Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER IV: LONG NIGHT

Hi, readers! You can now read more chapters from this story in Patreon and Facebook VIP group! Just search Rej Martinez on Patreon and message Rej Martinez on Facebook to join VIP group. Thank you so much for your support!

CHAPTER IV: LONG NIGHT

My sister... She was the only family I had left when both our parents passed away when we were young because of an accident.

At simula rin nang mawala ang mga magulang namin ay ang ate ko na ang mag-isang nag-alaga at bumuhay sa akin.

Kaya naman hindi ko makakalimutan ang mga sakripisyo ng nag-iisang kapatid ko para lang sa akin. At hindi rin ako makakalimot sa masakit na sinapit niya...

"Gusto mo ng ice cream?"

Napangiti ako sa mga alaala ko sa nakaraan. Noong nabubuhay pa ang parehong mga magulang ko at nandito pa rin si ate. Noong bata pa ako our family would often go out especially on a Sunday na wala rin trabaho si Papa.

We weren't rich. Pero sapat lang ang kinikita ni Papa sa marangal naman niyang trabaho para makakain pa rin kami ng tatlong beses sa isang araw at mabili ang mga pangangailangan namin.

Nag-oopisina si Papa dati tapos si Mama naman ang nag-aalaga sa amin ni ate sa bahay noong mga bata pa kami.

Tumango ako kay at at ngumiti. "Opo." sagot ko naman.

Ngumiti rin sa akin si ate pagkatapos ay kumuha siya ng isang face towel at pinunasan niya ang konting pawis sa noo ko. Nasa loob lang kami ng bahay at wala pa rin pasok sa eskwela ngayon dahil summer break din. At wala kaming aircon sa bahay sa sala namin kaya naman mainit pa rin at medyo pagpapawisan ka pa rin kahit pa may electric fan naman.

"Sige, ang sabi ni Mama ay lalabas daw ulit tayo mamaya pagkauwi ni Papa. Kaya makakakain ka na naman ng ice cream." Ngumiti sa akin si ate habang kinakausap niya ako.

And I smiled at her as well. I remember that she was a gentle person in our family. Marahan din siyang magsalita at totoong maintindihin din siya na tao. And I grew up with her gentleness.

At pagkauwi nga ni Papa galing sa half day niya lang din na trabaho ngayon sa ospisina nila ay lumabas nga ang pamilya namin. Namasyal kami sa park at kumain nga ako ng ice cream na binili sa amin ni ate ng mga magulang namin.

Life was simple. But it was all I ever had. Until it was also all taken away from me...

And as if just like that...

Parehong namatay sa isang aksidente ang mga magulang ko. Pagkatapos ay si ate...

My sister was beautiful. And she's even prettier than me. Kaya naman noong maulila na kami sa mga magulang namin at senior high school pa lang siya noon habang ako naman ay junior high school, may nakapag-offer din noon kay ate kaya nakapagsimula na rin siya noon sa modeling kahit bata pa man siya kaya may pera rin kami dahil doon. At noon pa man ay sumasalisali na rin ang ate ko sa mga pageant sa school at sa lugar namin na suportado rin siya pareho nina Mama at Papa kaya naman may nakapansin din talaga sa kaniya sa huli na siya ring nakatulong sa aming magkapatid.

And she was even about to enter show business at that time. Nabigyan na rin kasi siya noon ng pagkakataon kahit sa pag-aartista. Papasikat pa nga lang siya noon, and she still had a big future awaiting her, but then one day she just suddenly changed... and she was depressed about something...

Naalala ko pa noon na kakauwi ko lang galing school. And I was even excited to show my older sister my report card kasi matataas din ang mga markang nakukuha ko. I was still in high school at halos magtatapos na nga rin ako noon. Habang si ate naman ay college at sinusubukan din mag-aral habang nagmomodelo at nag-aattend na ng workshop para sa pag-artista. Iyon lang din kasi ang maibabalik ko pa lang sa kapatid ko para sa paghihirap niyang pagsabaysabayin ang pag-aaral niya, pagmomodelo, at iba pang part-time job para lang mabuhay at mapag-aral din niya ako. Kaya pinagbubutihan ko rin talaga ang pag-aaral ko.

Pero natigilan na lang ako nang pagkapasok ko sa tahimik na tinitirhan namin ni ate ay iba na ang naramdaman ko. Hanggang sa makita ko na lang noon ang kapatid ko na wala nang buhay sa kwarto namin and from overdosing on a medicine...

Nabitiwan ko agad ang bago ko at report card galing sa school. At napaluhod na lang ako roon kasabay din ng agaran kong pag-iyak pagkakita ko sa kapatid ko sa ganoong ayos. And it was traumatizing that I also screamed at that time. I cried through my eyeglasses that didn't stop my vision to get blurry from so much tears that was continuously coming out of my eyes...

"Kali?"

"Uh, yes? Sorry, what were you saying?" I came back to the present where I was still with Damian...

"I was saying that there's a nearby cafe library." He showed me his phone kung saan mukhang nag-search pa siya doon ng isang cafe.

"Are they still open?"

Tumango naman siya sa tanong ko. "Yes."

And slowly I nodded my head to him...

Talaga ngang nawawala na pala ako sa sarili ko. Hindi ko na nasundan pagkatapos na naming makaalis ni Damian sa bar. Sumakay din ako sa kotse niya and we're still together while it was already getting late at night.

And we went to this cafe library. It's literally a coffee shop that has many different books displayed on the shelves of the cafe. At libre lang din basahin ang mga ito habang nagkakape ka rito. My eyes shined at the sight of the books the moment Damian and I entered the cafe. And it was also my first time in such a place as I didn't know before that it exist.

"You really do love books." kumento naman ng kasama ko nang makita niya siguro ang reaksyon ko pagkakita ko sa lugar.

Bumaling naman ako sa kaniya at nakita ko siyang nakangiti sa akin. Bahagya ko na rin siyang nginitian. "I do... love books."

He nodded. At saka umupo na rin kami doon sa loob ng cafe at nag-order ng kape.

And while I sip on my coffee I watched Damian in front of me who's also taking sips from his coffee as well. Gabi na and I didn't expect that we would even end up here from the club where we were just earlier.

Hindi ko inakala na makakasama ko pang magkape at magbasa rin ng libro rito si Damian. At parang ang haba na nga ng gabi ko...

Indeed it has been a long night.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro