둘
The moment Baekhyun and Chanyeol entered the School gate, Baekhyun caught Dara staring at his giant boyfriend who's currently laughing at his own jokes.
"Hoy! Di ba nakakatawa yun?"
Baekhyun thought something that will make Dara pissed off.
He tiptoed and kissed Chanyeol's nose. He tapped Chanyeol's right cheek three times before standing straight again.
"Alam mo naman na kahit corny ka, love pa rin kita"
An after he says that, he glanced at Dara, who's now walking, she must be heading to powder room, Baekhyun thought and he smiled after that.
"Alam mo, minsan para ka ng baliw"
Sabi ni Chanyeol, hindi naman siya narinig ni Baekhyun dahil hanggang ngayon ay nagdidiwang pa rin ang mga brain cells niya dahil sa ginawa niya kani-kanina lang.
"There you go again"
Chanyeol said while pouting. He didnt know how adorable he is.
Habang si Baekhyun ay patuloy na nakatingin sa daan kung saan niya nakitang naglakad si Baekhyun.
"Baekhyun! Wag mo sabihin saking lalaki yang tinititigan mo dyan, ah! Sinasabi ko lang sayo, mapapatay ko yan"
Sabi ni Chanyeol, hindi na siya makapagtimpi ng makita niyang puro lalaki na yung nandun sa lugar lung saan nakatitig si Baekhyun.
Baekhyun pouts when he sees that studenta are now crowding. Kaya tumalikod na siya para harapin si Chanyeol.
Medyo nabigla siya ng makitang nakataas ang kilay ni Chanyeol at nakalabas ang isang dimple nito.
"Sino sa mga lalaking yan ang umaagaw ng atensyon ko sayo?"
Seryosong saad ni Chanyeol. Nanlaki naman ang mga mata ni Baekhyun at hinarap ang mga estudyanteng tinititigan ni Baekhyun kani kanina lang.
Anong pinagsasasabi ng abnormal na 'to?, Baekhyun thought while looking at the tall men students who's standing a few meters away from them.
"Loko loko. Tara na nga, baka malate pa tayo"
Hinila na ni Baekhyun si Chanyeol, ayaw sanang magpahila ni Chanyeol dahil nag uumapaw na ang inis na nararamdaman niya dahil pagkapasok na pagkapasok palang nila ng school ay hindi na siya ganun pansinin ni Baekhyun.
Habang hinihila si Chanyeol ay iniisip ni Baekhyun kung bakit tuwing papasok sila, lagi niya nalang nahuhuli si Dara na nakatitig kay Chanyeol.
Hindi kaya....? Hindi pwede! Pakikipagtalo ni Baekhyun sa sarili niya.
"Baek, lumagpas na tayo!"
Sabi ni Chanyeol at hinila si Baekhyun.
"Kanina ka pa ata naiispace out. Gutom ka ba? Tara sa canteen"
Hindi na inantay ni Chanyeol ang sagot ni Baekhyun, hinawakan niya na agad ang kamay nito at naglakad sila ng sabay papuntang Canteen.
"Anong gusto mo?"
Tanong ni Chanyeol, ngumiti lang si Baekhyun at sinabing Chicken spread lang ang gusto niya. Tumango naman si Chanyeol at inorder na ang gusto ni Baekhyun.
"So, bakit naiispace out ka? Bago tayo umalis ng bahay, kumain naman tayo ah"
Biglang saad ni Chanyeol. Hindi naman maiwasan ni Baekhyun na maalala yung nangyari kanina pero ngumiti lang siya.
"Wala 'yun. Nagutom lang ako ulit. Eh kasi naman, ang daldal mo kaya"
Sabi nito na may kasama pang tawa, natawa na rin si Chanyeol dahil totoo naman. Kanina pa siya daldal ng daldal.
"Kita nalang tayo mamaya ah? Wag mong kalimutan si Kyungsoo, okay?"
Sumimangot naman si Chanyeol sa sinabi ni Baekhyun.
"Mas gusto mo na atang kasama si Kyungsoo kaysa sakin eh"
Sabi nito at ngumuso pa. Sumandal siya sa pader habang nakayuko.
Napangiti naman si Baekhyum sa itsura ng kasintahan niya.
"Ang seloso naman ng baby ko. Syempre dapat andun ka. Hindi pwedeng wala ka, hawak mo puso ko eh"
Bigla namang lumayo si Chanyeol kay Baekhyun.
"Ang corny mo pala, bae"
Hinampas naman ni Baekhyun si Chanyeol habang tumatawa.
"Oo na, ikaw kasi ang drama mo. Sige na"
Tumango naman si Chanyeol at hinawakan si Baekhyun sa leeg bago halikan ang noo nito.
"Bye-bye"
Sabi ni Chanyeol at nagsimula ng maglakad papunta sa classroom niya.
Napanguso si Baekhyun ng mapansin niyang may kulang sa sinabi ni Chanyeol.
Papasok na sana siyang classroom ng may tumawag sa kanya.
"Baek!"
Nagsimula ng magkumpulan ang mga estudyante sa hallway kaya tumingkayad pa siya ng ilang beses bago niya makita si Chanyeol na nasa gitna ng kumpulan.
Nakatingin sa kanila ang mga estudyante.
"I love you!"
Sigaw ni Chanyeol na may kasamang kindat bago magsimulang maglakad ulit ng may ngiti sa mga labi.
Hindi naman makaalis si Baekhyun sa pwesto niya dahil sa ginawa ng kasintahan niya.
Hindi pa siya matatauhan kung hindi siya babatukan ni Taeyeon.
"Para kang tanga dyan, promise"
Sabi ni Taeyeon at nagrolyo ng mata sa bestfriend niyang nakangiti ngayon ng parang aso.
"Baekhyun, seryoso na to. Mukha kang asong ulol"
Sabi ni Taeyeon habang nakatitig kay Baekhyun ng may pandidiri.
Kung hindi ko lang 'to gusto baka nasabihan ko pang nagdodroga to eh, sabi ni Taeyeon sa isip niya bago huminga ng malalim.
Tumakbo naman si Baekhyun papasok ng classroom nila na sinundan lang ni Taeyeon bago nagwala sa upuan niya.
"Taeyeon, kinikilig ako!!!"
Sabi niya habang hinihila ang ilang hibla ng buhok ni Taeyeon.
"Aray, oo na, aray!"
Sabi ng dalaga bago tumayo para umiwas kay Baekhyun na di namamalayang nakakasakit tuwing kinikilig.
"Naiihi ka lang, Baekhyun. Yun lang ang dahilan kung bakit kinikilig ang mga lalaki"
Tinarayan naman ni Baekhyun si Taeyeon bago kapain anh noo niya habang nakapikit.
Ano na namang ginawa mo bat nababaliw na naman si Baekhyun, Park? Tanong ni Taeyeon, as if Chanyeol can hear her and answer that damn question.
"Hay Taeyeon, di ko na alam gagawin ko. Sasabog na yung puso ko, hay"
Sabi ni Baekhyun habang inieestretch ang katawan sa upuan niya.
Hinawakan niya naman ang kaliwang dibdib niyang tumitibok ng mabilis.
"Nainlove ka na ba?"
Biglang tanong ni Baekhyun kay Taeyeon na nakatitig ngayon sa kanya.
Natigilan pansamantala si Taeyeon dahil sa tanong ni Baekhyun.
"H-Ha? S-Syempre, oo"
Sagot niya pagkatapos ay iniiwas niya na ang tingin kay Baekhyun.
"Ang sarap sa pakiramdam no? Na araw araw may inspirasyon ka, may nagpapasaya sayo"
Sabi ni Baekhyun habang nakapikit.
"Sabi nila kapag nakatingin ka sa taong yun o kahit malapit ka sa kanya, titibok ng mabilis yung puso mo. Yung akin, hindi ko alam kung normal pa ba 'to kasi sobrang bilis na niya para na kong sasabog"
Hinawakan naman ni Taeyeon ang kaliwang dibdib niya.
Ramdam na ramdam niya yung tibok ng puso niya, na parang may hinahabol.
Parang sasabog na rin yung puso ko, Baek. Dahil andito ka, sa harap ko, katabi ko.
Hindi alam ni Taeyeon pero gusto niyang maluha sa isang pangyayaring hindi niya alam kung makakatakas pa ba siya.
Ang marealize kung gaano niya kagusto ang bestfriend niya, at ang katotohanang bawat araw ay nalulunod siya sa pag-ibig na hindi dapat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro