Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

"Lumayo layo ka nga sakin"

Sigaw ni Kyungsoo kay Jongin, naiinis na si Kyungsoo kasi ang sweet ni Jongin sa kanya. Hindi niya alam kung sa kanya lang ba ginagawa 'to ni Jongin o marami sila.

Natatawa naman si Chanyeol habang nakatingin sa dalawa, hawak niya yung cellphone niya at handa ng magtype ng message kay Baekhyun ng bigla siyang tawagin ng isang babae.

Napatingin naman siya sa lugar kung saan nanggaling yung boses.

Halos gusto ng ibato ni Kyungsoo yung upuan ng makita niya si Dara na nasa bintana at tinatawag si Chanyeol.

"Gago, ayun oh" nguso ni Kyungsoo sa bintana, "oh diba? Mukha lang siyang tanga dyan"

Agad naman siyang pinagsabihan ng 'oh-so-ever-kind-or-flirt-Jongin'

"Ano ka ba, Soo. Wag ka ngang ganyan"

Sinamaan naman siya ng tingin ni Kyungsoo.

"Tigil tigilan mo nga ako sabi ko layuan mo ko"

Sabi nito at pabalibag na upo sa likod ng upuan ni Chanyeol.

"May nagawa ba kong mali sayo? Bat ba ganyan ka? Kahapon naman okay tayo ah"

Gusto pa sanang sumagot ni Kyungsoo pero napatigil siya ng makita si Chanyeol na tumalon sa labas ng bintana.

Pero hindi niya alam ang irereact niya ng makita niya si Baekhyun sa pinto, hinaharangan naman ni Sehun ang view ng bintana para di niya iyon makita.

"Oh Sehun!"

Sigaw ni Baekhyu na naging dahilan ng bulungan ng mga kaklase ni Chanyeol.

Kitang kita ni Kyungsoo yung mga mata ni Baekhyun na unti unting namamasa.

"Siya ba yung Baekhyun? Tsk. Mas maganda pa rin naman si Dara"

"Is Chanyeol cheating on him?"

"Mas bagay si Chanyeol tsaka si Dara. Not with this bitch"

Since they're relationship is accepted by their family, relatives and friends, they thought that other people will easily accept they're man-to-man relationship.

Baekhyun heard everything. Nga bulungan na hindi mo malaman kung bulong ba talaga dahil sa rinig na rinig naman talaga yung sinasabi, mga tingin na hindi malaman kung naaawa, natutuwa, nasasaktan o kung ano pa.

Narinig rin ni Jongin ang lahat dahil halos lahat ng katabi niya yung nagbubulungan.

Nilapitan ni Jongin si Kyungsoo, ar binulungan ito.

"Alisin mo na si Baekhyun dito. Ako ng bahala"

Hindi naman agad nakagalaw si Kyungsoo dahil mas inatupag niya pa yung bilis ng tibok ng puso niya kaysa sa bestfriend niyang pinagbubulungan.

"Soo!!"

Napabalikwas naman agad si Kyungsoo at agad na tumayo.

"Oo na nga eh. Eto na, naninigaw ka pa"

Gusto sanang kurutin ni Jongin yung pisngi ni Kyungsoo dahil nakukyutan na siya ng sobra pero mas pinili niyang hindi. Iniisip niyang baka layuan siya ni Kyungsoo kapag ginawa niya yun.

"Baek----"

Tinakpan ni Baekhyun yung bibig ni Sehun at tinitigan ito ng masama.

"Sabihin mo 'to sa gago mong kaibigan," tumango naman si Sehun habang nasa bibig pa rin niya yung kamay ni Baekhyun, "wag niya na kong intayin. Mauuna na kong umuwi"

Ayaw ni Baekhyun sabihin yung gusto niya talagang sabihin. Dahil unang-una, ayaw na ayaw ni Chanyeol ng nagmumura siya. Ayaw rin ni Chanyeol na nakikipag-away siya o kahit sila.

Nakita niyang tumayo si Jongin sa harapan at nginitian pa siya nito.

"Baekhyun," napalingon naman siya kay Kyungsoo, agad namuo yung mga luha na kanina niya pa pinipigilan kaya hinila na siya agad ni Kyungsoo bago pa man tumulo yung mga 'yun.

For Baekhyun, crying means being weak. Kaya ayaw na ayaw niyang umiiyak dahil hindi siya mahina, lagi niyang sinasabi na matapang at buong puso niyang tinatanggap lahat.

"B-Bakit ganun, Soo?"

Tanong ni Baekhyun ng makarating sila sa CR, ini-lock na rin ni Kyungsoo para makasigurado na walang makakaistorbo sa kanilang pag uusapan.

"M-May relasyon ba sila ni Dara? D-Diba s-sabi niya mahal niya ko? Eh b-bat ganun?"

Yakap yakap niya si Kyungsoo, he remained silent all the time. Gusto niyang ilabas lang ni Baekhyun yung nararamdaman niyang sakit. Dahil noon, halos ilang beses sa isang linggo niyang hinihiram si Baekhyun kay Chanyeol para lang may mapaglabasan ng sama ng loob, para may maiyakan o makausap.
He's just returning the favor. Dahil kaibigan niya si Baekhyun, at gusto niyang ipaalam kay Baekhyun na kahit sa simpleng aksyon lamang ay malaman nito na mahalaga siya para kay Kyungsoo.

*knock knock*

Inintay niya lang kumalma si Baekhyun tsaka siya nagsalita.

"Baek, we both know that we didn't know why Chanyeol went to Dara a while ago. Maybe because Chanyeol didn't know or notice that Dara likes him, kaya niya siguro yun nagawa"

Sabi ni Kyungsoo habang hawak ang dalawang magagandang kamay ni Baekhyun. Dahil naman sa sinabi ni Kyungsoo, napag-isip isip ni Baekhyun na oo, tama siya, di niya pa sinasabi kay Chanyeol yung natuklasan niya.

Pero may naalala siya na agad niya rin namang sinabi kay Kyungsoo.

*knock knock*

"Remember the scrapbook that I made before we celebrate our 1st month?" Tanong ni Baekhyun na tinanguan ni Kyungsoo kahit hindi niya talaga maalala.

"Diba may 'Rules & Regulations' kaming sinulat dun sa bandang dulo no'n?"

Tanong niya ulit, wala naman sa sariling tumango si Kyungsoo dahil pilit niyang inaalala yung scrapbook na tinutukoy ni Baekhyun.

"Kaya... dun ako sa bahay namin ngayon matutulog"

Sabi ni Baekhyun, tango naman ng tango si Kyungsoo pero agad din naman siyang tumigil at nagulat dahil ngayon lang nagsink in sa utak niya yung sinabi ni Baekhyun.

*knock knock*

"ANO?!"

Sigaw nito na naging dahilan ng paghampas sa kanya ni Baekhyun.

Tumingin naman si Baekhyun sa salamin at inayos ang kanyang mukha dahil may kaunti pang bakas na umiyak siya.

"Yes, Soo. I'm not going home... with Chanyeol. Ipaalala mo sa kanya yung Scrapbook at yung punishment. Di na niya kailangang magtanong"

Sabi ni Baekhyun, nginitian niya si Kyungsoo pero nginusuan siya nito.

Nagulat silang dalawa ng kumalabog yung pinto ng CR.

"Teka naman!!"

Sigaw nilang dalawa.

Pagbukas nila ng pinto, nakita nila ang kanilang mga schoolmates na lalaki, pulang pula yung mga mukha at pawis na pawis.

"Kanina pa kami katok ng katok dahil ihing ihi na kami tapo-----"

Tinakpan ni Baekhyun ang bibig nung lalaki gamit ang necktie nito.

"Ang daldal mo, lalaki ka ba talaga?"

Sabi ni Baekhyun na naging dahilan ng pagtawa ng iba pang lalaki sa likod nito.

Inirapan lang siya ni Baekhyun at nagsimula na silang maglakad ni Kyungsoo.

"Taray natin, ah"

Sabi ni Kyungsoo at siniko si Baekhyun.

"Magkakapasa ako, wag"

Nagulat si Kyungsoo dahil kailan pa naging anemic si Baekhyun.

"Anemic ka ba?!"

Napatigil naman sa paglalakad si Baekhyun at sinamaan ng tingin si Kyungsoo.

"Ano? Gago ba you? May regla ako kaya ganun, shhh~"

Sabi nito kaya nakahinga ng maluwag si Kyungsoo.

"Kailan ka pa niregla?"

Gusto sanang matawa ni Kyungsoo sa tanong niya pero pinili niyang wag na lang dahil sa seryosong mukha ni Baekhyun.

"Ngayon lang. Naiistress ako eh"

Sabi ni Baekhyun.

Ihahatid niya pa sana si Kyungsoo sa classroom nito pero ng masilayan nilang dalawa si Chanyeol sa tapat ng pinto ay huminto silang dalawa.

"Uhm, Soo... p-pasensya na per----"

Sabi nito.

"Ano ka ba, di mo naman kasi ako kailangang ihatid. Sige, pasok na sa loob"

Sabi nito at sabay silang tumakbo papunta sa kanya kanyang classroom.

"San kayo-----"

Di na pinatapos ni Kyungsoo ang itatanong ni Chanyeol.

"Scrapbook"

Napakunot naman ang noo ni Chanyeol. Wala pa rin silang professor hanggang ngayon.

"Anong scrapbook?"

Nakunot na naman ang noo ni Kyungsoo.

"Seriously, Chanyeol. Umabot kang 4th yr college nang hindi nalalaman kung ano ang Scrapbook?"

Umupo naman si Kyungsoo na nauurat sa kanyang upuan habang si Chanyeol ay nakatayo sa harap niya.

"Alam ko ibig sabihin nun, ang ibig kong sabihin, anong kinalaman ng scrapbook sa pag uusapan natin?"

Gustong gusto na ni Kyungsoo sipain si Chanyeol, todo todong pagpipigil na yung ginagawa niya.

Hindi ko alam na ganito katanga si Chanyeol, bwiset, sabi ni Kyungsoo sa kanyang sarili.

"Basta, di naman kasi ako ininform ni Baekhyun na shunga ka. Tsaka wag mo na daw siyang intayin. Mauuna na siyang umuwi"

Gusto pa sanang magsalita ni Chanyeol pero agad ng pumasok yung Professor nila.

Habang nakatalikod yung Professor nila, kinalibit ni Kyungsoo si Chanyeol at binulungan.

"Sabi ni Baekhyun, scrapbook atsaka rules & regulations. Wag ka ng magtanong di ko rin alam kung bakit"

Tumango naman si Chanyeol at unti unting inalala yung scrapbook.

"Badtrip"

Bulong niya sa sarili ng maalala niya yung nilalaman nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro