Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER XIII: STUPID AND CRAZY

CHAPTER XIII: STUPID AND CRAZY

But no matter how much I tell myself that I'm only doing this for revenge... Alam ko pa rin kung ano na ngayon ang totoo kong nararamdaman...

I sighed quietly as I watched Damian having fun now with his friends. We started dating... And he's now my boyfriend...

He's been invited by his friends to party many times. Pero palagi lang silang natatanggihan ni Damian dahil palagi rin siyang nakasunod sa akin. And now I've decided that we should go and see his friends now.

At ito naman talaga ang dati pang buhay ni Damian. Ayaw ko rin na dahil lang sa akin ay marami na rin ang mga nagbago sa kaniya...

I still want him to spend some time with his friends, at least...

Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ako makapaniwala. And it's not a good feeling. Hindi lang ako halos makapaniwala na nasa ganitong sitwasyon na ako ngayon. Pero pagkatapos ng mga ginawa ko para lang dito, I should've already expected that this could really happen.

Pagkatapos ko ba namang ginawan ng paraan na mapalapit ako kay Damian hanggang sa nandito na nga kami ngayon.

And it was all on me. It was my plan. At sinadya ko ang lahat simula sa unang pagkikita namin...

Ngumiti ako kay Damian nang bumaling siya sa akin. Kausap niya ang mga kaibigan pero madalas ay tumitingin pa rin siya sa banda ko. Kaya naman napapatingin din sa akin ang mga kaibigan niya.

"Are you okay?" Lumapit pa nga siya sa akin at tinanong ako.

Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya. "Yes, okay lang ako. Just have fun with your friends. Ah, mag-powder room lang din muna ako." sabi ko sa kaniya.

"Then, I'll go with you." he said.

Which made me chuckle a little. "Seriously, Damian? I'm fine. Kaya ko na. No need na samahan mo ako mag-comfort room lang naman ako." sinabi ko sa kaniyang nakangiti pa rin.

Sa huli ay napatango ko na rin siya ng sinabi ko. Although his face was still worried for me...

I just smiled at him.

After that I went to the washroom. At doon ay nagpang-abot pa kami ng isang babaeng kaibigan ni Damian.

Sa totoo lang din ay hindi ko rin magawa na makipagsabayan sa mga kaibigan at kakilala ni Damian. He grew up rich so probably galing din sa mga may kayang pamilya ang mga nakakasalamuha niya. Binati naman namin kanina ang isa't isa ng mga kaibigan ni Damian. Pero hindi rin naman ako makasabay sa mga topic nila.

"Lorin," I greeted her and I also smiled at her a bit.

Pero hindi naman siya nakangiti sa akin at mukhang ang taray pa ng tingin niya na binigay niya ngayon sa akin. "Are you really Damian's girlfriend?" She asked me straightforwardly.

Unti-unti lang naman akong tumango.

Humalukipkip ang mga braso niya sa harapan ko. "Damian doesn't do girlfriend, you know."

My lips just parted a bit at what she said. And then looking at her I realized that she must have liked Damian, too. Because she looked like she couldn't accept that he has a real girlfriend now...

"Ganoon ba..." sabi ko na lang.

Pagkatapos ay may pumasok pang ibang mga babae sa ladies' room. Kaya naman naputol na lang din doon ang usapan.

Pero nang papaalis na kami ni Damian sa party ay kinausap pa siya ni Lorin. Nagpaalam sandali sa akin si Damian para kausapin lang ang kaibigan niya. But I secretly followed them to hear what they would be talking about. And it was about me.

"What do you mean, Lorin?" Hindi na maganda ang tono ni Damian habang kausap ang dati na niyang kaibigan.

I guess he was also sensitive when it comes to topic about me. Maybe that's why his other friends were also careful around me...

"I'm just worried about you, Damian. I had that girl investigated. Because she just came out of nowhere, remember? We were partying at that time tapos nandoon na siya even though we don't really remember inviting her to our exclusive party. And that's how you two have met..." Lorin said.

"She was with some other people that we invited at that time." Damian just said.

Pero umiling pa rin sa kaniya si Lorin. "We just have to be more careful, Damian. I'm just worried—"

"You don't have to worry about me, Lorin. I can take care of myself. And what did you said? That you have my girlfriend investigated? Stop that. I don't like it. And you don't have the right to do that." Damian said to his friend in a warning tone.

Natahimik naman si Lorin at wala nang nasabi pa.

Habang tumalikod na rin ako at umalis doon.

Pero parang bahagya na rin akong nawawala sa sarili pagkatapos ng narinig ko na usapan nina Damian at Lorin tungkol sa akin. At pinaimbestigahan daw ako ni Lorin. And what more did she found out about me...

Nakaramdam ako ng kaba na baka malaman at makilala na nga nila talaga ako. Those who were close to Damian probably know the things about him. At baka nga kilala rin nila ang ate ko...

But what will I do when it happens? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Damian. Magagalit ba siya sa akin at kamumuhian niya ako...

Nayakap ko ang sarili ko habang nandito na ako sa labas ng club at nasa tabi ko lang din ang kotse ni Damian. Dito ko na lang din siya hinintay.

I felt a bit cold. Siguro ay dahil din sa ihip ng panggabing hangin dito sa lugar.

"Kali! Why are you waiting here? I've been looking for you inside."

Bumaling ako kay Damian at ngumiti pa rin ako sa kaniya. "It's okay. Aalis na rin naman tayo."

Lumapit siya sa kinatatayuan ko sa tabi ng sasakyan niya at ngumiti na rin sa akin. And then his hand reached for the side of my head and for the loose strands of my hair. Bahagya niyang inayos ang buhok kong nagulo rin bahagya sa hangin dito sa labas at mukhang uulan pa yata ngayon. Napangiti lang naman ako sa ginawa niya.

And then he let out a small sigh. "I know that you don't really enjoy things like party like this. Don't worry, hindi na rin naman talaga ako nag-eenjoy ngayon sa mga pagpaparty. So next time we don't really have to come." He said.

Unti-unti na rin naman ako na tumango sa sinabi niya. Pagkatapos ay pumasok na rin kami sa kotse niya.

At habang nasa loob na kami ng sasakyan ay bumuhos na nga ang ulan. Bumaling ako sa bintana ng kotse habang tinitingnan ang pag-ulan sa labas.

Naisip ko muli ang iniisip ko na rin kanina. Iyong magiging galit sa akin ni Damian kapag nalaman niya ang totoong pakay ko sa kaniya.

Pero bakit ko nga ba inaalala iyon? Hindi ba't noong una ay sinabi ko naman sa sarili ko na wala na akong pakialam kung ano man ang mangyayari sa akin pagkatapos nito. Wala na dapat akong pakialam...

So why... do I care so much now...

I ended up in Damian's bed after we went home to his condo that night.

Nakatulog na siya pero ako gising pa rin. I watched him for a while before I turned to my other side on the bed. Nakatalikod na ako ngayon kay Damian. At kaharap ko lang ang tahimik at medyo madilim na nakasarado rin na bintana ng kwarto.

Why am I really worried now? Why do I care...

Dahil ang totoo... Alam ko naman ang rason kahit pilit ko pang i-deny sa sarili ko...

I'm being the real stupid and crazy for even feeling this way... and even hurting like this...

Masagana lang na tuloy-tuloy na tumulo at bumuhos ang mga luha ko dahil na rin sa bigat ng mga nararamdaman ko.

And as I can also feel the ache in my heart...

Author's note: hi! You can read more chapters of this story in Patreon and Facebook VIP group. To join VIP, kindly message me on Facebook Rej Martinez (my account is temporarily private/locked but anyone can send me a message and I use the same profile picture as the one I also use here in my Wattpad profile). Membership fee is for as low as 100 PHP per month only and unlimited stories to read. And you can actually also join my Patreon creator page for free for 7-days! Just avail the 7-days free trial. Then $3 per month. Thank you for your support!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro