CHAPTER V: CALL MY NAME
Chapter V
Call My Name
Pagkatapos naming mag-usap ni lolo ay hindi ko pa rin siya nabigyan ng sagot sa tanong niya sa 'kin kung ano ang plano kong gawin ngayon pagkatapos ng mga nangyari...
Pero sa totoo lang ay hindi rin ako sigurado sa sarili ko...
Hindi ko alam ang gagawin ko...
"Are you okay?"
Bumaling ako kay Millie. Nahuli niya akong natutulala ako rito. Ngumiti na lang naman ako sa kaniya. "Yes, I'm okay... Hindi ka pa papasok sa opisina?" I asked her because she's almost never at home and she's busy attending to lolo's side. At minsan ay may mga pakiusap din sa kaniya ang pinsan kong si Kaden tungkol sa trabaho.
I was looking at Millie. And I could say now that she's truly someone reliable at maaasahan talaga siya both nina lolo at ng pinsan ko sa trabaho. Ang dami pang negosyo ng mga Delgado...
Umiling naman siya sa'kin. "It's my rest day..." She said.
"Oh." Napangiti na lang ako. "Mabuti naman. I was also just thinking of how amazing you are with your job..." I told her.
Umiling lang naman siya muli sa akin. Tumayo rin ako para ipaghila siya ng mauupuan doon just across me on an outdoor smaller table with chairs just outside the mansion and near the back garden. "Thanks," She sat there.
Pagkatapos ay bumalik na ako sa upuan ko.
"I'm just doing my job," she said and then just smiled at me a little.
"Mukhang... may malalim ka yatang iniisip?"
I looked at Millie when she asked me that. "Oh." Bahagya na lang akong ngumiti. "Nothing, uh, I was just thinking of what should I do now..." sabi ko.
"Napag-usapan ninyo ni Don Antonio?"
Unti-unti akong tumango. "Yeah... He asked me about my plans now..."
"And... what did you answer him..."
I looked at her. And she looked hesitant as she asked me. Napangiti na lang ako sa kaniya para maging komportable pa siya. I'm fine with her asking me questions. Anyway, I won't answer when I don't want to...
Hindi pa kami matagal na nagkakilala ni Millie pero masasabi ko na siya pa lang ang talagang nakakausap ko rito sa mansyon simula nang dumating ako rito. Kaya naman ay masasabi ko na medyo magaan na rin ang loob ko sa kaniya.
Umiling naman ako sa kaniya. "I don't know..." I said. And it was the truth...
Hanggang sa nagkatinginan kaming dalawa ni Millie. "You don't have to rush..." she told me.
Nanatili lang naman ang tingin ko sa kaniya nang ilan pang sandali. At nakatingin lang din siya sa akin...
And then I let out a small sigh. "Thank you, Millie..." I said.
"And maybe, uh, you can just start by going out?" She suggested.
"What do you mean? Can I go out shopping and spend some of the Delgado money, too?" I asked, smiling. At nagbibiro lang din ako. Wala talaga akong planong gawin ngayon. Nasabi ko lang dahil naalala ko si Damian na mahilig din yatang gumastos... Habang si Kaden naman ay mukhang mahilig lang din magtrabaho...
Pero maagap naman na tumango sa akin si Millie. "Of course! And I remember that that I think you really should go on shopping now. Don Antonio also mentioned it to me that you need new things for yourself, too..." She told me.
At napatingin naman ako sa damit ko na suot ngayon. Medyo luma na nga ito. And I didn't really care anymore of what I wear and how I looked for the past years. Kaya naman medyo mahaba na rin ang buhok ko at hindi pa rin ako nakapag-ahit ng facial hair ko.
Nagkatinginan muli kami ni Millie. And she had this encouraging look on her face na kinangiti ko na lang. Pagkatapos ay tumango naman ako sa kaniya that she smiled.
At pagkatapos naming mag-usap doon ay nagpaalam naman ako kay Millie na aakyat lang muna sa kwarto ko para magbihis ng panlakad. Sabi rin naman niya sa akin na maghahanda rin daw siya.
I went inside my room and went to the bathroom. At doon ay humarap ako sa malaking salamin. At pagkatapos ay nagsimula na akong mag-ahit ng mg facial hair ko...
Habang ang buhok ko naman ay tinali ko na lang muna into a man bun because it's already this long that I can already tie it together.
At pagkababa ko naman ay nandoon na rin si Millie na mukhang handa nang umalis kami ngayon. "Sorry, kanina ka pa ba natapos? Natagalan na pala yata ako," sabi ko.
Umiling naman siya sa akin. "Ayos lang. kakababa ko pa lang din." She smiled.
And then I noticed that she was looking at my face, kaya napahawak din tuloy ako sa mukha ko. "Do I look kind of weird with a ponytail on my hair? Humaba na kasi ang buhok ko kaya tinali ko muna," I awkwardly smiled at Millie...
Mabilis naman siya na umiling sa akin. "No. It actually looks good on you..." She let out a bit of a sigh when she said that...
"Uh, thanks. Can I also go to the barber later?" I asked.
Tumango naman sa akin si Millie. "Of course,"
I smiled a bit and nodded at her. Pagkatapos ay handa na kaming umalis ng mansyon...
"There are some people who are following us..." I said while I'm driving.
"Don't worry. They're just the guards that were hired by Don Antonio to look after you and to guard you," Millie said.
Binalingan ko naman siya. "Are you sure?"
She nodded. "Yes, don't worry about it..."
Bahagya na lang akong tumango. But I still stayed alert—siguro ay nakasanayan ko na lang din dahil sa naging trabaho ko dati sa mga Zachmann...
At kanina sa mansyon ay tinanong pa ako ni Millie kung ayos lang ba daw sa akin na ako ang magmamaneho ng sasakyan. And I told her that it's all right at iyon nga rin ang gusto ko. Because I wasn't really used to having a driver unlike my cousin Damian who has everything...
At habang nasa biyahe pa kami ni Millie papunta ng mall ay napag-usapan din namin si Damian. "How are you and Damian? Nagkikita naman kayo sa mansyon?" Millie smiled a bit when she asked me. She also looked like she's hopeful that I've made good relationship now with my cousin, Damian Axel.
Tumango naman ako habang nagmamaneho. "Yes... We sometimes meet, at binabati lang din namin ang isa't isa..." I said.
"That's already good enough... Damian... he may act like a kid, but he's actually a nice person..." Millie said.
Sandali ko lang siyang muling tiningnan habang nagmamaneho ako at napatango na lang din ako...
"We're here, uh..."
"Ant." Ngumiti ako kay Millie. "You can call my name." I reminded her.
Because until now she still seemed adamant to call me by my name.
"... Ant... We're here." She said.
And I chuckled a little. She can also be adorable sometimes, Millie...
I smiled at her and I nodded my head. "Yes, Millie, we're here at the mall." ngiti ko sa kaniya.
At tipid na rin siyang ngumiti sa akin pagkatapos ay sabay na rin kaming lumabas ng sasakyan para pumasok na sa loob ng malaking mall.
Today I'm doing shopping with Millicent Yvonne Hernaez...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro