CHAPTER II: I SEE RED
Chapter II
I See Red
ANT
My mind was only filled with her sweet scent, her soft voice, and her smooth skin...
My hand caressed her silky hair and I felt its strands on my fingers...
I stopped kissing her luscious lips for a bit to look at her beautiful face. Her eyes that had naturally long lashes looked back at me gently. She smiled. And then her lips moved to say the words to me. "I love you, Ant..."
Napangiti naman ako. "I love you." And then I resumed kissing her lips...
"Where are you?" Kausap ko si Trina sa phone. She's my girlfriend. And I was also already planning to propose to her. Hinihintay ko lang din na maka-graduate na rin siya muna at magawa rin muna niya ang plano niya after she graduates.
May usapan kaming magkikita ngayon. At susunduin ko na nga siya sa university niya. I was older than her, kaya naman nauna na akong maka-graduate sa kaniya sa university namin. But she's also graduating this year. Nagkakilala lang kami at magkapitbahay din sa nilipatan namin ni Mama. Trina was also like my childhood sweetheart...
"May last subject pa ako, Ant,"
"Ayos lang. Hihintayin kita sa labas ng university." sabi ko sa kaniya sa tawag, at nakita kong nagsimula na rin palang umulan.
I parked my car outside the university. I was just inside may car as I waited for Trina. May payong din ako sa sasakyan at lalabasin ko na lang siya mamaya. Although I know that she also brings her umbrella with her all the time. Napangiti pa ako nang maalala na kung hindi dahil kay Trina ay wala rin akong sarili kong payong ngayon dito sa kotse ko...
"Wow! Bagong kotse. May kotse ka na, Ant." She beautifully smiled at me.
Ngumiti rin ako sa kaniya. "Ayos ba? May panghatid-sundo na ako sa'yo." I said.
Ngumiti pa lalo sa'kin si Trina.
After I had graduated last year I started working in a company and started receiving my salary as well.
"Kaya lang ay medyo makalat?"
"Oh. Sorry," Nginitian ko lang siya at pinulot na rin ang isang plastic bottle na wala nang laman sa may dashboard.
"Bibilhan kita ng tumbler. 'Wag kang bili nang bili ng bottled mineral water. Gaya nito basura lang ang plastic bottle nito sa sasakyan mo. Hmm, ano pa ba ang kulang at kailangan mo dito sa kotse mo... Ah! Payong. Bibilhan na rin kita ng payong kasi baka biglang umulan." She smiled at me kindly.
Kumalma naman ako habang nakatingin sa kaniya. Ang bait ni Trina. Tapos ang ganda pa niya. And she's always looked after me simula nang mga bata pa lang kami...
Napatingin pa ako sa harapan ko at may nakitang isang itim na sasakyan pero naabutan na lang ng tingin ko ang pagsara na ng pinto nito...
And I just had a weird feeling about it...
Gabi na and it's raining hard. Marami rin ang naka-parked na sasakyan sa harap ng university. Kaya naman sa likod na lang tuloy ako nakapag-park ng kotse ko dahil walang ibang naka-parking doon. But I told Trina na pupunta lang agad ako sa entrance/exit mamaya kapag lalabas na siya. Wala na rin kasing space kahit sa loob na parking lot ng university dahil sa mga kotse rin ng ilang students at mga professors din at staff ng university.
I called Trina. Pero hindi ko na matawagan ang phone niya. Nagmaneho ako papunta na sa gate ng university. Pero hindi ko nakita si Trina na lumabas doon. And I've been calling her phone but she doesn't answer.
I called her friend and classmate. "Huh? Nagpaalam nga siya kaninang mag-CR, pero hindi pa siya nakakabalik at tapos na rin ang klase namin..." Maribel said over the phone.
At nagkita kami para ibigay niya lang din sa akin ang bag at gamit ni Trina. "Hindi niya na kasi mapigilan kanina at ihing-ihi na raw siya... kaya nag-CR muna..." she told me.
I put my phone back on my ear to call her again and again but she just doesn't pick up my calls.
"Uh," Maribel hesitated a bit.
"What is it?"
"Nag-aalala na rin kasi ako... Pero kanina pagpunta ng CR ni Trina, nakita kong tumayo rin ang mga kaklase naming lalaki..."
"What? Tell me more about it." And for some reason I suddenly felt more anxious...
"Hindi pa siguro nababanggit sa'yo ni Trina, kasi sabi niya ayaw ka raw niyang makahanap ng away at gagraduate na rin naman daw kami... Pero ang totoo n'yan ay matagal na rin siyang ginugulo ng grupo nina Baron..."
Umawang ang labi ko.
"May gusto siya kay Trina, at kahit pa palagi nang sinasabi ni Trina na may boyfriend na siya, ay ayaw nila siyang tigilan..." Maribel said.
I gritted my teeth.
I went home and went to Trina's house. Pero ang sabi lang ng Mama niya ay hindi pa raw siya nakakauwi. Sobrang lakas na ng pintig sa dibdib ko at parang sasabog na ito. Sobra akong nag-aalala kay Trina. Hindi namin siya ma contact. At para akong mababaliw kakahanap sa kaniya buong gabi at hindi ko siya mahanap pati na ng mga pulis...
And then the next morning after that... her cold body was found...
Wala ako sa sarili. I couldn't believe it, no, I refuse to believe it.
I called Maribel to ask her about what she told me the other night when Trina went missing. She was also crying while telling me all the details. "Sana ay sinamahan ko na lang mag-CR si Trina!" She cried. "Gabi na 'yon tapos halos kami na lang ang nagkaklase doon sa building at malayo pa ang CR... Tapos alam ko! Sinundan siya nina Baron! Pero ang tanga ko kasi hindi rin ako sumunod! Palagi ko naman siyang binabantayan pero bakit nang gabing 'yon..." she almost couldn't breathe from crying.
"Tell me who are they. Tell me their names." I said coldly.
Wala na akong pakialam pagkatapos nito. Gusto ko na nga lang din mamatay para magkasama na kami ni Trina...
But I have to kill those bastards first!
Nalaman din pati ng mga pulis dahil sa testimony ni Maribel at nakita ko rin ang plate number noong mismong sasakyan... It was that damned black car! How could I? Nasa harapan ko na nang gabing 'yon! Why was I still not able to do anything? Damn it! Fuck!
At naituro na nga ang mga may sala. Makukulong silang tatlo, but it was just wasn't enough for me.
I cannot imagine what they did to my Trina. I'll make sure I'll make them pay.
I'm so sorry, Trina... My tears also fell... when I almost couldn't cry after what happened...
"Please! Pag-usapan natin 'to! Willing naman kaming makulong!" they repeatedly told me.
Stupid bastards!
They think it's enough?
I will send them to hell myself.
Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko sila napapatay ng sariling mga kamay ko...
I can only see red...
I saw red the moment I met their damned faces.
And then it happened... The next day their bodies were found as well... as cold and lifeless... after I tortured them to death... And just like what they deserved...
"Huwag n'yo pong arestuhin ang anak ko! Hindi po magagawa ng anak ko ang binibintang sa kaniya," Sinubukan pa ni Mama na pigilan ang mga pulis ng kunin na nila ako.
Pero wala rin siyang nagawa...
And that time my mother also left me... And I just didn't know that she's long been sick...
Dahil tinago niya lang sa'kin ang sakit niya. At dumagdag pa ang stress nang makulong ako...
Pero may kumuha rin sa akin sa kulungan. "I'm Frith Zachmann," he introduced himself to me.
And I think they were just amazed at how I tortured and killed those bastards...
Kaya naman kinuha nila ako sa kulungan at ang pamilya nila ang nagpalabas sa akin doon.
My mother was right... I wasn't a killer...
Iyon ang unang beses na pumatay ako... At hindi ko rin halos akalain sa sarili ko, that I can torture and kill people just like that...
I wasn't a murderer, but they made me one...
Haponghapo ako nang magising ako kalagitnaan ng gabi. It was the same nightmare over again...
I gritted my teeth and got out of bed.
Bumababa ako sa kusina para uminom ng tubig.
At naabutan kong nandoon din si Millicent, ang secretary ni lolo...
Sa Delgado mansion din siya nakatira kasama namin bukod kanila lolo at ang isa kong pinsan din na si Damian. At kasama namin ang maraming mga katulong at tauhan, at bodyguards dito sa malaking bahay.
I think hindi lang secretary si Millicent ni lolo, dahil nakita kong mukhang close din siya sa pamilya at parang anak o apo na rin siguro ang turing sa kaniya ni lolo.
Hindi ko pa alam kung saan siya nanggaling...
Natigilan din siya bahagya habang naabutan ko siyang nauna nang umiinom ng tubig doon.
"Sir Anthony," Tumayo rin siya ng tuwid nang makita niya ako.
"You can just call me Ant." I smiled at her a bit.
And she just slowly nodded her head...
[Author's Note: Hello, readers! You can now read till Chapter XIII or Chapter 13 of this story it's available exclusively in Patreon or my Facebook VIP group! To join VIP, kindly message me directly on my Facebook account Rej Martinez or Facebook page Rej Martinez's Stories. Membership fee is 150 pesos for 1 month of membership in the private group for my VIP readers. And you can pay the membership fee with GCash. Thank you so much for your support!]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro