서른셋
"Bakit?" Tanong ni Luhan pagkatapos nilang makalayo sa pwesto nila.
"Sino yung Daehyun na yun?" Nakapameywang na tanong ni Chanyeol habang magkasalubong ang dalawang kilay.
"Di ko nga kilala yun, Chanyeol" sabi ni Luhan.
Hindi niya naman kasi talaga kilala si Daehyun dahil 2 weeks palang simula ng magkakilala si Baekhyun at Daehyun and Baekhyun thought na hindi niya naman obligasyon ipakilala si Daehyun kay Luhan o kay Sehun dahil wala namang sila, just friends.
"Alam mo, Chanyeol, kung di mo ko pinapunta rito baka natanong ko pa kay Baekhyun kung sino yung Daehyun na yun" sunod sunod na sabi ni Luhan at inirapan si Chanyeol.
Tinignan naman siya ni Chanyeol sa mata, pero lumambot na yung tingin niya hindi katulad kanina na nakakamatay dahil ang talim talim ng tingin niya.
"Pero okay na ba siya?" Tumingin siya sa langit at pumikit, "hindi na ba siya baliw?" dagdag pa ni Chanyeol.
Sinamaan ni Luhan ng tingin si Chanyeol dahil bakit hanggang ngayon yan pa rin yung iniisip niya, bakit napakabig deal kay Chanyeol kung baliw si Baekhyun, eh, mahal niya naman diba?
"Pwede ba, yeol?" Halata sa boses ni Luhan yung pagkainis, "Noon hinahayaan kitang itanong sakin yan, sabihin na baliw siya at kung anu-ano pa, pero ngayon," tumingin siya kay Chanyeol at hinampas siya sa braso, "tantanan mo na pwede ba? Kasi hindi naman siya nabaliw, baliw o kahit ano pang sakit na malala ang gusto mong iconnect sa kanya," pumameywang si Luhan at nilakihan ng mata si Chanyeol na nakatitig lang sa kanya, "kasi hindi naman totoo! Lahat ng pinaniwalaan mo hindi totoo!" Sigaw ni Luhan sa kanya at tinalukuran siya.
Akala ni Chanyeol ay aalis na si Luhan pero hindi, nanatili lang nakatayo si Luhan na nakatalikod at nakacross arms.
Medyo nagulat si Chanyeol sa biglaang pagsigaw si Luhan pero mas nagulat siya sa mga sinabi ni Luhan.
"A-Ano?" Nagtatakang tanong ni Chanyeol habang lumalapit kay Luhan.
Humarap siya kay Chanyeol, "Oo, oo, oo! Wala siyang sakit!" Sigaw niya pa at nauna ng maglakad.
Nang mapansin ni Luhan na hindi sumusunod si Chanyeol ay lumingon ulit siya.
"Chanyeol!" Tawag niya rito.
Hindi naman agad nakagalaw si Chanyeol dahil sa gulat niya, binilisan niya yung paglalakad papalapit kay Luhan. Magsisimula na sanang maglakad ulit si Luhan pero pinigilan siya ni Chanyeol.
"Ibig sabihin ba nun..." Tumigil si Chanyeol sa pagsasalita at tinignan si Luhan sa mga mata, "y-yung pag iwan ko sa kanya--"
"Oo, isang malaking pagkakamali mo yun," sabi ni Luhan, "I dont have the rights to tell you this kaya hayaan nalang natin na si Baekhyun mismo ang magsabi sayo" sabi ni Luhan na tinanguan lang ni Chanyeol.
Tinignan niya si Chanyeol na parang inaaya niya ng maglakad kaya sumunod na si Chanyeol nang magsimula ng maglakad si Luhan pabalik sa mga kaibigan nila.
*
"Baekhyun, ano yan?" Sabi ni Lay habang tinuturo yung tiyan ni Baekhyun na may mahabang scars.
Halata kasi yung tiyan ni Baekhyun sa white tshirt niya dahil manipis lang naman ang tela na iyon.
Napatingin rin naman yung iba sa tiyan ni Baekhyun. Bukod kila Luhan at Sehun ay alam na rin naman ni Kyungsoo yung totoo dahil nga inamin na ni Baekhyun sa kanya at nadiskubre rin naman yun ni Kyungsoo 5 years ago.
"Hala oo nga, ano yan?" Sabat naman ni Chen at lumapit pa kay Baekhyun na nakatayo sa table para tignan ng malapitan.
Nataranta naman si Baekhyun at napalunok ng ilang beses pero agad niya rin naman naalala yung dahilan niya noon sa mga kaibigan niya.
"D-Diba nga nung college tayo, b-biglang lumobo yung tiyan ko, tas nung n-naggraduation tayo ayun," ngumiti si Baekhyun ng maliit, "inoperahan ako para matanggal yung b-bara sa loob ng tiyan ko" sabi niya at hinawakan pa yung tiyan niya.
Napatingin naman siya kay Luhan at Kyungsoo na magkatabi at nagkangitian ng malusutan niya yun.
"Oh, eh, kamusta ka naman?" Tanong pa ni Xiumin pagkaupo niya.
Huminga ng malalim si Baekhyun at nginitian si Xiumin, "Umokay na rin naman ako. Medyo maingat nga lang dapat sa pagkain" sabi niya habang tumatango tango para mas convincing.
Taimtim naman siyang tinitignan ni Chanyeol, dahil pagkatapos nilang mag usap ni Luhan ay hindi na nawala sa isip niya na hindi naman talaga nabaliw o baliw si Baekhyun nung mga panahon na yun.
"Hindi naman na naulit?"
Napatingin sila lahat sa pagtatanong ni Chanyeol. Yung tono ng boses niya, its obvious that he's worried and he cared for Baekhyun and of course Baekhyun's health.
Napablink si Baekhyun ng dalawang beses at tumango, "Yes, hindi na siya naulit. Thanks to Taeyeon and Luhan, I guess" sabi niya at tinignan si Luhan sabay ngiti.
Sa narinig ni Chanyeol ay mas lalo siyang nagsisi. Lalo na nang marinig niya yung pangalan ni Taeyeon, alam niya na close si Baekhyun at Taeyeon pero hindi niya matanggap sa sarili niya na baka wala na, wala na siyang babalikan.
Bakit ba kita iniwan?
Tanging tanong ni Chanyeol sa sarili niya bago niya nakitang tumalong si Baekhyun sa swimming pool habang hawak yung kamay ni Kyungsoo.
Bakit kita binitawan?
Hindi niya alam kung bakit niya nagawa kay Baekhyun yun. Kung dati alam niya isasagot niya sa tanong na yan, ngayon hindi na. Dahil hindi naman baliw si Baekhyun, hindi naman talaga nabaliw si Baekhyun.
Nakaupo lang si Chanyeol habang pinapanood si Baekhyun na nakikipagtawanan sa mga kaibigan nila.
"Chanyeol!" Napabalik si Chanyeol sa realidad ng marinig niyang may tumawag ng pangalan niya.
"Chanyeol!" Napalingon siya kay Sehun na tumawag sa kanya.
"Halika na! Magswimming ka naman!" Pag aaya nito sa kanya.
"Oo nga, tara na!"
"Lika na, Chanyeol!"
Aya pa ng iba sa kanila, habang si Baekhyun ay nakangiti sa kanya.
Nakita naman ni Kyungsoo na nakatingin si Baekhyun kay Chanyeol kaya lumapit siya rito.
"Ayain mo kaya si Chanyeol para hindi ka naman nahihirapan sa paglingon lingon" bulong ni Kyungsoo kay Baekhyun.
Pero sa lugar ni Chanyeol, iba yung nakikita niya. Parang hinahalikan ni Kyungsoo si Baekhyun sa pwesto nilang dalawa kaya napatayo si Chanyeol at taimtim na tinignan ang ginagawa ni Kyungsoo at Baekhyun.
Ngumiti naman si Baekhyun pagkatapos siyang bulungan ni Kyungsoo sabay napatingin siya kay Chanyeol, nakita niyang nakakunot yung noo nito at magkasalubong yung mga kilay ni Chanyeol at mas lalong sumingkit kaya nginitian niya ito.
Nakita niya naman na unti unting nawala yung pagkunot ng noo ni Chanyeol kaya mas lalo niyang nilakihan yung pagngiti. Habang yung mga kaibigan niya ay nagtataka kung saan nakatingin si Chanyeol at biglang nawala yung pagkunot ng noo nito. Sinundan nila ng tingin kung saan nakatingin si Chanyeol and that leads them to Baekhyun who is now smilling with crescent eyes.
Napangiti sila at tumawa naman ng maliit ang mga kaibigan nila.
"Love story continued?" Bulong ni Sehun na narinig rin naman ng iba bukod kay Baekhyun na mukha nalulunod na sa pakikipagtitigan kay Chanyeol.
"Chanyeol, tara?" Nagulat sila sa pag aaya ni Baekhyun kay Chanyeol.
Agad namang tumayo si Chanyeol mula sa kinauupuan niya at tumalon sa pool.
Napangiti sila sa inasal ng dalawa, na para bang namiss nila ang isa't isa.
Pero simula ng bumaba si Chanyeol sa pool ay hindi sila nag usap ni Baekhyun na ipinagtataka nila Suho.
Lumapit naman si Suho sa magkayakap na Sehun at Luhan sa gilid ng pool at kinalabit sila.
"Bat di sila nag uusap?" Tanong ni Suho kay Luhan.
Luhan shook his head, "I dont know either" sabi niya at tinignan si Baekhyun na nasa gilid at si Chanyeol na nasa kabilang gilid.
Umalis naman agad si Suho dahil tinatawag siya ni Lay.
Tinignan naman ni Sehun si Luhan, "So what's your plan?"
Napatingin naman si Luhan sa mga mata ni Sehun at ipinatong ang dalawang kamay sa balikat nito, naramdaman niya rin yung dalawang kamay ni Sehun sa beywang niya at nilalapit siya, "Chanyeol still thinks na nabaliw si Baekhyun noon" bulong niya at napaiwas ng tingin dahil palapit na ng palapit yung mukha ni Sehun sa mukha niya.
Habang napashake naman ng ulo si Sehun dahil sa narinig niya, "Iba nga kasi yung perspective niya"
Napatingin naman siya ulit kay Sehun at dun niya lang napansin na magkadikit na yung noo at ilong nilang dalawa, napatingin naman siya sa labi ni Sehun at kaunting galaw niya nalang ay magdidikit na yung labi nila kaya napalunok siya, "P-Pero kahit na..." Tanging nasagot niya dahil nakalimutan niya yung dapat niyang sabihin dahil nadistract siya sa labi ni Sehun.
Pumikit naman si Sehun at mas hinigpitan yung yakap sa beywang ni Luhan kaya napakapit si Luhan sa balikat ni Sehun, "Let's talk about this later" sabi nito sabay halik sa labi ni Luhan.
Napagasp naman si Baekhyun dahilan para mapalingon si Chanyeol sa kanya.
"Bakit?" Nag aalalang tanong ni Chanyeol.
Napalingon naman si Baekhyun kay Chanyeol at ngumiti, "Ha? Ah, wala" nakangiting sabi nito.
Napakunot naman yung noo ni Chanyeol at lumapit na kay Baekhyun, "Eh bat ka naggasp?"
Ngumiti siya kay Chanyeol at tinuro si Luhan at Sehun na naghahalikan sa dulong side ng pool habang yung mga kaibigan nila ay nakangiting pinanonood yung dalawa.
"We used to be like that"
Napahinga ng malalim si Baekhyun, ngumiti siya ng maliit para itago yung kaunting sakit na naramdaman niya sa sinabi ni Chanyeol.
"I-Im sorry" biglang sabi ni Chanyeol. Hindi niya rin kasi sinasadyang masabi yun, akala niya hindi niya mavovoice out yung nga words na yun kaya kampante siya.
"N-No, its okay" sabi ni Baekhyun at umahon na sa pool.
Pinanood naman ni Chanyeol si Baekhyun habang umaahon, nagsisisi siya kung bakit niya nasabi yun, hindi niya naisip yung magiginh reaksyon ni Baekhyun, pero hindi niya rin naman kasi alam ma mavovoice out niya yun. Pero still, its his fault kung bakit lumalayo na si Baekhyun sa kanya.
Hindi alam ni Baekhyun kung bakit siya nasaktan aa sinabi ni Chanyeol. He dont know kung bakit siya nasaktan, well in fact totoo na they used to be like that pero hindi niya lang talaga alam kung saan ba talaga siya nasaktan. Sa sinabi ni Chanyeol o dahil si Chanyeol ang nagsabi, hindi niya alam.
Pagkabalik ni Baekhyun sa upuan nila ay nagring yung phone niya, hindi niya naman agad nasagot dahil basa yung kamay niya kaya it took a minute bago niya naaccept yung call.
"Oh, Taeyeon, bakit?" Bulong ni Baekhyun.
Hindi sumagot si Taeyeon, puro paghinga lang niya yung naririnig ni Baekhyun.
Kinabahan bigla si Baekhyun.
Tumawa si Baekhyun kahit kinakabahan na siya, "Uy taeyeon, bakit?"
Napalakas yung boses niya kaya napatingin sila sa kanya.
[S-Si Chanhyun...]
Nanlaki yung mata ni Baekhyun at mas lalong bumilis yung tibok ng puso niya.
"N-No... a-anong nangyari?" Nagpapanic na si Baekhyun kaya umahon na sila Luhan sa pool at nilapitan siya.
"Anong nangyayari, Baek?" Tanong ni Tao habang hinahagod yung likod niya.
Hindi pa rin sumasagot si Taeyeon kaya mas lalo na siyang kinabahan, nagsisimula na rin magluha yung mga mata niya.
"T-Taeyeon... a-ano?" Naiiyak na sabi ni Baekhyun. Hinawakan naman agad ni Luhan yung kamay ni Baekhyun.
Habang si Chanyeol ay hindi alam ang gagawin, ayaw niyang nakikitang ganito si Baekhyun. Yung Baekhyun na naguguluhan, natatakot, kinakabahan, nagpapanic dahil maski siya ay kinakabahan sa kung anong nangyayari.
[N-Nasa hospital kami Baekhyun...]
Sa sinabing yun ni Taeyeon ay agad na napaupo si Baekhyun at tumulo yung luha niya.
"Asan kayo?" Nakapikit na sabi ni Baekhyun. Pinanonood lang nila si Baekhyun sa pag iyak.
[B-Baekhyun wag ka nga umiyak... please, a-andito naman na kami eh] Sabi ni Taeyeon.
Napakagat naman ng labi si Baekhyun, "K-Kahit na T-Taeyeon.. A-Ano? K-Kamusta na siya?" Tuloy tuloy na tanong ni Baekhyun.
[Nagsusuka pa rin siya ng dugo.. Baekhyun, inalagaan ko yung anak mo] sabi ni Taeyeon habang nakatingin kay Chanhyun na nahihirapan sa pag ubo.
Narinig naman ni Baekhyun ang pag ubo ni Chanhyun kaya napapikit siya, "Alam ko naman, Taeyeon eh. Pero ano na naman bang nangyayari sa bata?"
Umiling si Taeyeon sa kabilang linya, [D-Di ko rin alam, Baekhyun]
Napasapo naman si Baekhyun sa noo niya at napatayo siya, "Pupunta ako dyan"
[Wag na! Kaya ko na, magpakasaya ka muna dyan] sabi ni Taeyeon, ayaw niya naman kasi talagang tawagan si Baekhyun kaso kailangan niyang sabihan ito para hindi siya mag alala.
Nainis naman agad si Baekhyun, "Pano ako magpapakasaya rito kung nasa hospital yung anak ko?" Sabi ni Baekhyun.
Nagpalipat lipat naman sila ng tingin kay Baekhyun at kay Chanyeol.
[O-Okay naman na kami rito eh---]
"Pero Taeyeon, gusto kong alagaan yung anak ko" umiiyak na sabi ni Baekhyun.
Hindi naman malaman ni Chanyeol kung may anak na ba si Baekhyun at Taeyeon o ano.
[Alam ko naman eh pero kailangan mo---]
"Hindi ko kailangan magpakasaya rito kung andyan kayo ng anak ko sa hospital. Hindi pwedeng andito lang ako, Taeyeon," sabi ni Baekhyun, "pupunta ako dyan" sabi pa niya sabay end ng call.
Pagkatapos ng tawag ay tumingin si Baekhyun kay Luhan na nakahawak sa kamay niya.
Nanggigilid na naman yung luha ni Baekhyun, ngumiti siya kay Luhan pero hindi makangiti si Luhan sa kanya.
"Y-Yung anak ko..." Bulong ni Baekhyun kaya niyakap siya ni Luhan.
"Shh~ Shhh~ kung gusto mo ng pumunta, sige na" sabi ni Luhan at hinahagod yung likod ni Baekhyun.
"Anak ko nalang ang m-meron ako, Luhan" sabi ni Baekhyun habang umiiyak.
Naguguluhan naman si Chanyeol kung paano nagkaanak si Baekhyun eh wala naman daw siyang naging boyfriend o girlfriend sabi ni Luhan.
Hindi kaya... nag ampon siya?
Tanong ni Chanyeol sa sarili niya dahil wala namang nakarelasyon si Baekhyun, at ang tanging way para magkaanak si Baekhyun ay ang mag ampon.
O di kaya nabuntis si Taeyeon at si Baekhyun ang tumayong tatay?
Umiling naman si Chanyeol dahil kung ano anong pinag iiisip niya.
"Chanyeol," napalingon naman siya kay Sehun, "you brought your car, right?
Tumango naman si Chanyeol habang nakatingin kay Sehun at dun niya lang napansin na wala na si Baekhyun at Luhan.
"Pahatid naman si Baekhyun sa hospital" sabi ni Sehun. Medyo nagulat naman si Chanyeol pero tumango nalang siya.
"Hoy, sa hospital ha! Hindi sa kwarto" sabi Chen kaya tumawa ng malakas si Kris pero nabatukan rin naman agad siya ni Tao.
"Bakit?"
"Mukha kang half moon eh"
Kaya nagtawanan sila habang inaantay si Baekhyun na lumabas.
Pagkababa nila Baekhyun ay may dala ng shirt si Luhan, "Oh," sabay hagis niya ng damit kay Chanyeol na nasalo rin nito, "wag ka na magpalit ng pants, ako nalang magpapalinis ng car mo kung madumihan man"
Tumango nalang si Chanyeol pagkatapos niyang magpalit ng damit, hindi siya nakita ni Baekhyun magpalit dahil busy ito sa pagtetext kay Taeyeon.
Lumapit naman si Chanyeol kay Baekhyun at kinuha ang gamit nito, "Akin na yan" at nagsimula ng maglakad.
Nagpaalam naman si Baekhyun sa kanila, "Pasensya na ah, mauna na ko"
"Magkukwento ka samin sa susunod ah?" Sabi ni Tao dahil marami siyang hindi maintindihan sa mga nangyayari.
Nagtaka naman si Baekhyun pero tumango nalang siya, "Sige, sa susunod"
Nagbabye rin naman siya bago makarating sa sasakyan ni Chanyeol.
Nauna na si Chanyeol sa loob ng sasakyan, habang si Baekhyun ay sumakay sa likod na ikinagulat ni Chanyeol pero hinayaan niya nalang.
Sinilip niya naman si Baekhyun na nagtetext, "Saang hospital tayo?"
Lumingon naman saglit si Baekhyun sa kanya, "Yung hospital malapit sa simbahan" sabi ni Baekhyun.
Tumango naman si Chanyeol at inistart na yung sasakyan.
Tahimik lang sila buong byahe kaya nagulat si Chanyeol ng biglang umiyak si Baekhyun.
"M-May problema ba?" Sabi niya habang sinisilip ulit si Baekhyun rear view mirror dahil nagdadrive siya.
Baekhyun shook his head in response kasi ayaw niyang malaman ni Chanyeol yung problema niya kahit alam niya na narinig siya kanina nito.
"K-Kamusta yung," tumigil si Chanyeol at lumunok, "y-yung anak mo?" Sabay silip kay Baekhyun saglit.
Hindi niya alam pero kanina pa siya nagaalala para sa bata, gusto niyang malaman kung okay lang yung bata.
Napatingin naman si Baekhyun kay Chanyeol, "N-Nagsusuka pa rin daw sabi ni Taeyeon" nang marinig yun ni Chanyeol ay parang may kung anong kumirot sa puso niya. Parang may kung ano sa bata na gusto niya talagang makita.
Pagtapos nun ay tanging pagsinghot nalang ni Baekhyun ang naririnig nila.
Umubo ng peke si Chanyeol, "A-Anak mo ba talaga yun?" Tanong niya habang nakastop pa yung traffic light at nilingon si Baekhyun.
Tinignan lang siya ni Baekhyun sa mga mata. Ayaw niyang sagutin yung tanong ni Chanyeol pero nag iintay ito.
"K-Kanino?" Tanong ulit ni Chanyeol.
Sasagot na dapat si Baekhyun nang biglang nagbusina yung mga sasakyan sa likod nila.
Buti nalang...
Kaya pinaandar na ulit ni Chanyeol yung sasakyan. Aminin man niya o hindi, halata sa mukha niyanh inaantay niya yung sagot ni Baekhyun. Gusto man niyang sabihin na silence means yes, hindi niya rin masabi dahil minsan may mga taong ayaw lang sumagot sa tanong.
Tumahimik nalang ulit sila buong biyahe, nang makarating sila ay binuksan na agad ni Baekhyun yung car door, hindi niya napandin na sumabit yung bracelet niya at napigtas iyon kaya agad niyang kinuha yung gamit niya na nasa gilid lang niya.
Bumaba rin si Chanyeol ng sasakyan at hinarap si Baekhyun na nasa labas na ng sasakyan, "Y-Yung bata-- h-hindi ko anak yun. Kapatid ko siya. Ako na nagpalaki k-kasi hindi na kaya ni Mama mag alaga ng bata" pagsisinungaling niya.
Nakahinga naman ng maluwang si Chanyeol dahil dun kaya ngumiti siya kay Baekhyun, "Mabuti naman"
Napatingin naman si Baekhyun sa kanya, "H-Ha?"
Umiling naman si Chanyeol habang namumula yung tenga niya, "W-Wala..."
Huminga naman ng malalim si Baekhyun para sana magpaalam na pero may tinanong pa si Chanyeol, "A-Anong pangalan ng bata? Pwede ko ba siyang makita?" Sabi ni Chanyeol dahil nag aalala siya sa bata kahit di niya pa nakikita.
Pero agad naman sumagot si Baekhyun, "Ha? W-Wag na!" Sabi ni Baekhyun habang umiiling, "A-Andun kasi sila Mama" dagdag pa niya.
Tumango naman si Chanyeol at ngumiti.
Matagal silang nagngitian ni Baekhyun nang marealize ni Chanyeol na dapat ng pumasok si Baekhyun sa loob, "Baekhyun, really, it was nice seeing you again" sabi ni Chanyeol at ngumiti.
Tumango naman si Baekhyun habang nakangiti, "It was nice seeing you, too" sabi ni Baekhyun.
Hindi niya naman alam kung yayakap ba siya o ano, pero dahil lumalapit na si Chanyeol sa kanya at nakabukas ang dalawang braso ay niyakap niya nalang din ito.
"I miss you..."
"I-I miss you, too..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro