyun.

Tumango si Lay, "Aalis kami after ng baptismal ng kambal mo."

Tumango si Baekhyun na para bang tuwang-tuwa siya sa narinig niya.

Maya-maya ay lumapit si Baekhee kay Tao, "Tito, can you fix this f-for me?"

Yung lego na binigay ni Daehyun sa kanila.

"What do you want me to do?" Nakangiting tanong ni Tao kay Baekhee.

"I want a cute car. Y-You can do that right?" Sabi ni Baekhee sa kanya habang hawak-hawak yung isang kamay ni Tao.

Tumango si Tao sa kanya, "Of course, too easy. Let's go there so we can choose different shapes."

Hinawakan ni Tao yung dalawang kamay ni Baekhee at itinaas ito sa ulo nito na para bang inaalalayan niya sa paglalakad kahit marunong na ito.

"Hoy, marunong ng maglakad yung anak ko!" Sigaw ni Chanyeol kaya hinampas siya ni Baekhyun sa hita.

"Wag ka nang sumigaw. Ang laki-laki na ng boses mo sisigaw ka pa."

Ngumiti si Chanyeol sa kanya, apologetic smile, "Sorry, mahal."

Sumandal si Baekhyun sa balikat ni Chanyeol at pinanood si Tao na bumubuo ng sasakyan gawa sa lego pieces habang kinakausap din siya ni Baekhee at ni Chanhyun.

"The kids loves him." Sabay na sabi ni Baekhyun at ni Kyungsoo.

Tinignan naman nilang lahat si Kris. Well, for Kris hindi niya nagets yung tingin nila.

"Uhhh... Yeah, I think so."

Dahil sa sagot niya ay nasipa siya ni Chen, "What we meant in those stares is, kelan niyo balak mag-anak?"

Tinignan siya ni Kris na nashock, "Pwede siyang mabuntis!?"

Napafacepalm naman ang karamihan sa kanila. Not expecting this happen.

"Gaga! Ibig niyang sabihin, kelan niyo balak mag-ampon?" Pagkaclarify ni Luhan at tinarayan si Kris.

Napahinga ng malalim si Kris at tinignan si Tao na nakikipag-usap sa mga bata, "I dont know anything about kids. Im scared of failing him. Baka ineexpect niya na marunong ako or I know something about taking care of them when in fact, I dont know anything."

"You can search on google."

"Buy some books. May bookstore malapit sa place niyo."

"You can attend seminars, too."

"Meron din sa youtube yung mga tutorials. How to do this, that. What they can eat, can't eat. Mga ganern."

Ibat-ibang suggestion nila.

"Maybe I can try those things first bago ko siya iopen kay Tao." Nakangiting sabi ni Kris.

Tinignan ulit ni Chanyeol si Tao, "I can sense that he wants one, too."

Tumango si Kris habang nakatingin kayla Tao, Baekhee at Chanhyun.

"Oh, eh kayo?" Sabi ni Xiumin at tinuro si Sehun at Luhan na tahimik na nakaupo.

"Walang balak?" Tanong ni Suho.

Napressure si Luhan ng kaunti kasi halos lahat ng mga kaibigan nila ay may plano ng mag-ampon. Gusto niya rin kasi. Kaso iniisip niya si Sehun.

"Sama na rin kayo samin." Pag-aaya ni Kyungsoo sa kanila.

Tinignan ni Luhan si Sehun, he's quite surprised ng makita niyang nakatingin ito sa kanya kaya nginitian niya ng maliit.

Ngumiti rin siya sa mga kaibigan niya na nag-aantay ng sagot niya, "Maybe... maybe next time." Sabi niya, hindi niya napansin yung pagbabago ng expression ni Sehun.

"Bat next time pa? Pwede namang sabay-sabay na tayo, diba?" Sabi pa ni Chen na tinanguan ng iba pa nilang kaibigan.

Umayos ng upo si Luhan at ngumuso, "Nag-aaral pa kasi si Sehun. Baka maistorbo lang siya sa pag-aaral niya."

Tinginan naman nila si Sehun na diretdo lang ang tingin kay Luhan. Hindi siya napapansin ni Luhan since magkatabi lang sila tsaka hindi niya rin nililingon si Sehun.

"If you really want one, why not?" Singit ni Sehun. Hindi niya kasi inisip na magiging disturbance yun sa kanya eh. Kasi lahat ng bagay pwede mong gawin motivation for success.

Tinignan siya ni Luhan at hinilot yung tuhod niya, "Next time nalang. Makikipaglaro nalang muna ako sa mga anak nila." Pinat niya pa ng ilang beses yung tuhod ni Sehun bago umiwas ng tingin.

Nasaktan si Sehun sa mga sinasabi ni Luhan, unintentionally. Kasi kayang isacrifice ni Luhan yung happiness niya para sa kanya.

Naalala niya yung time na umalis si Luhan, nung nakikipaghiwalay si Luhan sa kanya, yung mga sinasabi nito sa kanya. Hanggang ngayon, sinisisi niya pa rin yung sarili niya. Kung bakit ba pinili niya 'tong course na 'to. Hanggang ngayon hindi pa rin matapos-tapos. Kaya hanggang ngayon, may limitasyon pa lahat sa kanila ni Luhan.

"We can still adopt one." Sabi niya pa.

Tinignan nila si Sehun. Nilingon ulit ni Luhan si Sehun at ngumiti ng maliit, "Next time nalang. Marami ka pang kailangan asikasuhin."

Hindi na siya nagsalita kasi baka pagtalunan pa nila 'to ni Luhan.

"O-Osige, basta Luhan aayain ka pa rin namin ha? Kahit sumama ka lang." Sabi ni Xiumin sa kanya.

Tumango si Luhan at ngumiti.

Si Kris naman ay patuloy ang panonood kay Tao at sa dalawang bata na naglalaro, hindi niya napapansin na napapangiti siya sa panonood.

Nang mapansin ni Jongin ang nakangiting itsura ni Kris ay tinuro niya ito sa mga kaibigan niya. Hindi rin nila maiwasang hindi panoorin yung pinanonood ni Kris at napapangiti rin sila.

Except for Luhan and Sehun, hindi nila pinanood ng matagal ang mga ito. Napahinga nalang ng malalim si Luhan bago tumayo.

"CR lang ako." Bulong niya kay Sehun.

Sinundan siya nito ng tingin. Pagkaalis ni Luhan sa paningin niya ay pinanood niya sila Chanhyun namg nakangiti.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

Nakaalis na yung mga kaibigan nila at naiwan sila sa sala. Yung dalawang bata ay nanonood ng Spongebob Squarepants.

"Alam mo, feel ko gusto na ni Sehun mag-ampon sila." Panimula ni Chanyeol habang hinihimas yung tiyan ni Baekhyun na malaki.

Tumango si Baekhyun sa kanya, "Pero ayaw pa ni Luhan."

Umiling si Chanyeol dahil hindi iyon yung napansin niya, "Gusto na rin ni Luhan. Kilala mo naman yun. Simula noon sabi mo siya ang kalaro ni Chanhyun."

Tinignan siya ni Baekhyun at tumango, "Nag-aaral pa kasi si Sehun. Iniisip lang ni Luhan yung pwedeng mangyari."

Hinalikan nalang ni Chanyeol yunh sentido ni Baekhyun at ginuide ito pahiga sa balikat niya.

"Hindi ka ba nahihirapan gumalaw?" Nag-aalalang tanong ni Chanyeol.

Umiling si Baekhyun mula sa pagkakahiga sa balikat ni Chanyeol at pinulupot ang braso sa braso nito.

"Sabihan mo ko kapag sumasakit na yung tiyan mo ha?" Dagdag pa niya na tinanguan ni Baekhyun.

"Matutulog na ko, mahal." Malambing na sabi ni Baekhyun.

Tumango si Chanyeol at tinawag yung dalawang bata, "Chanhyun, Baekhee?"

"Papa?"

"Give Papa Baekhyun a good night kiss, now." Nakangiting sabi ni Chanyeol sa kanila.

Tinignan ni Chanhyun si Baekhyun, nakapikit na ito, "But its too early." Nakanguso niyang sabi.

"Maybe he's tired. Just kiss him so he'll have sweet dreams." Pagkukumbinsi ni Chanyeol sa mga bata para maihatid na niya si Baekhyun sa kwarto nila.

"Okay." Nakangiti nilang sabi.

Inalalayan ni Chanhyun si Baekhee na sumampa sa sofa para halikan si Baekhyun sa labi, "G-Goodnight, Papa, Goodnight, babies." Sabi ni Baekhee at hinalikan din yung tiyan ni Baekhyun.

Sumunod naman si Chanhyun, ganun din ang ginawa niya.

"Goodnight, Papa. I hope I'll see my brother and sister, soon!" sabi niya bago halikan ang tiyan ni Baekhyun.

Nakangiti si Chanyeol the whole time, "Very good. Sige na, manood na ulit kayo. I'll send Papa to bed."

Pagkasabi nun ni Chanyeol ay tumakbo na yung dalawang bata at siya naman ay inalalayan ang nagtutulog-tulugan na Baekhyun.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

Makalipas ang ilang araw ay dumating na ang birthday ni Chanhyun. Since Chanhyun likes Cars movie, yun nalang yung ginawa nilang theme.

They use blue and pink balloons sa tables decoration and sa side ng rooms. They prepared everything, planned everything since this is the first time na makakasama si Chanyeol sa birthday ni Chanhyun.

Chanhyun suggested na wag ng magclown. He said he's not a baby anymore na ikinagulat ni Baekhyun at Chanyeol.

They chose Suho and Lay as MC for Chanhyun's 7th birthday since may experience na sila sa MC-ing.

And since hindi pa nagschool si Chanhyun, ang ininvite nila mostly ay yung mga pinsan ni Chanhyun sa Busan and yung iba ay galing sa orphanage na pinag-adopt-an nila kay Baekhee.

The birthday celebration went smoothly, yung mga birthday routines, the introduction, the games, and of course, eating time. They chose eating time as the last segment para uuwi silang busog.

But before the birthday ended, may dumating na hindi nila inaasahan.

"Happy birthday, Chanhyun. Can you still remember me?" Nakangiting niyang sabi kay Chanhyun habang nakahawak sa mic.

Nahihiyang umiling si Chanhyun but later on, nginitian niya nalang ito.

"Im Imo-Dara." Nakangiti niyang sabi kay Chanhyun.

Chanhyun smiled at her and clapped his little hands, indicating that he remembered her.

Nagpapalitan naman ng tingin si Baekhyun at Chanyeol habang pinanonood si Dara sa harapan.

"C-Chanyeol..."

Hinawakan ni Chanyeol yung kamay ni Baekhyun para kahit papano'y gumaan ang pakiramdam nito.

"Don't worry. Kapag may ginawa siya, hindi na natin siya patatakasin ngayon."

Inabot ni Dara yung regalo niya kay Chanhyun at pinantayan ang level ni Chanhyun, "I just wanted to say happy birthday and sorry what I've done to you before and as well as to your parents. They look kinda scared right now. But really, Im sorry," nung sinabi niya yung sorry ay tumingin siya kayla Chanyeol at Baekhyun, "and I couldn't believe na kayo yung makakapag-adopt kay Sarang, marami kasing may gusto sa batang yan. But congratulations, I heard you're having twins. I hope, I just hope na kunin mo kong ninang."

Dahil sa sinabi ni Dara ay napangiti si Baekhyun at tumango bahagya sa kanya. Ngumiti pabalik si Dara sa kanya.

"Thankyou, Baekhyun. And to you, Chanyeol. Have lots of fun, be happy, Baekhee! Happy birthday to you, Chanhyun!" Pagkatapos sabihin ni Dara yun ay nginitian niya ulit si Chanhyun, niyakap at hinalikan sa noo.

Nginitian niya si Baekhyun at Chanyeol bago tuluyang lumabas ng venue.

Kinalabit ni Baekhyun si Chanyeol, "Kunin natin siyang ninang for the twins, okay?"

Ngumiti si Chanyeol at tumango.

They continued watching the birthday celebration. Sumasali sila kapag kailangan ng participant, but most of the time hindi naman kailangan yung parents sa buong celebration kaya pinanood nalang nila si Chanhyun na nagsasaya, pati si Baekhee with her new friends.

Nang matapos yung birthday celebration ay inabot nila yung remembrance nila at nagpasalamat personally.

Chanhyun's birthday ended well. But not their day with Baekhee's bleeding forehead.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
hi! sorry for the long wait! sobrang busy lang talaga since finals na💔😭 hope you liked it!

xx, onychophagy💞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro