서른넷
"I-I miss you, too..." pagkatapos ng ilang tapik sa likod ay umatras na si Baekhyun sa yakap.
Lumingon lingon muna siya sa kanyang paligid bago niya tignan si Chanyeol, "A-Ah, C-Chanyeol mauna na ko ha?"
Nagdadalawang isip naman si Chanyeol kung papayag ba siya o hindi.
Kung papayag siya ay mawawala ulit si Baekhyun sa kanya, alam niya naman na magkikita pa rin sila pero ayaw na niyang bumitaw ulit. Kung hindi man siya papayag na umalis si Baekhyun ay hahanapin siya ng anak niya sa loob.
That gives him no choice and no option, "Ah... s-sige. P-Pakisabi sa bata, get well soon," ngumiti siya ulit at tumango ng ilang beses, "and thankyou for today"
Nginitian niya rin si Chanyeol, "Thankyou rin sa paghatid"
Tumalikod na si Chanyeol at pumasok na sa sasakyan niya. Binaba niya naman yung salamin sa car door, "Ingat kayo" sabi ni Chanyeol habang nakangiti.
Papaandarin na sana ni Chanyeol yung sasakyan ng may tumawag kay Baekhyun.
"Baekhyun!"
Napalingon silang dalawa sa lalaking balot na balot sa jacket pero nakashorts naman.
Kumunot yung noo ni Baekhyun.
"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Baekhyun at tinaasan ng kilay si Daehyun. Halata naman sa boses niya yung pagkainis.
Bakit siya naiinis? Eh kasi andito si Chanyeol, baka isipin ni Chanyeol may boyfriend na siya. Atsaka ayaw niyang makita ni Daehyun si Chanyeol, madaldal kasi si Daehyun at baka kung ano pa yung masabi niya kay Chanyeol.
Habang si Chanyeol ay nakatingin lang kay Daehyun.
He looks... familiar.
"Masama ba bumili sa convenient store?" Sabi ni Daehyun at pumameywang, "atsaka dun pang bahay ko oh" dagdag pa niya sabay turo sa kabilang side ng kalsada.
"Aalis na ko" sabi ni Baekhyun, agad rin naman siyang hinila ni Daehyun sa braso.
"Coffee?" Alok ni Daehyun habang nakangiti.
Nanliliit naman yung mata ni Chanyeol dahil hawak pa rin ni Daehyun yung braso ni Baekhyun.
Umiling si Baekhyun, "No, I have an appointment" sabi ni Baekhyun kaya napanguso si Daehyun.
Napangiti naman si Chanyeol sa pagtanggi ni Baekhyun sa offer ni Daehyun.
Kahit hindi kita kilala, ilalagay kita sa Enemy List ko.
Baekhyun heaved a deep sigh, "Sige, next time," sabi ni Baekhyun na naging dahilan ng paglingon ni Chanyeol sa kanya at pagkunot ng noo nito, "basta libre mo" dagdag pa ni Baekhyun at ngumiti.
Napangiti rin si Daehyun dahil finally masosolo niya si Baekhyun kahit saglit lang.
Habang sa isang banda, may isang lalaking namumula na yung tenga sa inis.
Bakit ka pumayag?!
Tanong niya sa sarili niya at hinampas yung manibela dahil dun napatingin si Baekhyun at Daehyun sa kanya.
"M-May problema ba?" Tanong ni Baekhyun.
Nagpalipat lipat naman yung tingin ni Daehyun kay Baekhyun at Chanyeol.
Napansin naman agad ni Baekhyun yun kaya hinampas niya sa balikat si Daehyun na ipinagtataka ni Chanyeol.
"Hinatid niya lang ako dito, okay?" Kalmadong sabi ni Baekhyun.
Lumingon naman si Daehyun kay Chanyeol nang may pagtataka sa mukha, na para bang humihingi siya ng explanation kung bakit magkasama silang dalawa, eh break na sila.
"Uhhhh--- yes" tanging sagot ni Chanyeol sabay wiggle ng dalawang kilay.
Tumango naman si Daehyun kahit gusto niyang malaman yung totoo. Eh bakit ba, gusto niyang malaman kung nagkabalikan na ba sila o hindi para alam niya kung may chance siya diba.
"U-Uhhhh... I-Im Daehyun" pakilala ni Daehyun kay Chanyeol.
Pinunas niya muna yung kamay niya sa likod ng jacket niya sabay lahad ng kamay sa harap ni Chanyeol.
Ayaw sanang tanggapin ni Chanyeol yung pakikipagkamayan kaso andun si Baekhyun at pinanonood sila, "Chanyeol" tanging sagot nito.
"I know" nakangiting sabi ni Daehyun.
Nagtaka naman si Chanyeol kung bakit alam niya, hindi kaya kinukwento ako ni Baekhyun sa kanya?
"We're classmates before" sabi ni Daehyun.
Naningkit naman lalo yung mga mata ni Chanyeol dahil inaalala niya si Daehyun.
After a few seconds ay naalala na ni Chanyeol si Daehyun.
"Ah, okay" sabi ni Chanyeol kay Daehyun.
"Ahh-- Sige na, Chanyeol. Baka hinahanap ka na nila dun" pag iinterupt ni Baekhyun sa dalawa.
Tumango naman si Chanyeol habang nakangiti ng maliit, inistart niya yung sasakyan.
"Sige, ingat" sabi niya bago paandarin yung sasakyan.
Bago siya tuluyang umalis ay nakita niya pa yung pag-akbay ni Daehyun kay Baekhyun na naging dahilan kung bakit badtrip siya hanggang sa makadating sa hotel.
*
"Taeyeon!" Tawag ni Baekhyun kay Taeyeon ng makita niya ito sa labas ng kwarto ng anak niya.
Tumakbo siya papalapit dito.
"Oh?" Nagulat si Baekhyun ng makita niya ng malapitan yung mukha ni Taeyeon, namamaga yung mga mata niya atsaka namumula yung ilong, "anong nangyari sayo?" Sabi niya sabay upo sa tabi ni Taeyeon at hinagod yung likod nito.
Sininghot muna ni Taeyeon yung sipon niya, "E-Eh kasi eh..." sabi niya at umiyak na naman.
"Huy! tumigil ka na. Sabi mo okay na yung anak ko diba? Oh, edi wala na yun" sabi ni Baekhyun at tuloy pa rin ang paghagod niya sa likod ni Taeyeon.
Umiling si Taeyeon habang nagkukusot ng mata.
She's adorable. Baekhyun thought.
"K-Kahit na!" Sabi ni Taeyeon, "D-Di ko kasi alam yung g-gagawin ko eh" dagdag pa niya at napayuko.
Dun niya napansin na wala yung binigay niyang bracelet kay Baekhyun.
Hinawakan niya yung wrist ni Baekhyun sabay tingin ng masama kay Baekhyun, "Asan yung bracelet mo?"
Nagulat naman si Baekhyun ng makita niyang wala yung bracelet niya.
"H-Hala!" Sabi niya sabay kapa sa bulsa niya, binuksan niya yung bag niya at inalis lahat ng gamit sa loob.
"Hala! Hala!" Sabi ni Baekhyun habang iniisip kung saan yun napunta.
"Bakit hinahanap mo sa bag mo? Diba sabi ko sayo wag na wag mong tatanggalin yun?" Matigas na sabi ni Taeyeon, "so inalis mo?" Taas kilay na sabi ni Taeyeon.
Mabilis namang umiling si Baekhyun habang nanlalaki yung mga mata, "Hindi! For 3years hindi ko inalis yun sa wrist ko" pagtatanggol ni Baekhyun sa sarili niya.
"Oh, eh san napunta?" Sabi ni Taeyeon.
Binigay ni Taeyeon yun kay Baekhyun nung birthday nito 3 years ago. May nakaukit dun na fearless, binili niya yun dahil bagay na bagay kay Baekhyun yung katagang iyon. After all the events that happened in the past, yun ang nagpapatunay na isang fearless na tao si Baekhyun.
"Hindi ko alam," mahinang sagot ni Baekhyun habang nakayuko, nagulat naman si Taeyeon ng biglang inangat ni Baekhyun yung ulo niya habang nakalagay sa sentido nito ang hintuturo niya, "alam ko na!" Sabi niya sabay labas ng phone niya.
May dinial si Baekhyun sa contacts niya at tinawagan ito.
"Hello, Lu?"
Napataas naman ng kilay si Taeyeon.
[Oh? Bakit?] Mabilis na sagot ni Luhan dahil nasa gilid lang niya yung phone. Umahon na rin sila sa pool at nakaupo nalang sa table nila kanina.
"Pakicheck nga sa pool kung may bracelet" mabilis na sagot ni Baekhyun.
Agad namang tumayo si Luhan at naglakad sa pool side at sinilip yung pool, [Baek, wala]
"Wala?" Nag aalangan namang tumingin si Baekhyun kay Taeyeon dahil magagalit ito.
"Tsk" narinig niyang sabi ni Taeyeon bago nagstraight ng pag upo.
[Oo, wala eh. Kanino ba yun?] Tanong ni Luhan pagkaupo niya.
"A-Akin yun. Yung binigay ni Taeyeon sakin," mahinang sabi ni Baekhyun at sinilip si Taeyeon, "n-nagagalit na nga eh" dagdag pa niya.
[Ahhh, yung bracelet? Lagot ka] sabi ni Luhan sa kabilang linya at tumawa pa.
"Nang aasar ka pa eh! Tulungan mo nalang ako!" Sabi niya pa.
[Baka naman napigtas] suggestion ni Luhan.
Napaisip naman si Baekhyun, "San naman mapipigtas yun?" Inisip ni Baekhyun kung saan ba siya nagpunta, kung saan pwedeng mapigtas yung bracelet at kung saan pwedeng mapunta yun.
[Aba malay ko] sagot ni Luhan pagkabalik niya sa table nila. Tinanong naman siya ni Sehun kung sino kausap niya, [si baekhyun]
Kaya nagtaka si Baekhyun kung bakit narinig niya yung pangalan niya, "Ano yun?"
[Wala, tinanong lang nila kung sino kausap ko] sabi ni Luhan.
Tinignan ni Taeyeon si Baekhyun na patuloy sa pangangalkal ng bag habang nakaipit sa balikat at tenga nito ang cellphone niya.
"Ahhh... tulungan mo nga ako maghanap, Luhan. Wala rito sa bag eh" sabi ni Baekhyun habang kinakalkal pa rin yung bag.
[Baka may nakakuha na nun kung saka-sakali] sabi ni Luhan, tinatamad kasi talaga siya.
"Hindi pwede!" Sigaw ni Baekhyun.
Eksakto namang kakaloudspeaker lang ni Luhan dahil sumasakit na yung braso niya, [Aray ah! Aray!] Reklamo nito dahil sa pagsigaw ni Baekhyun.
"Bakit na naman?" Tanong ni Baekhyun dahil wala naman siyang ginagawa.
Sinara na niya yung bag niya at sinandal na yung buong katawan sa upuan. Sinulyapan niya si Taeyeon sa gilid niya na nakacross arms pa rin pero di na galit yung mukha niya.
[Niloudspeaker ko kasi] sagot ni Luhan sa tanong ni Baekhyun habang kinusot yung tenga niya, nangati kasi.
"Basta, Lu. Tulungan mo ko ha?" Sabi ni Baekhyun.
Nang marinig nila yun ay agad na bumulong si Chanyeol habang nakakunot yung noo, "Ano yun?" Fresh pa rin kasi sa memory niya yung pag akbay ni Daehyun kay Baekhyun kaya badtrip siya.
"Yung bracelet niya na bigay ni Taeyeon, nawawala" pabulong na sagot ni Luhan.
Tumango naman si Chanyeol at nilabas yung phone niya. Kapag ganito kasing may dinadamdam siya, tinatawagan niya yung ate niya. Kaso nagdadalawang isip siya kasi may anak na yung ate niya baka nakakaistorbo siya. Di niya pa nabubuksan yung phone niya ay agad niya na itong binalik sa bulsa niya.
[Eh pano kung di na natin mahanap?] Mahinang tanong ni Luhan habang kinakamot yung batok niya pero hinawi ni Sehun yung kamay niya at siya na ang kumamot sa batok ni Luhan.
"Basta----" di natapos ni Baekhyun yung sasabihin niya dahil biglang sumulpot yung nurse sa pinto.
"Byun Chanhyun!"
Nanlaki naman yung mata ni Luhan at nagkatinginan sila ni Sehun, sinipa naman ni Kyungsoo yung paa ni Luhan sa ilalim ng lamesa dahilan para magkatinginan silang dalawa.
Sabay sabay silang napatingin kay Chanyeol na nakatingin sa phone at lumilipat yung tingin niya kay Luhan.
Nanlaki naman yung mata ni Chanyeol, "B-Byun?" Umiling naman siya at kinamot yung tenga niya, "Byun ano raw? Di ko narinig, putcha!"
Napahinga naman ng malalim yung tatlo dahil dun.
Buti nalang pala may pagkabingi si Chanyeol minsan. Sabi ni Kyungsoo sa sarili niya.
Akala kasi nila narinig ni Chanyeol yung pangalan ni Chanhyun, eh diba nga kilala niya si Chanhyun. Atsaka kahit pa maraming Chanhyun sa Korea mararamdaman niyang iisang tao lang yun at baka makaramdam pa siya ng lukso ng dugo.
"Byun Baekhyun daw" palusot ni Sehun. Magkatunog naman kasi yung dulo kaya ayos lang.
"Hindi ba pasyente yung tinatawag dun?" Tanong ni Lay, nilakihan naman siya ng mata ni Kyungsoo kaya napaurong siya at nagtago sa likod ni Suho pero nakasilip pa rin yung mata niya, "Masama na ba magtanong ngayon?" Dagdag pa niya.
Inirapan lang siya ni Kyungsoo habang si Luhan ay hindi malaman kung anong gagawin niya. Hindi niya kasi alam kung nakikinig ba si Baekhyun o hindi, kung ibababa niya ba yung call o hindi, at kung anu ano pa.
[Hello, Luhan?] Sabi ni Baekhyun sa kabilang linya kaya kinuha niya yung phone niya at tinanggal yung loudspeaker.
"Oh?"
[Sehun?] Nagtaka naman si Luhan kung bakit tinatanong niya si Sehun.
"Anong Sehun?" Sabi ni Luhan at nilingon si Sehun sa tabi niya ng may pagtataka.
[Hay nako, di mo ba nagets yun?] Sabi ni Baekhyun at huminga ng malalim, [dito ako pipirma?] Sabi ni Baekhyun habang nasa lobby. May pinapipirmahan kasi sa kanya dito sa hospital.
"Bakit ano ba yun?" Di niya kasi talaga nagets kung ano yun.
[Kasi diba sabi mo 'Oh', kaya sabi ko 'Sehun' ang tanga mo naman] sabi ni Baekhyun at naparoll eyes sa kabilang linya as if nakikita siya ni Luhan.
Napangiti naman si Luhan kasi totoo, ang tanga nga niya para di magets yun, "Malay ko ba" tanging sagot niya.
[Nakaloudspeaker pa rin?] Tanong ni Baekhyun.
Di niya naman alam kung bakit niya pinindot yung 'loudspeaker on' at sinagot niya sa tanong ni Baekhyun ay, "Hindi na" kahit kakapindot niya lang ng loudspeaker.
[Kailangan ng anak mo si Chanyeol] sabi ni Taeyeon na naging dahilan ng paglaki ng mata nila.
Napatingin si Luhan sa phone niya at inend yung call. Napalingon siya kay Kyungsoo na nakatingin kay Chanyeol, kaya tumingin na rin siya kay Chanyeol at nakita niyang nakatingin ito sa kanya habang nanlalaki yung mga mata.
"A-Anak?" Pag uulit ni Chanyeol, "Bakit---- Bakit ako kailangan ng anak ni Baekhyun?"
Walang sumasagot maski isa sa kanilang tatlo. Hinawakan ni Sehun ng madiin yung kamay ni Luhan dahil nanginginig na ito. Habang si Kyungsoo ay prenteng prente lang dahil si Luhan at Sehun lang naman ang nakakaalam na alam niya yung totoo.
Tinitigan ni Chanyeol si Luhan, "May dapat ba kong malaman tungkol kay Baekhyun?" Tanong ni Chanyeol habang nanggigilid na yung luha niya at bumilis na ng bumilis yung pintig ng puso niya.
Matagal na katahimikan ang nagdaan dahil pinag iisipang mabuti ni Luhan kung sasabihin na ba niya yung totoo dahil naiipit siya sa sitwasyon.
Tumango si Luhan habang nakapikit.
"M-Meron..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro