서른둘
"Chanyeol..." Hindi alam ni Baekhyun kung saan siya humugot ng lakas ng loob para mabanggit ang pangalan ni Chanyeol ng hindi nauutal o nagvavibrate.
"Baekhyun..." Chanyeol immediately answered. Hindi na huminga si Chanyeol nang banggitin niya yung pangalan ni Baekhyun. Ngumiti naman si Chanyeol kay Baekhyun, while Baekhyun smiled a little and took a sit in front of Chanyeol.
"Wag ka nga magkuyakoy" sabi ni Baekhyun and look elsewhere.
Chanyeol nodded and sit properly. Dahil sa kinilos ni Chanyeol ay natawa si Sehun.
"Mukha kang asong ulol" bulong ni Sehun at hinampas ng mahina ang braso ni Chanyeol.
Tinignan niya naman saglit ng masama si Sehun. Pagkatapos niyang tignan ng masama si Sehun ay binalik niya yung tingin niya kay Baekhyun na nakangiti kay Kyungsoo ngayon.
Dumila si Baekhyun kay Kyungsoo, "Bakit ba?" Tanong ni Baekhyun kay Kyungsoo.
Eh kasi nagpableach si Baekhyun ng buhok, sabay silang nagpableach ni Daehyun dahil nainggit si Daehyun kay Jessica at Krystal na nagpakulay ng pink sa dulo ng buhok.
Gusto kasing malaman ni Kyungsoo kung bakit nagpableach si Baekhyun ng buhok. And Baekhyun said, "Gusto ko lang" and Kyungsoo added, "Bakit nga?"
And that's why Baekhyun asked, "Bakit ba?"
"People said that if someone changes his/her hairstyle it means----"
"Stop relating my hairstyle to other unbelievable ideas," sabi ni Baekhyun at kinalampag yung lamesa, "So okay, the reason why my hair is," tapos tinuro niya yung buhok niya, "like this is because of Daehyun" sabi niya at dumiretso ng upo.
Napatingin naman sila kay Baekhyun. And this time, Chanyeol looks away.
Naalala niya nung pinagseselosan niya pa si Yesung. Kahit sino sa mga kaklase ni Baekhyun pinagseselosan niya. Basta kinausap si Baekhyun, isusulat na niya sa 'Enemy List' niya.
"Who's Daehyun, by the way?" Nakangiting saad ni Lay. Medyo pabebe pa yung pagkakabanggit niya kasi nga english.
Natatawa naman sila kay Lay dahil ang arte ng pagkabigkas niya.
"Arte ng boses nito," sita ni Tao sa pananalita ni Lay, "yung Daehyun ba na tinutukoy mo eh yung Daehyun na kausap mo sa phone kanina?"
Tumingin naman si Baekhyun kay Tao habang umiiling, "Oo, yun nga," nagbuga naman siya ng hininga, "di ko nga alam bat pinakilala ni kuya yun sakin eh. Di ko naman kailangan ng partner" dagdag pa niya at ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa.
Sa narinig ni Chanyeol hindi niya maiwasang hindi magalit, kaya agad siyang tumayo at tinawag si Luhan, "Luhan, tara" sabi niya gamit ang malamig at walang emosyon na boses.
Medyo nagulat pa nga si Luhan kung bakit ganun yung pananalita ni Chanyeol, napalingon rin si Baekhyun kay Chanyeol pero nakatitig lang si Chanyeol kay Luhan.
"Okay" tanging sagot ni Luhan, tumingin muna siya sa mga kasama nila bago tumayo.
Ngumiti si Sehun sa kanya kaya napangiti si Luhan.
"What's with him?" Sabi ulit ni Lay.
"Ikaw english ka ng english ang arte naman ng pronunciation mo!" This time, si Kris na yung sumita, "do you want me to teach you how to pronounce?" Dagdag pa niya at nagdekwatro.
"Di na ko mageenglish!" Sabi ni Lay kaya napailing nalang si Suho.
"Why am I even dating you?" Bulong ni Suho pero narinig naman iyon ni Lay.
"Because... you love me" sabi ni Lay at nginitian si Suho ng malambing.
"Landi landi niyo" biglang bulaslas ni Kyungsoo kaya napatingin si Baekhyun habang nakangiti.
Di niya mapigilang hindi mapangiti dahil parang kailan lang ay indenial pa tong mga kaibigan niya sa feelings nila para sa isa't isa tas ngayon grabe na maglandian. At sa harap pa niya!
"Oh, eh bat magkahiwalay kayo ng upuan ni Jongin?" Sabi ni Xiumin habang inaayos yung kamay nila ni Chen na magkaholding hands. Natutulog kasi si Chen, pinagod kasi ni Xiumin kagabi atsaka kanina.
Umirap naman si Kyungsoo at umiwas ng tingin, "Malay ko" sabi nito.
Tumayo naman si Jongin at pinaalis si Suho na nasa tabi ni Kyungsoo.
"Ask nicely, you idiot" sabi ni Suho pero agad rin naman siyang tumayo kahit wala pang sinasabi ni Jongin.
Umupo si Jongin at hinawakan yung kamay ni Kyungsoo, "Sorry na, Soo. Di ko na kakausapin si Krystal, promise!" Sabi ni Jongin sabay taas ng right hand.
Tinignan lang siya ni Kyungsoo saglit at umirap ulit.
Nagulat naman si Baekhyun ng marinig niya yung pangalan ng katrabaho niya, "Teka, si Krystal?" Tanong niya habang nanlalaki ang mga mata.
Bahagya namang tumango si Kyungsoo, napatingin tuloy ung iba kay Baekhyun.
"Bakit?" Tanong ni Xiumin nang mapansin niyang di na nagsasalita si Baekhyun.
"Katrabaho ko siya eh" sabi niya, medyo nagulat naman si Jongin pero agad siyang humarap kay Baekhyun.
Huminga ng malalim si Jongin at ginamitan ng pleading eyes si Baekhyun, "Please, Baekhyun, please tell her na tapos na kami. Past is past. Uso mag move on!" Sabi niya at bumalik ulit sa pagkakahawak sa kamay ni Kyungsoo.
"Sa gingin mo ganun kadaling mag move on?" Napatingin si Baekhyun sa likod niya dahil doon nanggagaling yung boses. Hindi niya inaasahang manggagaling kay Chanyeol yung mga katagang iyon.
"Madali lang naman mag move on, nagawa mo nga diba?" Hindi na rin naiwasan ni Baekhyun na sagutin yung tanong ni Chanyeol ng tanong rin.
"So nagawa mo na rin?" Sabi ni Chanyeol at pinasok sa bulsa niya ang dalawa niyang kamay.
Tumayo si Baekhyun at ngumiti ng maliit, "Kung ikaw kaya mo, mas kaya ko" sabi nito.
Nagkatinginan naman yung iba nilang kasama, syempre talagang magkakaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawa dahil 'may past' sila.
"Sobrang dali nga eh, buti nalang andyan si Dara" sabi ni Chanyeol.
Hindi naman inaasahan ni Baekhyun na ganun kasakit yung isasagot ni Chanyeol, pero hindi niya rin pinakita na naapektuhan siya.
Ngumiti lang siya at tumango, "Well, good for you" tanging sagot ni Baekhyun.
Nagpapasalamat naman si Baekhyun ng biglang nagring yung phone.
Calling HOME...
Agad niyang kinuha yung phone niya at sinagot iyon.
"Hello?" Medyo lumayo si Baekhyun pero rinig pa rin nila yung boses nito.
[Papa! I miss you!] Napangiti si Baekhyun ng marinig niya yung boses ng anak niya. Naiiyak din siya at the same time dahil nasaktan siya sa sinabi ni Chanyeol at akala niya'y magkakaroon man lang ng kahit kaunting chance na maging okay sila.
"I miss you too. Are you doing well?" Sabi ni Baekhyun, napatingin naman si Chanyeol kay Luhan ng masama at hindi rin maitatago ang sakit sa mga mata ni Chanyeol.
[Yes, papa. Im behaving because Tita Taeyeon told me na kapag di ako nagbehave di ka uuwi] sabi ni Chanhyun, napangiti si Baekhyun ng marinig niya yung pangalan ni Taeyeon. He needs Taeyeon, now. He wants to see her. Gusto niyang umiyak kay Taeyeon.
"She said that because you're sick" medyo nagcrack yung voice niya dahil sa pagtulo ng luha niya. Agad niya namang pinunasan iyon. Habang ang mga kasama niya ay nakikinig unintentionally sa usapan ng mag-ama. Alam na ni Luhan at ni Sehun kung sino yung kausap niya. Habang pinagmamasdang mabuti ni Sehun yung pagtingin at paghinga ni Chanyeol.
[But Im okay papa] sabi ni Chanhyun pero umubo naman siya agad at sininghot yung sipon niya. Natatakot naman si Baekhyun na baka maulit yung dati. Ayaw niyang mawala si Chanhyun, anak niya nalang ang meron siya. Gagawin niya lahat, maprotektahan lang si Chanhyun.
"That's what you call okay?" Tumulo na naman ulit yung luha niya dahil nagreplay sa utak niya yung scenes nung naospital si Chanhyun, "Just rest, baby. Uuwi rin agad ako, okay?" Napatingin silang lahat kay Chanyeol ng marinig nila yung baby, its a sweet endearment of couples nowadays. Huminga naman ng malalim si Chanyeol at napalingon sa kanila. Kitang kita nila yung lungkot at sakit sa mata nito.
[Papa, Tito Luhan told me that Tito Chanyeol is coming soon] sabi nito kaya agad lumingon si Baekhyun at nakita niyang nakatalikod si Chanyeol sa kanya habang si Luhan at Kyungsoo ay nakatingin sa kanya gamit ang malulungkot na mata. Hindi niya pa nga nakukurot si Luhan dahil sa pagsisinungaling nito sa kanya na sila lang nila Kyungsoo, Jongin, Luhan at Sehun lang ang magsiswimming eh meron na naman siyang sinabi sa anak nito.
Napairap si Baekhyun, nakatitig siya sa likod ni Chanyeol, "No, he's not. He's useless, he's not worth the wait, baby" eksaktong pagkatapos sabihin ni Baekhyun yun ay humarap si Chanyeol sa kanya. Chanyeol felt stares behind him kaya lumingon siya at hindi niya inaasahan yung nga salitang yun. Feeling niya ay para sa kanya talaga iyon.
[But, Papa---] sabi ni Chanhyun pagkatapos niyang umubo ng malakas. Napapikit naman si Baekhyun dahil ayaw niya talagang sumama dito, gusto niyang alagaan si Chanhyun buong magdamag, gusto niyang makasama yung anak niya, gusyo niyang iparamdam kay Chanhyun yung pagmamahal ng dalawang ama kahit siya lang mag isa.
"No but's. Just rest, eat well, okay? Bye baby!" Pinilit niyang ayusin yung paghinga niya dahil naiiyak na talaga siya. Gustong gustong makita ni Chanhyun si Chanyeol pero ipinagkakait niya yun sa anak niya.
He's fine now. Sooner or later, magkakapamilya rin si Chanyeol at ayaw kong makagulo ng isang relasyon.
[I love you, papa] malungkot na sabi ni Chanhyun at kahit anong pigil ni Baekhyun ay hindi niya pa rin napigilan yung pagluha niya. Nasasaktan siya dahil wala na talagang pag asa, ayaw man niyang maniwala sa mga sinasabi ni Luhan at Taeyeon na may pag asa pa sila ni Chanyeol ay napapaniwala siya. Pero eto ba yung kapalit ng paniniwala niya? Ang masaktan ng sobra?
"I love you more" sabi niya at pinunasan ang luha niyang tuloy tuloy yung pag agos.
Narinig nila yung sinabi ni Baekhyun na 'I love you more', Chanyeol assumed na niloloko lang siya ni Luhan kaya nagalit siya. Pero nagulat siya ng biglang nagsalita si Sehun, "Wala siyang boyfriend, maniwala ka" dahil sa sinabi niya napalingon silang lahat kay Sehun na parang siguradong sigurado siyang wala ngang karelasyon si Baekhyun.
Hindi umaalis si Baekhyun sa pwesto niya dahil tuloy tuloy pa rin ang pagluha niya, hindi niya alam kung saan siya nasasaktan. Sa sinabi ni Chanyeol o sa sinabi ng anak niya o sa katotohanang wala na silang pag asa ni Chanyeol.
Nagulat siya ng may yumakap sa kanya. Good timing, sabi niya sa isip niya. Hindi niya man kilala kung sino yun ay hinawakan niya yung kamay.
"T-Thankyou" sabi niya at tumango.
Hindi niya inaasahan kung sino yung yumakap sa kanya, "Baek, andito lang ako lagi. Pwede mo kong iyakan kahit anong mangyari. Ano pa't naging bestfriend tayo nung college diba?" Sabi ni Kyungsoo kaya lalo siyang naiyak.
Naalala niya kasi na nung pinakakailangan niya si Kyungsoo ay nawala ito bigla sa kanya. Na para siyang nawalan ng unan at kumot nung mga panahon na yun.
Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ni Kyungsoo, thankful siya na andyan si Taeyeon at Luhan sa tabi niya, but this time nadagdagan na ng isa pa, at yun ay si Kyungsoo.
Napag isip-isip niya na oo nga bestfriend ko si kyungsoo, at kailangan kong sabihin sa kanya yung totoo.
Huminga ng malalim si Baekhyun, "Kyung... m-maniniwala ka ba kapag sinabi k-kong n-nabuntis ako?" Hindi niya alam pero nasaktan siya ng lumuwang yung yakap ni Kyungsoo sa kanya.
Pumunta si Kyungsoo sa harap niya, walang emosyon yung mukha nito, "So, totoo nga yung nakita't narinig ko sa hospital nung gabi na yun?"
Lumiit bigla yung mga mata ni Baekhyun dahil hindi niya naintindihan yung sinabi ni Kyungsoo.
"Nung graduation day, nung gabing dinala ka sa hospital, sumunod ako. Andun ako kasi nag aalala ako para sayo," tumigil si Kyungsoo at yumuko, "nakita ako ng parents mo, inaaya nila ako pero sinabi kong ayoko atsaka wag nilang ipagsabi na andun ako. Alam ni Luhan to," umiiyak na rin si Kyungsoo dahil gusto niyang malaman ni Baekhyun na mahal niya ito, "pasensya na kung iniwan kita nung mga panahon na yun, gusto kitang protektahan pero hindi ko nagawa" mas lalong naiyak si Kyungsoo ng maalala niya yung mukha ni Baekhyun na malungkot at umiiyak noon.
"K-Kyung..." Tawag niya kay Kyungsoo. Hinawakan niya yung kamay ni Kyungsoo at tinignan ito gamit ang pleading eyes niya, "a-ayokong malaman ni Chanyeol to... please" sabi niya.
Tumango si Kyungsoo kaya napangiti si Baekhyun, "P-Pano yung bata? Gusto kong makita yung bata, ayaw ipakita ni Luhan sakin" sabi ni Kyungsoo. Hindi na nga alam ni Chanyeol yung tungkol sa bata hindi pa alam nung bata yung tungkol sa tatay niya.
Umiling si Baekhyun, "Si Luhan talaga... nakita niyo na siya," ngumiti si Baekhyun, "Yung batang kasama ni Taeyeon sa grocery"
Inalala naman ni Kyungsoo kung kelan niya huling nakita si Taeyeon. Nang maalala niya ay agad siyang tumalon at ngumiti.
"Ayun?" Tapos sumigaw si Kyungsoo. Napalingon naman si Baekhyun sa kanila dahil sa pagsigaw ni Kyungsoo.
"Wag kang maingay" sabi ni Baekhyun at pinisil ang braso ni Kyungsoo.
Nagtakip naman agad si Kyungsoo ng bibig at lumingon sa kanila, "Ay sorry" tapos ay ngumiti pa siya sa kanila.
"Yung araw na yun.. nagtatalo kami ni Jongin kung sinong kamukha nung batang yun," hinawakan naman ni Kyungsoo yung kamay ni Baekhyun, "kamukha niyo kasing dalawa ni Chanyeol, anak niyo nga talaga yung batang yun"
Pagkatapos ipakita ni Baekhyun ang litrato ni Chanhyun ay sabay na silang bumalik sa lamesa nila.
"Ang tagal naman ng mag aassist dito" bulong ni Baekhyun.
Di niya naman ineexpect na makitang nakatingin si Chanyeol sa kanya. Kaya iniwas niya yung tingin niya at napatingin siya kay Luhan at Sehun na magkayakap.
Napangiti siya dahil ang sweet sweet nila at ang saya saya nilang tignan. Kahit tulog si Sehun sa balikat ni Luhan ay ang sweet pa rin nilang tignan.
Napatingin naman siya sa kaliwa niya, doon niya nakita si Xiumin at Chen na magkaholding hands. Kakagising lang ni Chen pero hindi niya binibitawan yung kamay ni Xiumin kahit pa nagkakamot siya ng mata niya.
Sa bandang kanan naman niya ay nakita niya si Kyungsoo at Jongin na masayang nagtatawanan. Kahit pa ang pangit ng simula nilang dalawa, at kahit pa puro sakit ang nararamdaman ni Kyungsoo kay Jongin ay hindi niya ito iniiwan.
Sa harap niya naman ay napangiti siya kay Kris at Tao na nagsusubuan ng chocolate habang nagtatawanan.
We used to be like that.
Sabi niya sa sarili niya pero agad rin siyang umiling para mabura kung ano man yung papasok na alaala sa isipan niya.
Sa tabi niya nakita niya si Suho at Lay, naka akbay si Lay kay Suho habang naglalaro si Suho ng Angry Birds.
Sumandal siya sa inuupuan niya at napatingin sa taong nasa harapan niya na malayo ang tingin.
Bakit andito ka sa harap ko, Chanyeol? Diba dapat masaya ako kasi nakita na kita? Pero bat nasasaktan ako?
Pumikit si Baekhyun at inilabas yung phone niya. Halos lahat sila napatingin kay Chanyeol ng magring ang phone nito.
"Hey" bati ni Chanyeol sa tumawag sa kanya.
Napatingin si Baekhyun kay Chanyeol, nagtama yung mga mata nila. Hindi inaalis ni Chanyeol at ni Baekhyun ang tingin nila sa isa't isa.
[I miss you, Chanyeol!] Sabi ni Dara sa kabilang linya.
Nakatingin si Chanyeol sa mga mata ni Baekhyun ng sabihin niyang, "I miss you"
Gusto mang ngumiti ni Baekhyun ay hindi niya magawa dahil ayaw niyang ipakita na apektado siya. Feeling niya ay para sa kanya yung sinabi ni Chanyeol na "I miss you".
Pero buti nalang daw hindi siya ngumiti.
"I miss you too, Dara"
Naramdaman niya yung kamay ni Suho sa kamay niya kaya napalingon siya, dahilan para maghiwalay yung titigan nila ni Chanyeol.
Ngumiti siya kay Suho dahil ngumiti rin ito sa kanya.
"Take care, bye" sabi ni Chanyeol. Hindi siya nag- I love you kay Dara dahil hindi niya naman talaga mahal.
Hindi rin naman kasi inexpect ni Chanyeol na darating si Baekhyun sa ganitong sitwasyon.
Sana noon ka pa dumating, noon nung hindi pa ko engaged.
Napahinga ng malalim si Chanyeol dahil nasasaktan siya. Hindi niya kayang saktan si Dara, pero ikamamatay niya kung mawawala ulit si Baekhyun sa buhay niya.
"Good afternoon po, Sir" bati ng isang assistant sa kanila.
Ngumiti naman si Luhan at Sehun sa babae at tumayo na dahil sila na ang makikipag usap dito.
"Tara, Baek?" Nagulat si Baekhyun ng ayain siya ni Chanyeol.
Lumunok siya ng maraming beses bago lingunin si Kyungsoo na nakangiti sa kanya.
Tumango si Kyungsoo sa kanya habang nakangiti ng may kahulugan.
Pagkatapos nun ay tumayo siya at sabay silang naglakad ni Chanyeol. Nakita niyang pati sila Luhan at Sehun ay napatingin sa kanila.
"Ilang taon na nga ba ang lumipas?" Tanong bigla ni Chanyeol habang naglalakad sila sa garden.
Napatingin si Baekhyun kay Chanyeol sabay tingin sa langit, "Almost 6 years, I guess"
Tumingin siya kay Baekhyun na nakatingin sa langit, "Tagal na rin pala, kamusta ka na?"
Hindi naman inalis ni Baekhyun yung tingin niya sa langit dahil ayaw niyang tignan si Chanyeol, ayaw niyang ganito sila. Ayaw niyang hanggang kamustahan nalang, ayaw niya ulit maramdaman to, ayaw niya ng mahalin si Chanyeol pero ang traydor traydor ng puso niya dahil hanggang ngayon siya pa rin ang tinitibok ng puso niya.
Ngumiti si Baekhyun habang nakatingin sa langit at iyon ang naging dahilan ng pagngiti ni Chanyeol, "For the past 6 years, syempre hindi naging madali pero kinaya ko, para sa pamilya ko" sabi niya't tumingin ng diretso sa mata ni Chanyeol.
"Eh ikaw, kamusta?" Tanong niya naman dito.
"Okay lang rin, architect na ko sa isang firm. Kakapromote ko lang 3 years ago" sagot niya at tumango.
Tinignan niya ulit si Chanyeol, "K-Kayo ni Dara, kamusta?"
Lumunok si Chanyeol at kusang nagfist ang kamay niya, "We're good"
Tumango naman si Baekhyun sa kanya. Hindi na natuloy yung usapan nila dahil dumating na rin yung mga kaibigan nila para sa room na nakaassign sa kanila.
Magkakasama silang 12 sa loob ng iisang room sa pinakatuktok ng hotel, sa pinakatuktok kasi nun ay isang kwartong malaki. It looks like a condo pero nakareserve lang yun para sa mga party, special events, at kung anu ano pa na good for 50 persons.
"Chen, paabot nga nito" sabi ni Baekhyun.
May gusto kasi siyang abutin dun sa taas ng cabinet kaso di niya maabot kaya ipapaabot niya nalang kay Chen since silang dalawa lang yung nasa side ng kwarto na to.
"Bat ako?" Tanong ni Chen.
"Eh tayong dalawa lang andito, malamang ikaw" sarkastik na sabi ni Baekhyun at inirapan si Chen.
"Subukan mong abutin! Ayan oh, may mga upuan" sabi pa ni Chen at tinuro yung mga upuan sa kabilang side ng kwarto.
"Di nga kaya eh!" Sigaw ni Baekhyun kaya napatingin si Chanyeol.
"Maaabot mo yun, subukan mo lang!" Sigaw rin ni Chen kay Baekhyun.
Habang si Chanyeol ay naglalakad papalapit na sa kanila.
"Dali na kasi, Chen! Abutin mo na!" Sabi ni Baekhyun at nagtantrums kunwari.
"Ako na" nagulat si Baekhyun habang si Chen ay nakangiti ng nakakaloko.
Naabot naman agad ni Chanyeol kung ano man yung nasa taas ng cabinet at inabot kay Baekhyun.
Pagkaabot niya kay Baekhyun ay nginitian niya ito at umalis na.
Ngumiti si Baekhyun kaya nakurot siya ni Chen sa tagiliran ng hindi niya nalalaman.
"Ayun, kinilig!" Sabi ni Chen sabay kiliti kay Baekhyun na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin ng malaki.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro