Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

I SMILED as I look at my girlfriend's face while she's sleeping. She's so beautiful and I'm such a lucky guy. I stayed up until now para batiin siya ng happy birthday. Kasalukuyang 12:15 AM na ngayon at kaarawan na ng babaeng minamahal ko. Gusto ko siyang batiin kaso sigurado akong pagod na pagod siya dahil sa pag aasikaso ng party niya mamaya.

“Happy 23rd Birthday Babi. Ang hiling ko lang para sa'yo ay sana maging malusog at matatag ka. Stay beautiful and lovely my babi. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at palagi lang akong nasa tabi mo at handang suportahan ka.” nakangiting saad ko habang hinahaplos ko ang buhok niya. Dahan dahan kong hinalikan ang noo niya bago pinagmamasdan ang maganda niyang muka.

Alam kong ito ang unang birthday niya na kasama ako at sana sa mga susunod niya pang kaarawan ay kasama niya ako. Pero ang tanong, makakasama niya pa kaya ako?

Alam ko rin na kahit anong oras ay maaari na akong mam*tay. Ang dami ba namang tuma-target sa akin dahil sa pera. Hindi ko hahayaang mam*tay ako dahil magkakaroon pa kami ng pamilya ni Serena 'no.

Nagsisinungaling ako kung hindi ko sasabihing natatakot ako. Natatakot ako na dumating ang araw na biglaan na lang akong mam*tay. Papaano na si Serena? Sino magbabantay sa kaniya? At ang isa pa sa kinatatakutan ko ay ang dumating ang araw na mag mahal siya ng iba kapag nawala ako.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at kinumutan ko ng maayos si Serena. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto niya para hindi siya magising. Nang makalabas ako sa kwarto niya ay naabutan kong nasa sala si Mr Delacroixvern. Kaagad akong lumapit sa kaniya at binati ko siya.

“Good morning po Mr Delacroixvern.” bati ko sa kaniya bago umupo sa sofa.

“Good morning Clevy. Paalis ka na ba?” tanong ni Mr Delacroixvern bago siya uminom ng kape.

“Opo. Maya maya lang po ay aalis na ako. Pasensya na po kung kinalangan ko pang pumunta sa misyon ko ngayon. Ayaw ko sanang tanggapin ang misyon na 'yon dahil birthday ni Serena ngayon pero wala akong nagawa.” saad ko bago napatungo. Nahihiya nga ako dahil imbis na samahan ko si Serena ngayon ay may pupuntahan pa akong misyon.

“Okay lang Clevy. Sigurado naman akong maiintindihan ka ni Serena. Saka trabaho mo 'yan. Basta babalik ka mamaya dahil isasayaw mo si Serena.” nakangiting saad ni Mr Delacroixvern dahilan para maging masaya ako. Napaka maintindihan talaga ni Mr Delacroixvern. Hindi ako nagsisising tinanggap ko 'yong inaalok niya sa aking trabaho no'n. Bukod sa nakilala ko si Serena ay kung ituring nila ako ay parang anak na.

“Maraming Salamat po.” saad ko. Nag usap lang kaming dalawa sandali tungkol sa misyon ko at umalis na rin kaagad ako. Habang nagmamaneho ako ay naramdaman kong may sumusunod sa akin. Actually kanina ko pa talaga sila napapansin. Nasa mansion pa lang ako nila Serena ay nakita ko na kaagad sila. Anong kailangan nila sa akin? Isa nanaman ba sila sa mga nagtatangkang pum*tay sa akin?

Nagmaneho pa ako ng kaunti at tumigil ako sa isang parke. Sakto walang cctv dito kaya magagawa ko ang gusto ko. Kaagad akong nag suot ng gloves bago ako bumaba sa kotse at nagtago sa likod ng isang puno. Maya maya lang ay tumigil rin 'yong kotse na sumusunod sa akin at lumabas doon ang dalawang lalaki.

“Bakit kaya bumaba dito si Clevion? Sa tingin mo may kikitain kaya siya dito, Kuya?” tanong nung lalaking naka itim na polo habang naglalakad sila dito sa parke.

“Hindi ko alam. Napag utusan lang ako na sundan siya. Ano kayang ginagawa ng lalaking 'yon dito ng ganitong oras?” saad naman nung lalaking naka jacket na asul. Napag utusan? Ibig sabihin may taong nasa likod ng pagsunod nila sa akin. Hangga't maaga kailangan ko nang malaman kung sino 'yon. Posible kase na may balak rin sa akin na masama ang nag uutos doon sa mga lalaking 'yon. Kailangan ko na silang unahan bago pa nila ako pat*yin.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanila. Hindi pa nila siguro nararamdaman ang presensya ko kaya hindi na ako nagsayang ng oras. Dalawang magkasunod na pagpitol ng bar*l ang ginawa ko. Binaril ko 'yong lalaking naka polong itim sa paa at braso bago ko tinutukan sa ulo 'yong isang lalaki.

“Bakit niyo ako sinusundan? Sino ang nag utos sa inyo?” sunod sunod na tanong ko doon sa lalaki habang ang kasama niya ay umiiyak na sa sobrang sakit.

“Wala akong sasabihin sa'yo!” pagmamatigas nung lalaki.

“Ibig sabihin ba niyan hindi mo sasagutin ang tanong ko.” tanong ko at tumango siya. Nang dahil sa sinabi niya ay inapakan ko ang braso nung kapatid niya dahilan para mas lalong lumakas ang pag iyak nito.

“Aray! Kuya tulungan mo ako!” pagmamakaawa nung lalaki sa kapatid niya siguro. Kita ko ang reaksyon nung lalaking tinutukan ko ng bar*l at naaawa na siya doon sa kapatid niya.

“Magsasalita ka o pap*tayin ko kayong dalawa parehas?” I said threatening them before I pull the trigger of my g*n. Sasagot o mamam*tay?

“Kahit ano pang gawin mo hindi ako sasagot!” pagmamatigas nung lalaki dahilan para mainis ako. Bigla ko na lang siyang hinampas ng bar*l sa ulo bago sinuntok dahilan para matumba siya.

“Tang*namo Coldicer!” sigaw nung lalaki bago ko siya binar*l sa tiyan.

“Sasagutin niyo ang tanong ko o mamam*tay kayo? Pumili kayo!” inis na saad ko. Nakakainis! Nagmamatigas sila. Paano ko malalaman ang boss nila kung wala silang balak sabihin sa akin.

“Kahit pa saktan mo kami ng saktan, hindi namin sasabihin sa'yo kung sino ang nag utos sa amin!” pagmamatigas niya dahilan para maubusan ako ng pasensya. Itinapat ko sa kanila 'yong bar*l ko at akamang ipuputok ko na ito nang magsalita siyang muli.

“Bilang na ang araw mo Coldicer. Mamaya lang susunduin ka na ni kamat*yan. Sigurado akong iiyak ng sobra sobra 'yong girlfriend mo dahil hindi ka na makakauwi ng buhay sa kaniya mamaya.” Hindi ko na namalayan kung ano ang nangyari. Nabalik na lang ako sa wisyo nang may tumalsik na dugo sa muka ko. Binar*l ko silang dalawa sa ulo dahilan para sumabog ito. F*ck this motherf*cking bastard. How dare he say he that? As if I'm gonna let them k*ll me.

_

Halos labing limang oras na ang nakalipas at patapos na ako sa misyon ko. Kasalukuyang alas singko ng hapon at hindi na ako mapakali. Kanina ko pa gustong gusto na umalis dito para makapunta na ako kay Serena. Wala naman akong magawa dahil kailangan kong tapusin ito. Ang misyon ko ngayon ay pat*yin ang isa sa mga corrupt na politikong tao. Sa sobrang corrupt ng taong ito halos bilyon bilyon na ang ninanakaw niya sa pera ng Gobyerno. Sigurado akong alam rin ni Mr Delacroixvern ang ginagawang pagnanakaw ng lalaking 'yon kaya hindi niya ako pinigilang pat*yin ang lalaking ito. Napatigil ako sa pag iisip nang makita kong pumasok na sa villa niya 'yong kotse niya.

Nandito na siya. Kailangan ko lang naman siyang pat*yin tapos pwede na akong umalis.

Hinintay ko lang siyang pumasok sa kwarto niya. Kaagad kong isinuot ang maskara na dala dala ko at tinutukan ko siya ng bar*l sa ulo.

“Masaya ba magnakaw ng pera sa Gobyerno?” tanong ko dahilan para mapatigil siya.

“S—Sino ka? Anong ginagawa mo sa kwarto ko?” nauutal na tanong niya.

“Huwag mo nang subukan pang sumigaw dahil ngayon na matatapos ang buhay mo. Masyado ka nang maraming ginawang kasalanan. Goodbye Senator Nervar.” pagpapaalam ko sa kaniya bago ko hinila 'yong trigger ng bar*l ko. Hindi ko na pinatagal pa at ipinutok ko na ito sa ulo niya.

Umalis na ako kaagad do'n nang matapos na ako. Finally makakaalis na ako at mapupuntahan ko na si Serena. Nasa kotse ko 'yong damit na susuotin ko sa party ni Serena kaya doon na lang ako mag bibihis. Nang makarating ako sa kotse ko ay nagbihis na ako at nag ayos ng sarili. Kinuha ko rin sa backseat 'yong maliit na paper bag kung saan nandoon 'yong mga accessories na regalo ko sa kaniya.

Nasa paper bag 'yong kwintas, hikaw at bracelet pero nasa bulsa ko 'yong singsing. Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito at wala nang atrasan.

Medyo malayo dito sa pinanggalingan ko ang venue ng birthday ni Serena kaya sigurado akong aabutin ng isa't kalahating oras na pagmamaneho ang gagawin ko bago ako makarating doon. Ayos lang naman sa akin dahil ang simula ng party ay 8 pm.

Napapangiti ako habang nagmamaneho. Excited na kase akong makita ang napakaganda kong girlfriend. Maayos naman akong nagmamaneho pero nabigla ako nang mapansin kong may kotse akong kasalubong. I got a bad feeling about it pero itinuloy ko na lang ang pagmamaneho. Habang papalapit nang papalapit sa akin 'yong kotse ay parang may kakaiba. Hindi ko na sana papansinin iyon nang biglang bumukas ang binata nung kotse at may lalaking naglabas ng bar*l. Kaagad akong na-alerto at kinuha ko rin 'yong bar*l ko.

Pero naging mabilis ang pangyayari. Binar*l nung isa sa mga lalaki ang gulong ng kotse ko bago nila ako pinagbabar*l. Tatlo ang bala na natanggap ko. Nawalan ng balanse ang kotse ko at bumangga ako sa isang malaking puno. Namalayan ko na lang na sumusuka na pala ako ng dugo.

Bakit ngayon pa ito nangyari? Bakit sa araw pa ng kaarawan ng girlfriend ko. Paano na 'to? Hindi ko na matutupad ang pangako ko sa kaniya.

Gamit ang natitirang lakas ko ay kinuha ko sa bulsa ang engagement ring na ibibigay ko sana sa kaniya ngayon at inihagis ko ito papalabas ng kotse.

Dito nga ba magtatapos ang lahat? Hindi ako makagalaw. Sobrang sakit ng buong katawan ko at maraming dugo na ang tumutulo mula sa aking ulo.

"I-I'm sorry babi. I won't be able to fullfil my promise to you. I guess fate doesn't want us to be happy and together. Mahal na mahal kita Serena. Sana mapatawad mo ako." naghihingalong saad ko bago ako tuluyang kinain ng dilim.

_

IT'S already 9:30 PM pero wala pa rin si Clevy. Hindi ko mapigilang mag alala. Magsisimula na kase kaming sumayaw mamaya lang pero wala pa rin siya.

“I know that you're worried anak. Malay mo naman natagalan lang 'yong misyon niya.” saad ni Dad habang hindi pa rin ako mapakali. Natagalan? Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya nasagot. Kanina pa ako nag aalala ng sobra sobra. Hindi na ako mapakali dahil sa sobrang pag aalala. Gusto ko nang umiyak, nasaan ka na ba Clevy? Huwag mo naman akong pinag aalala ng ganito babi.

Pilit kong nginingitian 'yong mga guest na bumabati sa akin. Gusto kong kumalma pero hindi ko kaya. Tatlong oras na lang ay matatapos na ang kaarawan ko pero hindi pa rin siya dumadating.

Halos kalahating oras na ang lumipas pero hindi pa rin siya dumadating. Tatawagan ko na sana ulit si Clevy nang marinig kong tinatawag nila Kuya Simon ang pangalan ko. Nagmamadali silang tumakbo papunta sa akin. Balisang balisa sila na para bang may masamang nangyari.

“Serena, may dapat kang malaman.” Hindi mapakali si Kuya si Shawn habang sinasabi niya iyon. That's when realization hit me. No, hindi pwede. Hindi pa nila sinasabi pero parang iba na ang pakiramdam ko.

“A—Ano 'yon Kuya?” nauutal na tanong ko. Please lord, huwag naman po sana.

“Huwag kang mabibigla Serena. Ikalma mo ang sarili mo.” pagpapakalma sa akin ni Miya. Anong nangyayari? Bakit parang nagdadalawang isip silang sabihin sa akin?

“Ano ba kaseng nangyayari?” Hindi ko na alam ang nangyayari. Bakit ang bigat ng pakiramdam ko.

“Serena na aksidente si Clevy. Bumangga ang kotse niya sa isang puno at...” biglang napatigil si Kuya Simon sa pagsasalita. “Sumabog 'yong kotse niya.” aniya dahilan para manghina ang katawan ko.

“Sorry Serena. Ginawa na namin ang lahat ni Stanley. Nasunog na ang katawan niya kaya hindi na namin siya mamukaan pero siya talaga 'yon Serena. D*ad on arrival siya nung nakarating na sa hospital.” malungkot na saad ni Miya dahilan para hindi ko na kayanin ang mga nangyayari.

“H—Hindi t—totoo 'yan kuya. Please tell me nagsisinungaling ka. Hindi totoo 'yan. Hindi pa p*tay si Clevy.” pagmamakaawa ko sa kanila.

“I'm sorry Serena.” saad ni Kuya Stanley..

“Please tell me this is just a joke Kuya. He can't dīe Kuya. He promised that we will be together forever. Nangako siya na uuwi siya sa akin ngayon ng ligtas.” pagmamakaawa ko sa kanila. Hindi na lang sila nakasagot. Bakit ganito? Bakit nangyayari sa akin 'to?

“Hindi 'to pwedeng mangyari Kuya. Kuya nangako siya sa akin at sigurado akong tutuparin niya 'yon. Hindi niya ako iiwan Kuya.  Hindi ako iiwan ni Clevy.” pamimilit ko sa kanila habang patuloy ako sa pag iyak. Napalamyak na lang ako sa sahig.

“Ang sakit. Sobrang sakit. Bakit? Bakit ganito? Bakit ganito Clevy? Nangako ka sa akin diba babi? Bakit hindi mo tinupad? Bakit mo ako iniwan? Paano na 'yong mga pangako mo sa akin? Paano na 'yong mga pangarap natin?” lumuluhang saad ko sa sarili ko na para bang kinakausap ko si Clevy.

“Ang hirap. Hindi ko kayang tanggapin. Sobrang hirap tanggapin na wala ka na. Mahal na mahal kita kita Clevy. Hindi ko kakayaning mabuhay ng wala ka.” lumuluhang saad ko sa sarili ko. Nabigla na lang ako nang makaramdam ako ng hilo. Napahawak ako sa aking ulo at doon na ako tuluyang hinimatay.

SOMEONE'S POV:

NAGKAKAGULO na ang mga nurse at doctor. Tumitibok pa ang puso niya dahilan para mainis ako. Hindi pa siya nam*tay ng lagay na 'yon?

“Huwag kang mag alala. Sigurado akong magiging successful ang plano mo.” bulong niya sa akin habang nasa labas kami ng emergency room. Maya maya lang ay lumabas na ang mga nurse at doctor. Kaagad na lumapit sa akin 'yong isang doctor. Malungkot siya at nakayuko bago nagsalita..

“I'm sorry Sir. He didn't make it.” malungkot na saad nung lalaki dahilan para mapangisi ako. Hindi naman niya napansin 'yon. Mabuti naman at natuluyan na siya. Akala ko mabubuhay pa 'yong gag*ong 'yon eh.

“Clevion Slater Servantez time of death, 9:30 PM, March 31, 2024.” saad nung doctor.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro