CHAPTER IX: MISUNDERSTANDING
CHAPTER IX: MISUNDERSTANDING
KALI
Natuloy din ako sa pagsama kay Damian sa Delgado mansion. And he's right na medyo labas na nga rin ito ng Metro Manila. Kaya mas convenient para sa kaniya na may condo rin siya.
"We're here." Damian announced.
Bumaba na rin ako sa kotse ng pagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan ni Damian. Of course I also went here when I didn't have work. Kasi medyo bibiyahe rin kami papunta rito.
"It's a beautiful mansion..." I can't help it but to appreciate the beauty of the place.
Ngumiti lang naman sa akin si Damian at niyaya na niya ako sa loob ng mansyon. Sumunod lang din naman ako sa kaniya.
"Sir Damian..." Binati pa kami ng ilang kasambahay pagkapasok namin ng mansyon.
Napatingin pa ako sa mga kasambahay nina Damian na nakatingin din sa akin.
Nag-utos naman sa kanila si Damian na ipaghanda kami ng pagkain. After that they already left us to ourselves. Pagkatapos ay pumunta na rin muna kami ni Damian sa kwarto niya rito sa mansyon.
"Kaninong kwarto itong katabi ng kwarto mo?" I just asked when I noticed another bedroom door just beside his.
Bumaling naman sa akin si Damian at sinagot niya ang tanong ko. "That's Millie's room." He answered nonchalantly.
Habang natitigilan naman ako. I remember that same woman who also visited Damian's condo just the other time. Dito rin pala siya nakatira sa mansyon nina Damian?
"Dito rin pala siya nakatira." sabi ko habang pumasok na ako sa katabing kwarto naman ni Damian matapos niya rin akong pagbuksan ng pinto nito.
Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng malaking kwarto niya...
"Yes. Millie's my childhood friend, like I told you when you met her at my condo. Sabay kaming pinalaki rito sa sa mansyon. She was also my grandparents' adopted. And my grandpa trusts her. She's also his secretary." Damian said.
Unti-unti na lang naman akong napatango sa sinabi niya.
I just couldn't help it but my mind had already wandered thinking about him and Millie...
Kung sabay silang pinalaki at mukha pa silang close sa isa't isa ay wala na ba talaga silang iba pang relasyon sa isa't isa bukod sa pagiging magkaibigan lang?
I just can't help it but to think it like that because that woman was also beautiful...
Tapos ay halos magkatabi pa ang mga kwarto nila rito sa mansyon... Did he never touch her anywhere before...
I shook my head and shook the thought away. Kung ano-ano na naman ang mga naiisip ko. And it's just probably my curiosity and wild imagination about them...
"This is my room."
Tumango ako kay Damian.
At sa una ay nag-uusap lang kami. Pero hanggang sa hindi na pala namin namamalayan na napahiga na kami roon sa malaking kama niya at napaibabawan na niya ako...
I felt like I was not myself anymore. At pakiramdam ko pa na paliko na ako ng daan. Marami na rin akong tanong para sa sarili ko. At minsan kapag magkasama kaming dalawa ni Damian ay parang hindi ko na makilala ang sarili ko.
"Damian..." I whispered his name.
Sumunod naman niyang inangkin ang mga labi ko. And I just let him kiss me. I let his tongue swirl on mine...
Habang nandoon kaming dalawa sa malambot na kama niya at nakapaibabaw na rin ang katawan niya sa akin...
I feel like I just wanted to cry...
We've known each other for months now. At unti-unti ko na rin siyang nakikilala. And I was scared of proving that I was actually wrong about him...
That what if I was actually wrong all along?
Na kagaya sa mga narinig ko ay mga paratang lang din ang lahat nang ito...
I hated myself. I felt so weak and useless. And never in my wildest dreams did I ever expect for things to turn out this way instead.
At totoong natatakot na ako sa mga nararamdaman ko rin...
"Damian..." But I was still able to stop myself as I pushed him.
And I was successful in pushing him away from me. Nagkatinginan pa kaming dalawa pagkatapos. Pero mabilis na rin akong umalis kasama niya sa kama niya. I gathered my things quickly and I was ready to leave.
"Kali,"
Sinundan naman ako ni Damian pero tuloy-tuloy na akong lumabas ng kwarto niya paalis. At habang papaalis na ako ay nakasalubong naman namin si Millie at isang lalaking mukhang ang pinsan din iyon ni Damian.
He stopped Damian kaya hindi agad ako nito nasundan. At mukhang halos nagtalo pa sila pero tuloy-tuloy lang ako sa pag-alis.
Malayo rin ang mansyon kaya wala pa ako agad nakita na masasakyan ko pabalik ng Metro Manila. Until I saw a bus approaching at bastang sumakay na lang din ako doon...
When Monday came ay nandoon na rin ulit sa labas ng building ng pinagtatrabahuan ko si Damian.
"I'm sorry about last time..." I apologized to him.
Natauhan na rin naman ako sa ginawa ko sa mansyon nila noong nakaraan. I acted on a rush. And it was also risky for me. Pero napangunahan na ako ng mga naramdaman ko noon...
My stupid feelings and emotions...
"It's alright, Kali. How are you? You weren't answering my messages and calls..." He said.
Binalingan ko siya ng tingin habang nandito na ako ngayon sa loob ng sasakyan niya. "Uh, I'm sorry... I, uh... wasn't feeling well..." This excuse was lame. Hindi ko na rin kasi alam ang sasabihin ko sa kaniya ngayon. And I feel like I need more time now...
Umiling naman siya sa akin. "It's me who's actually supposed to apologize to you, Kali. Sorry about what happened. I know that you weren't ready..." Damian sighed.
At nakatingin lang ako sa kaniya. "Ayos na ba kayo ng pinsan mo?" I asked.
Tumango naman siya sa akin. "We're fine. He only misunderstood,"
Tumango rin ako sa kaniya. "Yes. I'm sorry about that..."
Umiling lang naman muli siya sa akin.
I didn't want to create a misunderstanding between Damian and his cousin. It was never my intention. But I was really wrong for acting so emotional that day...
Binaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana ng sasakyan ni Damian. At nagsimula na rin siyang magmaneho ng sasakyan niya paalis.
Author's note: hi! You can read more chapters of this story it's available both in Patreon and Facebook VIP group. To join my VIP, please message me on Facebook Rej Martinez (my profile is temporarily private/locked but anyone can send me a message and I use the profile picture as the one I use here in my Wattpad profile. Thank you for your support! Happy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro