쉰여섯
Nagkatinginan silang lahat. Most of them hindi nagets yung ibig nilang sabihin and Baekhyun is one of them. Nakakunot yung noo niya habang palipat-lipat yung tingin niya kay Chanyeol pati sa ultrasound result niya.
Si Chanyeol naman ay nakararamdam ng halu-halong emosyon. He wants to congratulate the both of them for having twins but on the other side, something negative vibes trying to eat him.
"Doc, wait lang. Mababa po kasi grades ko nung high school sa Biology, paexplain naman po." Maayos na sabi ni Chen habang nakatingin dito.
Nagets ni Chen. Gusto niya lang ng assurance. Parang sa relasyon, kailangan ng assurance.
Ngumiti si Mr. Kim sa kanya at tumango, "Here, you can see the two spinal cords. Two heads and two different formation of bodies. So with this, what can you comprehend?"
Chen squints his eyes, ayaw niyang mabigla si Baekhyun na ngayon ay tahimik sa kinauupuan niya. Tumango nalang siya at ngumiti rito.
Tumango rin ng dahan-dahan sa kanya si Mr. Kim at binalingan si Baekhyun.
"So, Baekhyun. What can you say about having twins?" Nakangiting tanong nito sa kanya.
Masaya siya kay Baekhyun. Bihira sa babae ang magbuntis ng kambal. Bihira na sa babae, pano pa kaya sa lalaki diba.
Nanginginig yung mata ni Baekhyun ng tignan niya yung Appa ni Taeyeon, "M-Magiging delikado po ba y-yung buhay ko dahil dito?"
Chanyeol reached for Baekhyun's hand, and when he does, he squeezed it gently. Gusto niyang malaman ni Baekhyun na andyan lang siya para sa kanya.
"Of course not," nakangiting sabi nito sa kanya, "but you need to take care of yourself para hindi ka mapunta sa ganung estado."
Tumango si Baekhyun sa kanya, "Doc, what about the gender of my twins?"
Kinuha ni Mr. Kim yung isang pang ultrasound result na binaligtad niya kanina. Nakangiti niyang pinakita kay Baekhyun yung larawan.
"On the right side, you can see that there's a penis while on the right side, none. None because he's back is facing to us. Hindi ko pa makita yung genital niya." Sabi nito. He smiled at Baekhyun.
Gustong intindihin ni Baekhyun yung sinasabi nito but he couldnt. Parang sobra-sobra yung information na nalalaman niya.
"So is it possible that he's having a girl and a boy?" Tanong ni Kris na nakatayo sa likod ng Chanyeol.
Tinignan siya ni Mr. Kim at tumango, "Yes, nothing is impossible. We just need to wait. Maybe he or she is not ready yet."
Sabay-sabay silang napatingin kay Baekhyun na napatitig bigla sa kawalan. He's surpised, happy, and such positive emotions invading him.
"Gosh, Baekhyun! May kambal ka na!" Sigaw ni Xiumin habang hinahampas si Chen sa braso.
"Mag-isip na agad tayo ng pangalan ng dalawang bata." Masayang sabi ni Luhan.
Inalog naman ni Chanyeol yung kamay ni Baekhyun na naging dahilan ng pagbalik nito sa katinuan.
"So, I'll leave you here for a while." Paalam ni Mr. Kim at bumalik sa loob.
Humigpit yung hawak ni Baekhyun kay Chanyeol kaya kinabahan ito. Yung mga kaibigan naman nila ay busy sa pag-uusap tungkol sa pangalan ng mga bata.
"Baekhyun, bakit? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Chanyeol.
Umiling si Baekhyun at tumulo ang isang luha sa mata niya, "Masaya ako, Chanyeol."
"Eh bakit ka umiiyak?" Tanong nito at pinunasan ang luhan iyon ngunit may tumulo na naman hanggang sa sunod-sunod na.
Pumatong siya kay Chanyeol at niyakap ito sa leeg.
"Tears of j-joy, shunga." Bulong pa nito.
"Hoy! May kambal ka na wag na kayong gumawa ulit dyan!" Sigaw ni Kyungsoo.
Humiway si Baekhyun sa leeg ni Chanyeol at sinigawan din ito, "Inggit ka lang!"
"Ay! Palaban si Oppa mo Baekhyun!" Sabi ni Lay habang nasa magkabilang pisngi niya yung dalawa niyang kamay.
At dahil dun naging okay na yung pakiramdam ni Baekhyun. Knowing that he's not alone in this situation anymore. Knowing that his friends accepted who he is. And knowing that they supported him through thick and thin made him happy and contented.
And maybe, that's enough reason for him to become much stronger.
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Pagkauwi nila ay iniwan na muna ni Chanyeol si Baekhyun sa apartment nila para sunduin yung dalawang bata. Magkaibang way kasi kaya hindi nila nasundo after the check up.
Nagdecide si Baekhyun na tawagan yung Hyung niya para iinform ito.
"Hello, Hyung?" Sabi agad ni Baekhyun ng marinig niya na sinagot ng hyung niya yung tawag.
[Oh, Baekhyun. Napatawag ka?]
"H-Hyung..." Syempre kinakabahan siya sa pwedeng ireact ng hyung niya pero he's his family kaya kailangan niyang sabihin yung result.
[Kung magpapaalam ka for vacation, fine. I know your condition. Magpahinga ka, magpakalusog ka. Kami na muna bahala rito. Tsaka andito naman partner mo eh. No need to worry.]
Napangiti siya sa sinabi ng hyung niya, "Promise, hyung. Pagkatapos kong manganak magsisipag ako sa pagtatrabaho."
[Bumalik ka rito 2 months after you gave birth.]
"Matagal pa yun." Sabi niya at sumilip sa bintana nila.
[Atleast nakapagpahinga ka na ng maayos diba? And by the way, nasabi sakin ni Eomma na nagpaultrasound ka raw mgayon. Kamusta?]
Kinabahan naman siya ulit, first time kadi na updated sila sa pagbubuntis niya, "Its fine. Tsaka I'm having twins. A boy and an unknown gender." Halos palakad-lakad siya sa tapat ng sala nila kahit ang bigat na ng tiyan niya.
[R-Really? Oh my gosh. Alam na nila 'to?]
He smiled, knowing that his hyung is happy for him, "Nope. Kakauwi lang din namin eh."
[Then go and call them. I'll inform my wife about this. Alam mo naman yun. Dont stress yourself, okay? No need to worry about your works. Im on it!]
Pagkasabi ng hyung niya nun ay narinig niya yung boses ng mga katrabaho ni Baekhyun. Siguro ay iiinform ng hyung niya yung condition niya.
"Thanks, hyung. Bye!"
[Bye!]
Pagkatapos nun ay tumawag naman si Baekhyun sa Eomma niya. Hindi siya kinakabahan, natatakot siya sa pwedeng ireact ng parents niya. Kilala niya Eomma niya, baka mag-overreact yun once she knew that he's having twins.
"Eomma?" Mahinahon niyang sabi.
Mahabang katahimikan bago sumagot yung Eomma niya sa kabilang linya, [Baekhyun, anak, kamusta?]
Humawak siya sa tiyan niya at ngumiti bago sumagot, "Okay naman po kami. Si Chanyeol po sinundo yung dalawang bata kay Yoora-Noona."
[Mabuti naman at kasundo ng mga bata ang kapatid ni Chanyeol.]
Tumango si Baekhyun kahit na hindi naman siya nakikita nito, "Mahilig po kasi sa bata si Noona, mas maingat nga lang po siya ngayon dahil sa nangyari noon kay Chanhyun."
Naalala naman niya bigla yung nangyari sa kanila noon, ang pagkidnap kay Chanhyun na akala niya'y sisira sa mundo niya.
[Mabuti naman kung ganun. Eh kamusta ang ultrasound mo?]
Yun palang yung tinatanong sa kanya ay halos magwala na yung puso niya sa takot. Sana hindi umiyak ang Eomma niya ng dahil lang dun.
"Eomma, sabi ng Appa ni Taeyeon, lalaki raw po yung anak ko."
Narinig niya naman ang biglang katahimikan sa kabilang linya kaya chineck niya kung nawala ba yung tawag pero naka on-call pa naman.
"Eomma?" Tawag niya hanggang sa may narinig siyang paghikbi sa kabilang linya.
Napayuko siya, hinaplos niya yung tiyan niya at ngumiti sa dalawang bata na nasa loob nito.
[Kailangan mo ba ko dyan, anak? Pupuntahan kita agad basta sabihan mo lang ako, ha?]
Ngumiti siya ng malaki sa sinabi nito sa kanya. Namumuo na rin yung luha sa mga mata niya. Dala siguro iyon ng sobra-sobrang kasiyahan.
"Pero Eomma, yung anak ko raw po..." Nagdadalawang isip siya kung sasabin niya ba o hindi. But he realized that he's talking to his mother right now. And mother knows best.
[Bakit? Ano meron?]
Halatang halata yung kaba, takot, at pag-aalala sa tono ng pananalita nito.
"K-Kambal daw po. Hindi pa po namin alam yung gender ng isang bata pero lalaki po yung isa." Sabi niya at agad niyang kinagat yung ibabang labi niya.
Dumating naman na sila Chanyeol, nang mapatingin si Chanyeol sa kanya ay ngumiti siya and he mouthed, 'Eomma' while pointing to his phone. Tinanguan lang iyon ni Chanyeol habang nakangiti.
[Kambal?]
Tumango naman ulit si Baekhyun, "Opo."
Lumabas yung dlawang bata sa sasakyan ni Chanyeol at tumakbo papasok habang magkahawak yung mga kamay nila. Chanyeol smiled because of the scene in front of him.
[Talaga? Wow, anak. Masaya kami ng Appa mo para sa inyo. Masayang-masaya.]
Bakas sa tono at pananalita ng Eomma niya na masaya talaga siya para sa kanila. Pero may kung anong napansin si Baekhyun sa paraan ng pananalita nito na kakaiba. Siguro dala ito ng pagiging psychology student niya, but he ignored it.
"Thankyou, Eomma."
[Alagaan mo yung sarili mo ha? Kainin ang mga dapat at iwasan ang hindi dapat. Sabihin mo kay Chanyeol, kailangan niyang magbanat ng buto dahil lumalaki na ang pamilya niyo.]
Natawa naman si Baekhyun sa sinabi nito pero tumango lang siya, "Opo, Eomma."
[Oh, sige na. Magpahinga ka na. Tawagan mo ko pag may kailangan ka ha? Mag-iingat kayo dyan. Ihalik mo nalang ako sa dalawang bata. Sige na.]
"Opo, bye Eomma!" Pagkasabi nun ni Baekhyun ay Eomma niya na ang nagbaba ng tawag.
Nilapitan niya agad yung dalawa niyang anak na nanonood ng TV.
"Kamusta ang dalawa naming baby?" Nakangiting tanong ni Baekhyun sa kanila.
Inayos niya naman yung pagkakapigtail ng buhok ni Baekhee pati yung bangs ni Chanhyun.
"Its fun, Papa. Yoora-Imo is fun to be with." Nakangiting sagot ni Chanhyun sa kanya. Tinanguan yun ni Baekhyun habang nakangiti.
"What about you, princess? Is it fun?" Nakangiti niya pa rin na tanong dito.
Tumango si Baekhee at inispread yung dalawa niyang kamay, "L-Lots of fun, Papa! W-We ate lots of f-foods too!"
Napangiti lang si Baekhyun sa kanya dahil inaarte niya lahat ng sinasabi niya. He found out that Chanhyun and Baekhee loves to dance.
Nakita niyang sinusundan ni Baekhee yung sayaw ng kapatid niya.
Napatingin lang siya kay Chanhyun ulit ng magtanong ito sa kanya, "Eh how about you, Papa? How are you?"
Ngumuso siya rito, "Tired but I saw my babies already so it means I'm already fine."
Nginitian din siya ni Chanhyun, ganun din yung ginawa ni Baekhee sa kanya. He watched cartoons with them while Chanyeol is fixing the bag of the two kids inside the room.
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Pagkahiga ni Baekhyun sa kama nila ay lumubog agad ito kaya natawa si Chanyeol.
"Ang bigat mo na, mahal. Diet ka naman dyan." Pabirong sabi ni Chanyeol kay Baekhyun.
Tumawa naman si Baekhyun kay Chanyeol pero hinampas niya 'to, "Diet ka dyan. Pasok ka kasi ng pasok eh. Yan tuloy, tumaba ako."
"Eh bukaka ka kasi ng bukaka." Sagot naman ni Chanyeol.
Dinilaan lang siya ni Baekhyun pero agad siyang hinalikan ni Chanyeol sa labi.
"Aray naman." Nakangusong sabi ni Baekhyun kaya hinimas iyon ni Chanyeol gamit yung thumb niya.
"Ay sorry, mahal. Dahan-dahanin ko na." Sabi niya.
Nilapit niya ulit yung mukha niya at dahan-dahan niyang nilapat yung labi niya sa labi ni Baekhyun, "Okay na ba yun?"
Ngumiti si Baekhyun at tumango.
"Kamusta nga pala usapan niyo ni Eomeonim?" Umupo si Chanyeol para makita yung mukha ni Baekhyun.
Hinimas-himas niya na rin na parang bolang crystal yung tiyan ni Baekhyun.
"Okay naman. Sabi niya nga magbanat ka na raw ng buto dahil marami ka ng anak." Natatawang sabi ni Baekhyun.
Hinalikan niya yung tiyan ni Baekhyun bago sumagot, "Sabihin mo kay Eomeonim marami akong ipon para satin."
"Ang yaman naman pala ng mapapangasawa ko kung ganun."
"Hinanda ko na ang future natin noon pa lang." Sabi ni Chanyeol at kumindat kay Baekhyun at inalis yung kamay niya sa tiyan nito.
Magrereact sana si Baekhyun ng may biglang gumalaw sa tiyan niya. Lumaki yung mata niya habang nakatingin kay Chanyeol.
Agad naman nagpanic si Chanyeol, "B-Bakit? May masakit ba? Ano?" Natataranta niyang tanong.
Hindi makapagsalita si Baekhyun dahil tuluy-tuloy yung paggalaw ng mga bata sa loob ng tiyan niya.
"G-Gumagalaw sila, Chanyeol." Nakangiti niyang sabi.
Nanlaki rin yung mata ni Chanyeol at inangat yung extra large na damit ni Baekhyun. Nakita niya yung paggalaw ng tiyan nito.
Hinawakan niya yung tiyan ni Baekhyun ng may ngiti sa labi.
"Baby, si Papa Chanyeol 'to."
Pagkasabi niya nun ay hinimas niya ulit yung tiyan ni Baekhyun. Pinakiramdaman yung dalawa nilang anghel sa loob ni Baekhyun. Pero hindi na ulit si gumalaw. Kumalma naman yung pakiramdam ni Baekhyun.
Dahil kahit masakit yung paggalaw nila sa loob niya, masarap sa pakiramdam kasi nararamdaman mo na sila.
Pagkaalis ng kamay ni Chanyeol sa tiyan niya ay gumalaw na ulit yung mga bata. Kaya binalik niya yung kamay niya at nawala ulit. Nung inalis niya, naggalawan ulit.
"Pinagtitripan ata ako ng mga anak natin eh." Natatawang sabi ni Chanyeol at hinawakan ang tiyan ni Baekhyun gamit ang dalawang kamay niya.
"Mga babies, tulog na kayo para makatulog na si Papa Baekhyun. Promise, andito lang ako. Andito lang kami hanggang sa makatulog kayo." Nakangiting sabi ni Chanyeol at sinulyapan si Baekhyun na nakangiti rin sa kanya.
Nilapit niya yung mukha niya rito at hinalikan si Baekhyun. Pinalibot ni Baekhyun yung braso niya sa leeg ni Chanyeol para mas lumalim pa yung halik pero humiwalay na si Chanyeol agad.
"Baek, buntis ka na. Pagtapos mo nalang manganak. Agad-agad para masaya." Binatukan naman siya ni Baekhyun dahil sa sinabi niya.
"Gago ka talaga. Ibalik mo na yung kamay mo sa tiyan ko ng makatulog na sila."
Pinatong ni Chanyeol yung kamay niya sa tiyan ni Baekhyun, ganun din naman yung ginawa ni Baekhyun para maramdaman ng mga anak nila na andyan sila.
Maya-maya lang din ay nakatulog na si Baekhyun, si Chanyeol ay pinagmamasdan si Baekhyun sa pagtulog ng may ngiti sa labi.
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Bumalik na ulit si Baekhyun at si Chanyeol sa clinic ng Appa ni Taeyeon after a month. But this time, Taeyeon is with them.
"Oh, asan yung asungot mong boyfriend?" Tanong ni Chanyeol nang mapansin niyang walang maingay na kasunod si Taeyeon.
Napahinga ng malalim si Taeyeon, "Sinama ng Hyung si Baekhyun sa Pilipinas. May conference silang kailangang attendan. Atsaka irereview daw nila yung Boracay."
Tumango naman si Chanyeol habang si Baekhyun ay nakikinig lang sa kanila habang hinihimas yung tiyan niya.
Nagulat siya ng maramdaman yung kamay ni Taeyeon sa tiyan niya pero ngumiti rin siya agad dito.
"Are you nervous?" Tanong niya rito.
Tumango naman si Baekhyun at nilingon si Chanyeol. Chanyeol smiled at him. Kahit papaano ay nabawasan yung kaba niya.
Pabiro naman siyang hinampas ni Taeyeon sa hita, "Ano ka ba, nagawa mo na 'to before diba. Don't be nervous."
"I can't help it. Ngayon namin malalaman yung gender ng isa kong anak."
Kumunot yung noo ni Taeyeon sa sinabi ni Baekhyun, "Isa mong anak?" Nagtataka niyang tanong, "So, kambal anak mo?!" Halos pasigaw niyang sabi.
Agad namang tinakpan ni Chanyeol yung tenga ni Baekhyun, "Shhhh!" Saway niya rito.
Tinarayan lang siya ni Taeyeon pero hinayaan niya na lang.
"Bat di mo agad sinabi sakin?"
"Akala ko sinabi ni Daehyun sayo."
"Alam niya?" Hindi makapaniwala si Taeyeon sa naririnig niya ngayon, "The last time I checked, bestfriend mo pa rin ako. Anuna, beshy?"
"Gaga! Sinabi ni Hyung sa mga katrabaho ko. Hindi ko na sinabi sayo kasi alam kong sasabihin ni Daehyun sayo." Pag-eexplain ni Baekhyun.
"Eh ang problema di ako ininform ng mokong na yun."
"Oh edi siya awayin mo, wag si Baekhyun."
Tinarayan siya ulit ni Taeyeon kaya nagpeace sign siya rito.
Maya-maya lang din ay tinawag na si Baekhyun ng Appa ni Taeyeon para simula yung ultrasound. Same procedure, but this time tahimik lang sila. Nakatingin sa monitor.
"Mag7 months ka na pala by next week." Panimula ng Appa ni Taeyeon habang hawak hawak yung resulta.
Magkatabi si Chanyeol at Baekhyun sa tapat ng desk ni Mr. Kim habang si Taeyeon ay nasa opposite side nila.
"Opo."
Tumango naman si Mr. Kim at inopen na yung envelope. Kasabay naman nun ang paghigpit ng hawak ni Baekhyun sa kamay ni Chanyeol.
"You know what, I'm happy for the both of you."
Kahit kinakabahan si Baekhyun ay ngumiti pa rin siya rito. Napangiti naman si Taeyeon dahil ngayon hindi na siya mag-isa sa laban niya. Marami na siyang kasama.
"Thankyou po." Sabi ni Chanyeol ng may ngiti sa labi.
Nilabas na nito yung result at iniharap kay Baekhyun, "This time, nakaharap na yung dalawa mong anak pero kinuha ko yung result na makikita mo talaga yung genitals nila without me telling you. And I know, you'll be happy with the result." Masayang sabi nito sa kanila.
Nagfocus naman agad si Chanyeol sa genitals at masayang ngumiti kay Baekhyun ng maintindihan niya ito.
Tinignan din siya ni Baekhyun at ngumiti ng malaki while his eyes became shiny.
"Congratulations! Its a boy and a girl!"
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
thankyou for supporting this story!
hope you like it!
pls do vote and comment its means a lot to me! thankyou mwa!
😘😘
lablab!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro