마흔
Maagang umalis si Chanyeol sa apartment ni Baekhyun para pumunta sa condo niya at kunin yung mga damit niya. He's planning to leave their condo.
But he's already had a decision in his mind.
Matagal tagal niya rin pinag-isipan yung dapat niyang gawin.
Tulog pa si Baekhyun nang umalis siya, bago rin siya umalis ay binasa niya muna yung text ni Taeyeon kay Baekhyun.
Taeyeon Kim
>> Ihahatid ko siya this afternoon. We had fun yesterday!
Napangiti si Chanyeol habang kumukuha ng mga damit niya sa walk-in-closet niya. Not minding those luggage in the side of their shared room.
Sumisipol pa siya, napapaindak pa nga siya dahil sa sayang bumabalot sa kanya. Masaya siya dahil finally, finally after 6 years makakasama niya na yung taong bumuo, bumubuo at patuloy na bubuo ng mundo't buhay niya. At may extra pa!
Words is not enough to express what he really feel. Dahil hindi niya alam kung paano niya ipaparamdam kay Baekhyun at Chanhyun yung sobra sobrang gratitude na nararamdaman niya.
He feels so blessed everytime na maririnig niya yung tawa ni Chanhyun. Even Baekhyun's breathing, nabeblessed siya.
He looks around the place, he thought he would feel guilty pero hindi. He felt nothing. He just felt that, this is right. Leaving this place, leaving his sacrifice for her, and leaving her is the right thing to do. Alam niyang masasaktan niya si Dara sa gagawin niya pero mas inisip niyang mas masasaktan si Baekhyun at Chanhyun kung hindi niya 'to gagawin.
He needs to choose.
Di man sabihin ni Baekhyun, alam niyang gusto ni Baekhyun na pumili siya.
"This is right.... stop thinking about her, yeol" pagkukumbinsi niya sa sarili niya habang hawak hawak yung doorknob.
Huminga siya ng malalim bago pihitin yung doorknob. Nang makalabas siya ng condo ay napakapit siya bigla sa strap ng bag niya.
"Tama 'to, yeol. Tama 'to" patuloy niyang kinukumbinsi yung sarili niya habang hawak yung maleta niya.
Pagkalabas niya ng building ay napahinga siya ng maluwag. Sinalubong siya ng malamig at napakapreskong hangin kaya napangiti siya.
"For a new start, maybe." Sabi niya at ngumiti. Pumasok siya sa sasakyan niya at pinaandar na yun ng marahan.
*
Nagising si Baekhyun sa sunud-sunod na pagdoorbell. At first, akala niya si Taeyeon. Since ginawa rin ni Taeyeon yun noon sa kanya.
But she's not Taeyeon.
Pagdabog siyang tumayo sa kama at naglakad ng mabilis dahil naririndi na siya sa tunog ng doorbell na nag-eecho sa buong apartment niya.
He opened the door.
"Hi bitch!"
Magsasalita palang sana siya ng hatakin na siya bigla ni Dara palabas ng apartment niya.
"D-Dara ano ba--- n-nasasaktan ako!--"
Pero hindi siya pinakinggan ni Dara, dahil pagkahila niya kay Baekhyun ay tinulak niya ito sa driveway.
"Ano?! Masaya ba?! Masaya ba ha, Baekhyun?!" Sigaw niya rito.
Nagsimula ng maglabasan yung mga kapitbahay ni Baekhyun.
"Akin si Chanyeol, tandaan mo yan!"
Nakatingin lang siya kay Dara na naghihysterical sa harap niya. Sumisigaw ng kanya raw si Chanyeol, mahal na mahal niya raw si Chanyeol at kung anu-ano pa.
Tatayo na sana si Baekhyun dahil tumalikod si Dara sa kanya. Dahil humarap ulit si Dara at tinulak siya.
"Alam mo, Baekhyun. You're perfect. Lahat naiinggit sayo nung college palang tayo. Inggit na inggit ako sayo, knowing you have Chanyeol and your friends by your side," pumameywang si Dara at nginitian si Baekhyun ng malambing, "wag mo na siyang kunin sakin." Huminga si Dara ng malalim at tumalikod kay Baekhyun.
Naglakad si Dara papasok sa bakuran ng apartment ni Baekhyun, nang humarap si Dara alam ni Baekhyun na dapat nung tinalikuran siya nito ay tumakbo na siya.
Hawak ni Dara yung makapal na kahoy na hindi alam ni Baekhyun kung saan niya nakuha.
Habang nakaupo siya ay umaatras siya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya.
Papalapit na ng papalapit si Dara habang hawak sa dalawang kamay yung kahoy.
Itinaas ni Baekhyun yung dalawa niyang kamay para takpan yung ulo niya, "P-Please... w-wag mo kong s-sasaktan..."
Sinilip niya si Dara, nakita niyang nakangiti ito ng nakakaloko.
"What did you say?"
Kahit maraming tao sa paligid ay hindi sila nakikialam. Natatakot silang pati sila ay madamay sa away ng dalawa.
"W-Wag... p-pleaae... m-maawa ka"
Ngumuso si Dara at tinaas yung kahoy para tignan ng mabuti, "Aww, so sad," naglakad siya papalapit kay Baekhyun, medyo malayo kasi siya atsaka malumanay yunv pagkakalakad niya, "Sayang naman this wood. He's ready pa naman na."
Akala ni Baekhyun ay okay na. Akala niya tapos na. Pero hindi pa pala.
"But since, I don't want to waste things in my hands. Let me give you one."
Naglakad siya ng mabilis papunta kay Baekhyun at hinampas sa tagiliran nito yung piece of wood.
"Masakit ba ha?"
Nagsigawan yung ibang kapitbahay ni Baekhyun at yung iba ay pumasok na sa kanya-kanya nilang apartment dahil sa takot.
"A-Aray!!"
Hinampas niya ulit sa tagiliran si Baekhyun, "Ano?! Masakit?!"
"T-Tama na--- a-aray, Dara!"
"Tama na, ha? Eh ikaw?! Sinabihan kitang layuan na si Chanyeol pero bat di mo ginawa?!"
Hinampas niya ulit si Baekhyun.
"Masakit?! Mas masakit pa dyan yung ginawa niyo sakin, Baekhyun!"
Hinampas niya ulit pero sa likod na tumama.
"Kinausap kita ng matino! Pero bakit?! Bakit kailangan mo pang landiin yung hindi iyo?! Maraming lalaki dyan, pero bakit yung akin pa?! Bakit?!"
Hinampas niya ng dalawang beses si Baekhyun. Iwas ng iwas si Baekhyun pero hindi siya makawala. Masakit yung bawat hampas ni Dara, sobrang sakit. Pero iniisip niya na mas masakit yung nararamdaman ni Dara kaya hinahayaan niya lang. Hindi na siya umiilag. Yumuko nalang siya at tiniis yung mga hampas nito.
"Baekhyun, bakit?!"
*hampas*
"Bakit si Chanyeol pa?!"
*hampas*
Maski si Baekhyun, tinatanong niya yung sarili niya. Bakit nga ba si Chanyeol pa rin?
"Ikakasal na kami! Please lang, wag mo na siyang landiin!"
Nung narinig ni Baekhyun yung salitang 'kasal', napangiti siya ng mapait pero napangiwi rin ng maramdaman niya yung hampas ni Dara sa braso niya.
"Akin lang si Chanyeol! Akin lang siya!"
Napapikit si Baekhyun dahil lumakas yung paghampas ni Dara, oo masakit. Pero wala siyang magawa. He can't seek help. Ni hindi nga siya makailag sa mga hampas nito.
"Alam mo naman ata na ikakasal na kami, diba?" Tumigil si Dara sa paghampas, pero sinipa niya si Baekhyun, "Alam mo yun diba?! Eh bakit nilandi mo pa?!"
*hampas*
"Bakit ba kasi ang kati-kati mo?!"
Dinuro niya si Baekhyun at ibinagsak yung kahoy sa tabi niya.
"Ang daming lalaki sa paligid, Baekhyun! Ang dami dami pero bakit yung pag mamay-ari ko pa?!"
Napapikit si Baekhyun. Dahil sa pagkakaalam niya, kanya si Chanyeol noon pa man.
"Bakit yung akin pa?!"
Huling sabi nito bago siya bumagsak sa harap ni Baekhyun.
Umiiyak na rin si Baekhyun, sa halu-halong sakit na nararamdaman niya. Nanatili siyang nakayuko dahil natatakot siya kay Dara.
"I-Ibigay mo nalang siya s-sakin, please" narinig niya yung maamong boses ni Dara kaya napatungo siya.
Nakita niyang pati si Dara ay umiiyak na rin. Nakita ni Baekhyun yung sakit, yung galit, yung lungkot sa mga mata nito.
He pursed his lips.
"G-Gustuhin ko man siyang i-ibigay sayo, h-hindi ko kaya.." Sabi ni Baekhyun. Akmang tatayo na siya ng hawakan ni Dara yung kamay niya.
"Please, Baekhyun"
Tinignan niya si lang si Dara. She's expecting him to pity her.
"Mahal ko si Chanyeol, kaya sorry. Ipaglalaban ko kung anong meron kami," tinanggal niya yung kamay ni Dara na nakakapit sa kanya, "na wala kayo."
Sabi niya tsaka pinulot yung kahoy sa tabi ni Dara at pumasok na sa apartment niya. Hindi niya nilingon si Dara.
Pagkapasok niya ng apartment niya ay napangiti siya kahit na may namumuong luha sa mga mata niya.
"Dapat m-masaya ako.." Sabi niya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang dalawang kamay.
Hindi niya kasi lubos maisip na nagawa niya yun kay Dara, na nasabi niya yung ganung bagay sa harap niya.
Natutuwa siya't naipaglaban niya si Chanyeol at yung pamilya, kahit nasaktan siya parang nabalewala yung sakin dahil sa sinabi niya.
Nagulat siya ng biglang sunud-sunod na doorbell ang narinig niya, may katok pa sa pinto. Actually, kinakalabog yung pinto niya. Hindi basta-bastang katok.
Pinagbuksan niya ng pinto yung bago niyang bisita.
Nakatalikod si Chanyeol nung una dahil di siya mapakali sa kakaibang tingin ng mga kapitbahay nila. Na para bang may patayan na nangyari habang wala siya.
"Baek, a-ano meron----" napalingon siya kay Baekhyun na nakangiti sa kanya ng mapait.
Nanlaki yung mata ni Chanyeol ng makitang may mga sugat si Baekhyun sa braso, mapupulang braso at maduming damit.
"A-Anong nangyari sayo?"
Sabi niya at nilingon yung mga kapitbahay sa likod niya na nagbubulungan ng makita nila si Baekhyun. Binalik niya yung tingin niya kay Baekhyun, nanikip yung dibdib niya sa nakikita niya.
Napahinga siya ng malalim at inakbayan si Baekhyun, sabay silang pumasok ng apartment.
"Now, tell me what happened" pang ilang ulit na ni Chanyeol 'to. Pero ni isang salita tungkol sa nangyari ay walang sinasabi si Baekhyun.
Tinitignan lang niya si Chanyeol habang nakangiti.
Lumuhod si Chanyeol sa harap ni Baekhyun habang nakaupo ito sa sala. Nagulat si Baekhyun pero hinayaan niya si Chanyeol, "Please, sabihin mo sakin kasi natatakot ako, Baekhyun. Natatakot ako na baka mawala ka na naman sakin."
Inisqueeze niya yung kamay ni Chanyeol sa ibabaw ng lap niya at nginitian ito, "hindi na mahalaga kung ano man yung nangyari kanina," bumaba siya sa pagkakaupo at pinantayan si Chanyeol, "ang mahalaga naipaglaban kita, nasabi ko sa kanila na mahal kita."
Naluluha si Baekhyun pero pinipigilan niya lang.
"Oo, masakit yung mga hampas niya," natawa pa siya ng kaunti habang sinisilip yung braso niya, "pero narealize ko na mas masakit pag nawala ka," bumitaw siya sa kamay ni Chanyeol at hinawakan ang magkabilang pisngi nito, "dahil mahal kita at ipaglalaban kita sa kahit sino. Mahal kita, please, wag mong kalimutan."
Pinunasan agad ni Chanyeol yung luhang tumulo sa mata ni Baekhyun.
"Mahal rin kita. Mahal na mahal."
Niyakap niya si Baekhyun, natatakot pa rin siya. Pero ang malaman na pinaglaban siya ni Baekhyun, nawala kahit papaano yung takot niya.
"She's here, Chanyeol. Sasaktan niya ko o di kaya si Chanhyun." Sabi ni Baekhyun habang yakap yakap si Chanyeol.
Pagkarinig niya palang ng 'She's here, Chanyeol' ay alam na niya. Napapikit siya dahil sa gulong pinasok niya.
Alam niyang mali 'to, maling mali yung ginawa niya noon. Pero wala na siyang magagawa para baguhin yun. Actually meron pa. Saktan si Dara, that's the only way.
"Di ako papayag na saktan niya kayo. Kakausapin ko siya." Bulong niya kay Baekhyun.
"Yeol?"
Tawag ni Baekhyun nung di na nagsalita ulit si Chanyeol.
"Hmm?"
"Promise me, di mo siya hahayaang saktan si Chanhyun. Wag na wag. Bata pa yung anak natin para sa ganitong sitwasyon. Magiging matatag ako para sa pamilya natin, basta mangako ka sakin," humiwalay siya sa yakap ni Chanyeol at tinignan ito diretso sa mga mata, "dito ka lang sa tabi ko, wag kang aalis."
Hinalikan niya si Baekhyun sa noo at tumango, "Wala akong ibang pupuntahan, Baek. Dito lang ako."
Ngumiti si Baekhyun at niyakap ulit si Chanyeol.
Tahimik yung paligid, pero komportable naman sa pakiramdam.
"Okay ka lang ba?"
Tanong ni Chanyeol, napangiti si Baekhyun.
Hindi, hindi ako okay. That's what he wanted to say. Pero mas pinili niyang hindi.
Tumango siya, "Okay lang ako"
Hinagod ni Chanyeol yung likod ni Baekhyun at napangiti ng mapait.
"Baek," ipinatong niya yung malalaki niyang kamay sa beywang ni Baekhyun pero nakayakap pa rin siya rito, "pasensya ka na ha?"
Nabigla si Baekhyun sa biglang paghingi ng tawad ni Chanyeol kaya napahiwalay siya sa yakap at tinignan ito diretso sa mga mata, "Sorry saan?"
Iba yung nasa isip ni Baekhyun. Baka pinangungunahan na ni Chanyeol yung mga mangyayari kaya siya nagsosorry. Maaaring maisip ni Chanyeol na ang tanging way lang para matigil 'to ay ang iwan sila, ang pamilya niya, pero akala lang yun ni Baekhyun. Dahil hindi ganun mag isip si Chanyeol.
Kinakabahan man siya ay hinawakan niya yung kamay ni Chanyeol at pinisil ito, "Y-Yeol..."
Tinignan niya si Baekhyun sa mga mata, he's so beautiful, pero hinayaan ko siyang masaktan ng ganito, "S-Sorry kasi i-ikaw yung naiipit sa sitwasyon na k-kasalanan ko"
Agad umiling si Baekhyun at inilagay ang dalawang kamay sa mukha ni Chanyeol, "No, no, no, wag mong isipin yan, yeol. Andito ako, magkasama tayo sa problemang 'to," pinisil niya yung kaliwang pisngi ni Chanyeol at ngumiti, "magkasama natin 'tong malalampasan."
Napangiti si Chanyeol, hindi niya alam kung ano bang nagawa niya sa past life niya para madeserve ang isang Byun Baekhyun sa buhay niya.
"T-Thankyou, Baekhyun."
Tumango nalang si Baekhyun at hinalikan sa labi si Chanyeol ng mabilis.
Nagkatinginan sila ng may nagdoorbell. Tatayo na sana si Baekhyun pero pinigilan siya ni Chanyeol.
"No, let me" sabi niya at ngumiti.
Tumango nalang si Baekhyun habang nakatingin sa pintuan. Iniintay kung sino yung bago nilang bisita.
"Uhhh-- hi?"
Napahinga ng maluwag si Chanyeol at Baekhyun ng makita si Kyungsoo.
Nakita agad ni Chanyeol na may iba sa mukha ni Kyungsoo habang nakikipag usap ito kay Baekhyun sa sala.
Parang nagkaeyebags si Kyungsoo.
He's getting darker, siguro dahil sa kasasama niya kay Jongin kaya siya nangitim.
Pumapayat na rin siya.
Chinicheck niya si Kyungsoo mula ulo hanggang paa. Napansin naman ni Baekhyun yung kakaibang tingin ni Chanyeol kay Kyungsoo habang nakayuko ito kaya Baekhyun grabbed the chance na mabato si Chanyeol ng unan.
Good thing sa mukha tinamaan si Chanyeol.
"Ah.." Mahinang reaksyon niya sa pagbato ni Baekhyun ng unan sa kanya.
Tinignan niya si Baekhyun ng what-was-that-for look.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Baekhyun at umirap.
Is he jealous?! Omg!
Tumayo nalang muna si Chanyeol para magprepare ng lunch nila.
Hindi naman napapansin ni Baekhyun yung pagbabago sa mukha ni Kyungsoo, pati sa physical appearance. Kaya patuloy lang siyang nakikinig sa mga kwento nito.
Napansin niya lang na iniiwasan ni Kyungsoo pag-usapan si Jongin. Sa tuwing mababanggit niya kasi si Jongin parang labas sa ilong yung boses niya. Yung walang gana siyang banggitin yung pangalan nito.
Hinawakan niya ang kamay nito para tumigil sa pagsasalita.
Tinignan siya ni Kyungsoo, medyo nabigla si Kyungsoo kasi malamig yung kamay ni Baekhyun.
"How's Jongin? I mean, you two, how are you?"
Umiwas si Kyungsoo ng tingin at hinigpitan yung hawak niya sa kamay ni Baekhyun. Baekhyun felt there's something wrong. Dun niya lang napansin yung pag-iiba ng itsura ni Kyungsoo.
"Natutulog ka pa ba?" Sabi ni Baekhyun at sinilip yung mukha ni Kyungsoo.
Hindi sumasagot si Kyungsoo.
"Kumakain ka pa ba, Soo?" Inalog ni Baekhyun ng kaunti yung kamay ni Kyungsoo.
Hindi pa rin siya sumasagot.
"Soo, please, ako 'to si Baekhyun diba? Pwede mong sabi---" sabay silang napatingin ni Kyungsoo sa pintuan ng may nagdoorbell.
Napatingin din sila kay Chanyeol na sumilip mula sa kusina, "U-Uhh ako na" sabi nito at pinagbuksan ng pinto yung bago nilang bisita.
Bat ba ang daming bumibisita ngayon? Visitor's day ba? May ganun ba? Sabi ni Baekhyun sa sarili niya. Gusto niya kasi sanang masolo si Chanyeol habang wala pa yung anak nila kaso mukhang wala.
"Ohh, Jongin, bakit?" bati ni Chanyeol at nilingon sila Kyungsoo.
Nakita nila yung pag-iiba ng emosyon ni Kyungsoo. From poker face to pain.
Hinawakan ni Baekhyun yung kamay ni Kyungsoo, sending him a message through his touch. Nung tumingin si Kyungsoo sa kanya ay ngumiti si Baekhyun.
Pinapasok naman ni Chanyeol si Jongin at bumalik na siya sa kusina.
Uupo sana si Jongin sa tabi ni Kyungsoo kaso tumayo si Kyungsoo at lumipat sa tabi ni Baekhyun. Gusto man ni Jongin sundan si Kyungsoo roon ay mas pinili nalang niyang maupo sa inupuan ni Kyungsoo.
Nagpalipat lipat naman ng tingin si Baekhyun sa dalawa.
"May problema ba kayo?"
Tanging tanong niya pero walang sumasagot ni isa sa dalawa.
Nakatingin lang si Jongin kay Kyungsoo habang si Kyungsoo ay nakatingin sa kawalan.
Napanguso si Baekhyun kasiang tahimik, hindi siya sanay lalo na't andito yung malanding couple sa bahay niya. Nag eexpect siyang maglalandian sila, maglalambingan, yung mga couple things.
Kaso hindi.
Magsasalita sana si Jongin ng biglang tumayo si Kyungsoo, "Baekhyun, pasensya na sa istorbo, babalik nalang ako dito, okay?"
Napatango nalang si Baekhyun at tinignan si Jongin na tumayo rin at hinawakan si Kyungsoo sa braso.
"Please, ayusin natin 'to"
Tinignan lang siya ni Kyungsoo.
"Please.."
Pagmamakaawa ni Jongin. Hindi siya sanay na hindi kasama si Kyungsoo, na hindi siya pinapansin ni Kyungsoo, nabablangko siya kapag ganito yung trato ni Kyungsoo sa kanya.
"Sa tingin mo maaayos pa 'to?" Diretsong sabi ni Kyungsoo.
Tumango si Jongin, "Maaayos natin 'to kung pag-uusapan natin 'to ng mabuti"
Hindi naman alam ni Baekhyun kung anong gagawin niya dahil hindi niya alam kung anong problema nung dalawa. Gusto niyang magtanong pero hindi niya magawa.
Kyungsoo snorted, "Sige, mag-usap tayo. Pag-usapan natin kung bakit habang natutulog ako, to think na sabay tayong natulog, madaling araw na nun, bat ka umalis?"
Handa ng mag-explain si Jongin pero pinigilan siya ni Kyungsoo dahil hindi pa siya tapos magsalita.
"Tapos pagkasilip ko, hinubad mo yung jacket mo para ipatong sa kanya? Wow, Jongin, wow!"
Sabi ni Kyungsoo at pumalakpak pa dahil naaamaze talaga siya sa kabaitan ni Jongin. Kahit na nasasaktan siya, ayan, patuloy pa rin siyang nahuhulog para rito.
"Kyungsoo hindi kasi ganun---"
"Paanong hindi ganun? Jongin nakita ko! Nakita ng dalawang mata ko kung ano yung nangyari!"
Nagulat si Chanyeol ng sumigaw si Kyungsoo kaya napasilip siya. Nakita niyang nakatayo si Jongin at Kyungsoo habang si Baekhyun ay nakatingin sa dalawa at parang paiyak na yung itsura.
"Hayaan mo muna akong mag-explain.." Mahinang sabi ni Jongin. Kahit mapride si Jongin sa lahat ng bagay, pagdating kay Kyungsoo ay nawawala ito.
"Explain? Napaghandaan mo na yan. Jongin, isang linggo! Isang linggo mo kong hinayaan! Walang sabi-sabi, umalis ka, wala man lang akong alam kung saan ka nagpunta, anong ginagawa mo."
Tinignan niya si Jongin sa mga mata, "Hindi ako makakin kasi iniisp ko kung kumain ka na ba, hindi ako makatulog kasi hindi kita katabi, hindi ako mapakali kasi iniisip kita. Eh ikaw? Naiisip mo ba ko habang wala ka? Iniisip mo rin ba ko?"
Agad niyang pinunasan yung luha niya at natawa sa sarili niyang tanong.
"Pano mo nga pala ako iisipin, eh kasama mo si Krystal."
Napatingin si Baekhyun kay Jongin.
Natulala si Chanyeol sa narinig niya.
"What?" Tanong ni Baekhyun.
Napayuko naman si Jongin dahil hindi niya alam kung paano niya ieexplain yung totoo. Na kaya siya nakipagkita kay Krystal ay para tapusin na kung ano man yung meron sa kanila noon na hindi niya nabigyan ng maayos na closure.
"Jongin naman..." Sabi ni Baekhyun at bumuntong hininga.
Tumalikod si Kyungsoo at naglakad na. Naramdaman ni Jongin yung pagsikip ng dibdib niya dahil hindi siya magawang pakinggan ni Kyungsoo.
"Aalis ka na? Alam kong kahit magsalita ako, di mo ko papakinggan pero sana pakinggan mo ko kahit ngayon lang..."
Napatigil si Kyungsoo sa paglalakad at napatingin yung dalawa sa kanya. Si Jongin ay nakayuko pa rin.
"A-Alam kong iniisip mo na niloko kita. Ginago. Pinagtripan. Pero hindi, Kyungsoo. H-Hinding hindi ko magagawa sayo yun," pumiyok siya kaya napatingin si Kyungsoo sa kanya, "h-hindi kita kayang lokohin, alam mo yan. Mahal na mahal kita, Kyungsoo."
Tumulo yung luha ni Jongin pero hinayaan niya lang.
"K-Kaya ako nakipagkita sa kanya kasi... g-gusto kong linawin sa kanya na tapos na kami, n-na wala na talaga. S-Sinabi ko pa sa kanya yung p-plano kong pakasalan ka..." Napapikit si Jongin at napangiti ng mapait.
"Yung isang linggo na nawala ako, i-inasikaso ko lahat ng k-kailangan ko p-para sa passport natin..." Nakangiti siya pero halata sa mukha niya yung lungkot.
"K-Kaso wala eh. Gusto kong ikasal tayo dito sa Korea. Pero bawal. Gusto kong makasama ka habambuhay, pero mukhang ayaw mo na. G-Gusto kong linawin sayo," humarap siya kay Kyungsoo, medyo nagulat siya ng makita na nakaharap si Kyungsoo sa kanya, ngumiti siya kay Kyungsoo, "I-Ikaw, Do Kyungsoo, i-ikaw lang yung mahal ko. T-Tawagin man nila akong bakla wala akong pake. Handa akong maging bakla sa paningin nila, mapatunayan ko lang sayo kung gaano kita kamahal.."
Pinunasan ni Baekhyun yung luha niya ng may ngiti sa mga labi.
Napahinga ng malalim si Kyungsoo at naglakad papalapit kay Jongin.
"S-Sigurado ka na ba sakin?"
Tumango si Jongin.
Si Chanyeol naman ay napangiti at sumandal sa pader habang nakacrossed arms.
"Sure ka na?"
Tumango ulit si Jongin kaya ngumiti na si Kyungsoo at niyakap ito.
Pagkatapos nilang maglunch ay nag aya ng umuwi si Jongin dahil pupunan pa daw nilang dalawa yung isang linggo na hindi sila magkasama.
"Anong oras ihahatid ni Taeyeon si Chanhyun?" Tanong ni Chanyeol habang nakayakap sa likod ni Baekhyun.
Si Baekhyun naman ay naghuhugas ng plato.
"Di ko rin alam. Sabi niya naman hapon diba? Maya-maya lang din siguro andito na sila."
Tumango nalang si Chanyeol at inamoy ang leeg ni Baekhyun. Baekhyun flinch from the movement pero hinayaan niya nalang si Chanyeol.
Pagkatapos nilang maglandian sa sink ay lumipat naman sila sa sala. Gusto daw kasing manood ni Chanyeol ng movie.
Habang nanonood sila ng movie ay may narinig silang sigaw ng isang batang miss na miss na nila.
"Papa!"
Sabay silang napatakbo sa pinto at pinagbuksan si Chanhyun. Napangiti silang dalawa pagkabukas, akala nila ay si Taeyeon ang kasama ni Chanhyun pero hindi, at mas lalong hindi nila inaasahan yung makikita nila.
"Papa, this is Tita Dara, she's my new friend."
"Pumasok ka na sa loob."
Tinignan ng masama ni Chanyeol si Dara pero nakatingin lang si Dara kay Baekhyun.
"He looks like you." Sabi nito habang nakasmirk.
"He looks like you, also." Sabi niya at binaling ang tingin kay Chanyeol.
Nagpout naman siya at pumangalumbaba, "Maybe he'll get cuter when he's in the tomb."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro