CHAPTER XIV: SECRET
CHAPTER XIV: SECRET
My peaceful days with Damian continued. I think his friend eventually stopped na makialam pa sa amin ni Damian. Dahil pinagsabihan na rin niya ito. Hindi na rin ulit siya pumupunta sa mga parties kasama ang mga kaibigan niya. And all he does was sunduin ako sa bahay at ihatid sa trabaho ko.
"Bye," sabi ko lang sa kaniya pagkatapos niya rin akong hinatid sa bahay pauwi.
Nagkatinginan pa kaming dalawa. I couldn't invite him inside my house because nandito pa ang mga gamit ng pamilya ko at ni ate...
"I'll go inside now. I will rest kasi medyo napagod din ako sa trabaho sa office kanina." I just said to him.
Tumango na rin naman siya sa akin. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na akong pumasok sa bahay.
I sighed the moment I closed the house' main door behind me. It was exhausting. At hindi lang ako sa trabaho napagod kundi pati na rin sa pagtatago ko kay Damian at paglilihim ko rin sa kaniya...
It's really hard to live when you have secrets to keep...
And on my day off from work I ended in Damian's condo again last night matapos niya rin muli akong sunduin sa trabaho ko ay dito na kami dumeretso.
Niyaya na niya ako na mag-date muli kami ngayong araw. But I only told him that I was still tired...
At pumayag naman siya na rito sa condo na lang muna niya kami tumambay. Kumain lang kami, nanood ng TV, at nag-usap din. It was just one of those lazy days.
"Kali, what's your plan for the future..." He suddenly asked me.
Bumaling naman ako sa kaniya. "What do you mean?" Hindi ko pa agad nakuha ang ibig niyang sabihin.
He was looking back at me. "You know... After dating..." aniya.
Nagkatinginan lang naman kaming dalawa.
Pagkatapos ay bahagya siyang nagbuntong-hininga. "I want to properly introduce you to my grandpa, Kali." He said to me.
Naramdaman ko naman ang kaba sa dibdib ko. At habang nakatingin ako kay Damian ay parang unti-unti rin ay nakukuha ko na ang ibig niyang sabihin sa mga sinasabi niya ngayon sa akin...
"And how about your family?"
Umiling ako sa kaniya. "Sinabi ko na sa'yo dati, wala na sina Mama at Papa... At mag-isa na lang ako." sabi ko sa kaniyang nag-iwas ng tingin.
"But what about your relatives?"
Umiling muli ako. "Wala na akong kakilala o ka-close na malapit na kamag-anak." I told him.
He nodded. "Then, Kali," He hold my hand and he held it in his. "I can be your family..."
Naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko...
Hindi ko alam kung dahil sa kaba lang ba ito.
Nag-angat ako ng tingin sa mukha niya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Damian. I didn't know what to tell him. While his eyes showed me that he was serious about me... about us...
At na seryoso rin siya sa sinasabi niya ngayon sa akin.
Nagbaba lang muli ako ng tingin pagkatapos.
Pero nagpatuloy pa kaming nag-usap ni Damian tungkol sa mga plans niya for the future. He told me that he can work or also start some business just like his cousins. And that's aside his personal investments that's already there. He may not work unlike his cousins who are company CEO. But to be fair Damian has his own investments. Mukhang marunong din naman siyang humawak at magpalago ng pera niya. So he's not just all party like who I have thought him to be...
But after I thought that Lorin had stopped, one day nalaman ko na lang din na hindi pa pala siya tumigil. At na nagpatuloy ang imbestigasyon niya tungkol sa akin at sa totoong pagkatao ko. Until they've found out about my connection to my sister...
At sinabi niya ang lahat ng nalaman niya tungkol sa akin sa kay Damian.
"Kali,"
"Yes?"
"Is there something that you want to talk about... with me?" Damian asked me.
Bumaling naman ako sa kaniya sa naging tanong niya sa akin. Isang araw ay tinanong na lang niya ako nito. At ang alam ko ay umalis siya kanina at nakipagkita sa mga kaibigan niya after a long time dahil may birthday din ang isa sa kanila. At doon na siya marahil kinausap ni Lorin ng tungkol sa akin...
"Lorin talked to me earlier and she told me about something..." He said.
Nag-iwas naman ako ng tingin sa kaniya. "Ano naman ang pinag-usapan ninyo?" I asked.
He sighed a little bit. "Kali, if you have something... We can talk about it. I'll answer if you have a question—"
Mabilis ko siyang nilingon. At bahagya rin siyang natigilan sa halos marahas na reaksyon ko nang pagbaling kong muli sa kaniya. "Wala, Damian." I tried to calm myself down. "Wala naman. Bakit?"
Nagkatinginan kaming dalawa. At pakiramdam ko habang nakatingin din siya ngayon pabalik sa akin ay nakikita na niya ang kasinungalingan sa mga mata ko...
Nag-iwas muli ako ng tingin dahil hindi ko matagalan ang tumingin din ako pabalik sa mga mata niya na sa akin lang din siya nakatingin.
"I feel like you're keeping a secret from me, Kali..." He said while looking into my eyes.
Habang nanlalaki naman ang mga mata ko nang tumingin din ako muli pabalik sa kaniya.
I can feel my heartbeat raising. That later on I felt like it's already causing an ache in my heart...
Malakas ang pintig ng puso ko sa pinaghalong kaba ko at takot...
Pero mas pinangunahan din ako ng galit ko. And I didn't care anymore whatever he's found out about me. As I have already expected that he'd found out about me sooner or later, anyway. So it doesn't matter now...
Siguro nga ngayon ay alam na niya ang tungkol sa akin at ang koneksyon namin ng kapatid ko. Then what would he do to me now? Papatayin din ba niya ako kagaya sa nangyari sa ate ko...
At ayaw ko man umiyak sa harapan niya pero naghahalo na ang kaba at takot, galit at sakit sa puso ko kaya naman namuo na rin ang luha sa mga mata ko. At marahil nakita na rin niya ngayon ang totoong emosyon ko.
"Kali—" He tried to reach me.
But I promptly took steps behind me. "Kilala mo na ba kung sino talaga ako, Damian Delgado? Then what are you planning to do to me now? Papatayin mo rin ba ako ngayon? At kagaya sa nangyari sa ate ko... na namatay din..." I looked at his eyes.
Habang nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko habang nakatingin din siya sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro