Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

IT'S been a a few days since Christmas and today was December 30. Umaga pa ngayon kaya mamaya maya pa kami uuwi dahil birthday ni Kuya Lancer bukas Siyempre kailangan naming um-attend kaya mas mauuna pa kaming umuwi kaysa kila Mom, Dad at mga Kuya ko.

Ever since nung sinabi ni Clevy sa buong pamilya ko ay hindi na namin kailangan pang itago ang relasyon namin. Sobrang saya ko dahil pumayag sila sa relasyon namin.

It's already 9:00 PM at nag gagala pa rin kami ni Clevy dito sa may Tokyo. Bumili kami ng mga pagkain at nag ikot ikot hanggang sa mapagod kami. Kasalukuyan akong umiinom ng kape nang may biglang tumawag kay Clevy.

“Hello?” aniya habang patuloy kami sa paglalakad.

“Okay, we'll be there in 15 minutes. Dadalhin ko si Serena.” saad niya dahilan para magtaka ako. Dadalhin niya ako? Pero saan?

“Saan tayo pupunta babi?” tanong ko sa kaniya.

“Sa headquarters namin dito sa Japan. Gusto mo bang sumama?” aniya kaya naman na-curious ako kung ano nga ba ang hitsura ng headquarters nila dito sa Japan. Kaagad naman ako tumango at sumakay na kami sa kotse. Nang makarating na kami sa may abandonadong building ay nagtaka ako. Dito ba 'yong headquarter?

Dinala niya ako sa isang kwarto at nabigla ako nang gumalaw 'yong inaapakan namin pababa.

Nang makarating kami sa may baba ay binati nila kami ni Clevy.

“Welcome back Coldicer. Congratulations nga pala sa latest mission mo.” pag bati ng isa sa mga agent sa kaniya. Nagpasalamat naman siya  bago kami pumasok sa isang room na may malaking lamesa at naupo kami sa mga upuan doon. Nagtinginan naman ang ibang mga agents na nandoon sa amin dahilan para kabahan ako.

“Nandito na pala kayo. Eto tsaa, uminom muna kayo ” saad ng isang lalaki. Kaagad na uminom si Clevy ng tsaa habang ako ay nagdadalawang isip pa. Hindi naman kase ako mahilig sa tsaa pero wala namang mawawala kung susubukan ko diba?

Akmang iinom na sana ako ng hablutin ni Clevy 'yong tsaa sa akin at itinapon niya ito sa muka nung nagbigay sa amin. Napasigaw naman 'yong lalaki dahilan para mabigla ako.

“Babi bakit mo ginawa 'yon?” gulat na tanong ko pero sa lalaking 'yon siya nakapokus.

“Why did you put a f*cking poison in this tea? Are you trying to k*ll us you mother f*cker?” galit na sigaw ni Clevy bago siya bumunot ng bar*l at itinapat niya ito sa ulo nung lalaki.

M—May lason 'yong tsaa? Pero kung may lason 'yon, papaano na si Clevy? Naubos niya 'yong isang baso. Kailangan ko na siyang dalhin sa hospital. Akmang mag sasalita na ako nang mag salita si Clevy.

“Joke lang 'yon Clevy. Ikaw naman hindi mabiro.” natatawang saad nung lalaki dahilan para mas lalong magalit si Clevy.

“Huwag mo akong tawagin sa pangalan ko dahil hindi naman tayo close. Saka anong joke lang? Tang*na mo! Paano kung nainom ng girlfriend ko 'yong tsaa at nam*tay siya? Gag* ka ba?” galit na saad niya. Nabigla ako ng bigla niyang ipinutok ang bar*l at tinamaan niya 'yong lalaki sa may braso. Napasigaw ito sa sobrang sakit kaya naman pinigilan ko na si Clevy.

“Ayan, joke lang din.” inis na asik niya habang namimilipit sa sakit 'yong lalaki.

“Throw that mother f*cker away!” utos ni Clevy at kaagad namang sumunod 'yong ibang mga agents na nandoon.

“Babi calm down. I'm perfectly fine naman at wala akong nainom. Pero ikaw, okay ka lang ba? Ininom mo 'yong may lason na tsaa. May nararamdaman ka bang kaiba? Kailangan na ba natin pumunta ng hospital?” sunod sunod na tanong ko dahil sa pag aalala. Akmang sasagot na siya ng may mag salita sa likuran niya.

“Hindi mo na kailangan mag alala, ija. Clevy is immune to poison. Kaya kahit uminom pa 'yan ng lason ay hindi siya maaapektuhan nito. Ang nagiging side effect lang ay nagagalit siya ng sobra.” saad ng hindi katandaang lalaki habang nagsisigarilyo ito.

“Stop smoking Monster, uubuhin girlfriend ko.” utos ni Clevy at kaagad naman niyang itinapon ang sigarilyo niya. Maya maya lang ay may iba pang mga agent na pumasok at nagulat sila nang makita nila ako.

“Siya si Serena Vienn Delacroixvern di'ba? Mas maganda pala talaga ang babaeng ito sa personal.” saad nung isang babae bago siya umupo sa may upuan.

“Lahat tayo nandito maliban kay Poisoner at Unmasker. Nasaan nanaman kaya 'yong hapon na 'yon?” inis na tanong ni Clevy. Unmasker? Parang narinig ko na ang code name na 'yon.

“Nagtaka ka pa eh palagi namang wala 'yong lalaking 'yon. He's currently in Japan right now pero bakasyon daw siya kaya ayaw sumama sa meeting.” saad ng lalaking kakapasok pa lang.

“That japanese bastard! Palagi na lang siyang wala!” inis na saad ni Clevy.

“Huwag ng hanapin ang wala. Pero teka, nasaan nga pala si Poisoner? Parang kanina lang ay nakasalubong ko pa siya pagkarating ko.” tanong nung lalaking nakasumbrero bago siya uminom ng alak.

“Binar*l ni Coldicer dahil sinubukan silang lasunin kanina. Saka hindi ba ikaw na ang nagsabi na huwag nang hanapin ang wala, Shark? Hindi pa ata nadala 'yong Poisoner  'yon. Hindi ba siya aware na immune sa lason itong lalaking 'to?” tanong niya bago itinuro si Clevy na kasalukuyang nakahawak sa kamay ko.

“Ang ingay niyo. Tumahimik na lang kayo at ikaw, simulan mo na 'yong meeting.” saad niya doon sa informant nila dahilan para mangatog ito sa takot.

Nagsimula na silang mag usap tungkol sa mga misyon na nangyari ngayong taon. Kung ano ang mga na-achieve nila at kung ano ang bagong ranking sa susunod na taon.

“This year marami kayong misyon na natapos. Halos lahat pa ay Rank S kaya naman binabati ko kayo. May pagbabago sa ranking pero kaunti lang.” pagpapaliwanag nung informant habang nag uusap sila.

“Feeling ko tumaas ng kaunti ang rank ko. Apat na S Rank mission ang nagawa ko at lahat success.” pag yayabang ni Shark.

“Proud ka na niyan? Ako nga anim ang s rank mission ko ngayong year.” pagyayabang naman ng isa pang lalaki.

“Huwag na kayong magpagalingan dyan. Si Clevy lahat ng mission niya ngayong taon ay Rank S.” saad nung informant dahilan para mamangha kaming lahat. S Rank lahat? Di'ba 'yon 'yong pinaka mahirap? Ang galing naman ng babi ko.

“Bakit nakailang mission ba siya ngayong taon?” tanong nung isang lalaki na kanina pa kain ng kain.

“118 S Rank Mission ang natapos niya ngayong year. Lahat success at walang sablay. Mapa hacking, amb*sh at k*lling ay success lahat.” Seryoso? Iba talaga ang galing ng lalaking ito. Kaya palagi akong ligtas kapag kasama ko siya eh.

“Yeah, marami siyang achievements ngayon taon pero may malaki kang problema Coldicer.” aniya dahilan para makuha niya ang atensyon naming lahat. Lahat ng mga nag uusap ay natahimik upang makinig sa sasabihin niya.

“I don't care.” maikling saad ni Clevy bago niya inirapan ang mga kasamahan niya. Ano kaya ang tinutukoy nila?

“Naging mainit ka na sa mata ng Mafia Organization's around the world. Isa sa may galit sa'yo ay naglagay ng bounty para sa ulo mo. 10 Billion Pesos reward, sa taong makakapag dala ng ulo mo sa misyeryosong lalaking iyon.” aniya habang hindi kami makapaniwala dahil sa sinabi niya. Gano'n kalaking pera para sa kamat*yan ni Clevy? Isa lang ang ibig sabihin nito, marami nang magtatangka sa buhay ni Clevy. Alam kong magaling at malakas siya pero iba ang kabog ng dibdib ko ngayon.

“That must be the reason kung bakit gusto ka pat*yin ni Poisoner. Napaka makasarili talaga nung gag*ng 'yon.” saad ni Sharks dahilan para samaan siya ng tingin ni Clevy.

“Kailangan mo mag ingat Coldicer. Sigurado akong ta-target-in ka ng iba't ibang mga kriminal, mafia organizations pati na rin ng iba pang mga agents.” pag papaalala niya kay Clevy habang ako naman ay nanginginig sa takot. B—Bakit gano'n? The thought of someone k*lling Clevy is making me nervous. Natatakot ako, hindi ko kakayanin kapag nawala si Clevy. Nag aalala akong napatingin sa kaniya dahilan para mainis siya sa informat.

“Kailangan mo ba talaga sabihin 'yan ngayon?! Hindi ba pwedeng i-message mo na lang? Kita mo namang sigurong nandito 'yong girlfriend ko di'ba?!” galit na sigaw niya dahilan para matahimik silang lahat.

“I don't f*cking care about them. They want to k*ll me? Bring it on! Kaya ko ang sarili ko at hindi ko hahayaang mapahamak ako. Next time, kapag mag a-announce ka ng about sa ganito, sa tawag o sa message na lang.” inis na aniya kaya naman pinakakalma ko na siya ngayon.

“Babi, huwag ka nang magalit. Kumalma ka.” pagpapakalma ko at tumahimik naman siya.

“Continue.” maikling saad niya at nagsimula na ulit magsalita 'yong informant.

“Aside from that, si Unmasker pa rin ang nangunguna sa Ranking natin. Si Coldicer pa rin ang 2nd pero 'yong third, fourth at fifth ay nagkapalit palit. Si Venom ang third, si Lion ang fourth habang si Poisoner ang fifth.” aniya habang ipinapaliwanag niya 'yong mga rankings sa amin. Ipinagpatuloy na nila 'yong meeting habang ako naman ay tahimik na lang dahil hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. 10 Billion para sa ulo niya? Sigurado akong marami na ang magtatangka sa buhay niya. Papaano kung mam*tay si Clevy? Ito ang isa sa mga kinatatakutan ko. Ayaw kong mapahamak siya.

_

HINDI ako kumain ng dinner nang dahil sa pag aalala. Nawalan ako ng gana kaya naman nandito na lang ako habang nakahiga. Nasa labas pa si Clevy habang kausap sila Mom at Dad.

Napabuntong hininga na lang ako bago ako bumangon. Sumakto namang pumasok si Clevy at naglakad siya papunta sa may cabinet.

“Sigurado ka bang hindi ka kakain babi? Magugutom ka niyan.” aniya bago siya tumingin sa akin pero hindi ko siya pinansin.

“Galit ka ba babi?” tanong niya bago siya umupo sa may tabi ko at bahagya niya ako g niyakap.

“Hindi ka ba natatakot Clevy? Marami na ang magtatangkang pat*yin ka. Papaano kung mapahamak ka?” hindi ko na napigilan ang sarili ko at medyo napasigaw ako.

“Hindi ko na kailangan pang mag alala, babi.  Walang mangyayaring masama sa akin.” pagpapakalma niya sa akin. Hindi ko na kailangan mag alala? Paano akong hindi mag aalala? Natatakot ako para sa kaligtasan niya.

“Pwes ako nag aalala ako Clevy. Ayaw ko lang naman na mapahamak ka. Ayaw ko na mawala ka sa akin dahil hindi ko kakayanin.” Nang dahil sa pag aalala ay naiyak na lang ako. Nabigla naman siya nang magsimula na akong umiyak at niyakap niya ako ng mahigpit.

“Hindi mo na kailangan pang mag alala. Hindi ako mapapahamak o mamam*tay. Basta alam kong naghihintay ka sa akin ay uuwi ako kahit na gumapang pa ako. Mahal na mahal kita Serena.” aniya pero mas lalo akong napahagulgol. Sa totoo lang, ayaw ko nang ipatuloy sa kaniya ang pagta-trabaho niya bilang agent. Pero hindi ko naman pwedeng gawin 'yon dahil trabaho niya 'yon.

“Huwag ka nang umiyak babi. Hindi naman nila ako mahuhuli eh.” dagdag pa niya bago siya bumitaw sa yakapan namin. Ilang segundo siyang nakipag titigan sa akin bago niya ako madiin na hinalikan sa labi.

“Bukas na lang tayo umuwi sa Pilipinas since anong oras na. Gabi pa naman ang birthday ni Lancer at sigurado akong makakaabot pa tayo.” aniya kaya naman tumango na lang ako nang biglang kumalam ang tiyan ko. Bigla naman akong namula sa hiya habang si Clevy naman ay natatawa.

“Halika na babi, ipaghahanda kita ng pagkain.” natatawang saad niya bago niya ako tinulungang makatayo sa kama at lumabas na kaming dalawa. Wala na 'yong mga Kuya ko doon pati na rin sila Mom at Dad. Baka nasa kwarto na sila.

“Anong gusto mong kainin?” tanong niya bago nagbukas ng ref.

“Para madali 'yong instant noodles na lang.” saad ko bago siya nag suot ng apron.

“Okay babi. Pero masyadong plain kung 'yon lang kaya mas papasarapin ko pa.” aniya bago siya kumuha ng iba pang mga ingredients sa ref habang ako naman ay nanonood lang. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil ang cute niya habang naka apron. Kaya agad kong kinuha 'yong cellphone ko at pinicturan ko siya.

“Bakit?” tanong niya nang maabutan niya akong natatawa habang pinagmamasdan siya.

“Wala babi. Ang cute mo lang kase dyan sa apron na 'yan. Bagay pala sa'yo ang kulay pink.” natatawang saad ko dahilan para mamula siya.

“Ang pogi naman ng boyfriend ko.” aniya habang kinukuhanan ko siya ng video. Ngumiti naman siya bago siya nag flying kiss sa akin.

Maya maya lang ay natapos na siya at hinanda niya na 'yong pagkain ko.

“Ayan na ang noodles mo babi with soft boiled egg.” aniya bago niya nilagyan ng bagong hiwa na itlog 'yong noodles. Kaagad ko naman itong tinikman at namangha dahil ang sarap nito.

“Ang sarap naman nito Babi. Sino ang nagturo sa'yo na magluto ng ganito?” tanong ko sa kaniya bago siya umupo sa may harapan ko.

“My Mom thought me that recipe. Isa rin sa paboritong pagkain ng Dad ko 'yang noodles na 'yan.” aniya bago siya yumuko. Mom niya ang nagturo sa kaniya. Wait, speaking of his Mom, ngayon lang siya nagkuwento ng about sa magulang niya.

“Talaga? Nasaan na ang mga parents mo? Binibisita mo ba sila?” tanong ko pero malungkot lang siya.

“Wala na akong magulang. Parehas silang namat*y noong 15 years old pa lang ako.” pagku-kwento niyo.

“I'm sorry, I shouldn't have asked.” Dapat pala hindi na ako nag tanong. Naging malungkot tuloy siya.

“It's okay babi. Malalaman at malalaman mo rin naman ang tungkol sa kanila. Saka kahit na wala sila sa tabi ko ngayon, masaya pa rin ako dahil kasama kita. Sobrang hirap para sa akin na mawalan ng mahal sa buhay kaya palagi kitang binabantayan. Sobra ang sakit na naramdaman ko nung nawala sila at ayaw ko na maramdaman ko ulit 'yon.” aniya bago niya hinawakan ang kamay ko at hinalikan niya iyon.

“Kaya kahit ako na lang ang masaktan, huwag lang ikaw. Handa akong isakripisyo ang lahat para sa'yo. Mahal na mahal kita Serena.” saad niya dahilan para mamula ako sa kilig. Wala talagang araw na hindi niya pinaparamdam sa akin na mahal niya ako. It felt so good to be loved by him. He never failed to give me butterflies in my stomach. I love how he makes me feel like a princess all the time.

“Mahal na mahal rin kita Clevy.” malambing na saad ko pabalik sa kaniya.

“Ang sarap sa tenga ng boses mo babi. Pwede mo bang ulitin ang sinabi mo?” nakangusong tanong niya dahilan para matawa ako. He's acting like a baby again.

“Mahal na mahal rin kita Clevy.” pag uulit ko sa sinabi ko kanina.

“Sige na kumain ka na. Dito lang ako sa may tapat mo para panoodin ka.” aniya kaya naman nagsimula na akong kumain. Habang kumakain ako ay napatingin ako sa gawi niya. Nakangiti siya habang pinapanood niya akong kumain.

“Kahit kumakain ka ang ganda mo pa rin. Nakaka inlove ka talaga babi kahit saang anggulo.” aniya na nagpakilig sa akin. Kahit kailan talaga 'tong lalaking ito. Lagi niya na lang akong pinakikilig. Sobrang saya ko dahil kasama ko siya at mahal namin ang isa't isa. Sigurado na talaga ako. Siya na talaga ang lalaking gusto ko pakasalan.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro