서른
"Hello, Luhan?" Sabi ni Chanyeol pagkasagot ni Luhan sa telepono.
[Oh, bakit?] Sagot ni Luhan sa kabilang linya habang nag aayos ng mga gamit ni Sehun sa study table nito.
"Samahan mo naman ako" sabi ni Chanyeol at binuksan yung drawer niya sa ilalim ng computer table at kinuha ang car keys.
[Sure. Saan ba?] Sabi nito at tinapon sa basurahan yung mga crumpled paper ni Sehun.
"Kay Baekhyun" sabi ni Chanyeol.
Napatigil si Luhan ng marinig yung pangalan ni Baekhyun. Hindi kasama sa plano niya to. Ang plano niya'y magkikita yung dalawa pero hindi sa ganitong paraan.
Umubo si Chanyeol dahil hindi na sumagot si Luhan sa kabilang linya, "Luhan?"
[A-Ah... G-Gabi na kasi Chanyeol] sagot ni Luhan. Alam niyang pass 9 na at baka nakauwi na si Baekhyun sa kanila.
Pero ang hindi niya sigurado kung tulog na si Chanhyun. Baka nga nakikipaglaro pa si Baekhyun sa anak niya eh.
Huminga ng malalim si Chanyeol, "Luhan, please? Napaalam na kita kay Sehun" sabi niya at napapikit.
Lumabas na rin siya ng condo niya at pasakay na ng sasakyan niya.
Please, Luhan. Pumayag ka na.
[K-Kasi anong oras n-na eh] sabi nito.
"Kanina sabi mo okay lang eh. Dali na, Luhan" pagkukumbinsi ni Chanyeol kay Luhan habang iniistart yung sasakyan niya.
Napapikit naman si Luhan habang humihinga ng malalim, [Oo na sige. Saan tayo magkikita?]
"On the way na ko, wait" sabi nito habang nagdadrive.
Tumawa naman ng maliit si Luhan dahil parang excited talaga si Chanyeol sa pupuntahan nila.
[Di halatang excited ka no?] Pang aasar ni Luhan kay Chanyeol.
Pumasok naman siyang closet nila ni Sehun at tinignan yung sarili sa full size mirror kung okay lang ba yung suot niya.
"Gusto ko na kasi talaga siyang makita eh," sagot ni Chanyeol habang naguuturn papunta kila Luhan, "malapit na pala ako, Luhan"
Tumango naman si Luhan kahit alam niyang hindi siya nakikita ni Chanyeol, [Sige, di na rin naman ako magpapalit ng damit eh] sagot niya sabay labas sa closet nila.
"Okay lang ba siya, Luhan?" Tanong ni Chanyeol, ayaw niyang iend yung call dahil marami siyang gustong malaman. Gusto niyang malaman kung kamusta na si Baekhyun, kung may nanliligaw na ba si Baekhyun pero ayaw niyang malaman kung may bago ng boyfriend si Baekhyun.
[Okay lang naman siya, yeol. Bumalik na rin yung dating Baekhyun. Yung baekhyun na crush ng lahat, yung baekhyun na gustong gusto nila] sabi ni Luhan habang nakangiti. Dahil never niyang naimagine na babalik sa dati si Baekhyun.
Yung baekhyun bago sila maghiwalay, yung baekhyun na masiyahin, carefree, yung optimistic na baekhyun. Nadagdagan din si Baekhyun ng tapang, at lakas ng loob.
"E-Eh boyfriend? Meron na siya?" Tanong ni Chanyeol at at pinark yung sasakyan sa tapat ng building nila Luhan.
Napangiti naman si Luhan at may naisip sabihin, [Kahit naman wala siyang boyfriend hindi mo na siya pwedeng makuha] natatawang sabi ni Luhan.
Naparoll eyes naman si Chanyeol habang bumababa ng sasakyan niya, "Im Park Chanyeol and I call the shots" sabi niya.
Napatawa nalang si Luhan dahil sa sinabi niya, [Kawawa naman pala si Dara sayo] sabi niya.
Pero sa totoo lang, kawawa talaga si Dara kay Chanyeol. Laging on-time si Dara kapag may date sila tapos pagdating niya sa venue ng date nila, wala pa si Chanyeol. At minsan pag uwi niya galing sa trabaho niya, wala pa si Chanyeol, dumating pa nga sa point na umuwi si Chanyeol ng tulog na si Dara at umalis siyang tulog pa si Dara.
"Nako, Luhan. Alam niyo naman na si Baekhyun lang ang gusto ko" sagot niya at pinindot yung elevator papunta sa floor nila Luhan.
Totoo naman, si Baekhyun lang ang gusto niya. Alam nila Luhan yun. Alam nila na si Baekhyun lagi ang bukambibig ni Chanyeol. Siya lang yung gusto niya, hindi nga niya alam kung paano niya nakakayang makasama yung babaeng lalong nagpasira ng relasyon nilang dalawa.
[So you mean, kaya mong iwan si Dara for Baekhyun?] Sabi ni Luhan habang inaayos yung damit niya dahil baka dumating na si Chanyeol.
Umuwi kasi si Sehun sa bahay nila, may family dinner daw sila. Ayaw ng sumama ni Luhan dahil hindi pa naman daw siya part ng family kaya next time nalang.
Tumango si Chanyeol habang naghuhum, "Hmm-hmm"
[Wow, what a jerk] sabi ni Luhan habang nakasmirk.
"Hindi kaya, yun lang naman talaga yung dapat kong gawin noon pa. Kaso ayokong saktan si Dara" sabi niya sabay baba ng tawag dahil nakarating na siya sa floor nila Luhan.
"Ay bastos," sabi ni Luhan ng biglang binaba ni Chanyeol yung tawag, "iiwan niya talaga si Dara for Baek?" Sabi niya pa habang nakangiti.
Nawala yung ngiti niya ng may nagdoorbell.
"Si Chanyeol na ata to" sabi niya at sinilip pa kung si Chanyeol nga yung dumating.
Nang makita niyang si Chanyeol yun ay binuksan niya agad yung pinto at lumabas na.
"Di mo man lang ba ko papapasukin?" Sabi ni Chanyeol habang nanlalaki yung mga mata.
Umirap naman si Luhan, "Bakit pa kita papapasukin? Eh aalis na rin naman tayo?" Sabi niya at nagcross arms.
Napahinga naman ng malalim si Chanyeol at tumango, "Oo na tara na. Dalian na natin, baka matulog na yun" sabi ni Chanyeol at nagsimula ng maglakad.
"Di man lang ako inaya," sabi ni Luhan ng makita niyang nagmamadali si Chanyeol sa paglalakad, "tignan mo to, madaling madali di niya naman alam kung saan niya makikita si Baekhyun" dagdag pa niya at sumunod na kay Chanyeol na kakapindot lang sa elevator.
"Tagal mo naman maglakad" sabi ni Chanyeol ng makita niya si Luhan na naglalakad papalapit sa kanya.
"Di ba kita nainform na maliit lang biyas ko?" Sabi ni Luhan at tinuro yung legs niya.
Napailing naman si Chanyeol, "Dalian mo na baka matulog na yun!" Sabi nito at hinila na yung braso ni Luhan dahil medyo malapit na ito sa kanya.
"Aray ha, aray!" Sabi ni Luhan dahil hinila talaga siya ni Chanyeol papasok ng elevator.
"Ang tagal mo kasi eh" sagot ni Chanyeol sa kanya habang pinipindot pababa.
"Alam mo kasi Chanyeol, gabi na. Talagang matutulog na yun" sabi ni Luhan.
At dahil dun, nabatukan siya ni Chanyeol.
"Mahilig magpuyat yun, kaya baka gising pa siya" sabi ni Chanyeol at tumango tango pa. Sinusuportahan niya yung sarili niya dahil mukhang hindi sia sinasang ayunan ni Luhan.
"Para kang tanga, gabi na" sabi ni Luhan. Alam niya naman kung anong oras yung uwi ni Baekhyun, at baka mga ganitong oras ay nakikipaglaro ito o baka nagpapahinga.
Nagmamadali naman si Chanyeol lumabas ng elevator, nang mapansin niyang hindi gumagalaw si Luhan sa elevator ay hinala niya ulit ito palabas.
"Ano ba, Chanyeol! Hila ka ng hila!" Sabi niya ng mahila na siya ni Chanyeol palabas ng elevator pati ng building nila.
"Ang bagal mo kasi eh! Ikaw na nga nagsabing gabi na, oh edi bilisan na natin!" Sabi niya habang hinihila pa rin si Luhan papunta sa sasakyan niya.
Nang makarating sila sa sasakyan niya ay binuksan ni Chanyeol yung passenger seat at tinulak si Luhan papasok sa loob, "Oo na, oo na! Kaya ko naman pumasok eh! Di mo na ko kailangang itulak pa!"
Tumakbo naman si Chanyeol sa kabilang side ng sasakyan niya at sumakay na sa drivers seat.
"Tell me where can I find him" tanong ni Chanyeol habang iniistart yung engine ng sasakyan niya.
Hindi naman sumasagot si Luhan, pinag iisipan niya kasi kung paano niya sasabihin kay Chanyeol na nandun pa rin si Baekhyun sa bahay na tinitirhan nila dati.
Nilingon naman ni Chanyeol si Luhan, "Huy, Luhan! Saan?"
"H-Ha?"
"Asan si Baekhyun?"
"Nasa puso mo"
"Oo andito siya, pero saan yung 3D vedsion?"
Hindi na malaman ni Luhan kung ano pang sasabihin niya kaya napahinga siya ng malalim at sinuklay ang kamay sa buhok niya, "Sa apartment"
Napalingon ulit si Chanyeol sa kanya habang si Luhan nakatingin ng diretso, "S-Saan ulit?" Tanong niya dahil para siyang nabingi sa sinabi ni Luhan.
Huminga ng malalim si Luhan at tumingin kay Chanyeol, "Sa apartment niyo"
Umiling si Chanyeol, "You're kidding me" sabi nito at inistop yung engine na kakastart niya palang.
"Nagsasabi ako ng totoo, Chanyeol," sabi niya at huminga ng malalim, "hindi ko to sinasabi para maguilty ka o ano. Totoong dun tumira si Baekhyun. Andun siya ngayon" sabi pa niya.
Yumuko si Chanyeol at humigpit yung kapit niya sa manibela.
"B-Bat andun siya?" Tanong ni Chanyeol habang nakayuko.
Hindi naman napansin ni Luhan na nagiba yung boses ni Chanyeol.
Biglang sumikip yung dibdib ni Chanyeol ng marinig niyang andun si Baekhyun. Dahil maski siya, hindi niya makakayanang tumira dun. Dahil andun lahat ng memories nila ni Baekhyun.
"Dun niya gustong tumira dun" sabi ni Luhan saka lumingon kay Chanyeol na nakayuko.
Hinagod niya naman yung likod nito kaya napaangat si Chanyeol ng ulo niya.
"Malayo-layo yun dito, tara na" pag iiba ni Chanyeol at inistart na ulit yung sasakyan.
Tahimik lang silang dalawa habang nagdadrive si Chanyeol. Hindi naman mapakali si Chanyeol dahil matagal na simula ng mapuntahan niya ito. Simula ng maghiwalay sila ni Baekhyun ay hindi niya na to pinuntahan o maski dinaanan.
Dahil natatakot siya na baka wala na siyang balikan kapag pumunta siya rito.
Nagulat naman si Chanyeol ng maramdaman niya yung kamay ni Luhan sa balikat niya, "Wag kang mag alala, makikita mo siya dun" sabi ni Luhan sabay pisil sa balikat ni Chanyeol.
Tumango naman si Chanyeol at nagfocus sa pagdadrive pero kinakain pa rin siya ng takot na baka wala siyang makitang Baekhyun o baka di niya na makita si Baekhyun.
Itinigil ni Chanyeol yung sasakyan malayo sa apartment na tinitirhan ni Baekhyun. Kaya napalingon si Luhan kay Chanyeol.
"Uy, dun pa oh" sabi ni Luhan habang tinuturo yung apartment ni Baekhyun na malapit sa dulo ng street.
"Alam ko, Luhan. Alam ko" mahinang sabi ni Chanyeol habang pahigpit ng pahigpit yung kapit niya sa manibela.
"Eh bat dito mo---" di natuloy ni Luhan yung sasabihin niya ng biglang sumigaw si Chanyeol.
"Fuck! Alam ko, okay? Alam ko kung nasaan si Baekhyun pero natatakot ako!" Nagulat naman si Luhan sa pagsigaw ni Chanyeol kaya natahimik siya.
"I know where he is but my body can't go where he is! Im afraid, Luhan! Natatakot ako, hindi ko alam kung bakit, I dont know what to do" sabi ni Chanyeol habang umiiling.
Napahinga naman ng malalim si Luhan at tinignan si Chanyeol, "Baekhyun loved you Chanyeol"
"You use past tense" sabi ni Chanyeol at umiling.
"Dalian na natin bago pa makauwi si Sehun," sabi ni Luhan. Hindi naman malaman ni Chanyeol yung gagawin niya kaya umupo siya ng maayos, "If you want to see him then lets go, kung ayaw mo naman pwede na tayong umuwi" dagdag pa niya.
Tumingin si Chanyeol kay Luhan, "Just a single glance, Luhan. I want to see him"
Ngumiti si Luhan ng maliit at tinanguan si Chanyeol.
Inistart ulit ni Chanyeol yung sasakyan, he took a deep breathe bago pinaandar yung sasakyan.
Nang makarating sila ay hindi lumilingon si Chanyeol sa apartment nila ni Baekhyun, ayaw rin ni Luhan palingunin si Chanyeol dahil andun si Taeyeon. Baka iba yung maisip ni Chanyeol kapag nakita niya yun.
Nakapikit yung mga mata ni Chanyeol, "Luhan, is he happy? Is he okay?" Nilingon naman siya ni Luhan habang nakataas ang isang kilay.
"Seriously? Gusto mong pumunta rito pero ayaw mo siyang tignan?" Sabi ni Luhan kaya nilingon niya si Chanyeol.
"Im afraid, okay?" Sabi ni Chanyeol habang nakataas yung isang kilay.
"Oh eh ano? Lagi ka nalang bang matatakot?" Sabi niya habang nakaharap sa kanya si Chanyeol, Alam mo, yeol. Dahil sa takot mo, mawawala si Baekhyun sayo" sabi pa niya kaya medyo natauhan si Chanyeol.
Huminga ng malalim si Chanyeol at nilingon yung apartment. Hindi niya inaasahan na sa isang lingon lang babalik lahat ng alaala. Yung saya, lungkot, kaba, takot at sakit ay bumalik sa kanya.
At mas lalong hindi inaasahan ni Chanyeol na mas lalaki at mas sosobra yung pagkamiss at pagmamahal niya kay Baekhyun sa isang sulyap lang.
"S-Si Taeyeon ba yun?" Sabi ni Chanyeol habang tinuturo yung bintana ng apartment kung saan nakikita niya si Baekhyun at Taeyeon na masayang nagtatakbuhan.
"Yes" mahinang sagot ni Luhan.
Lumingon si Chanyeol kay Luhan, "Dont tell me---"
"Ang kulit mo, Chanyeol! Wala nga siyang boyfriend o girlfriend, okay?" Pasigaw na sagot ni Luhan. Paulit ulit na kasi siyang tinatanong ni Chanyeol ng ganyan, nakakasawa na.
Tumahimik si Chanyeol at pinanood lang si Taeyeon at Baekhyun.
"Luhan, bat nasasaktan ako?" Biglang sabi ni Chanyeol kaya napalingon si Luhan sa kanya.
"Bat mo kasi siya iniwan?" Tanong ni Luhan, wala siyang sinabi na kahit ano kay Chanyeol. Yung tungkol sa pagbubuntis at panganganak ni Baekhyun, at kahit pa si Chanhyun ay hindi niya sinabi.
"Nabaliw siya nun" napapikit si Chanyeol habang inaalala lahat.
Lahat ng pagsisisi niya ay bumabalik, na dapat siya yung kasama ni Baekhyun sa loob, na dapat siya yung katawanan ni Baekhyun sa loob, pero asan siya?
"Mahal niya pa ko, Luhan?"
Napatingin si Luhan sa kanya, hindi sumagot si Luhan kahit alam niya yung sagot ay hindi niya sinabi.
At dun, dun na umiyak si Chanyeol dahil kahit pala bumalik siya wala pa rin siyang makukuha. Hindi niya makukuha si Baekhyun.
"S-Susuko na ba ako, Luhan?" Sabi ni Chanyeol habang nakayuko sa manibela.
"Kaya mo bang sukuan si Baekhyun?" Tanong ni Luhan.
Umiling naman si Chanyeol habang nakayuko.
"Oh eh bat ka susuko?" Tanong pa niya.
"Baka di ko siya makuha ulit, Luhan. Baka mawala siya sakin" sagot ni Chanyeol. Pinigilan niyang pumiyok yung boses niya.
"Stop jumping to conclusions! Wala pa nga eh!" Sabi ni Luhan habang hinahampas si Chanyeol sa balikat.
"Yun na yung nakikita ko, Luhan" sagot nito at sinilip ulit ung bintana ng apartment at napangiti siya ng maliit nang makita niyang nakangiti si Baekhyun.
"Then look at the other way. Hindi lang yun yung pwede mong makita" sabi ni Luhan sa kanya.
Nagvibrate naman yung phone ni Chanyeol kasabay ng pagvibrate ng phone ni Luhan.
"Nagtext na si Sehun"
Sabay na sabi ni Luhan at Chanyeol kaya napangiti sila sa isat isa.
"Oh ano? Tara na?" Pag aaya ni Luhay kay Chanyeol.
Nilingon siya saglit ni Chanyeol at bumalik ang tingin niya sa bintana ng apartment ni Baekhyun kung saan malapit ang computer table ni Baekhyun.
Ngumiti si Chanyeol at huminga ng malalim, "Babalik ako Baekhyun, babalik ako't kukunin kita"
Tumawa naman si Luhan pagkatapos niyang marinig yun, "Palabas yun diba?"
"I dont know" sagot ni Chanyeol at tumawa rin.
Atleast kahit papano, nawala yung takot na nabuo sa puso niya. Kahit papano napawi yung lungkot ng puso't ng mundo niya. Kahit papano nasilayan niyang muli ang taong nilalaman ng puso niya.
*
[Are you busy?] Sabi ni Dara.
Hindi naman na masyadong sumasagot si Chanyeol dahil paguwi niya saka niya lang naalala yung mga blueprint niyang kailangang tapusin. Dahil deadline na iyon this week.
"U-Uhhh... Actually... yes" sabi ni Chanyeol habang kinukuha yung eraser sa ilalim ng desk niya.
[I missed you, Chanyeol] mahinang sabi ni Dara.
Hindi naman pinansin ni Chanyeol yun dahil laging sinasabi ni Dara yun kahit andito pa siya sa tabi niya.
[Hey, Chanyeol]
"Yeah?"
Dara snorted, [I said, I missed you]
"Oh, okay" tanging sagot ni Chanyeol pero agad rin siyang natauhan kaya mabilis siya ulit nagsalita, "I-I miss you too" sabi niya't bumalik agad sa pagtatrabaho.
Napangiti naman sa kabilang linya si Dara habang naluluha.
Nang ibaba niya na ang tawag ay saka lang siya umiyak.
"B-Bakit ba ikaw pa yung pinili ng puso ko, Chanyeol?" Sabi niya habang nakatingin sa larawan nila ni Chanyeol.
Pilit pang picture yun, at halatang halata yun sa picture nilang dalawa.
"Alam ko naman na mahal mo pa rin si Baekhyun eh. Pero hindi ko kayang bitawan ka nalang bigla"
Pinunasan niya yung luha niya at inayos yung buhok niya.
"Ibibigay kita kung gusto mo, pero hindi sa madaling paraan. Hindi pwedeng ako lang yung masasaktan" sabi niya sabay hawak ng cutter na nasa gilid ng table niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro