CHAPTER I: REVENGE
CHAPTER I: REVENGE
KALI
I remember it all. I should remember everything that happened to my sister. And I should never forget about it no matter what.
Dahil ang nangyari sa kapatid ko ang siyang nagdala sa akin sa kung nasaan ako ngayon...
He was said to be someone who's just a happy-go-lucky kind of guy. He doesn't work. He doesn't have a job. And all he did was to party and just to enjoy his life.
He's the spoiled youngest grandson of Don Antonio Delgado—a rich, powerful and influential person in the country and a businessman.
Marami rin iba't ibang negosyo at investments ang mga Delgado kaya mukhang hindi nga mauubos ang yaman nila kahit pa hindi magtrabaho ang kaniyang apo.
Bahagya pa akong napalunok nang magdesisyon akong lumapit na sa kaniya...
May takot din naman akong nararamdaman dahil hindi bastang mga tao ang babanggain ko... Pero kailangan ko itong gawin para sa kapatid ko...
Simula nang mawala si ate ay parang nawalan na rin ng direksyon ang buhay ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko pagkatapos. At itong paghihiganti ko na lang ang rason kung bakit pa ako nandito ngayon. Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyayari sa akin pagkatapos nito. Basta ba ay magawa ko ang paghihiganti ko at masaktan ko rin ang taong iyon.
I can even end his life... like what he did to my sister...
And I think that he deserves it, anyway...
He deserves to die for harming a person's life...
At kung makapagsaya pa siya ngayon dito ay parang wala siyang mga buhay na sinira. Parang wala siyang sinaktan at pinatay...
He's a criminal. And he should be in jail right now. Pero dahil sa mayaman at maimpluwensya niyang lolo ay nandito pa rin siya ngayon na malaya at para bang wala nga siyang ginawang karumaldumal na krimen...
I will never forgive him. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa ate ko.
And I'm only here now to have my revenge on him.
Sisiguraduhin ko na maipaghihiganti ko ang nangyari sa ate ko.
At maghihiganti ako sa lalaking ito na nasa harapan ko na ngayon.
Damian Axel Delgado...
You will pay for what you did to my older sister.
"Hi!" I smiled sweetly at him.
I wasn't the very confident type. Pero palagi naman akong sinasabihan ng mga tao na maganda raw ako...
So I think I just have to gather some courage to do this.
I was told that I was already naturally beautiful with just my natural face and body, and even without makeup on. Hindi rin naman talaga ako nagme-makeup noon dahil hindi rin ako marunong. Pero natuto na ako nito lang din dahil kailangan ko...
Bumaling din naman siya sa akin at nakatingin na rin siya ngayon. At nakita kong ngumiti siya sa akin. "Hey,"
Bahagya pang umawang ang labi ko nang magkaharap na nga kami at nakikita ko na siya ngayon nang ganitong malapitan. I also had to gulp a bit. Pero agad din akong nakabawi at mas lalo pa akong ngumiti sa kaniya. Kailangan kong pagbutihan ito lalo na that now is my only chance to get this close to him.
Damian Delgado was always surrounded by a lot of people and by both men and women. He must be friendly, o talagang kusang lumalapit lang din sa kaniya ang mga tao dahil sa pagiging Delgado niya. Or because he's Damian Delgado himself...
Sa ilang buwan ko na pagmamasid sa kaniya at pagpunta ko rin sa mga lugar na kung nasaan siya which was usually in bars and clubs ay ngayon lang din ako nagkaroon ng pagkakataon na tuluyang makalapit sa kaniya.
Umalis kasi muna siya sa tabi ng mga kaibigan niya dahil mukhang sumagot din siya ng isang tawag. At nag-abang lang ako sa kaniya na halos hinarang ko na lang din siya rito bago pa man siya makabalik sa loob ng club kung saan kilala niya yata halos lahat ng mga nagpaparty rito. He's really the life of the party.
I wasn't exposed to this kind of lifestyle until I had to do my plan. And I had to do the things which I thought I couldn't do for the sake of my revenge. Marami na rin akong ginawa, binago, at sinakripisyo sa buhay ko para lang magawa ang lahat nang 'to. At hindi ito pwedeng masayang lang at mapunta sa wala.
"Are you new here? I don't think I've seen you in our parties before..." He said.
Pinigilan ko naman ang sarili ko na muling mapalunok. I also secretly balled my hands into fists. Kailangan kong tatagan ang loob ko at bawal na akong maging mahina ngayon. I need strength and courage to do my plan and finish my revenge. Hindi ako pwedeng magpatinag sa takot ko o ano pa mang bagay. Even if I'm now in front of a dangerous person.
"Well... I was always here. Ikaw lang ang hindi nakakapansin sa akin dahil sa dami rin siguro ng mga taong nakapalibot sa'yo palagi..." I told him. At tinatatagan ko lang din talaga ang loob ko ngayon.
I wasn't used to any of this. But I have to if I want to destroy this person...
Like how he destroyed my peaceful life with my sister back then.
Ngumiti lang naman siya. And his smile wasn't any near devilish at all. He actually had this innocent-looking smile that it annoyed me. Bakit naman magmumukhang inosente ang isang taong mamamatay-tao.
But he does smile like an innocent boy... Tsk.
"What are you doing here outside, then?" He asked me.
"Uh..." Halos lumunok lang din ako muli at halos magpanic din. Hindi ko pa alam ang isasagot ko sa kaniya pero naunahan na niya ako muli...
Naglahad siya ng kamay niya sa harapan ko...
Tiningnan ko lang naman 'yon. Pagkatapos ay nag-angat muli ako ng tingin sa mukha niya. He smiled kindly at me...
"Let's go back inside? Halos kakasimula pa lang ng party. Are you with anyone?" Tinatanong niya ako kung may kasama ba ako.
Umiling naman ako sa kaniya at marahan kong inangat ang isang kamay ko. At unti-unti ko rin nilagay ang kamay ko sa kamay niyang nakalahad pa rin sa harapan ko...
Pagkatapos galing sa mga kamay namin ay nag-angat muli ako ng tingin sa mukha niya... At muli lang din siyang ngumiti sa akin...
Sumama naman ako sa kaniya pabalik sa loob ng club kung saan maingay nang nagpaparty ang mga tao...
[Author's note: read more chapters of this story in Patreon or Facebook VIP group now! Thank you for your support!]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro