XIII.
XIII.
Gastadoras GC
07:15 PM
Andie:
Hi girls, musta kayo?
Ako kasi...
May nag luluto na para sa'kin. 🤭
Isha:
HOY OMG ANDIE!!!
NGAYON BA YAN?
Mavs:
GRABE ANG LAKAS HA!
PINAGLUTO KA TALAGA
GANDA KA TE?
HAHAHAHAHA
Andie:
Oh well
Isha:
Kwentoooo! Ano nangyari?
Mavs:
Andyan ka pa sa condo niya? 👀
Magkakainan na kayo?
Andie:
HOY!!! ANG KALAT!!!
Mavs:
Syempre pinag luto ka niya!
Susunod niyan kainan!
Ano ba iniisip mo kasi? 💦
Isha:
HAHAHAHHAHAHAA
Ibang klaseng pangyayari na ang ganyan.
Andie:
Nakakairita yung emoji Mavs!!!
Andie:
Pero de, wala na ako sa condo niya.
Kakauwi ko lang sa amin.
Kaninang lunch yan.
Totohanan pala talaga yung
ipagluluto niya ako,
tapos ginawa pa niya talaga sa harap ko.
Alam ko naman eversince na
magaling siyang chef and
I've seen him cook before.
Pero iba yung feeling na pinapanood
ko siyang mag luto ng pagkain para sa amin
... sa condo niya.
KDGSJGFKJDGFJKSDG.
AYOKO NA!! YUNG PUSO KO PAG NAALALA KO 😩
Mavs:
THE DESIGN IS VERY MAG ASAWA!!
NGINA LAGYAN NA NG LABEL YAN!!
Isha:
Dama ko yung kilig hanggang dito eh.
HAHAHAHAH. Ano niluto niya?
Andie:
Ravioli 🥹
Andie:
Pinagmalaki pa niya sa akin na
made from scratch yung ginamit
niyang pasta diyan.
Siya ang gumawa since
mahilig siya sa pasta.
And girls, I swear ang sarap.
Mavs:
Lasang ano? Lasang mahal mo na?
Andie:
HAHAHAHAHHAHA NAKAKAINIS 😩😩
Isha:
Pero huuuy di nga? Tingin mo mahal mo na?
Andie:
Ewan kooo! Baka? Oo? Ewaaan 😩
Basta ang lala ng feelings ko kanina.
Parang sasabog puso ko jusq.
Isha:
Musta ang turo mo?
Ilang beses ba kayong nagkatitigan?
Nakapag kwentuhan ba kayo?
Landian, ganern?
Andie:
I wish! Pero masyado siyang focus
sa pag b-bake at nandoon ang
buong atensyon niya.
Kahit nung kumakain kami,
about baking at work lang
pinag uusapan namin. 🥲
Mavs:
Dapat tinry mo mag tanong about sa kanya!
Chance mo na yon eh!
Andie:
Ayoko 'di ko kaya. Baka isipin niya
ang feeling close ko o masyado akong
nakiki chismis sa buhay niya.
Isha:
Feeling ko naman close kayoooo
Andie:
Ewan. Parang wala pa kami sa stage
kung saan nagtatanungan kami
about personal things.
Isha:
Girl, pwede mo naman umpisahan sa
pagtatanong kung bakit siya nag papaturo
sayo mag bake tutal ikaw naman nag tuturo,
di niya mamasamain yon.
Mavs:
TRUTH. Tapos after nun tanong mo kung
pwedeng maging kayo na. HAHAHAHA
Andie:
Mga bwisit! Pero tingin niyo okay lang na
tanungin ko yun?
Or anything na about sa personal stuff niya?
Hindi niya iisipin na feeling close ako
or may crush ako sa kanya?
Mavs:
Bakit ka ba kasi namomroblema kung
iisipin niyang crush mo siya eh totoo naman?!
Hindi naman masama na mahalata niya.
Malay mo dahil doon mapansin ka niya lalo.
Isha:
Truth! Landi tip #1:
iparamdam mo sa kanya na interesado ka.
Andie:
Huhu natatakot ako na
baka masaktan ako eh.
Am I guarding my heart too much?
Mavs:
Well, di kita masisisi diyan
and hindi rin naman mali.
Pero ikaw rin ang makakapag sabi
kung worth the risk si Nate.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro