Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

마흔셋


Nasa kwarto si Baekhyun at Chanyeol habang inaayos yung mga gamit nila sa cabinet. Kakauwi lang nila galing sa apartment ni Baekhyun, kumuha sila ng mga damit pati laruan ni Chanhyun.

"Hindi mo naman sinabi sakin na balak mo na palang magstay tayo dito sa inyo, yeol." Bulong ni Baekhyun habang nilalagay sa gilid yung bookshelf ni Chanhyun.

Huminga ng malalim si Chanyeol at nilingon si Baekhyun na nakatalikod sa kanya, "Dito muna tayo hangga't wala na tayong nakikitang signs ni Dara. I want to keep you safe, ikaw at si Chanhyun."

Tumango naman si Baekhyun habang nililingon si Chanyeol.

"I know, I know. Iniisip ko lang naman, baka maging pabigat tayo sa pamilya mo. Ayokong may masabi sila satin, Chanyeol, alam mong ayoko ng ganun." Sabi ni Baekhyun.

Nilapitan naman siya ni Chanyeol at hinalikan sa noo, "Nasabi ko na kay Eomma. And she wants us to stay here as long as we want to."

Tumango nalang si Baekhyun bilang sagot at niyakap si Chanyeol.

"But please, promise me one thing, yeol," sinilip niya yung mukha ni Chanyeol, "don't leave me, just please don't."

Chanyeol felt something broke inside him. Hanggang ngayon naaalala pa rin ni Baekhyun yung pag-iwan niya rito. Well, who wouldn't?

"Yes, I won't leave you again." Sabi nito sabay halik sa noo ni Baekhyun.

They stayed like that for a few minutes when Chanyeol's Eomma knocked.

"Dear's, let's eat. Nagluto ako."

Chanyeol said 'Okay' in return at inayos yung ibang damit sa kama. Noting to himself that he'll fix it after eating.

Pagkababa nila ay nakita nila si Chanhyun na may hawak hawak na laruan.

Baekhyun knudged Chanyeol and pointing the toys using his lips. Chanyeol thought Baekhyun wanted a kiss so he leaned forward but getting swat away by slapping his cheeks.

"Im not asking for that. I can kiss you whenever I want, you know." He said then he rolled his eyes infront of Chanyeol.

Chanyeol frowned, "Eh bat kasi ngumunguso ka?"

Tinuro ni Baekhyun yung mga sasakyan na hawak ni Chanyeol, "I can't recognize any of those, ngayon lang... binilhan mo ba siya?"

Tinignan niya si Chanyeol as the giant narrows his eyes.

"I didn't." Maikling sagot ni Chanyeol saka nilapitan si Chanhyun.

"Hi there, little boy." Nakangiting bati ni Chanyeol sabay halik sa tuktok ng buhok nito. Nginitian naman siya ni Chanhyun habang inaabot sa kanya yung isang sasakyan.

"Let's play, Papa."

"Who gave you these toys?" Sabi ni Chanyeol habang inaayos yung mga sasakyan. Pinapark niya ito sa isang side nt coffee table habang pinagrerace ni Chanhyun yung mga sasakyan sa lapag.

Hindi naman nasagot ni Chanhyun yung tanong ng Papa Chanyeol niya dahil biglang sumingit yung Eomma nila.

"Oh! Andito na pala kayo." Bati ng Eomma ni Chanyeol, nginitian naman siya ni Baekhyun kaya lumapit ito at inaya si Baekhyun sa kitchen para kumain ng meryenda.

Tumayo na rin naman si Chanyeol, pero bago siya umalis ay inaya niya si Chanhyun, "Wait, I'll organize them first" kaya umalis na siya at nauna na.

"Eomma, kanino galing yung mga laruan?" Sabi niya pagkapasok ng kusina. Umupo na rin siya sa vacant seat sa tabi ni Baekhyun.

"Yun? Kay Dara," nanlaki yung mga mata ni Baekhyun ng marinig yung pangalan ni Dara, "Ang dami nga niyang binigay. Even clothes. Pero syempre nagulat ako. Ayoko nga sanang tanggapin dahil sa sinabi ni Chanyeol sakin kaso Chanhyun appeared and greeted Dara."

Nagkatinginan si Baekhyun at Chanyeol.

Kitang kita sa mga mata ni Baekhyun yung takot na baka saktan ni Dara si Chanhyun o kung ano pa man gawin niyang hindi maganda rito.

Hinawakan naman ni Chanyeol yung kamay ni Baekhyun na nasa ibabaw ng hita nito at pinisil ito ng marahan, "Everything will be fine." Sabi niya at nginitian si Baekhyun.

Hindi niya alam kung paano siya magiging matatag kung pati siya natatakot sa kung anong pwedeng mangyari. Hindi niya lubos akalain na malalaman ni Dara kung asan sila ngayon.

Bago sila magsimulang kumain ay dumating na rin si Chanhyun at tumabi sa Papa Baekhyun niya. Napangiti naman si Baekhyun ng ngitian siya ni Chanhyun.

"Are you okay, Papa?" Tanong nito sa kanya habang hawak ni Chanhyun sa dalawang maliliit niyang kamay yung mukha ni Baekhyun.

Napangiti si Chanyeol at umiling.

"Yes, I am. Let's eat?" Aya ni Baekhyun at nilagyan na ng soup si Chanhyun at ilang beefs.

Tahimik lang sila habang kumakain. Hindi nila kayang pag-usapan si Dara habang andito si Chanhyun sa tabi nila.

Maya-maya lang din ay dumating na ang Appa ni Chanyeol. Tumayo sila sa kinauupuan nila at nagbow bilang pagrespeto. Pagkatapos magbow ay lumapit si Chanhyun sa harabeoji niya at binigyan ito ng halik sa pisngi bago bumalik sa kinauupuan niya.

"Aigoo" halos pabulong na sabi ng Appa ni Chanyeol habang umuupo.

Napatingin naman si Baekhyun dito, "May masakit po ba sa inyo?"

Dahil sa tanong ni Baekhyun ay napalingon ang lahat sa Appa nila, bukod kay Chanhyun na busy sa pagkain niya habang binibilang kung ilang beef yung nilagay ng Papa Baekhyun niya.

"1, 2, 3..." pabulong niyang bilang.

Ngumiti naman yung Appa ni Chanyeol kay Baekhyun at kumuha ng soup habang sinasabing, "Medyo sumakit lang yung likod ko pero all-in-all, Im fine."

Tumango naman si Baekhyun habang nakangiti.

"Hilutin ko nalang po kayo mamaya."

Nagkatinginan si Baekhyun at Chanyeol dahil magkasabay at parehas nilang sabi.

Napangiti nalang ang Appa nila at tumango, "Please go easy on a grandpa" pabirong saad nito.

Natapos silang kumain pero hindi pa rin nawawala kahit kaunti yung takot na nararamdaman ni Baekhyun para sa kaligtasan ng anak niya.

"Chanyeol, anong gagawin natin?"

Tanong ni Baekhyun habang nakaupo at pinapanood si Chanhyun na naglalaro ng mga sasakyan na binigay ni Dara.

Umiling si Chanyeol at hinawakan ang kamay ni Baekhyun, mahigpit niyang hinawakan iyon, "Hindi ko alam..."

Napahinga nalang ng malalim si Baekhyun at pinatong ang ulo sa balikat ni Chanyeol.

"Basta akong bahala. Poprotektahan ko kayo." Sabi ni Chanyeol.

Napangiti si Baekhyun ng maramdaman niya yung pagdampi ng labi ni Chanyeol sa tuktok ng ulo niya at kahit papaano'y naramdaman niyang ligtas siya kaya mas hinigpitan niya pa yung hawak sa kamay ni Chanyeol.

Nagvibrate yung phone ni Baekhyun kaya agad niyang kinuha sa bulsa niya. Agad namang sumilip si Chanyeol sa phone ni Baekhyun ng makita niyang si Daehyun ang nagtext.

From: Daehyunㅋㅋㅋ

Pengeng number ni Kim Taeyeon, pls.

Napangiti naman si Baekhyun at sinulyapan si Chanyeol. Tumango bahagya si Chanyeol kaya pinindot ni Baekhyun yung 'insert contact' at hinanap yung pangalan ni Taeyeon.

Nang makita niya ay pinindot niya ito agad at sinend na. Wala pang isamg minuto ay nagreply agad si Daehyun.

From: Daehyunㅋㅋ

Thankyou!

Umiling nalang si Baekhyun habang bumubulong, "Sana maging magkaibigan manlang yung dalawa."

Umiling naman si Chanyeol at iniisip niya na agad kung anong magiging reaksyon ni Taeyeon kapag nalaman niyang si Daehyun yung nagtetext sa kanya, "Nope. You wish." sabi nito ng may maliit na ngiti sa labi kaya nginusuan siya ni Baekhyun.

"Bad"

Baekhyun said because Chanyeol pecked his lips. But then he smiled afterwards.

*

Napakamot naman ng batok si Taeyeon ng may nagtext sa kanyang unknown number.

From: **********6

Miss me?

"Miss you? Eh hindi ko nga 'to kilala. Wrong number siguro." Sabi niya habang tinititigan yung text.

Naisipan niyang baka nga wrong number lang kaya itinabi na niya yung phone niya sa ilalim ng desk niya at nagsimula na ulit ayusin yung trabaho niya.

Lately kasi bigla bigla na lang siyang mapapangiti kapag naaalala niya si Daehyun----nope--- scratch that. Di niya aaminin na inaalala niya si Daehyun.

Kahit ginagawa niya everytime kaya napapatulala siya.

Kagaya ngayon.

"Hoy Taeyeon!" Tawag ni Henry sa kanya.

Umayos naman siya ng upo at tinignan si Henry. Si Henry yung parang assistant niya since napromote siya noon bilang manager ng isang department, kabatchmate rin nila si Henry pero ka-department siya ni Dara noon.

"You're saying something?" Tanong niya.

Tumango naman si Henry, "Yes, this is from Sir Baekhyun's brother's hotel. And someone is asking you out." Nakangiti si Henry habang ginagalaw sa kamay niya yung folder at winiwiggle yung dalawang kilay.

Napatingin naman si Taeyeon sa hawak na folder ni Henry at binuklat iyo.

She saw a piece of bond paper.

"Will you go out with me?"
-kdh

KDH?

Sabi niya sa sarili niya.

Hindi pumasok sa isip niya yung pangalan ni Daehyun dahil hindi niya naman alam ang buong pangalan ng binata.

"Sino si kdh?" Tanong ni Henry habang may ngiti sa kanyang mga labi.

Tinarayan naman siya ni Taeyeon at nilagay sa ilalim ng desk niya yung folder, "I dont know. Tsaka wala rin akong time kaya no way"

Tumalikod na si Henry at nagsimula ng maglakad, "Pagsisisihan mo yan, bahala ka." Sabi nito at sinulyapan pa si Taeyeon.

Taeyeon mimicked him kaya tumawa nalang siya.

After a few minutes ay nagvibrate ulit yung phone niya. Medyo nagulat pa siya sa pagvibrate kaya nagmamadali siyang kunin yun.

From: **********6

Why aren't you replying?!

Napataas naman ng isang kilay si Taeyeon habang binabasa yung text.

Taeyeon thinks that whoever it is, sana madapa siya sa tae.

She pressed 'reply' and she quote, "Sana madapa ka sa tae." and she pressed 'send'.

Maya-maya ay nagreply na ulit yung nagtext at nanlaki yung mata niya.

From: **********6

That's what you told me before. Btw, natanggap mo ba yung invitation ko?

At maski sa sinabing yun ng katext niya ay di niya pa rin alam kung sino ito.

N

apakunot yung noo niya habang kinakamot yung batok niya. As far as she can remember, wala siyang kilalang KDH ang initial.

She pressed reply again, "So, ikaw si KDH?"

Wala pang isang minuto ay nagreply agad ito sa kanya.

From: **********6

The one and only ;)

Taeyeon thinks that this guy will help him. Matutulungan siya nito para makamove on ng tuluyan kay Baekhyun. She wants to get over him. Baekhyun is happy with Chanyeol. Wala na siyang magagawa dun.

Nagreply siya ulit, "Okay, I'll accept your invitation. Just text me, when, where and I'll be there. Im busy, Ciao!"

Sent!

She smiled a bit after that. Tinago na niya ulit yung phone niya at binalik yung tingin sa screen ng laptop niya. Natambakan na siya ng trabaho.

She loves cramming, though.

Narinig niya yung pagvibrate ng phone niya, means may nagtext ulit, napangiti nalang siya habang umiiling.

Hopefully, he'll help me.

*

"Oh Sehun! Are you listening to me?!" Nakapameywang na tanong ni Luhan sa harap ni Sehun na nagbabasa ng libro.

He's a good kid, actually. He loves reading books. Especially, thesis.

Tinignan naman siya ni Sehun habang nakakunot ang noo.

"What? Pumayag na nga ako eh." Sagot niya sabay balik ulit ng tingin sa librong binabasa niya.

Actually hindi niya narinig yung buong sinasabi ni Luhan sa kanya. Ang narinig niya lang sa sinabi nito ay, "Papayag ka ba?"

Yun lang.

Bumagsak sa pagkakaupo si Luhan at malumanay na tinignan si Sehun kahit nasa libro ang buong atensyon nito.

Alam niya naman na nag-aaral ng mabuti si Sehun, alam niyang kailangan niya 'tong suportahan pero nagsasawa na siya. Napapagod, kumbaga.

Napahinga siya ng malalim at sinandal yung buong katawan sa upuan. Tumingin siya sa ceiling nila kaya hindi niya napansin na tinititigan na siya ni Sehun ngayon.

Sehun still can't believe the fact na hindi nagsasawa si Luhan sa kanya. Pinaparamdam pa rin ni Luhan sa kanya na mahal niya ito. Kahit alam niyang may pagkukulang siya, si Luhan pa rin ang pumupunan ng mga pagkukulang niya.

He's thankful yet disappointed of himself.

Thankful siya kasi hindi siya iniiwan ni Luhan. Nagstay pa rin siya sa tabi nito kahit na nawawalan na siya ng oras dito. Minsan umuuwi siya ng condo nila, tulog na si Luhan, kapag tinignan niya yung lamesa may note na andun at sinasabi na kumain na siya.

Yet, he's disappointed of himself. Bat ba kasi gusto niyang maglawyer? Alam niyang mawawalan siya ng time kay Luhan pero tinuloy niya pa rin. Disappointed din siya sa sarili niya kasi pinangakuan niya si Luhan pero hindi niya natupad.

"Hinding hindi kita hahayaang matulog mag-isa. Tsaka lagi ka ng may kasabay kumain. And, hinding hindi ako mawawalan ng time sayo. So don't worry, okay?"

Binalik niya ung atensyon niya sa libro nang umubo si Luhan. Nakatingin siya sa libro, pero na kay Luhan pa rin yung atensyon niya. Napahinga ng malalim si Luhan.

"So, pumapayag ka sa gusto ng lola ko?" Tanong ni Luhan.

Tinignan naman siya ni Sehun habang finiflip yung page at tumango. He's not yet done reading that part, though.

Tumayo si Luhan at tumango.

"Its nice meeting you, then."

Nagtaka naman bigla si Sehun kung bakit ganun yung sinabi ni Luhan kaya tinignan niya ito ng may kunot sa noo at naniningkit na mga mata.

"Di mo pala talaga ako narinig kanina. Gusto na kong ibalik ng lola ko sa China, for good. It means leaving you, Oh Sehun. It means breaking up with you," Nginitian niya si Sehun, "and you agreed. I can't believe it."

Tumalikod na si Luhan at naglakad papunta sa pinto. Naalarma naman agad si Sehun kaya binitawan niya yung libro at hinawakan sa wrist si Luhan para pigilan.

"San ka pupunta?"

"Magpapahangin lang sa labas."

"Bumalik ka bago magdilim."

Tumango si Luhan, "Sana. Sana makabalik ako."

Dahil sa narinig ni Sehun ay parang ayaw na niyang bitawan si Luhan. Naninikip yung dibdib niya. Para bang once na binitawan niya si Luhan para makalabas ng condo nila ay hindi na ito babalik.

"Sehun, bitaw na."

Pero hindi siya pinapakinggan ni Sehun. Nakayuko lang si Sehun. Iba yung nararamdaman niya. May gustong sabihin si Luhan na hindi niya malaman kung ano.

"Sehun.."

Hindi pa rin siya binibitawan ni Sehun kaya hinatak na niya yung kamay niya.

Napahinga ng malalim si Sehun at tinignan si Luhan na nakatingin sa kanya.

"Babalik ka diba?"

Tanong niya pero hindi siya sinasagot ni Luhan. Nakatingin lang si Luhan sa kanya.

After a few minutes, iniwas ni Luhan yung tingin niya kay Sehun at ngumiti.

"I'll be leaving for good, Sehun."

"For good."

Pag-uulit ni Sehun habang tumatango. Ganun din ginawa ni Luhan at ngumiti.

"Magstay ka ba kung sasabihin kong magpapakamatay ako kung aalis ka?"

Napatingin si Luhan sa kanya.

"Ano? Sehun nababaliw ka na ba? Pano pag-aaral mo? Pano yung pangarap mo? Hindi mo pwedeng gawin yun."

"Edi hindi ka rin pwedeng umalis!"

Nagulat si Luhan sa pagsigaw ni Sehun sa kanya. Eto yung pangalawang beses na sinigawan siya ni Sehun.

"Ikaw yung dahilan bat ako nag-aaral ng mabuti. Kung bakit gusto kong maglawyer! Isa ka sa mga pangarap ko, Luhan. Isa ka sa mga yun. At mababaliw ako kapag umalis ka."

Ngumiti si Luhan, naiiyak siya kasi ganito yung sinasabi sa kanya ngayon ni Sehun. Ngayon niya nalang ulit narinig yung mga ganitong salita kay Sehun.

"Pero nagsasawa na ko, Sehun. Sawang-sawa na ko."

Nung narinig ni Sehun yun ay unti-unti niyang naramdaman yung pagkalabog ng puso niya.

Hindi. Hindi pwede.

"Yung mga pangako mo sakin noon. Yung malambing na Sehun. Yung makulit na Sehun. Yung Sehun na hindi ako tinatantanan. Yung Sehun na minahal ko, asan na?"

Agad tumulo yung luha ni Luhan. Bago pa man mapunasan ni Sehun ay pinunasan na ni Luhan.

"Kaya ko na. Kailangan ko ng masanay na ako na magpupunas ng luha ko mag-isa."

Ngumiti si Luhan sa kanya at hinawakan yung mukha niya sa dalawang kamay niya.

"Strive for your success, okay? Makakagraduate ka rin. Sana, sana makita kitang umaakyat ng stage at kinukuha yung diploma mo. Sana kasama mo ko habang tinitignan yung resulta ng board exam mo kung nakapasa ka o hindi. Sana makasama mo ko sa pagtatanggol mo sa una mong client sa korte. Sana, Sehun. Sana."

Hinawakan ni Sehun yung dalawang kamay ni Luhan sa mukha niya at inintertwined yun.

"Please, dont leave me, Luhan."

"Pero wala na si Sehun. Wala na yung Sehun ko."

Nagulat si Luhan ng tumulo yung luha sa mga mata ni Sehun kaya agad niya itong pinunasan. Nasasaktan siyang makitang ganito si Sehun. Nasasaktan siya ng sobra dahil iiwan niya si Sehun para sa lola niya. Kailangan niyang bumalik ng China para maipagamot ito. At alam niyang hindi na siya makakabalik ng Korea once na umalis siya.

"Ako pa rin 'to, Luhan. Ako pa rin yung Sehun mo. Ako pa rin yung Sehun na lalambingin ka kahit pagod na. Yung Sehun na kukulitin ka hanggang sa maasar ka na. Yung Sehun na ibibigay lahat sayo. Ako pa rin yun, Luhan, ako pa rin. Please, wag kang umalis."

"Kailangan ako ni Lola"

"Mas kailangan kita, Luhan. Please."

Tumulo ng sunod sunod yung luha ni Luhan dahil sa mga sinasabi ni Sehun sa kanya. Pero kailangan siya ng lola niya.

Binawi niya yung kamay niya sa pagkakahawak ni Sehun pero ayaw siyang bitawan ni Sehun. Tinignan niya si Sehun.

"Sehun, please."

"Nagmamakaawa ako sayo. Wag mo kong iwan."

Napapikit si Luhan ng mariin. Hindi niya kayang iwan si Sehun pero kailangan. Hindi niya kayang saktan si Sehun pero kailangan.

"Kailangan kong gawin 'to, Sehun. Please."

Umiling si Sehun, "Ayoko. Ayoko, Luhan."

Pilit tinatanggal ni Luhan yung pagkakabigkis ng mga daliri ni Sehun sa kamay niya. Habang si Sehun ay patuloy na hinihigpitan yung pagkakahawak sa kanya.

"Wag mong gawin sakin 'to, please"

Bulong si Sehun habang nakatingin kay Luhan.

"Maawa ka sakin, Sehun" sagot ni Luhan habang patuloy pa rin tinatanggal yung kamay ni Sehun sa kanya.

"Mas maawa ka sa pwedeng mangyari sakin, Luhan, di ko kaya"

Nang marinig niya yun mula kay Sehun ay napatigil siya. Saka niya lang narealize kung anong mga pwedeng mangyari kapag umalis siya.

Tinignan niya si Sehun sa mga mata at huminga ng malalim, "I love you"

Sehun smiled while answering, "I love you, too"

"But I need to leave"

Luhan answered. Sinubukan ulit ni Sehun na magmakaawa kay Luhan pero walang nangyari.

Hanggang sa maggabi na, pareho na silang nakaupo sa lapag, hawak hawak pa rin ni Sehun yung kamay niya na nakadikit sa noo niya.

"Im sorry"

Mas lalong napatingin si Luhan kay Sehun.

"Sorry kung hindi ko natupad yung mga pangako ko. Sorry kung napabayaan kita. Sorry kung di kita napagbibigyan sa mga gusto mo kagaya ng paglabad kapag gabi na. Sorry kung di kita nabibigyan ng sapat na time. At sorry kung ayaw kitang payagang umalis," nagtama yung tingin nila sa isa't isa, "I just can't." Sabi pa ni Sehun at umiling.

Tumango si Luhan.

"Babalik ako, payagan mo ko this time" sagot ni Luhan.

Sehun knows na pagod na si Luhan, that's what he said a while ago, pero walang paki si Sehun. Ibibigay niya ulit lahat kay Luhan. Alam rin ni Sehun na nagsisinungaling si Luhan nang sabihin nitong babalik siya.

Umiling si Sehun.

Luhan heaved a sigh at sumandal sa pader, "Why can't you let me go?" Bulong niya.

"Because I need you here, Luhan"

"Kailangan ako ng lola ko. At kailangan ko rin maging masaya."

"Papasayahin kita"

Napatingin si Luhan sa kanya, looking at him with disbelief in his eyes, "How? You can't managed your time well. Laging ubos yung oras mo sa pag-aaral. Im being clingy to you these past few days, pinapaalis mo lang ako. Blabbering that you're busy. I know, busy ka, and the reason why Im being clingy to you is for you to relax. Pero wala."

Sehun looked at him.

"Busy ka lagi sa pag-aaral kaya hindi mo napapansin na hindi na ko kumakain, na hindi na kita masyadong kinukulit, na hindi na ko masaya sa kung anong meron tayo ngayon."

Nakatingin pa rin si Sehun sa kanya, this time Luhan looked at him.

"Hindi na ko masaya, Oh Sehun."

Sehun wanted to cry because of that. Hindi niya alam na pwedeng mapagod si Luhan sa kanya. Hindi niya alam na nasasaktan na niya si Luhan.

"Pero iniintindi kita, Sehun. Kasi nag-aaral ka habang ako pachill chill lang dito. Kaya naisip kong itake over yung kompanya ng mga magulang ko sa China."

He heard his heart crack.

"Kailangan din namin pumunta ni Lola sa China dahil andun yung doctor niya. Kailangan niyang magpagaling."

"Sasama ako sa inyo" nakatingin siya diretso sa mga mata ni Luhan.

Luhan squints his eyes.

"Nag-aaral ka pa. Ayokong sisihin ako ng Eomma mo kapag nadrop ka."

"Its my fault kung bakit ako madadrop, not yours. Your only fault here is making me realize that I made a bad choice. Which is actually good, too."

Naguluhan naman si Luhan pero hinayaan niya nalang. Its Sehun, anyway.

"Sasama ako. Di kita hahayaan mag-isa, remember? Takot ka sa matataas na lugar tapos Lola mo lang kasama mo. Hindi ako papayag. At mas lalong hindi ako papayag na iwan mo ko. Kaya kong iwan lahat para sayo, Luhan. Kung kinakailangan kong gawin yun para makasama kita, gagawin ko."

That's the reason why Sehun and Luhan ended up cuddling each other, on the floor.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro