Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Alas singko na ng madaling araw ay hindi pa rin ako mapakali. In the end ay hindi ako nakatulog dahil sa pag aalala kay Carviel. Nakita ko kung gaano siya nasasaktan at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko rin alam bakit ganito ang puso ko. Every time na nagkakatitigan kami ay tumitibok ito ng malakas. Dahan dahan akong bumangon mula sa kama ko at lumabas ng kwarto ko. Alam kong bawal pumunta sa kwarto ni Carviel pero I had to. Nag aalala ako para sa kaniya. I'll just check him for a few minutes and then aalis na ako.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Carviel at pumasok. Mabuti na lang at hindi ito naka lock kaya naman nakapasok ako sa loob. And then I saw him, he's currently sleeping at lumapit ako sa kaniya. Hinaplos haplos ko ang buhok niya habang pinagmamasdan ko ang muka niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Hindi ko ine-expect na siya pala si Unmasker, ang Number 1 Agent ng buong mundo. Nang masigurado kong maayos naman ang pag tulog niya ay napagpasyahan ko nang lumabas dahil baka maistorbo ko pa siya.

Hanggang ngayon ay manghang mangha pa rin ako sa mansion ni Carviel. Sobrang laki nito at lahat ng sulok ay napupuntahan ko, maliban sa pinaka dulong kwarto sa may second floor. Hindi ko alam kung bakit hindi pwedeng pumunta doon. Although gusto kong pumunta doon ay hindi ko magawa. Ayaw ko namang makielam dahil baka magalit pa sa akin si Carviel. Nakikita ko siyang pumunta doon tuwing madaling araw tuwing nagigising ako.

Habang naglalakad ako ay nabigla ako nang may biglang nag salita mula sa aking likuran.

“Good morning Mrs Masayoshi. Parang ang aga niyo pong nagising ngayon.” pag bati sa kaniya ni Manang Kori, ang isa sa matandang maid ni Carviel.

“Good morning rin po. Pinuntahan ko lang po si Carviel sa kwarto niya para siguraduhin na maayos lang ang kalagayan niya.” paliwanag ko bago ko siya nginitian. Sa lahat ng maid dito sa mansion ni Carviel ay sa matandang ito lang ako komportable. Bukod kase sa sobrang bait niya ay maalaga rin siya.

“Gano'n ba? Gutom ka na po ba?” tanong niya nang bigla akong nakaramdam ng gutom.

“Sumakto po ang tanong niyo haha. Opo, may makakain na po ba?” tanong ko bago kami naglakad papunta sa may kusina.

“May bagong lutong sopas po dito sa kusina,  balak ko sanang ipakain sa mga gwardiyang hapones sa labas.”

“Sopas? Mabuti naman po at nagluluto kayo dito no'n. Pwede po bang humingi?”  nakangiting tanong ko at tumango naman si Manang Kori.

Ipinagsandok niya ako ng sopas at nagkain naman ako nito.

“Bakit po kaya hanggang dito mga japanese pa rin ang guard nila? Eh nasa Pilipinas naman po sila.” tanong ko kay Aling Kori habang kumakain.

“Iba kase ang mga gwardiya nilang mga hapon. Simula pagkabata niyan nila ay trained na talaga para protektahan ang tagapagmana ng Masayoshi. Maunti pa nga 'yan eh, kung nasa mansion kayo sa Japan ay magugulat ka sa sobrang dami nila.” pagpapaliwanag ni Aling Kori dahilan para mapaisip ako. Gano'n ba talaga ka importante ang pamilya nila? Sabagay pinakamakapangyarihan, pinakamayaman at pinaka successful ang pamilya nila sa Japan.

Nang matapos akong kumain ay napagpasyahan ko munang pumunta sa sala upang manood ng tv dahil naiinip na ako.

Walong buwan na ang tiyan ko kaya naman palagi na akong nag iingat dahil baka may masamang mangyari sa baby ko. Bukod doon ay pasimple akong bumibisita sa puntod ni Clevy kasama 'yong mga bodyguards ko. May mga sarili kase akong bodyguards na galing sa mansion namin. Kahimang ang isama ko ay isa sa mga guards dito, baka mag tanong 'yon sila kung sino binibisita ko.

“Isang buwan na lang ay manganganak na ako. Grabe nakakakaba, papaano kung hindi ko kayanin?” tanong ko sa sarili ko. Sino ba namang hindi kakabahan, unexpected si baby pero siyempre sobrang happy ko. Grabeng birthday gift 'to Clevy, baby ba naman. Pero kahit na gano'n ay nararamdaman ko pa rin na kasama ko si Clevy dahil sa anak namin.

Hindi ko na napansin ang oras nang makaramdam ako ng antok at tuluyan na akong nakatulog.

Ngunit hindi pa umaabot ng kalahating oras nang gisingin ako ni Cairo.

“Bakit? Eto naman istorbo natutulog 'yong tao eh.” nakangusong saad ko nang gisingin niya ako.

“Bakit kase dito ka natutulog? Wala ka bang kwarto? Pero in fairness ha, ang ganda mo kapag tulog.” pang aasar ni Caido dahilan para samaan ko siya ng tulog.

“Kapag tulog lang? Duh palagi kaya akong maganda. Pero teka lang, bakit nandito ka at nang iistorbo ng tulog?” taas kilay na tanong ko sa kaniya. Minsan talaga napapaisip ako kung may lahi ba silang kabute. Pasulpot sulpot kase sila palagi at nakakagulat.

“Sige wait ibubulong ko sa'yo.” aniya at akmang ilalapit na niya 'yong muka niya sa sa tenga ko nang may biglang pumigil sa kaniya.

“What do you think you're doing Kuya? Stay away from my wife!” may halong inis na sabi ni Carviel na kasalukuyang kakagising lang.

“Masyadong seloso ang p*ta. Eto na lalayo na. Anyways ang reason kung bakit ako nandito ay para doon sa gift ko sa baby mo Serena. Baka wala kase ako dito starting tomorrow ng five months dahil kailangan kong bumalik sa Japan.

“Nakaisip ka na ba ng pangalan ng baby mo?” tanong ni Cairo dahilan para mapangiti ako. Gusto ko kase sana C din ang first letter para katulad ng sa Dad niya tapos V ang second name para katulad ng sa akin.

“Oo naman, I'll name her Chiaki Vrianna Servantez. Ang ganda di'ba? Japanese kase si Clevy kaya maganda if may halong japanese anak namin.” masayang saad ko habang pinagmamasdan ko ang tiyan ko.

“Is that the guys who got you pregnant?” taas kilay na tanong ni Carviel at tumango naman ako. Hindi niya pala alam? Nga pala, sino nga naman ba ako para pagtuonan niya ng oras para kilalanin. Eh feeling ko nga nag iisip na 'to ng paraan para mag divorce kami eh.

“Where is he now? Did he run away nung nabuntis ka niya? Tsk, lame.” aniya dahilan para mainis ako sa kaniya. Minsan talaga may pagka insensitive 'to si Carviel.

“He didn't. He died kaya hindi niya ako napanagutan. Saka kung halimbawa mang buhay siya, hindi niya hahayaang ikasal ako sa iba.” Hindi ko napigilan ang sarili kong magalit dahil sa sinabi niya. Pagkasabi ko noon ay kaagad akong umalis doon. God, he's so clueless.

Sa garden ako nagtungo para ikalma ang sarili ko.

Nainis ako sa sinabi ni Carviel kaya naman iniwasan ko siya buong araw at nanatili na lang ako sa kwarto ko.

_

A month have passed at ngayon na ang kabuwanan ko. Ang due date ng paglabas ni baby Chia ay next week kaya naman mas lalo akong naging careful. Mahirap na at baka mapaanak ako ng maaga.

Kasalukuyan akong nasa garden ngayon at nakaupo habang hinihintay ko si Miya. It's already 10 PM pero nag chat kase siya sa akin. Pupunta raw kase siya dito at may kailangan daw siyang sabihin sa akin. Of course nagtataka ako dahil parang biglaan naman. Baka naman buntis siya at ibabalita niya ito sa akin.

Kaagad naman akong napatigil sa pag iisip nang makarinig ako ng yabag ng paa mula sa aking likuran. Pagtingin ko doon ay nakita ko si Miya na kasalukuyang mugto ang mata at she looks different. Parang namayat siya at parang magdamag siyang umiyak. Nang dahil doon ay hindi ko napigilan ang sarili kong mag alala.

“What happened to you Miya? Bakit ganiyan ang hitsura mo? Don't tell me my brother has been treating you badly? I'm so gonna k*ll that bastard—” napatigil ako sa pagsasalita nang yakapin niya ako nagsimula na siyang humagulgol. Pinaupo ko siya sa may bench dito sa garden at nang kumalma na siya ay nagsimula na siyang magkwento.

“Serena, I'm three months pregnant with your brothers baby. Akala ko okay na kami dahil nagpropose na siya sa akin pero doon pala ako nagkakamali. I loved him so much pero hindi ko na kayang magtiis pa dahil sa mga nalaman ko.” lumuluhang saad ni Miya. Ano nanaman kaya ang ginawa ng Kuya kong iyon at nagkakaganito nanaman si Miya.

“Ang sabi niya sa akin may business meeting siya sa loob ng 6 months pero nakita siya ng pinsan ko sa Coron na may kasamang ibang babae. Sobrang sakit na Serena. Hindi ko na alam ang iisipin ko, bakit niya nagawa sa akin ito.” dagdag pa ni Miya dahilan para magsimula nanamang sumibong ang galit ko kay Kuya Stanley. Goddamn it! Hindi ko inaasahan na ginawa niya ito sa best friend ko.

“I love you Serena and I don't want our friendship to be ruin. Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ba ako pero hindi ko na talaga kayang itago pa sa iyo 'to. You've been nothing but kind to me. I'm really really sorry.” aniya dahilan para makaramdam ako ng kaba. Please tell me hindi ito about kay Clevy.

“What are you trying to say Miya?” Hindi ko alam kung bakit pero nagsisimula nang manginig ang mga kamay ko dahil sa kaba na aking nararamdaman.

“Me and Stanley are involved in Clevy's death. Alam kong alam mo na delikado na ang buhay ni Clevy, may bounty na 10 billion ang ulo niya. A mafia from Russia cornered me and Stanley nung nasa vacation kami. They said na kilala nila ang kahinaan ni Clevy at ikaw 'yon. They threatened us that they will k*ll you kapag hindi namin sila tinulungan na pat*yin si Clevy. They offered us a 5 billion kapag naging success ang death ni Clevy. 'Yong nangyari sa kaniya, hindi aksidente 'yon. Ipinalabas lang namin na wala siyang tama ng bala. Ginawa ko ito para sa kaligtasan mo pero nung nakita ko kung papaano ka nasaktan at nanlumo, araw araw na akong kinakain ng konsensya ko. I didn't want to do this, I'm really sorry Serena.” 'Yan ang mga salitang sinabi ni Miya na nagpatigil sa pag ikot ng mundo ko. I can't believe it. How could they do this to me.

“P—Papaano niyo nagawa ito sa akin. Alam kong para sa kapakanan ko ang ginawa niyo pero why? Bakit hindi niyo sinabi sa amin ang plano nila. Magaling na agent si Clevy, baka nakaisip man lang siya ng paraan.”

“'Yan ang gusto kong gawin Serena, pero gusto ni Stanley na makuha 'yong 5 billion. Ayokong pumayag pero sinabi niya sa akin na mamahalin niya ako pabalik at pakakasalan niya ako kapag pumayag ako sa plano.” pangangatwiran niya pero hindi ko na kayang makinig.

“Hindi mo ginawa 'yan para sa kaligtasan ko. Ginawa mo 'yan para sa sarili mo. Dahil gusto mong mahalin ka ni Kuya that's why you did that?! How could you Miya?! You and my brother are the reason why I suffered a lot!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsimula na akong magsisigaw. Naghahalo halo na ang emosyon na nararamdaman ko.

“I trusted you but you betray me! I don't ever wanna see your face again! You're not my best friend anymore!” inis na sigaw ko bago ko siya tinalikuran ko. My mind was spinning, I can't think straight.

“I'm sorry Serena. Pagkatapos kong maipanganak ang anak namin, aamin na ako sa pulis at handa akong pagbayaran ang kasalanan na nagawa ko. Mahal na mahal kita kaibigan ko.” lumuluhang saad ni Miya bago niya ako niyakap mula sa likuran.

Poot, galit, pighati at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Ni hindi ko nga alam kung mapapatawad ko pa ba siya kahit manatili siya ng maraming taon sa kulungan. The pain they caused me hit me hard nang malaman ko ang totoo.

“Sana dumating ang araw na mapatawad mo ako.” huling saad ni Miya bago siya tumakbo papaalis dito. Napalamyak na lang ako sa sahig dahil sa mga nalaman ko.

Hindi ako makapaniwala na may kinalaman sila sa pagkamat*y ni Clevy. Napaka unfair nila! Sarili lang nila 'yong iniisip nila.

Bigla akong napapikit nang makaramdam ako ng pagsakit ng aking tiyan. Jusko po huwag naman sana ngayon, kailangan ko nang makapasok sa loob.

Pilit akong tumayo habang naglalakad papasok sa loob. Napapadaing ako ng napapadaing dahil sa patindi ng patindi ang pag sakit nito.

“Chiaki anak, wait ka lang ng kaunti ha. Papasok na si Mama para makahingi ng tulon—” hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang muli akong napalamyak sa sahig. Doon ko na naramdaman ang ag agos ng likido sa aking hita.

“M—Manganganak na ako!” paghingi ko ng tulong sa kanila. Sobra ang sakit na nararamdaman ko ngayon nang biglang may nagtakbuhan na maid papunta sa gawi ko.

“Manang Kori manganganak na po di Ma'am Serena!” 'yan na ang huling sigaw na  narinig ko bago ako tuluyang nawala sa wisyo.

Dinala nila ako sa hospital at kaagad akong isinugod sa emergency room.

Sakit at hirap ang nararamdaman ko habang umiire ako.

“Ahhhh! Chia!” pag ire ko habang si Doctora Venise naman ay pinakakalma ako.

“Kalma lang Mrs Masayoshi. Maiilabas mo ng maayos at malusog si Chiaki.” pagpapakalma ni Doctor Venise sa akin.

Nakailang ire pa ako bago ko tuluyang naisilang sa mundo si Chiaki.

“January 10, 10:46 PM. Chiaki Vrianna is finally born.” nakangiting saad ni Doctora Venise. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil doon ako nawalan ng malay.

_

“Napaka cute naman ng baby Chiaki namin. Pero hindi kayo magkakulay ng mata Serena.” saad ni Cairo habang pinagmamasdan niya si Chiaki.

“'Yong tatay niya ang gray ang mata sa amin.” saad ko habang nagpapahinga pa rin ako. Halos kalahating araw na ang nakalipas ng makapanganak ako. Nakabisita na sila Mom and Dad with Kuya Simon kanina at si Cairo na lang ang kasalukuyang kasama ko ngayon.

“Kumain ka na diyan at magpalakas. Papunta na si Dad dito ngayon.” saad ni Cairo habang patuloy niyang pinagmamasdan ang anak ko.

“Hay nako talaga, sana sa akin ka na lang pinakasal 'no? Bakit kaya hindi naisip ni Dad 'yon? Bakit kay Carviel ka pa niya ipinakasal eh mukang wala pa namang balak 'yon magpamilya ” nakangusong saad ni Cairo dahilan para masamid ako sa sarili kong laway.

“S—Seryoso ka ba lalaki? Saka bakit naman sayang?” tanong ko bago ako uminom ng tubig. Kahit kailan talaga ang hirap intindihin ng lalaking ito.

“Kase matagal ko nang gusto magkaanak. Twenty eight lang si Carviel ngayon while I'm already 35 na. Wala pa akong asawa or kahit girlfriend man lang. Dahil sa nabusy ako sa trabaho kaya hindi ako nagkaroon ng time noon para manligaw ligaw.” paliwanag ni Cairo kaya naman na gets ko na.

“Kayo naman kase, bakit niyo nilulunod ang sarili niyo sa trabaho? Eh pwede namang magpahinga rin. ” saad ko bago ko tinakpan 'yong pagkain. Wala pa rin akong ganang kumain kaya baka mamaya na lang siguro.

“Hindi ko rin alam eh. Ang alam ko, I'll just have to be successful in life.” aniya bago siya humarap sa akin at ngumiti.

“Pero kung halimbawa mang sa'yo ako ipinakasal ni Mr Clarivier, tatanggapin mo ba si Chiaki kahit hindi ikaw ang ama niyan?” tanong ko kay Cairo.

“Oo naman bakit hindi? She's a blessing you know. Saka anak mo siya eh, hindi man kami magkadugo pero ituturing ko siyang sarili kong anak.” nakangiting saad ni Cairo dahilan para mapangiti ako. Napaka green flag naman ng lalaking 'to. Kabaliktaran na kabaliktaran siya ng kapatid niyang kupal.

“Well hindi ikaw 'yong ipinakasal sa kaniya so shut up.” nabigla naman kaming dalawa ni Cairo nang may biglang nagsalita.

Halos malaglag ang panga ko nang makita kong si Carviel ito na kasalukuyang nakapamewang habang taas kilay na nakatingin sa amin ni Cairo. B—Bakit parang galit siya? Nag seselos ba siya?

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
× Expect Grammatical Errors
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro