CHAPTER II: OVERWHELMING
CHAPTER II: OVERWHELMING
But I think everyone had stopped for a moment when people saw Damian Delgado who's now back in the party and with me...
Kilala nilang lahat si Damian kaya bumaling sila sa kaniya. At hindi naman nila ako kilala pero iniisip na siguro nila ngayon kung sino ba ako at bakit ako kasama ng isang Damian Axel Delgado.
But other people's reaction were the least of my concern now. It wasn't enough to overwhelm me. Because what's truly overwhelming for me right now was the very presence of the person right in front of me.
Dinala ako ni Damian sa gitna ng maraming mga tao. Gusto niya yata na magsayaw din kami roon...
"What's your name, by the way? I think I forgot to ask you..." Ngumiti siya sa akin nang magtanong.
"Kali..." sinabi ko sa kaniya ang pangalan ko...
I don't think he would still be familiar even if I told him my complete name. Sigurado ako na nakalimutan niya na rin kahit ang pangalan ng ate ko... Dahil malamang ay isa lang din siya sa mga naging babae at naging biktima rin niya noon...
I stopped myself from gritting my teeth while I was with him. Ayaw ko na pumalpak ang mga plano ko. So I have to hold myself back for now. At least for now...
He smiled. "I'm Damian." sabi naman niya sa'kin.
At ngumiti lang naman ako sa kaniya...
Napagod din agad ako sa dance floor dahil sa totoo lang ay naiingayan at medyo naguguluhan na rin ako sa lugar. Because to be honest I'd rather be in a library and read books in peace than to party like this and get bothered by the noisy surrounding.
Kaya naman niyaya ko na rin si Damian na magpahinga na muna kami. At doon naman namin nakasalubong pa ang isang lalaking siyang nagdala sa akin dito...
Sinubukan ko naman agad na mag-iwas ng tingin. Pero huli na dahil nakita na rin ako nito.
"Reia?" tawag nito sa akin sa pangalang ginamit ko sa pagpapakilala.
Pero nag-iwas pa rin ako ng tingin at hindi ako sumagot.
"Hey, I've been looking for you. The moment I realized it, you were already gone... What happened?" Lumapit pa siya sa akin.
Pero umatras naman ako at sumubok na lumayo. Sa totoo lang ay tiniis ko lang na makasama siya nang ilang sandali para lang makapasok ako rito. But he was obviously a pervert who only took advantage and even tried to hold me inappropriately...
Kaya naman ngayon ay medyo natatakot na rin ako na muli pang mapalapit sa tao na 'to.
At mukhang nakita rin ni Damian ang pag-atras ko kaya siguro pinuwesto niya ang sarili niya sa harapan ko na para bang iniharang niya pa ang sarili para hindi ako malapitan noong lalaki.
At mukhang lasing na rin iyong lalaki kaya naman hinihila na rin agad siya ng mga kaibigan niya at nag-sorry pa sila kay Damian. Pero dahil lasing na ito ay kung ano pa ang sinabi nito.
"Damian... I know it's your party, bro. But I'm actually the one who brought that girl in here." He said.
"That's enough!" pigil naman sa kaniya ng kaibigang umawat at mukhang tensed na rin sila sa harapan ngayon ni Damian.
While Damian was only looking at them seriously. "Bring him out of this place and out of my sight." Damian dangerously told them.
Agad naman sumunod iyong dalawang lalaking kasama at inalis na nga rin nila agad iyong kaibigan nila roon sa party.
Habang nakaramdam naman ako ng paninindig ng balahibo ko when I heard Damian talking coldly to them. Pero nang bumaling naman siya sa akin ay agad siyang ngumiti. "Do you know him?" He asked me.
Umiling naman ako. "I don't... Baka napagkamalan niya lang na kilala niya ako dahil lasing na rin siya..." I bit my lip as I lied.
Hindi madaling makapasok sa mundo ni Damian. And his parties were all exclusive, too. Kaya hindi ganoon lang kadali na malapitan ko si Damian Delgado. And I needed some kind of connection and a way to be in the same setting as him. Kaya naman inuna ko rin ang kaibigan o kakilala niya na imbitado rin sa party na 'to para makapunta at makapasok din ako dito...
It wasn't all so easy for me. Pero ginawa ko lang din ang makakaya at magagawa ko para lang matuloy na nga ako sa mga plano ko...
"I see." Tumango naman sa akin si Damian sa sagot ko.
At pagkatapos ay niyaya niyang uminom na muna kami. And instead na alak ay kinuha niya lang ako ng juice. "You might prefer this pineapple juice over alcohol?" He asked me as he smiled at me again.
Napangiti na lang naman din ako sa kaniya. "Yes... Thank you..." sabi ko sa kaniya nang tinaggap ko ang baso ng juice.
Ngumiti lang naman siya sa'kin at kumuha na rin ng inumin na alak doon para naman sa kaniya. At nakita niyang nakatingin pa rin ako sa kaniya habang ininom niya 'yong alak sa baso. Kaya bumaling siya muli sa akin at muli rin ngumiti. "Don't worry I don't get drunk so easily." He told me like it's to reassure me.
Bahagya lang naman akong napatango sa kaniya at uminom na rin ako ng juice. Nauhaw na rin pala ako habang kanina pa rin ako nandito sa maingay na party na 'to. I sighed faintly.
"Kali..." bigla naman niya akong tinawag.
"Y-Yes?" Halos mautal pa ako nang sumagot at natigil din agad ako sa pag-inom ng juice.
Nakita ko naman na ngumiti lang sa akin si Damian. At pagkatapos ay bahagya naman kumunot ang noo niya sa akin. "Are you already of legal age?" He suddenly asked me.
At kumunot na rin ang noo ko sa tanong niya sa akin. "What... Why? Yes, I'm 22..." I still answered him.
Sandali naman na nakabuka lang ang bibig niya matapos marinig ang sagot ko pero bumalik lang din agad ang gwapong ngiti niya...
All right. I wouldn't deny his good looks. Kaya nga siguro marami siyang nabibiktima dahil rin pwedeng maging kahinaan ng mga kababaihan ang mukha pa lang niya...
Tsk. What am I even thinking right now?
I felt weird... And maybe I was really just overwhelmed, too...
After all, this was overwhelming, you see...
Kahit pa may pinlano ako, at kahit pa halos umaarte lang din ako ngayon... I still can't stop myself from the feeling of being overwhelmed by even just his presence alone...
He's not the Damian Axel Delgado without a reason...
"You're young," he said.
Nakatingin ako sa kaniya. "Bakit? Ilang taon ka na rin ba?" I asked him.
"I'm 25." He smiled again.
Magaan tingnan ang mga ngiti niya...
Umiling na lang naman ako at pati na sa sarili ko. Hindi ako pwedeng magpadala... at kailangan kong ayusin ang sarili ko...
Haynaku, Reia Kalixta!
But like I said I was still feeling overwhelmed and because after all we just met for the first time tonight. So I guess my reaction was still pretty normal.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro