서른여덟
Pagkababa ni Taeyeon ng sasakyan niya ay napatameme siya. May dalawang sasakyan sa tapat ng bahay ni Baekhyun. Sa may kabilang side kasi ng street niya pinark yung sasakyan niya, habang yung dalawang sasakyan ay eksaktong nasa tapat ng bahay nila Baekhyun.
Taeyeon checked her wrist watch, "5:48am, sinong pupunta ng ganitong kaaga dito?"
Iniscan niya yung mga sasakyan. Napataas siya ng kilay, "This is not Luhan's nor Sehun's car. I havent check Kyungsoo's and Jongin's" bulong niya habang iniiscan yung mga sasakyan.
Naglakad siya papalapit dito at tinitigan ulit. Hindi talaga pamilyar sa kanya ang mga sasakyan. Kaya naglakad na siya papasok pero nagulat siya ng makita kung sino ang mga may ari nito.
Yung isa nakasandal sa sasakyan habang nakatingin sa pinto ng bahay ni Baekhyun.
Habang yung isa, nakabukas yung sasakyan at nakaupo sa driver's seat.
Tinitigan ni Taeyeon yung lalaking nakaupo.
He looks like Baekhyun. A bit.
Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa beywang niya at pumagitna sa dalawa.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya.
Hindi niya inaasahan na tititigan lang siya ng dalawa. Pero afterwards, sumagot rin naman si Chanyeol sa kanya.
"Im waiting for Baekhyun"
Tumango naman si Taeyeon. Kahit masakit na andito si Chanyeol para kay Baekhyun ay okay lang. Titiisin niya nalang dahil doon mas sasaya si Baekhyun.
Lumingon siya kay Daehyun, he didnt know Daehyun, fyi.
"At ikaw, Mister, anong ginagawa mo dito?"
Inirapan siya ni Daehyun kaya nanlaki yung mata ni Taeyeon. Not expecting this will come.
"Im waiting for him also, duh"
Napanguso si Taeyeon habang nakataas ang isang kilay.
"For your information, may sasakyan si Baekhyun kaya ikaw," sabay turo kay Daehyun, "umuwi ka na. Masyado kang maaga para bwisitin ako"
Tumayo si Daehyun at akmang lalapitan si Taeyeon ng biglang bumukas yung ilaw sa loob ng bahay ni Baekhyun.
Pagkakita nun ni Chanyeol ay napangiti siya at naglakad papalapit sa pinto ng bahay.
"He's too----" sabi ni Daehyun.
Agad naman pinatigil ni Taeyeon si Daehyun, "Umuwi ka na nga! Ang aga aga nang aasar ka eh"
Nagdoorbell si Chanyeol at mas lumapad yung ngiti niya ng makita si Baekhyun.
Nanlaki naman mata ni Baekhyun at napatingin sa likod ni Chanyeol dahil nakita niya si Taeyeon. Ngunit hindi niya inaasahan si Daehyun.
"Daehyun?" Gulat na sabi ni Baekhyun.
Medyo nahurt naman si Chanyeol dahil hindi siya pinansin ni Baekhyun kahit nasa harapan na siya nito.
Napahinga nalang siya ng malalim ng itulak siya ni Daehyun sa gilid.
Mabuti nalang at marunong magbalance si Chanyeol kaya hindi siya natumba.
Nakita ni Taeyeon ang pangyayari. Narealize niyang sa nakikita niyang pangyayari ngayon, parang siya si Chanyeol. Yung kahit andyan ka, nasa harap ka na, iba pa rin yung napapansin at hinahanap hanap niya.
Kaya tinawag niya si Chanyeol ng pabulong.
"Chanyeol"
Lumingon naman ito agad kaya sinenyasan ni Taeyeon na lumapit sa kanya.
Nakita ni Baekhyun ang pagsenyas ni Taeyeon kay Chanyeol na naging dahilan ng pagkunot ng noo niya.
Kelan pa sila naging close?
Masyado siyang nalunod sa panonood sa dalawa kaya hindi na niya naririnig yung sinabi ni Daehyun.
"Kaya ako nandito kasi gusto kitang isabay sakin sa pagpasok sa trabaho, okay lang ba?"
"S-Sige lang.." Wala sa sariling sagot ni Baekhyun dahil hanggang ngayon ay pinapanood niya si Taeyeon at Chanyeol na nag uusap.
Mas lalong kumunot yung noo ni Baekhyun ng makita niyang ngumiti si Taeyeon.
Tangina.
"Chanyeol!" Sigaw ni Baekhyun kaya napatingin si Taeyeon at Chanyeol.
"Teka lang, Baekhyun. Magkausap pa kami eh" sabi ni Taeyeon habang nakangiti at humawak sa braso ni Chanyeol.
Nanlaki naman yung mata ni Baekhyun. Hindi na niya kinakaya yung inis niya.
"Chanyeol! Papasok ka dito o maghihiwalay na tayong dalawa?!" Sigaw ni Baekhyun habang nakapameywang.
Napatingin si Chanyeol kay Taeyeon, "Akala ko ba di pa kayo nagkakabalikan?"
Chanyeol shrugged, "Ewan ko dyan"
Naiinis na talaga si Baekhyun kaya lumabas na siya at hinila si Chanyeol palayo kay Taeyeon at tinignan ito, "Taeyeon, umuwi ka na. Masyado pang maaga," bigla siyang lumingon kay Daehyun, "at ikaw, umuwi ka na rin. Di ako papasok ngayon. Im not feeling well" tuloy tuloy niyang sabi at hinatak na si Chanyeol.
Nagpahila nalang si Chanyeol dahil kapag ganito si Baekhyun, yung walang tigil yung bunganga sa kakadakdak ay galit ito.
Pinigilan naman ni Daehyun si Baekhyun ng malapit na itong pumasok sa bahay niya, "Diba ihahatid kita?"
Napafacepalm naman si Chanyeol sa tanong ni Daehyun.
"Nagtanong ka pa.." Pabulong niyang sabi pero narinig siya ni Baekhyun at tinaasan ng kilay. Napayuko nalang si Chanyeol.
"I just said Im not going to work. So, bye" sabi ni Baekhyun bago hinila ng tuluyan si Chanyeol papasok ng bahay nila.
Pagkapasok na pagkapasok nila ay tinitigan na siya ng masama ni Baekhyun.
"Kelan ka pa natutong lumandi?"
"Bakit kausap mo si Taeyeon?"
"Anong pinag usapan niyo?"
"Bat di ka sumasagot?!"
"Ano, kabit mo siya?"
"Omg Chanyeol! How could you?"
"Ano? Di ka pa rin sasagot?!"
"Ano----"
Hinalikan na ni Chanyeol si Baekhyun dahil wala na namang tigil ang bibig nito sa kakasalita.
Napangiti si Chanyeol sa sarili niya ng maramdaman niya yung mga braso ni Baekhyun sa leeg niya.
Humiwalay siya sa halik at hinatak ang beywang ni Baekhyun habang nakangiti.
Nairita naman si Baekhyun ng biglang humiwalay si Chanyeol pero nang makita niya ang ngiti ni Chanyeol ay parang biglang nawala yung inis na nararamdaman niya.
"May sinabi ka kanina----"
"Putangina. Oo na" sabi ni Baekhyun at hinalikan ulit si Chanyeol dahil nabitin siya.
Hindi nila napansin na may dalawang pares ng mata ang nakatingin sa kanila ngayon. Habang hawak hawak niya yung teddy bear niya at yung feeding bottle niya na nakasuksok pa sa bibig niya.
Hindi siya napansin ni Baekhyun dahil nakapikit ito.
Napanguso si Chanhyun dahil kanina pa sila magkayakap, hindi niya alam na nagkikiss sila. Naubos na niya yung gatas niya hindi pa rin sila tapos magyakapan.
"Aren't you tired?" Mahinang tanong ni Chanhyun pero parang napakalaking boses yung narinig ni Baekhyun dahil sa bilis ng reaksyon niya.
Nanlaki naman yung mata ni Chanyeol at agad pinunasan yung labi niya bago harapin si Chanhyun.
"Im getting tired because you," sabi ni Chanhyun at tinuro si Baekhyun, "and you" at tinuro si Chanyeol.
Biglang humarap si Chanyeol at humikab.
"Papa Chanyeol?" Nanlaki yung mata ni Chanhyun ng makita si Chanyeol sa bahay nila.
Tumango si Chanyeol at humikab ulit.
"Are you sleepy? Come!" Sabi ni Chanhyun at hinawakan yung kamay ni Chanyeol papasok sa kwarto nila ni Baekhyun.
Napangiti si Chanyeol sa ginawa ni Chanhyun. Hindi niya alam kung paano ieexpress yung nararamdaman niya dahil andito na sa tabi niya yung mga taong bubuo at mag aayos ng mundo niyang magulo.
Pagkapasok ni Chanyeol ay may bigla siyang naalala. Eksakto naman nun ang pagbitaw sa kanya ni Chanhyun at ang paglitaw ni Baekhyun sa tabi niya.
Nilingon niya si Baekhyun at hinawakan ang kamay nito.
Tinignan naman siya ni Baekhyun pabalik at ngumiti. Pero seryoso ang tingin ni Chanyeol sa kanya kaya medyo napanguso siya, "Bakit?" Mahinang tanong ni Baekhyun.
Lumapit si Chanyeol at binulungan si Baekhyun, "Homemade si Chanhyun?" Sabay titig kay Baekhyun.
Nanlaki naman yung mata ni Baekhyun at hinampas si Chanyeol.
"Letse ka talaga! Hanggang kelan mo ko gaganituhin?" galit na sabi ni Baekhyun pero hindi niya napigilan ang pagngiti niya.
Napangiti si Chanyeol, "Yung totoo, galit ka o kinikilig?"
Hindi naman nasagot ni Baekhyun yun dahil bigla nalang hinatak ni Chanhyun si Chanyeol palayo kay Baekhyun.
"Aba't---" sabi ni Baekhyun pero natigilan siya ng makita yung ngiti ni Chanhyun habang katabi si Chanyeol.
Lumapit si Baekhyun sa kama niya at umupo sa tabi ng mag ama niya. Napangiti siya, one of the happiest day of my life, sabi niya sa sarili niya.
"Papa," napatingin siya kay Chanhyun habang nakangiti, "Papa Chanyeol told me that he's my real Papa. Is it true?" Sabi pa nito at nag indian sit.
Tinignan niya si Chanyeol na nakatingin kay Chanhyun. Hinawakan ni Baekhyun yung kamay ni Chanyeol na nakapatong sa kamay ni Chanhyun. Medyo nagulat si Chanyeol pero di niya pinahalata.
"Gusto mo ba siyang maging papa?" Tanong ni Baekhyun.
Ngumuso si Chanhyun sabay iling.
Nagkatinginan si Chanyeol at Baekhyun.
"I want Tito Sehun" sabi nito sabay ngiti kay Baekhyun.
Natawa nalang ng maliit si Baekhyun habang tumatayo si Chanyeol sa kama.
"You dont like me, then?" Sabi nito at tinignan si Chanhyun na parang paiyak na.
Hindi sumagot si Chanhyun dahil hindi niya alam kung anong nangyayari. Maya-maya nagulat sila ng umiyak si Chanyeol.
Tinignan ni Baekhyun si Chanhyun, "Lagot ka pinaiyak mo si Papa Chanyeol"
Bumibigat naman yung paghinga ni Chanhyun dahil naiiyak na rin siya.
Si Chanyeol naman ay masayang pinanonood yung reaksyon ng anak niya.
Nang biglang umiyak si Chanhyun ay nataranta siya.
"H-Hala bakit?" Sabi niya at nilapitan ito. Pagkalapit niya ay agad niya itong kinarga.
Niyakap siya ni Chanhyun kaya hinagod niya ang likod nito, "I-I-Im sorry, Pa-Papa Chanyeol..."
Napangiti si Chanyeol. Hindi na siya nagsalita kaya ginalingan niya nalang ang pagpapatigil kay Chanhyun sa pag iyak.
Napahinga ng malalim si Baekhyun nung tumigil na si Chanhyun.
"P-Papa Chanyeol?"
Agad naman lumingon si Chanyeol kay Chanhyun habang karga niya ito.
"Yes?"
"Please stay with us..." Sabi nito kaya nagulat siya.
Hindi lang siya, kundi pati si Baekhyun. Imagine, 5 years old palang si Chanhyun pero yung mga sinasabi niya parang hindi na siya bata.
"Do you want me to stay here?" Tanong niya na tinanguan naman ni Chanhyun, "San ako matutulog?" Dagdag pa niya.
"You'll sleep beside my Papa" sabi ni Chanhyun at tinuro yung kama ni Baekhyun.
Nanlaki yung mata ni Baekhyun habang ngumiti ng nakakaloko si Chanyeol.
Tinignan niya bigla si Chanhyun, "What do you want? Baby Sister or Baby Brother?" Tanong niya.
Di na napigilan ni Baekhyun yung kamay niya kaya nabato niya ng unan si Chanyeol. Pero dahil karga ni Chanyeol si Chanhyun, natamaan ito. Akala ni Baekhyun ay iiyak ito pero hindi. Tumawa ito na naging dahilan ng pagtawa ng kanyang mga magulang.
*
[Oh?! Sila na ulit?!] Sigaw ni Luhan mula sa kabilang linya.
Napahinga ng malalim si Taeyeon habang nasa loob ng sasakyan niya. Hanggang ngayon ay nasa labas pa rin siya ng bahay ni Baekhyun.
"Oo nga. Paulit ulit naman to" sabi niya at yumuko.
Hindi niya inaasahan na ganito kasakit yung mararamdaman niya. Akala niya okay na siya. Akala niya makakaya niya. Hindi pala. Kasi nasasaktan pa rin siya. Sobrang sakit na para bang gusto niyang paandarin ng mabilis yung sasakyan at hayaan na tumama sa kahit saan.
Matagal bago nagsalita ulit si Luhan. Naaawa siya para kay Taeyeon. Hindi niya sinasadyang maawa pero yun na yung naramdaman niya simula ng marinig niyang sila na ulit.
Masaya siya para sa dalawa, pero para kay Taeyeon? Nasasaktan siya.
[T-Taeyeon---]
Sinuntok ni Taeyeon yung manibela kaya di na natuloy ni Luhan yung sasabihin niya.
"Putangina!" Sigaw ni Taeyeon.
"Tangina, Baekhyun!" Sabi niya habang patuloy na hinahampas yung manibela.
Hindi niya napansin na tumutulo na naman yung mga luha niya.
Napapikit si Luhan dahil nasasaktan siya para kay Taeyeon. Kung pwede lang niyang akuin lahat ng sakit na nararamdaman ni Taeyeon ay gagawin niya. Kung kaya niya lang magpakalalaki at mahalin si Taeyeon gagawin niya eh. Kaso hindi, si Sehun yung mahal niya.
"Luhan bat ganun? Nung nawala si Chanyeol, andito ako. Nung bumalik si Chanyeol, andito ako. Pero bat di niya ko nakita?" Nakayukong sabi nito.
[Shh. Taeyeon tama na]
"A-Ang hirap lang kasing tanggapin. Nag antay ako, Luhan. Inantay ko yung---yung araw na mapansin niya ko," sinuntok niya yung manibela kaya napapikit si Luhan, "pero putangina wala pa rin. Walang wala pa rin!"
"Ang sakit, Luhan," pumikit si Taeyeon at hinayaan ang pagtulo ng luha niya, "ang sakit na makita silang masaya habang ako nasasaktan" hinigpitan niya yung paghawak sa earpiece niya.
Nanatiling tahimik si Luhan. Gusto niyang yakapin si Taeyeon ngayon. Alam niyang masakit para kay Taeyeon pero pinilit nila ni Kyungsoo to.
Tumingin si Taeyeon sa bintana nila Baekhyun at hindi niya inexpect na ang sakit sakit, "Mahal ko si Baekhyun," nakita niya si Chanyeol na malapit yung mukha kay Baekhyun at mas lalo siyang naiyak, "pero bat di ko siya mapagtanggol?" Feeling niya malalaglag siya kahit nakaupo lang siya kaya kumapit siya sa manibela, "Bakit ang hirap?" Napapikit siya at kinagat yung labi niya.
Gusto ni Luhan na mailabas ni Taeyeon lahat. Lahat lahat ng sakit para mabawasan man lang kahit papaano. Pero sa mga naririnig niya kay Taeyeon ngayon, parang walang nangyayari. Parang mas lalo lang siyang nasasaktan.
"Gusto kong ipaalam sa kanya kaso natatakot ako," kinuha niya yung wallet niya kung saan nandun yung picture nila ni Baekhyun noong highschool palang sila, noong wala pang Chanyeol at Baekhyun, yung Taeyeon at Baekhyun lang, "na baka pagsinabi ko iwasan niya ko," Taeyeong imagined her life without Baekhyun at umiling siya, dun niya narealize na si Baekhyun yung naging mundo niya, "ayoko nun"
"Luhan anong gagawin ko?" Nakatitig lang siya sa picture, "Ayoko siyang mawala pero eto na," pinunasan niya yung luha niya habang pinipilit na ngumiti pero walang nangyari, dahil mas lalong tumulo yung luha niya, "unti unti na siyang kinukuha ni Chanyeol sakin" humigpit yung pagkakahawak niya sa wallet niya hanggang sa malukot ito.
Hindi na napigilan ni Luhan yung pagtulo ng luha niya. Buti nalang at tulog pa si Sehun sa tabi niya. Kung hindi, papagalitan na naman siya nito.
Tumango si Taeyeon, "Oo nga mahal ko siya," huminga siya ng malalim habang pinipigilan magcrack yung boses niya, "oo nga kaya ko siyang ipaglaban," hanggang sa naisip niya na siya lang mag isa, pano niya lalabanan si Chanyeol kung wala naman siyang pinanghahawakan mula kay Baekhyun, "pero pano ko siya ipaglalaban kung alam kong ako lang ang lalaban? Pano ko gagawin yun ng mag isa lang?"
Hanggang sa nadurog na ulit si Taeyeon. Si Baekhyun lang lagi ang dahilan ng pagkadurog niya. Si Baekhyun lang, wala ng iba.
Sinilip niya ulit yung bintana nila Baekhyun, "Luhan," kinagat niya yung labi niya dahil hindi na talaga niya kayang pigilan, "di ko na kaya"
[T-Taeyeon---]
"Mahal ko siya eh," tumangosi Luhan mula sa kabilang linya, walang araw na hindi sinabi ni Taeyeon kay Luhan kung anong totoo niyang nararamdaman para kay Baekhyun, "gusto ko siyang maging masaya pero gusto ko rin sumaya" napayuko si Taeyeon. Hindi na niya alam kung anong dapat niyang gawin.
"Pero pano ako sasaya kung nasa kamay siya ng iba? Pano ako magiging okay kung alam kong pagmamay ari siya ng iba?"
Natigilan si Luhan. Hindi niya alam kung anong isasagot niya sa mga tanong ni Taeyeon. Kaya inisip niya yung tamang mga salita para saktan si Taeyeon, para magising siya sa katotohanan na wala siyang pag asa kay Baekhyun dahil si Chanyeol lang ang laman ng puso nito.
[Taeyeon, alam mong umpisa palang ng storyang to, talo ka na] sa narinig ni Taeyeon ay mas lalo siyang naiyak. Tumango siya, gusto na niyang tumigil sa pag iyak pero ang sakit kasi talaga.
Ang sakit na makita yung taong mahal mo na masaya sa iba. Ang sakit na hindi ka niya magawang mahalin katulad ng pagmamahal niya sa iba.
"Alam ko naman eh," ngumiti siya ng mapait, "nagbabakasali lang na ako naman yung piliin niya" hanggang sa tumulo ulit yung luha niya.
Tumayo si Luhan sa kama nila at maingat na kinumutan si Sehun, pupuntahan niya si Taeyeon. Kailangan siya ni Taeyeon ngayon.
"Hindi naman imposible yun diba?"
Pero natigilan siya ng tanungin siya ni Taeyeon ng ganito.
[Hinding hindi ka niya pipiliin dahil hindi naman ikaw yung mahal niya]
Mas lalong umiyak si Taeyeon dahil dun.
"Luhan," halos pabulong na sabi ni Taeyeon, "di ko na talaga kaya"
"Ayoko ng masaktan" sabi ni Taeyeon at inistart ang sasakyan.
Kinabahan bigla si Luhan sa sinabi ni Taeyeon.
[Taeyeon!] Sigaw niya.
[Taeyeon?] Hindi na sumasagot si Taeyeon kaya dinalian niya na ang pagbibihis.
Nagmadali siyang makalabas ng apartment nila ni Sehun hanggang sa may narinig siyang banggaan sa kabilang linya.
Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Bumilis yung tibok ng puso niya. Nanginig yung katawan niya na para bang nastroke siya.
[Fuck it, Taeyeon!!]
----
PS. ( FB GROUP CHAT )
Since may nagrecommend sakin na gumawa ng fb group chat, ay eto na. Hahaha! Alam niyo naman na as much as possible ay makacommunicate ko kayo or maging friend kaya eto. Haha! Send niyo yung fb link niyo through PM here in wattpad tas iaadd ko kayo sa group chat. Okay ba yun? Gagawa tayong squad, yes naman! Hahaha! So ayun, kung sino lang naman may gusto. Yun lamang at maraming salamat!
Labyuuuu!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro