서른일곱
"Buti pumayag si Chanyeol magpaiwan"
Sabi ni Taeyeon bago uminom sa kape niya.
Magkakasama sila Luhan, Kyungsoo at Jongin sa condo nila Luhan kaya inimbitahan na nila si Taeyeon para mapag usapan kung ano man ang mga dapat pang pag usapan.
"Nagreklamo nga nung una eh" nakangiting saad ni Jongin habang pinaglalaruan ang mga daliri ni Kyungsoo.
Naparoll eyes naman si Taeyeon sa view sa harap niya.
Wala pa rin forever.
Napatingin si Kyungsoo kay Taeyeon, "I heard... may feelings ka daw for Baekhyun?"
Nilingon niya si Kyungsoo at ngumiti ng maliit, "I think I need to... forget what I really feel just to make him happy"
Kyungsoo felt guilty. Kasi habang sila nagpapakasaya sa pagpaplano nang pagbuo sa Park Family eh may nasasaktan na pala sila.
"But dont worry," malakas na sabi ni Taeyeon habang malaki ang ngiti, "sanay na ko," pero biglang humina yung boses niya, "its for Baekhyun afterall" sabi niya sabay ngiti.
Nginitian rin siya ni Jongin at tumango, "Love is all about sacrificing" sabay tingin kay Kyungsoo.
Taeyeoon looks at them with disgusting look kaya napangiti si Luhan, "Nandidiri na si Taeyeon sa inyo"
Tumango si Taeyeon ng tinignan siya nung tatlo, "Inggit lang yan eh" sabi ni Kyungsoo.
Nanlaki yung mata ni Taeyeon at ni Luhan ng biglang hawakan ni Kyungsoo yung batok ni Jongin at kumandong dito.
"I-Im n-not seeing this, L-Luhan.... omg" napatakip siya ng mata at tumakbo sa CR.
Habang si Luhan ay taimtim na tinitignan yung dalawa.
Is it fake?
"Wala na siya?" Rinig niyang bulong ni Kyungsoo pagkasara ng pinto saka niya nakita yung pagdilat ng kanang mata ni Jongin at tumango.
Umayos na ng upo si Kyungsoo sa sofa at inintay ang paglabas ni Taeyeon.
"Ano yun?" Sabi ni Luhan habang nakataas ang isang kilay.
Jongin looks at Kyungsoo who just shrugged, "Wala lang. Gusto ko lang siyang asarin"
Napanguso naman si Luhan dahil bigla niyang namiss si Sehun.
"Okay na?" Sigaw ni Taeyeon sa CR.
Napangiti si Kyungsoo ng nakakaloko, "Okay na!"
Dahil dun ay lumabas na si Taeyeon mula sa CR ng nakacross arms at nakataas ang isang kilay.
"What was that for?!" Inis niyang sabi.
"Wala lang. Gusto ko lang makita reaksyon mo. Pano kung si Chanyeol at si Baekhyun, magkiss sa harap mo?" Kyungsoo asked.
Nagblink lang si Taeyeon, "W-Well... I'm not interested to watch or to think of it. Wala talaga akong balak!" Sabi niya habang nakataas na yung dalawa niyang kamay.
Tumawa si Luhan sa itsura ni Taeyeon pero bigla rin siyang nagseryoso.
Dahilan para mapatingin yung tatlo sa kanya, "Bakit?" Tanong ni Kyungsoo.
Imbis na sagutin yung tanong ni Kyungsoo ay lumingon siya kay Taeyeon, "Handa ka na ba?"
Napakunot ang noo ni Taeyeon sa tanong ni Luhan. Hindi niya alam kung para saan yun, kung bakit siya tinatanong ni Luhan ng ganun, "Saan?"
"Sa mga pwedeng mangyari ngayong araw"
Nanatiling nakakunot ang noo ni Taeyeon habang si Kyungsoo at Jongin ay naiintindihan na yung gustong sabihin ni Luhan kay Taeyeon.
"Ano bang mangyayari?" Tanong ni Taeyeon na para bang hindi sinabi sa kanya kanina na magkasama si Chanyeol at Chanhyun.
"Hindi lang si Chanhyun ang kasama ni Chanyeol ngayon at sigurado na ko dun" sabi ni Luhan habang hawak yung phone niya.
Napataas ng kilay si Taeyeon kay Luhan. Ngumiti si Luhan, "Baek is with him"
Nanlaki yung mata ni Taeyeon at nanginginig na tinignan si Luhan, "N-No..."
Nakatitig lang si Kyungsoo sa kanila, lumabas si Jongin sa veranda dahil ayaw nito ng drama.
"Taeyeon we need to do this..."
"H-Hindi ba pwedeng one at a time?" Naluluhang sabi ni Taeyeon.
"Hindi pwede. Baka bumalik na si Dara---"
"L-Luhan, I-I still need to prepare myself..." Sabi ni Taeyeon habang nakayuko, "I m-I cant afford to lose him-- not now, Luhan"
Hindi na napigilan ni Kyungsoo kaya nagsalita na siya, "Bat pa natin papatagalin kung yun din naman yung gagawin mo?"
Napatingin si Taeyeon kay Kyungsoo, pakiramdam niya ay nahuli siya ni Kyungsoo sa tanong na iyon.
"K-Kasi---"
"Oo mahal mo siya. Pero the fact that he still loves Chanyeol and Chanyeol makes him happy." Sabi ni Kyungsoo, iniiwasan niyang hindi maawa kay Taeyeon pero seeing Taeyeon like this made him feel guilty pero wala siyang pakialam, kailangan niyang saktan si Taeyeon para kusa itong bumitaw, "Diba kapag mahal mo ang isang tao, kung san siya masaya dun ka din?"
Tumango si Taeyeon kahit nanginginig na siya. Nasasaktan siya dahil ang bilis ng mga pangyayari. Para bang nung nakaraan lang ay kakahawak niya palang kay Baekhyun tapos ngayon ay bibitawan niya na.
"I-I know I already agreed on this plan, pero hindi ko ineexpext na ganito kabilis" mahinang bulong ni Taeyeon.
"We're truly sorry for being fast. Baka kasi bumalik na si Dara from states. Alam mo naman yung mangyayari pag bumalik na si Dara diba?" Sabi ni Kyungsoo habang hinihimas yung kamay ni Taeyeon.
Kumunot yung noo ni Taeyeon kasi hindi niya naman talaga alam kunh anong mangyayari pagbalik nung babaeng yun, "What will happen?"
Huminga ng malalim si Kyungsoo at tinignan si Jongin na nakaupo sa veranda, "Magpapakasal na sila ni Chanyeol"
Natigilan si Taeyeon sa sinabi ni Kyungsoo. Tinignan niya si Luhan, "Is it true?"
Tumango si Luhan kaya napahinga ng malalim si Taeyeon. Matagal siyang hndi nagsalita, nakatitig lang siya sa baso niya habang hawak ito gamit ang dalawa niyang kamay.
"Think about Chanhyun, Taeyeon" sabi ni Kyungsoo nun^ hindi na nagsalita pang muli si Taeyeon, nginitian niya na rin ito.
Kailangan na nilang madaliin ito. Lalo na't walang nakakaalam kung hanggang kailan si Dara doon. Si Dara nalang kasi ang hinihintay para matuloy na ang kasal. Wala naman ng choice si Chanyeol dahil parents nilang dalawa ni Dara ang nagpupush na madaliin ang kasal.
Tumingin si Taeyeon sa pwesto ni Jongin at nakita niyang tumango ito saka siya tumingin kay Kyungsoo at Luhan, "Can't you consider my feelings first?"
Nagkatinginan naman si Luhan at Kyungsoo sa tanong niya pero agad ngumiti si Taeyeon at nilapag yung baso niya, "Sige na. Payag na ko, para kay Baekhyun at kay Chanhyun," umiling siya, "alam ko naman na hindi ako magkakaroon ng chance kay Baekhyun kahit katiting eh," yumuko siya at doon itinago ang ngiti niya, "kaya gagawin ko nalang kung anong magpapasaya sa kanya. Never naman akong humingi ng kapalit eh, atsaka," inangat niya yung ulo niya at doon nakita nung dalawa ang pagtulo ng luha ni Taeyeon, "wala rin akong magagawa kundi kalimutan kung anong nararamdaman ko para sa kanya"
Huminga ng malalim si Kyungsoo habang si Luhan ay hinagod ang likod ni Taeyeon, "It's okay. Marami pang boys dyan"
Tumingin si Taeyeon kay Luhan ng nakakaloko, "Osige, hanapan mo ko. Basta yung kamukha ni Baekhyun"
Dahil sa sinabi ni Taeyeon ay napafacepalm nalang yung dalawa.
"Umuwi ka na nga, Chanyeol" sabi ni Baekhyun habang hinihimas yung sentido niya.
Tumayo naman si Chanyeol at lalapitan sana si Baekhyun ng tawagin siya ni Chanhyun.
"Papa Chanyeol!"
Kaya bumalik siya ulit sa pwesto niya at napahinga naman ng maluwag si Baekhyun.
"Di ako uuwi hanggat di ka pumapayag makipagbalikan sakin" sabi ni Chanyeol habang tinutulungan si Chanhyun na magbuo ng bahay gamit ang lego.
Umirap naman si Baekhyun kay Chanyeol, "How many times do I need to tell you na wala na kong feelings sayo?"
Napangiti si Chanyeol at tumayo, "Bakit... parang iba ata yung nakikita ko sa mga mata mo?"
Humakbang naman si Baekhyun patalikod dahil lumalapit na si Chanyeol sa kanya, "I-Ikaw lang nag iisip niyan"
Nakangiti ng nakakaloko si Chanyeol ng dumikit si Baekhyun sa lamesa, "C-Chanyeol ano ba..." tapos tinignan niya si Chanhyun na masayang naglalaro mag isa.
Ipinatong ni Chanyeol yung dalawa niyang kamay sa lamesa, kinorner niya si Baekhyun at inilapit ng kaunti yung mukha niya sa mukha ni Baekhyun, "Eh bakit mo ko sinabihan kanina na halikan ka?"
Nanlaki naman yung mata ni Baekhyun at iniwas lalo yung tingin kay Chanyeol.
Magsasalita na sana si Baekhyun ng halikan siya ni Chanyeol sa labi.
Agad naman pinamulahan si Baekhyun sa ginawa nito, para bang walang nangyaring hiwalayan sa kanila. Dahil kahit mahigit 6 na taon na ang lumipas nanatiling ganoon ang nararamdaman nila para sa isa't isa.
"You like that?" Tanong ni Chanyeol kaya inirapan siya ni Baekhyun.
Tinabig niya yung braso ni Chanyeol, "Alis nga diyan. Mamaya makita pa tayo ng anak ko----"
"Natin. Anak natin, Baekhyun" sabi ni Chanyeol at ngumiti ng nakakaloko.
"A-Ay!" Nagulat si Baekhyun ng maramdaman niya yung isang kamay ni Chanyeol sa likod niya at yung isa ay nakapatong pa rin sa lamesa.
Pinagdikit niya ang mga noo nila saka siya pumikit.
"Akala ko hindi na kita makikita ulit"
"Hindi na talaga" maingat na sabi ni Baekhyun habang nakatingin sa mga labi ni Chanyeol.
Baekhyun wonders if he kissed Dara before, but of course, they're in a relationship.
Oh shit, I forgot about that!
Sabi ni Baekhyun sa sarili niya, gusto niyang itulak si Chanyeol palayo pero nanghihina siya pag si Chanyeol na. Dagdag pa na sobra niyang namiss yung andito si Chanyeol sa tabi niya, yung ganito na silang dalawa lang.
Dumilat si Chanyeol and that, he caught Baekhyun staring at his lips.
Napangisi siya kaya hinalikan niya ulit si Baekhyun, "Chanyeol, ano ba!" Sabi ni Baekhyun habang nakangiti.
"You still love me? Right?" Seryosong tanong ni Chanyeol.
"What if I say no?" Sabi ni Baekhyun habang nakahawak sa balikat ni Chanyeol.
Ngumiti si Chanyeol sa kanya, "Edi ibabalik ko"
Napakunot naman yung noo ni Baekhyun, knowing Chanyeol, alam niyang hindi talaga siya tatantanan neto.
"And what will you do?"
"I'll court you"
Matigas na sabi ni Chanyeol habang umiling naman si Baekhyun.
"You dont need to do that.." sabi ni Baekhyun.
Akala ni Chanyeol ay pumapayag na si Baekhyun kaya niya ito sinabi dahilan para mapangiti ang binata ng malaki.
"Dara is waiting for you"
And this is the time where Chanyeol punches the table.
"Stop thinking about her" mahinang sabi ni Chanyeol.
Pangit man pakinggan pero alam ni Chanyeol sa sarili niya na hindi niya minahal si Dara na katulad ng pagmamahal nito sa kanya. May kaunti siyang galit kay Dara, pero naisip niyang sangkot lang din ang dalaga sa problema nila.
"Baek----"
"Kaya ni Chanhyun ng wala ka, Chanrol. Nakaya namin sa loob ng anim na taon kaya alam kong kakayanin pa namin" sabi ni Baekhyun at dahan dahang inaalis ang kamay ni Chanyeol sa likod niya.
Pabitaw na sana si Chanyeol ng bigla niyang binalik, "Baek, please, pumayag kang magpakasal sakin"
"T-Teka... k-kasal agad? A-Akala ko ba m-manliligaw ka palang?" Gulat na sabi ni Baekhyun. Napangiti si Chanyeol dahil sa sinabi nito.
Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ni Baekhyun, "Pumapayag ka na?"
Nanlaki naman yung mata ni Baekhyun, "K-Kelan ako pumayag?" Sabi nito at umiwas ng tingin.
"Uhmmm, a few minutes ago?" Sabi nito habang nakatingin sa relo niya.
Napahinga ng malalim si Baekhyun at tinitigan si Chanyeol, "Fix Dara first"
Sabi nito at naglakad na papunta kay Chanhyun pero hinawakan agad ni Chanyeol yung kamay niya at hinila sa kwarto nila.
"Baek---"
Mag iispeech sana si Chanyeol ng putulin iyon ni Baekhyun ng hatakin niya ang leeg ni Chanyeol para sa isang halik.
"Shut up."
Ipinulupot ni Baekhyun ang mga braso niya sa leeg ni Chanyeol, habang niyayakap niya naman si Baekhyun sa beywang.
Chanyeol was the first to part away, idinikit niya ang kanyang noo at pinunasan ang labi ni Baekhyun gamit ang kanyang daliri, "G-Gusto na ba ni Chanhyun ng baby brother?"
Nagulat naman si Baekhyun sa tanong ni Chanyeol kaya nabatukan niya ito.
"Gago! Buti sana kung ikaw manganganak eh" sabi ni Baekhyun at ngumuso kaya hinalikan siya muli ni Chanyeol.
"Nakakarami ka na ah"
"Eto naman, nagtatanong lang eh" nakanguso rin na sabi ni Chanyeol.
Baekhyun control his urges kaya umiwas siya ng tingin. Maya maya lang naramdaman niya yung kamay ni Chanyeol sa pisngi niya at pinilit siyang harapin ang binata.
"Ano, gusto niya ba?"
"Oh eh ikaw? Anong gusto mo? Baby o mamamatay ako?" Napatitig naman si Chanyeol sa sinabi ni Baekhyun.
"B-Bat mamamatay?" Tanong ni Chanyeol at binaba ang kamay sa beywang ni Baekhyun saka niyakap ng mahigpit dahil thinking Baekhyun will die makes Chanyeol's heart tighten.
"Delikado para sakin..." Sabi ni Baekhyun habang ipinapatong ang mga braso sa balikat ni Chanyeol at niyakap rin ito.
Nanatili lang silang ganun ng magsalita si Chanyeol.
"Sorry"
"Saan?" Tanong ni Baekhyun at humiwalay sa yakap para makita yung itsura ni Chanyeol.
"Sa lahat, yung noon," sabi nito at hinawakan yung isang kamay ni Baekhyun, "hindi ko sinasadya"
Hindi alam ni Baekhyun sa sarili niya kung bakit siya natatakot magtiwala at maniwala. Pero wala namang mawawala hindi ba, kaya pinili niyang paniwalaan si Chanyeol.
"Kaya please," sabi ni Baekhyun at niyakap ulit si Chanyeol, "wag mo na kong iiwan ulit"
Napangiti si Chanyeol sa ginawa ni Baekhyun at niyakap rin ito, "Hinding hindi na"
Nagulat si Chanyeol ng biglang hampasin ni Baekhyun ang pwet niya, "Si Dara!"
"Oo, ako ng bahala" sabi ni Chanyeol pero hindi pa rin siya nakakaisip ng paraan kung paano.
Nanatili lang silang magkayakap hanggang sa tinawag sila ni Chanhyun.
"Papa!"
Napahiwalay si Baekhyun at tatakbo na sana ng pigilan siya ni Chanyeol habang nakangiti.
"Si Chanhyun!" Pasigaw na bulong ni Baekhyun habang nakangiti.
"Last na" sabi ni Chanyeol at hinalikan ng matagal si Baekhyun sa labi, smack lang pero sinipsip niya yung ibabang parte ng labi nito.
Nahampas siya ni Baekhyun sa braso pagkatapos.
"Bakit, anak?" Sigaw niya. Sumunod na rin si Chanyeol sa paglabas.
"Can you draw Chanhyun's toys?" Sabi nito. Napatingin naman si Baekhyun kay Chanyeol na kakalabas palang ng kwarto.
Nilakihan niya yung mata niya dahil hindi niya maintindihan kung bakit nakatingin si Baekhyun sa kanya.
Baekhyun mouthed drawing kaya napatango na siya at mabilis na lumapit sa mag ama niya.
Tumabi siya kay Baekhyun na nakaupo sa lapag at hinawakan ang kamay nito sabay tago sa likod nilang dalawa, napatingin si Baekhyun kay Chanyeol at napangiti.
"Anong iddraw ko?" Sabi ni Chanyeol habang hawak yung pencil sa kabilang kamay niya.
Napatingin si Chanhyun sa dalawang lalaking nasa harapan niya, "Now I want a family, mommy and daddy, but since I dont have a mommy," ngumiti ng malaki si Chanhyun at tumayo, sabay turo kay Chanyeol at Baekhyun gamit ang dalawang kamay, "I want Papa Chanyeol and my Papa to be there, Tita Taeyeon and Tito Luhan and of course my favorite uncle, Tito Sehun"
Napakamot naman si Chanyeol sa batok niya pero drinawing niya pa rin. Since architecture niya, mahusay siya sa sining.
Nang matapos na niya ay pinakulayan niya ito kay Chanhyun. At dun niya nasabing anak niya nga ito.
"Papa, where's the tape?" Matapos niya itong kulayan ay sinabihan siya ni Chanyeol na idikit iyon sa tabi ng kama niya.
Tinignan ni Baekhyun ng masama si Chanyeol, "Kanina ka pa ah, anong klaseng manliligaw ka?" Sabi ni Baekhyun ng nakawan na naman siya ng halik ni Chanyeol habang nakatalikod si Chanhyun.
Ngumiti si Chanyeol at nagpeace sign, "Sinusulit ko lang, baka may kahati na ko sayo bukas" pagkatapos niyang sabihin iyon ay ngumuso siya.
"Meron," napangiti siya ng makita yung reaksyon ni Chanyeol, "trabaho ko" sabi niya sabay upo sa sofa.
Sumunod naman na si Chanhyun nun at humiga sa lap niya.
Tumabi si Chanyeol kay Baekhyun at patagong inakbayan ito. Hindi pa kasi alam ni Chanhyun, atsaka hindi niya pa maiintindihan sa ngayon kaya wag muna.
"Papa, I want strawberry shortcake" sabi ni Chanhyun kaya napatingin si Chanyeol dito, napangiti siya ng maalala niya na ganitong ganito sila tuwing gustong manood ni Baekhyun ng palabas na ito.
May kinalikot kalikot pa si Baekhyun sa remote bago lumabas ang batang may maraming tigyawat.
"Here it goes!" Masayang sabi ni Chanhyun ngunit wala pa sa kalahati ang pinanonood nila ng makatulog na ang bata.
Nakatingin lang si Chanyeol kay Chanhyun hindi niya napansin na tulog na ito kaya nung tumayo si Baekhyun ay nagulat siya, "S-Saan ka?"
Kinarga niya si Chanhyun sabay tingin kay Chanyeol na nakaupo pa rin, "He's already asleep" sabi nito at ipinasok na si Chanhyun sa kwarto nila.
Magkasama sila ni Chanhyun sa iisang kwarto pero magkahiwalay na kama.
Sumunod si Chanyeol kila Baekhyun at napangiti siya ng makita niyang nakadilat si Chanhyun at tinignan siya.
"Goodnight, Papa Chanyeol..." Halos pabulong na sabi ni Chanhyun, itinaas naman ni Baekhyun yung kumot at hininaan yung aircon.
Nakasandal lang si Chanyeol sa pinto at pinanonood ang ginagawa ni Baekhyun.
Napangiti siya ng makita niyang hinalikan ni Baekhyun ang tuktok ng ulo ni Chanhyun saka siya hinarap ng nakangiti.
"Tara na? Hatid na kita sa labas" sabi ni Baekhyun at nilagpasan si Chanyeol.
Tinignan niya si Chanhyun na natutulog at sinundan ng tingin si Baekhyun na nakatingin na sa kanya, "Ano na?"
Ngumiti siya kay Baekhyun, "Wait" atsaka naglakad papalapit kay Chanhyun at lumuhod para hawakan ang kamay nito.
Tinitigan niya si Chanhyun at naisip niya kung paano kung hindi niya iniwan si Baekhyun noon, ang daming what if's ang pumapasok sa isip niya. Kaya hinigpitan niya yung hawak niya rito at hinalikan sa noo katulad ng ginawa ni Baekhyun, "Anak, h-hindi na aalis si Papa.." Sabi niya at hinalikan ulit ang noo ni Chanhyun, niyakap niya ito bago tumayo.
Naabutan niyang nakatingin si Baekhyun sa kanya kaya nagmadali siya sa paglalakad at niyakap agad si Baekhyun.
Nagulat man ay niyakap niya rin si Chanyeol pabalik. Napangiti siya ng halikan ni Chanyeol yung tuktok ng ulo niya.
"Hindi na ko mawawala, Baekhyun... dito lang ako" sabi pa niya.
Hinagod ni Baekhyun ang likod ni Chanyeol at pinat ito.
"Tara na? Delikado na sa daan" sabi nito at hinila na si Chanyeol papunta sa pintuan. Hindi binibitawan ni Chanyeol si Baekhyun habang naglalakad, ayaw niya na kasi talagang bitawan si Baekhyun. Hindi na niya hahayaan na masanay si Baekhyun ng wala, hindi na siya papayag na mahulog si Baekhyun ng wala siya.
"Mag iingat ka" sabi ni Baekhyun bago sumakay si Chanyeol.
Pero hinila siya ni Chanyeol sa beywang at hinalikan siya sa noo, "Thankyou," sa ilong, "I miss you," sa labi, "and I love you"
Napangiti si Baekhyun at tumango, "I-I can't say the same words but I know I feel the same"
Tumango si Chanyeol at kinagat ang ibabang parte ng labi niya. May gusto siyang itanong kay Baekhyun pero di niya matanong. Nakatingin lang si Baekhyun sa kanya, waiting for him to say something.
"A-Anong oras pasok mo bukas?"
"I have my own car" natatawang sabi ni Baekhyun.
"I insist, sayang sa gas," ginulo niya yung buhok ni Baekhyun kaya napanguso ito, "and Im courting you, remember?"
Umiling nalang si Baekhyun habang nakangiti, "Sige na nga. Umuwi ka na."
Sumakay na si Chanyeol sa sasakyan niya at binaba yung sa glass door, "Goodnight"
"Goodnight" sabi niya at kumaway pa.
*
"What?!" Sigaw ni Dara sa telepono.
Hindi siya mapakali kanina pa simula ng may nagsend sa email niya na larawan.
Its Chanyeol and Baekhyun.
"Hindi pwede, hindi pwede!" Sigaw pa niya.
[Mukhang hihiwalayan ka na niya] sabi ng lalaki sa kabilang linya.
"Hindi pwede! Akin lang si Chanyeol!!"
[You lose, Dara, ibigay mo na si Chanyeol kay Baekhyun]
Dahil sa sinabi ng lalaki ay nagpintig yung tenga niya, "Hindi! Hindi ko ibibigay si Chanyeo----"
[May anak sila] nakangiting sabi ng lalaki.
Nanlaki yung mata ni Dara, bumilis yung tibok ng puso niya, "Kill the child..."
[What?! Are you insane?! Walang kinalaman yung bata dito!]
"Isa siya sa magiging dahilan kung bakit magkakabalikan sila! Hindi pwede!"
Pabalik bakik si Dara sa loob ng kwarto niya na kahit sinong makakita sa kanya ay paniguradong mahihilo.
[Hindi ko idadamay yung bata... wala sa usapan yun]
"Then kill Baekhyun" matigas na sabi niya.
[Ano?! No! Okay pa kung si Chanyeol eh!] Galit na sabi nito.
"Eh anong gagawin mo para di sila magkatuluyan?!" Sigaw niya.
[Aagawin ko si Baekhyun kay Chanyeol] seryosong sabi nito.
"Siguraduhin mo lang na kaya mo Daehyun. Kung hindi, malalagor sakin yang mag ama na yan"
[Akong bahala. Akin si Baekhyun, sayo na yang Chanyeol mo] sabi ni Daehyun.
Napangisi si Dara, "Good!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro