Chapter 17
SA BAWAT araw na lumilipas na hindi pa rin bumabalik si Clevy ay mas lalo akong nag aalala at kinakabahan. Alam kong nangako siya sa akin na babalik siya ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko. Halos mabaliw na ako kakaisip sa kaniya. Makakauwi ba ng maayos si Clevy? Ligtas kaya siya ngayon? Kumain na kaya siya? Naiisip niya kaya ako ngayon?
Dahil sa sobrang pag iisip ko sa kaniya ay may mga gabi na na umiiyak ako. Gustong gusto ko na siyang mayakap at makitang muli. Bakit hindi pa kaya siya umuuwi?
Habang umiiyak ako dito sa may kama ko ngayon ay may kumatok sa aking pintuan.
“Si Miya ito Serena. Papasok na ako.” saad niya bago pumasok at nilock niya 'yong pintuan.
“Simula nung umalis si Clevy ay palagi ka na lang nagkukulong dito. Alam kong nag aalala ka para sa kaniya, pero nag aalala na rin sila Tito at Tita dahil sa ikinikilos mo.” aniya bago siya umupo sa may tabi ko. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit bago humagulgol.
“Hindi ko mapigilan ang sarili ko Miya. Nasa misyon siya ngayon, paano kung mapahamak siya?” umiiyak na saad ko habang pinapakalma niya ako.
“Malakas si Clevy, wala ka bang tiwala sa kaniya?” tanong niya bago niya pinunasan ang luha ko.
“Mayroon pero hindi ko lang talaga maiwasan na mag alala para sa kalagayan niya.” aniya dahilan para mapabuntong hininga siya.
“Magiging ligtas si Clevy, nangako siya sa'yo diba? December 24 na ngayon kaya sigurado akong mamaya lang ay nandito na siya. Magtiwala ka lang.” pagpapakalma niya sa akin at gumaan naman ang pakiramdam ko. Tama siya, uuwi si Clevy sa akin ng ligtas dahil nangako siya sa akin. May tiwala ako sa kaniya kaya kailangan ko na lang mag hintay.
Kaagad akong kumuha ng tissue para suminga. Habang nagpupunas ako ay may hindi inaasahan akong napansin sa may leeg ni Miya. Kaagad kong hinawi ang buhok niya at nabigla ako nang makita kong may chikinini siya sa leeg.
“Oh my god Miya. Is that a hickey?” gulat na sigaw ko dahilan para takpan niya ito at namumula siyang umiwas ng tingin sa akin.
“Let me guess, pinagod ka nanaman ng Kuya Stanley kagabi 'no?” kinikilig na saad ko habang si Miya naman ay namumula na ng parang kamatis.
“Wala naman akong choice. Nag chat kase si Daniel kagabi at may sinabi lang siya. Nag I love you siya sa chat tapos nabasa ni Stanley. Ayon nag selos siya at hindi niya ako tinigilan hanggang madaling araw.” pagku-kwento niya dahilan para mapasigaw ako sa kilig. Tama talaga na nagkasama sila sa kwarto. Finally, nagkakaroon na ng progress ang relationship nilang dalawa.
“May pa-sabi sabi pa si Kuya Stanley na ayaw niya sa'yo pero grabe naman mag selos. Napaka indenial talaga ng Kuya kong 'yon.” natatawang aniya bago ako tumayo at umunat.
“Tara kumain na tayo ng breakfast. Maghihilamos lang ako saglit.” saad ko bago ako pumasok sa banyo dito sa loob ng kwarto ko. Kagaya ng dati ay sinimulan ko na ang skincare routine ko.
Matapos akong mag hilamos at magpahid ng mga cream ay lumabas na kami at kumain.
Sa paglipas ng mag hapon ay hindi ako nag e-enjoy. Sa bawat oras na lumilipas ay bumabalik nanaman ang pag aalala ko kay Clevy. Masayang nag lalagay ng mga decorations sila Mom and Dad pati na rin sila Miya at 'yong mga Kuya ko pero hindi ako mapakali.
Maya't maya ko tinitingnan 'yong cellphone ko, nagbabaka-sakaling mag chat si Clevy ng papauwi na siya at makakasama ko na rin siya. Napansin siguro ito ni Mom dahil bigla niya akong tinanong.
“You don't look happy anak? Is there a problem?” tanong ni Mom habang nagbabalot sila ng regalo para sa mga bodyguard namin.
“W—Wala naman po Mom. May iniisip lang ako.” saad ko nang biglang nag salita si Kuya Stanley.
“Iniisip mo si Clevy right? Ilang araw pa lang simula nung umalis siya tapos miss mo na kaagad?” saad ni Kuya Stanley dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
“Oh, that's right. He's currently in a mission right? Kahit ako ay nag aalala na rin sa kaniya. Sana makabalik siya bago mag pasko.” saad ni Dad bago siya tumingin sa orasan.
Patuloy silang nag usap ng nag usap at bumalik na lang ako sa kwarto ko. Lumipas ang ilang oras at alas nwebe na ng gabi. Hindi na ako lumabas ng dinner dahil wala akong ganang kumain.
“It's already 9 PM Clevy. Nasaan ka na?” malungkot na saad ko bago ako tumayo mula sa kinahihigaan ko. Naulan ng snow sa labas pero hindi naman ito sobrang lakas kaya napagpasyahan kong lumabas muna.
Hindi ako nag paalam sa mga magulang ko dahil sigurado akong hindi sila papayag. Pinapasok ni Dad lahat ng bodyguard at nasa may dinning area silang lahat kaya naman kaagad kong kinuha 'yong coat ko at nakalabas ako nang walang nakakaalam sa kanila.
Naglakad ako ng naglakad hanggang sa napadpad ako sa parke kung saan kami nagpunta noon ni Clevy. Naupo ako sa may bench na nasa ilalim ng puno.
Hindi ko alam kung ilang oras rin akong nakaupo lang sa pwestong iyon. Bigla ko tuloy naalala nung umupo kami ni Clevy sa bench na ito at 'yong mga sweet memories namin dito.
“Bakit naman ganiyan ang tingin mo sa akin?” tanong ko habang kumakain ng dango.
“Napakaganda mo talaga babi. Kahit kailan ay hindi ako magsasawang titigan ka.” nakangiting aniya dahilan para mamula ako.
“Nambobola ka pa ha.” natatawang aniya bago ako uminom ng hot chocolate drink ko.
“Anong nambobola babi? Nag sasabi kaya ako ng totoo. Bigla tuloy akong napapaisip dahil napaka swerte ko naman para magkaroon ng magandang girlfriend na katulad mo. Hinding hindi ako magsasawang tingnan ka.” saad niya bago niya hinawakan ang pisnge ko.
“Mahal na mahal kita Serena Vienn Delacroixvern. Ikaw lang ang mamahalin ko at wala nang iba pa.” malambing na saad niya bago niya mabilisang hinalikan ang labi ko at ngumiti.
“Ikaw lang rin ang mamahalin ko Clevion Slater Servantez.” nakangiting saad ko.
Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata habang dinadama ko ang lamig ng paligid. Hinding hindi ko makakalimutan kung papaano siya ngumiti nung mga oras na 'yon. Gustong gusto ko na ulit siyang makita. Nasaan ka na ba kase Clevy? Nangungulila na ako sa presensya at yakap mo.
Habang nakapikit ako ay naramdaman kong may naglalakad papalapit sa akin. Nang imulat ko ang aking mga mata ay may nakatayong lalaki sa aking harapan. Nakasuot ito ng coat, nakalugay ang buhok at may suot siyang salamin.
Nang maaninag ko ang muka niya ay doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko.
“Time check, 12:00 AM December 25. Merry Christmas babi, mabuti na lang umabot ako.” nakangiting aniya dahilan para mas lalo akong maiyak. Kaagad akong tumayo at mahigpit na yumakap sa kaniya.
“Pasensya na kung ngayon lang ako nakauwi babi. Medyo natagalan dahil aware na pala silang nasa France ako. May nagbigay ng tip sa kanila na ako ang makakalaban nila. Pero ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko kaya natapos ko ang misyon na 'yon.” pagku-kwento niya bago niya ako niyakap pabalik.
“Huwag ka nang umiyak babi. Nandito na ako kagaya ng ipinangako ko sa'yo.” nakangiting aniya bago niya pinunasan ang mga luha ko.
“Sobra ang kaba at pag aalala na naramdaman ko babi. Akala ko hindi ka na babalik sa akin.” humahagulgol na saad ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nag hahalo ang saya at gaan ng pakiramdam ko dahil nasa harapan ko na siya at ligtas siya. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon.
“Kapag nangako ako ay palagi kong tinutupad babi. Kaya kapag nangako ako na babalik ako ng ligtas ay asahan mong babalik ako sa'yo ng ligtas. I am a man of my own word saka hindi pa ako pwedeng mamat*y 'no. Papakasalan pa kita at aanakan ng isang dosena.” sa mga oras na 'yon ay natawa siya bago niya ako hinalikan sa noo.
“Mahal na mahal kita Serena. Lahat gagawin ko masigurado ko lang na ligtas ka. Handa akong harapin ang kahit ano pang misyon na 'yan kung ang kapalit nito ay kaligtasan mo.” malambing na saad niya bago niya ako hinalikan sa labi at niyakap ng mahigpit. Bumitaw rin naman kaagad siya bago niya hinawakan ang aking mga kamay at hinalikan ito.
“Tara na bumalik na tayo doon. Sigurado akong nag aalala na sila Mr and Mrs Delacroixvern pati na rin ang mga kapatid mo.” saad niya at tumango na lang ako bilang pag responde.
Hindi naman kalayuan ang parke kung nasaan kami ngayon kaya naman nag lakad na lang kami pabalik sa bahay. Magkahawak ang aming kamay habang sabay kaming naglalakad.
Nawala na ang tinik sa aking puso at naging panatag na ang loob ko dahil kasama ko na siya. Sa lahat ng naging boyfriend ko ay sa kaniya lang ako nag alala ng ganito. Ganito talaga siguro kapag mahal na mahal mo ang isang tao.
Habang naglalakad kami ay tinawag ko siya.
“Clevy.” pag tawag ko sa pangalan niya.
“Hmm? Bakit babi?” tanong niya bago tumingin sa akin.
“Masakit na ba ang paa mo? Gusto mo ba buhatin na kita?” tanong niya pero umiling lang ako.
“Mahal na mahal kita Clevy.” aniya na nagpangiti sa kaniya.
“Mahal na mahal rin kita Serena.” saad niya. Maya maya lang ay nakarating na kami sa tapat ng bahay at nang buksan namin 'yong gate ay nagkakagulo na lahat ng mga bodyguard namin. Nasa likod ako ni Clevy ngayon kaya hindi pa nila ako nakikita.
“Anong nangyayari?” tanong ni Clevy sa isang bodyguard na kasalukuyang nagtatatakbo.
“Nawawala si Lady Serena, Sir Clevy. Tulungan niyo po kaming hanapin siya Sir.” saad nung bodyguard kaya naman sumilip na ako mula sa likuran ni Clevy.
“Nandito na ako kaya hindi niyo na ako kailangan hanapin.” napatigil naman silang lahat sa pag pa-panic at pinapasok na nila kami ni Clevy sa loob.
Doon namin naabutan na halos lahat sila ay nasa phone call at parang pinapahanap na nila ako. Napatigil silang lahat nang makita nilang pumasok na kami ni Clevy.
“Anak!” sigaw ni Mom bago siya tumakbo papalapit sa akin at niyakap niya ako.
“Saan ka ba nagpupupunta Serena? Nag aalala na kaming lahat sa'yo.” saad naman ni Dad bago sila lumapit nila Kuya.
“Nagpahangin lang po ako dyan sa may parke Dad. Saka kasama ko naman po siya.” saad ko bago ako tumingin kay Clevy.
“Nakabalik ka na pala Clevy. Welcome back.” pagbati ni Dad bago kami umupo sa may sofa.
“Kamusta ang misyon Clevy? Mabuti na lang at nakauwi ka na ngayon. Sobrang na miss ka ni Serena at palagi siyang wala sa mood nung wala ka.” saad ni Dad dahilan para mamula ako.
“Talaga po? Sabagay kahit ako naman po ay hindi mapalagay sa misyon ko dahil kaligtasan po ni Serena ang iniisip ko.” aniya bago siya tumingin sa akin at ngumiti.
“Mabuti na lang at natapos na ang misyon mo. Ano bang nangyari doon?” tanong ni Dad.
“Maayos at malinis ko naman pong natapos ang misyon ko Mr President. Medyo natagalan lang po ako dahil may nagtatangkang sumira sa misyon ko. Pero naayos ko naman po ito at nakauwi na ako kagaya ng pangako ko sa anak niyo.” ani ni Clevy bago naglapag si Mama sa may kama.
“Wow that's cool bro. Ano bang klase ng mga tao ang nakalaban mo doon?” tanong ni Kuya Shawn.
“Malalakas sila. Out of 5 mafia leaders na nakalaban ko, tatlo sa kanila ang nanglaban kaya napat*y ko sila at dalawa naman ang sumuko na. Hindi na nila maitutuloy ang masamang balak nila.” pagku-kwento ni Clevy bago siya uminom ng kape.
“By the way Mr President, may importante po akong kailangan sabihin sa'yo. Gusto ko rin po itong sabihin sa harap niyong lahat. ” saad ni Clevy bago siya tumayo.
“Sige, ano ba 'yon?” tanong ni Dad habang ako naman ay nagtataka. Ano kayang sasabihin ni Clevy?
“Mr Simeon Delacroixvern, please give me permission to court your daughter.” halos malaglag ang panga ko sa gulat dahil sa sinabi ni Clevy. Kahit si Mom, Miya, Kuya Simon, Kuya Shawn at Dad rin ay nagulat dahil sa sinabi ni Clevy.
“Alam ko pong napakahalaga ng anak niyo sa inyo at gano'n rin po sa akin. Mahal na mahal ko po si Serena at handa akong gawin ang lahat maging ligtas siya.” saad niya bago yumuko sa harapan ni Dad.
“Handa rin po akong ubusin lahat ng masasamang tao dito sa mundo para lang maging maayos ang buhay ng anak niyo Mr Delacroixvern. Po-protektahan ko po siya sa lahat ng oras at mamahalin araw araw. Kahit ano pong away ay hindi ko susukuan si Serena. Handa po akong harapin lahat ng hamon o pagsubok, payagan niyo lang po ako na ligawan at mahalin si Serena.” saad ni Clevy bago siya tumingin sa akin at ngumiti. Hindi ako makapaniwala dahil sa sinabi niya.
Sinabi niya ng harap harapan sa pamilya ko kung gaano niya ako kamahal. Kahit kailan talaga ay napaka straight forward ng lalaking ito.
“Ibig sabihin ba nito kapag pumayag ako ay pakakasalan mo rin ang anak ko? Handa ka bang maging responsable para kay Serena? Are you willing to sacrifice everything para lang kay Serena?” tanong ni Dad habang ako naman ay kinakabahan sa sasabihin ni Clevy.
“Yes Sir.” hindi na nag dalawang isip si Clevy at sumagot kaagad siya.
“Kahit na ang trabaho mo? Handa ka bang mag resign sa trabaho mo para lang sa anak ko?” muling tanong ni Dad.
“Yes Sir. Kapag sinabi ko pong everything ay lahat talaga. Kung para lang naman po sa anak ko ay handa akong i-risk lahat kahit na ang buhay ko pa.” aniya bago niya hinawakan ang kamay ko at tumayo na rin ako.
“At bakit mo naman gagawin ang mga bagay na 'yan?” Dad asked before raising his eyebrows at Clevy.
“Dahil mahal ko po si Serena.” lakas loob na saad ni Clevy. Dahil sa sinabi niya ay napangiti si Dad at tumayo na rin siya.
“You really never failed to amuse me Clevy. Ipinakita mo sa akin kung gaano mo kamahal ang unica ija ko. Saka kung handa ka naman pa lang gawin ang lahat para sa anak ko, bakit pa ako hi-hindi sa'yo? I'm giving you both permission to continue love each other. Hindi niyo na kailangan pang itago ang relasyon niyo dahil malaya na kayong dalawang mag mahalan at payag na ako sa relasyon niyo.” nakangiting ani ni Dad bago siya nakipag kamay siya kay Clevy.
“Matagal ko nang alam na may namamagitan sa inyo at hinihintay ko na lang na umamin kayo. Basta palagi mong protektahan at alagaan ang anak ko ay masaya na ako.” dagdag pa ni Dad dahilan para sumaya si Clevy. Kahit ako ay sobrang saya ko rin dahil hindi na namin kailangan pang itago ang relasyon naming dalawa.
“Kayo po ba Mrs Delacroixvern?” tanong ni Clevy bago siya tumingin kay Mom.
“Wala ring problema sa akin ang relasyon niyo basta masaya kayong dalawa.” nakangiting saad ni Mom kaya naman mahigpit ko siyang niyakap. Ngayon, permission na lang nila Kuya ang kailangan ni Clevy. Mag sasalita na sana si Clevy nang unahan siya ni Kuya Shawn.
“Okay lang rin sa akin basta huwag mo paiiyakin ang prinsesa namin.” nakangiting saad ni Kuya Shawn.
“Payag rin ako. Basta masaya si Serena.” saad naman ni Kuya Simon bago niya binigyan ng thumbs up si Clevy.
“Kuya?” pagtawag ko kay Kuya Stanley na kasalukuyang nagbabasa ng libro.
“Sure, as long as you'll make Serena happy and safe.” saad niya kaya naman napatalon na ako sa tuwa. Lahat sila ay pumayag na at official na ang relasyon namin ni Clevy.
“Oh ano pang hinihintay natin? Tara i-celebrate na natin ang pasko.” pag aaya ni Mom kaya naman masaya kaming nagtungo lahat sa dining area at kumain na kami. Marami pa kaming masasayang ginawa at nag exchange gift pa. Ito ang pinaka masayang pasko na na-celebrate. Ngayon lang ako naging masaya ng ganito at nagpapasalamat ako sa diyos dahil sa mga nangyari.
To Be Continue×
× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)
By: Yeliah Writes
Wattpad Acc: queen_yeliah
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro