Chapter 22
“YOU don't have to do this Serena. You're still healing from what happened to Clevy at buntis ka.” nag aalalang saad ni Simeon sa anak habang nasa kotse sila. Kasalukuyang papunta sila sa mansion ng Masayoshi dito sa Pilipinas.
“It's okay Dad. Besides, mabait naman po si Carviel and he's also sweet.” pagsisinungaling ko bago pekeng ngumiti. Sweet? Mabait? 'yong lalaking 'yon? Haha natatawa na lang ako. Ang sama nga ng ugali niya eh.
Nagtatanong lang naman ako kung maliit ba 'yong deck niya tapos nagalit na kaagad. Like masama bang mag tanong? Saka hindi naman nakakahiya kung maliit ang deck di'ba? May pasabi sabi pa siya na baka raw sagadin niya ako. Paano niya ako masasagad eh maliit nga 'yong deck niya. Pero bigla akong napaisip. Since ama ni Carviel si Mr Clarivier ibig sabihin di'ba Japanese din siya? Ibig sabihin ba no'n maliit din ang deck ni Mr Clarivier? Hala omg, si Clevy nga lang siguro talaga ang Japanese na malaki ang deck.
Saka si Clevy lang ang gusto ko. Kahit na wala na siya ngayon, siya pa rin talaga ang nilalaman ng puso ko.
Nakipag usap na sa akin si Mr Clarivier nung nagpunta ako doon at ngayon ang araw na pipirmahan namin ang marriage certificate. Kinakabahan ako, siguradona nga ba talaga ako sa magiging desisyon ko?
Hindi na ako nakapag isip ng matagal dahil nakarating na rin kami kaagad sa mansion ng Masayoshi. Maraming bodyguard at mga maid ang sumalubong sa amin at pinapasok kami sa loob ng mansion.
“Good evening everyone, welcome to our home. I'm glad that all of you are finally here.” pag bati ni Mr Clarivier sa amin nang makapasok kami sa loob. Kaagad ko namang inikot ang paningin ko at biglang nagtama ang tingin namin ni Carviel dahilan para mapangiwi ako. Lumapit siya sa amin at nagpakilala siya sa pamilya ko.
“Good evening everyone. I'm Carviel Steven Masayoshi, the heir of Masayoshi Clan and the future husband of your beautiful daughter.” pagpapakilala ni Carviel bago niya hinawakan ang kamay ko at hinalikan 'yon.
“Future husband, future husband. Neknek mo oy! Pass sa maliit ang deck.” bulong ko sa kaniya. Kitang kita ko ang inis sa muka niya pero pinilit niyang ngumiti.
“He's handsome and gentlemen. You must've raised him perfectly huh?” nakangiting saad ni Dad bago nakipag kamay sa kaniya si Carviel.
“Siyempre naman, ako kaya ang ama ni Carviel. Saka 'yan ang dahilan kung bakit nahulog sa akin ang asawa ko 'no.” saad ni Mr Clarivier dahilan para magtawanan silang lahat.
Naupo kaming lahat sa sofa at nagsimula na silang mag usap. Sa mga kasunduan, rules at mga kailangan naming gawin bilang mag asawa. Hindi ako masyadong nakikinig dahil ang boring. Saka nagugutom na ako. Bigla namang nagliwanag ang mata ko nang makakita ako ng dragon fruit sa lamesa. Gusto kong kumain 'non.
Pero bawal atang kumain habang nag uusap usap sila eh. Maya maya lang baby ha, tatapusin lang natin itong arrange marriage meeting tapos kakain na tayo ng maraming gano'n. Saad ko sa sarili ko habang hinihimas ko ang tiyan ko.
Nabigla ako ng tawagin ni Carviel ang isa sa mga maid nila at may sinabi ito doon sa babae. Hindi ko naintindihan dahil hindi naman ako marunong mag japanese. Maya maya lang ay bumalik 'yong maid at inabot niya ang isang platong dragon fruit ang laman. Napatingin naman ako sa kaniya, hudyat na gusto kong humingi. Sana bigyan niya ako.
“Say ah.” aniya kaya naman ibinuka ko ang bibig ko at sinubuan niya ako ng dragon fruit. Grabe ang tamis niya. Para tuloy gusto kong i-take out 'yong natitira doon sa may lamesa.
“Pwede ko bang iuwi mamaya 'yong natitira pang dragon fruit sa lamesa niyo? Ang sarap kase eh.” tanong ko kay Carviel na patuloy ang pagpapakain sa akin ng dragon fruit.
“Iuuwi? Hindi ka na uuwi sa bahay niyo babae. After signing the marriage contract, dito ka na maninirahan.” aniya dahilan para hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya. S—Seryoso?
“Ha? Akala ko ba next month pa?” tanong ko kay Carviel nang kumuha siya ng tissue at pinunasan niya ang labi ko.
“Ngayon na, and don't talk when your mouth is full.” saad niya at tumango na lang ako. Napatigil naman ako sa pagkain nang mapansin kong parang natahimik sila. Pagtingin ko sa gawi nila ay nakatingin pala silang lahat sa amin ni Carviel. Magtatanong na sana ako ng bigla akong masamid at napa ubo.
“I told you, eat slowly and don't talk when your mouth is full.” seryosong saad ni Carviel bago niya ako pinainom ng tubig.
They keep talking about family business and other important stuff. I'm starting to get sleepy pero parang mahaba pa ang pag uusapan nila. Hays, gusto ko nang matulog.
“Wake up Serena. It's time to sign the marriage contract.” saad ng kung sino habang tinatapik niya ang braso ko. Nag imulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin si Clevy. B—Bakit nandito si Clevy? Akala ko ba pat*y na siya?
“Clevy” pag tawag ko sa kaniya dahilan para kunutan niya ako ng noo.
“Who's Clevy?” tanong ni Carviel dahilan para mabalik ako sa wisyo. I'm hallucinating again. Akala ko pa namam si Clevy na 'yong gumigising sa akin. Nakakainis! Pero kung pagmamasdan, magkahawig sila ni Clevy. Dahil ba parehas silang Japanese. Mag sasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng mansion nila at iniluwa nito ang isang matangkad, gwapo at makisig na lalaki. Lah, sino 'yon?
“Sorry Dad I'm late. May mga business meetings pa kase akong tinapos.” saad niya bago tumingin sa amin at binati niya kami.
“Good Evening everyone. Sorry I'm late. By the way, I'm Cairo Spencer Masayoshi, nice to meet you all.” pagpapakilala niya bago siya napatingin sa akin. Oh, kapatid ni Carviel? Bakit siya mukang mabait at gentleman tapos itong kapatid niya ay spoiled brat?
“She's your daughter Mr Delacroixvern?” tanong ni Cairo bago siya lumapit sa akin. “She's so beautiful.” pagkomplimento niya sa akin bago niya nakipag kamay sa akin.
“Welcome to the family. Although I wish sana sa akin ka na lang ipinakasal ni Dad.” nakangising saad niya bago siya umupo sa tabi ko.
“Sana nga para hindi na ako ang maging responsable sa babaeng ito.” saad ni Carviel dahilan para mapasimangot ako. Lumayo ako ng kaunti sa kaniya dahil nainis ako. Kung hindi lang talaga masisira ang reputasyon ni Dad hindi ko gagawin 'to.
Inabot na nung Judge sa amin 'yong papel si Carviel ang unang pumirma. Pinirmahan ko na rin kaagad para naman matapos na ang pangyayaring ito at makatulog na ako. After ng pagpirma ay nag exchange na ng mga gift ang pamilya ko at pamilya ni Carviel.
“Congratulations Serena, you're finally a part of Masayoshi family.” pag bati ni Mr Clarivier sa akin.
“Thank you po Mr Clarivier.” pag papasalamat ko habang si Carviel naman ay pilit lang na ngumingiti.
“You're already part of the family ija kaya naman Dad na ang itawag mo sa akin.” aniya at tumango naman ako.
“O—Okay lang po ba kung magpahinga na ako? Inaantok na po kase ako at bawal po ako mag puyat sabi ng doctor.” pag papaalam ko. Pumayag naman sila at itinuro nila sa akin ang kwarto ni Carviel. Pero hindi ako doon pumunta. Nagtanong ako sa isa sa mga maid kung nasaan ang guest room at itinuro naman nila ito.
Napahiga ako sa kama bago ako tumingin sa kisame.
“I'm already married. I'm not Serena Vienn Delacroixvern anymore. I'm Serena Vienn Masayoshi.” saad ko sa sarili ko bago ko ipinikit ang mga mata ko upang magpahinga.
_
AKALA ko kapag ikinasal na ako kay Carviel ay magiging okay na ang lahat. Masaya naman nung una dahil akala ko magiging maayos pagsasama namin ni Carviel. It's hard for me to moved on from Clevy pero kasal na ako. Hindi ko man ginusto pero wala na akong magagawa.
Nabalitaan ko na si Miya at Stanley ay engaged na. Next year nila balak magpakasal. Masaya ako para kay Miya dahil ikakasal na siya sa lalaking minamahal niya. Sabi na nga ba gusto rin ni kuya si Miya eh. May pagka masungit si kuya kaya naman masaya ako na napalambot ni Miya ang puso niya.
Kasalukuyang mag si-six months na ang tiyan ko. Mamaya lang ay malalaman ko na kung ano ang gender ng baby namin ni Carviel.
“Shall we go now? Kailangan pang i-utrasound 'yang tiyan mo para malaman natin ang gender ng baby.” pag aaya ni Cairo habang nakaupo ako sa sofa.
“Tara na. Sorry nga pala at naabala kita. Pwede naman kaseng ako na lang solo ang magpa ultrasound eh. May mga meeting ka pa na kailangan puntahan di'ba?” nakangusong saad ko habang tinutulungan niya akong makatayo. Medyo nahihirapan akong gumalaw dahil malaki na ang tiyan ko. Mahirap pero kakayanin para sa magiging anak ko.
“Hindi pwede. Saka sigurado ka ba na ayaw mo ng gender reveal party? May oras pa naman eh, pwede pa akong magpahanda ng party, balloons at cake. Para naman masaya gender reveal ng baby mo.” pagbibigay suggestions ni Cairo pero umiling ako.
“Hindi na, malaman ko lang kung ano ang gender ng baby ko ay okay na. Besides wala rin namang pupunta dahil halos lahat sila ay busy.“ saad ko bago ako napatungo. Ang bait bait talaga ni Cairo. Kahit busy siya ay pinilit niya talagang samahan ako. Samantalang 'yong asawa ko sa papel ay palaging wala dito sa mansyon. Parang linggo linggo nga lang siya kung umuwi dito eh. Wala naman akong karapatan na magalit o kwestiyunin siya dahil mag asawa lang naman kami sa papel.
Hindi na ako magtataka kung hindi niya ituring na anak ang magiging anak ko. Napahawak na lang ako sa tiyan ko habang iniisip ko iyon. Pinagbuksan ako ni Cairo ng pinto at pumasok na ako sa loob ng kotse. Ang bait niya talaga, hahanapan ko ito ng magiging jowa soon kapag nakapanganak na ako.
Mabilis lang ang biyahe namin at nakarating na kami sa hospital. Pumasok kami sa loob ng hospital at maya maya lang ay sinimulan na nila ang ultrasound ko.
“Wow, congratulations Mrs Masayoshi. You're having a baby girl. Sigurado akong magiging maganda ang anak mo at magmamana sayo.” masayang saad nung nag i-utrasound sa akin dahilan para maluha ako.
“Babae, narinig mo ba 'yon Clevy. Babae ang una nating magiging baby.” saad ko sa sarili ko at huli na nang mapagtanto kong umiiyak na pala ako. Sobrang saya ko ngayon, babae ang magiging anak namin ni Clevy.
“Congratulations Serena. Sabi na nga ba baby girl 'yan eh. Paano ba 'yan talo si Simon at ako ang panalo.” masayang saad ni Cairo dahilan para matawa ako. Nung isang araw kase ay nagtatalo silang dalawa. Lalaki ang hula ni Kuya Simon at babae naman ang kay Cairo.
Matapos ang ultrasound ay inihatid na ako ni Cairo sa mansion. Siya naman ay bumalik na sa kumpanya niya. As always solo nanaman ako dito sa bahay. Napagpasyahan kong matulog muna dahil inaantok nanaman ako.
Kinagabihan ay nagising ako ng alas dose ng gabi. Tulog na ang mga maid kaya naman mag isa lang akong nandito sa babae. Sarado na ang mga ilaw kaya naman nagbukas na lang ako ng flashlight. Bigla kase akong nakaramdam ng gutom kaya naman maghahanap ako ng pwedeng kainin dito sa ref.
“What if mag saing na lang ako tapos mag prito ng nuggets at tocino. Para madali lang at hindi ko na kailangan pang mang istorbo ng mga maid. Sigurado akong pagod sila at kailangan nila ng pahinga.” saad ko sa sarili ko bago ako naglabas ng nuggets at tocino sa ref. Nag saing na ako ng kanin at nagsimula na akong mag prito ng nuggets. Grabe 'yong gutom ko ngayon, baka pati kaldero makain ko.
“Hmm, ang bango.” saad ko nang simulan kong iprito 'yong tocino. Nagluluto pa lang ako natatakam na ako. Habang nagluluto ako ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Para bang may tao sa may sala. May naririnig akong yabag ng paa dahilan para matakot ako.
“M—May magnanakaw bang nakapasok dito sa mansion? Nako, kailangan ko nang mangising ng mga maid at bodyguard. Baka mapahamak kami ni baby.” kinakabahang saad ko bago ko inilagay sa plato at kumuha ako ng pwedeng ipanghampas. Dahan dahan akong sumilip sa may sala at walang tao doon. Nakarinig naman ako ng ingay sa garden kaya doon ako nagtungo. Ano bang nangyari? Kinakabahan ako sa mga nangyayari.
“Bakit dito sa labas Carviel? Ayaw mo bang malaman ng asawa mo kung sino ka? Natatakot ka bang malaman niya na ikaw ang—” hindi na natapos nung lalaki ang sasabihin niya ng hampasin siya ni Carviel ng baseball bat.
“Umalis na kayo bago pa kayo makita ni Serena. Dalhin niyo ang lalaking 'yan sa torture room.” utos ng lalaking nakamaskara. Sa boses pa lang no'n ay alam ko na si Carviel 'yon.
“Noted Unmasker. We'll be waiting for you tomorrow at the headquarters.” saad ng isang pamilyar na tao. Napatakip ako sa bibig nang makita ko kung sino 'yon. C—Crimson? Anong ginagawa niya dito. At tinawag niyang Unmasker si Carviel?
“Oh, no. It can't be! The Unmasker Clevy is talking about ay si Carviel.” gulat na saad ko habang nakatingin sa kanila.
“Go now before my wife sees you.” utos niya kaya naman nagmamadali akong bumalik ng kusina. Naghanda ako ng pinggam at naupo sa may lamesa.
Hindi ako makapaniwala. Sa buong pagsasama namin hindi ko inakalang siya si Unmasker. Naalala ko lang na palaging tinatawag ni Clevy 'yon na japanese bastard. Napatigil ako sa pag iisip nang may tumawag sa pangalan ako.
“Bakit gising ka pa Serena?” tanong ni Carviel dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
“C—Carviel, nandyan ka pala. Nagugutom kase ako kaya napagpasyahan ko munang bumaba at magluto.” sagot ko habang nagpapanggap na wala akong nakita kanina.
“Yeah, kakauwi ko lang.” aniya bago siya lumapit sa akin at umupo sa harapan ko.
“What is that?” tanong ni Carviel habang nakatingin sa kinakain ko.
“Nuggets at tocino. Hindi ka pa ba nakakakain ng ganito?” tanong ko sa kaniya at tumango siya. Puro masasarap siguro kinakain ng lalaking 'to. Hindi pa siya nakakatikim ng ganito? Sabagay mukang lumaki siya na picky eater.
“Can I eat too? I haven't eaten yet since this morning.” tanong niya dahilan para nag aalalang napatingin ako sa kaniya.
“Hindi ka pa kumakain simula umaga? Seryoso ka ba? Baka magkasakit ka niyan sa ginagawa mo.” nag aalalang saad ko sa kaniya. Magkaka ulcer siya sa ginagawa niya. Kaya naman kumuha na ako ng isa pang pinggan, kutsara at tinidor bago ko siya ipinagsandok ng kanin. Mukang nagustuhan niya naman 'yong pagkain at tahimik kaming kumain. Nang matapos kaming kumain ay uminom na ako ng tubig.
“Thank you for the food.” aniya bago niya inayos ang pinagkainan namin.
“Yes! Finally busog na kami ni baby.” masayang saad ko sa sarili ko at akmang magtutungo na ako sa kwarto ko nang bigla akong tinawag ni Carviel.
“Hmm? Bakit?” tanong ko. Akmang magsasalita na siya nang mapahawak siya sa ulo niya.
“Ah! My head hurts!” sigaw niya dahilan para kabahan ako. Kaagad akong lumapit sa kaniya.
“Ang sakit ng ulo ko. My head hurts Serena.” aniya habang tumutulo na ang luha niya. Napalamyak kami parehas sa sahig habang nakayakap siya sa akin. Kaagad akong sumigaw para magising 'yong mga maid at humingi ng tulong.
“Anong nangyayari po dito Ma'am Serena?” tanong ni Kuya Jack.
“Call Carviel's private doctor. We need him asap.” nag aalalang saad ko habang patuloy pa rin ang sakit na nararamdaman ni Carviel. Nag aalala ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito. Alam ko ang tungkol dito dahil ikinuwento sa akin ni Mr Clarivier ang tungkol dito.
Maya maya lang ay dumating na ang doctor at mayroon siyang itinurok kay Carviel dahilan para kumalma ito.
“Medyo napapadalas ang pag sakit ng ulo niya. Kailangan niya ng halos dalawang buwan na pahinga.” saad ng doctor.
“Rest assured dahil maayos na ang pakiramdam niya. Hindi pa nagtatagal nung ma hospital siya pero pinapagod na niya ang sarili niya. Hindi dapat gano'n dahil magiging madalas ang pag sakit ng ulo niya. ” aniya habang nakaupo ako sa tabi ng kama ni Carviel. Nakahawak ako sa kamay niya at pinakinggan ko lahat ng sinabi ng doctor.
Ano nang gagawin ko? Mapipigilan ko kaya si Carviel na magtrabaho? Kailangan niya muna kase talagang magpahinga dahil siya ang mahihirapan everytime na sumasakit ang ulo niya.
“At ikaw naman Mrs Masayoshi. It's already 2:30 AM, kailangan mo na pong magpahinga. Remember bawal magpuyat ang buntis.” paalala ni doctor kaya naman bumalik na ako sa kwarto ko at nagpahinga.
To Be Continue×
× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
× Expect Grammatical Errors
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)
By: Yeliah Writes
Wattpad Acc: queen_yeliah
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro