Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

NAKANGITI ako habang pinagmamasdan ko ang natutulog na si Serena. Naka apat na rounds ata kami ngayon kaya pagod na pagod siya. But for some reason, hindi ako pagod. Para bang hindi ako napagod kahit naka ilang round kami.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti tuwing nakikita ko siya. Bigla tuloy akong natatawa kapag naaalala ko 'yong mga araw na sinabi ko pang hindi ako interesado sa mga babae at wala akong balak magka girlfriend. Heto ako ngayon kinakain ko na ang aking sinasabi. Hindi inaasahang nahulog sa napakagandang babaeng ito at hindi ko na maikakaila na mahal na mahal ko siya.

Nalulungkot lang ako kapag naaalala kong ilang beses na siyang gusto ipakasal ni Mr President sa mga anak ng business partners niya. Naiinis ako dahil dapat si Serena ang nagdedesisyon kung sino ang papakasalan niya.

Habang nakatingin ako kay Serena ay biglang tumunog ang cellphone ko na ginagamit ko international kaya naman naging seryoso ang aking nararamdaman. Kaagad ko itong kinuha at sinagot.

“Good Evening Coldicer” pagbati ng lalaki mula sa kabilang linya. Sa boses pa lang nito ay kilala ko na kaagad siya.

“Why did you call me, Doc Monteron?” tanong ko bago pumasok ng banyo dahil baka may makarinig ng pag uusapan namin. Bakit ngayon pa siya tumawag? Huwag nilang sabihin na may misyon nanaman silang ibibigay sa akin?

“I have a mission for you Coldicer. You'll have to go to France for that mission.” aniya dahilan para mabigla ako. What?! I don't want to leave Serena here. Saka magpapasko na, hindi ba pwedeng pagkatapos na lang ng pasko?

“Why me? Marami namang ibang agents ah? Saka nasa Japan ako at kasama ko si Serena.” inis na saad ko. Ang dami ko nang naging misyon dito sa pilipinas tapos gusto rin nila akong bigyan.

“Yeah but they are not available right now?” saad niya dahilan para mainis ako.

“And that's why you chose to bother me instead? Not gonna happen and I'm not taking that mission.”  pagtanggi ko. Ayokong iwanan si Serena dito.

“Wala na kaming ibang matawagan Coldicer. We really need your help for this mission and this is very serious. Mahirap na dahil baka madamay ang bansa natin.” pagpapaliwanag niya. Kahit magpaliwanag pa siya ay hindi ako papayag. It's already Dec 18 at gusto kong makasama ngayong pasko si Serena.

“Why don't you ask that Japanese bastard? Since he is the Number 1 Agent in this International organization.” pagrerekomenda ko sa number 1 agent ng international agent namin.

“Hindi namin ma-contact si Unmasker kaya ikaw ang kinontak namin. Nakikiusap kami sa'yo Coldicer. Para ito sa kapakanan ng bansa natin. Maaaring madamay ang Presidente ng bansa natin dahil puro leader ng bansa ang tinatarget nila.” aniya dahilan para makuha ng atensyon ko. Leader ng bansa? Ibig sabihin maaring madamay si Mr Delacroixvern?

“Wait, if I'm not mistaken anak ni Mr Delacroixvern ang binabantayan mo diba? Since maaring targetin nila si Mr Delacroixvern, pwede rin madamay ang pamilya niya at si Serena.” saad niya kaya naman napaisip ako. Hindi ko maaring hayaan na mapahamak nanaman si Serena.

“Hanggang ilang araw ba ang kakailanganin para sa misyon na ito? Sa tingin mo ba matatapos ko ito bago mag pasko? I really want to spend Christmas with the girl I love.” napabuntong hininga na lang ako habang nagdadalawang isip kung tatanggapin ko ba 'yong misyon. Gusto kong makasama si Serena ngunit ayaw ko namang mapahamak siya.

“Baka mga limang araw lang ay matatapos mo na ang misyon na 'yon. May tiwala kami sa'yo at alam namin na kayang kaya mo 'yan. Do you want me to tell you the details right now?” tanong niya. Kaagad akong lumabas sa banyo at nagsuot ng damit at coat.

“Huwag na. Pupunta na lang ako sa headquarters natin dito sa Japan. Mag padala na kaagad kayo ng helicopter dito sa Tokyo at aalis na rin ako kaagad mamaya. Kailangan kong tapusin ang misyon na ito hangga't maaga.” saad ko bago kumuha ng papel at ballpen. Nag iwan ako ng sulat para kay Serena at ipinaliwag ko kung bakit ko kailangan umalis. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya personal ngunit ayaw ko naman siyang istorbohin dahil alam kong pagod pa siya.

Kaagad akong lumabas ng kwarto ko at pumunta sa isang kwarto kung saan palaging nananatili si Mr Delacroixvern.

Nag paalam ako sa kaniya at sinabi kong kailangan na kailangan kong tanggapin ang misyon na 'yon para sa bansa namin. Wala naman siyang nagawa kung hindi pumayag at umalis na rin kaagad ako. Medyo malapit lang sa lugar na ito ang headquarters namin dito sa tokyo kaya nilakad ko na lang.

Kaagad akong pumasok sa isang abandonadong building at nagtungo sa isang sikretong kwarto na nakatago sa loob ng building na ito. May elevator doon na nagdala sa akin sa underground headquarters namin dito.

“Good Evening Coldicer ” pagbati nila nang makapasok ako sa kwarto kung saan nag me-meeting lahat ng agent na nandito sa Tokyo.

“What's the details about the mission? Tell me know so that I can leave already and finish that mission.” I said as I rolled my eyes. Kakaalis ko lang kanina gusto ko na kaagad makita si Serena.

“Chill Coldicer, kakarating mo pa lang magpahinga ka muna.” saad ng lalaking nakaupo sa isang swivel chair habang nakatalikod. Nabigla ako nang humarap siya at nakita kong si Secre ito. Ugh! This girl again? Why did she have to be here?

“Magpahinga ka kasama ako. Let's have se—” hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na ako.

“No and never! Shut up and I didn't come here for that f*cking reason. Now you, give me the f*cking details so that I can leave now and get that mother f*cking mission done!” I said angrily. Hindi ko na napigilan ang inis ko at napasigaw na ako.

“Oh he's mad. Yari kayo.” natatawang saad ni Xander.

“T—Tatawagin ko lang po si Crimson.” nauutal na saad nung isang lalaki bago siya umalis at naupo ako sa upuan. F*ck this life!

“Why is he acting like that?” tanong naman nung iba pang mga agent na nandito.

“If you don't shut your f*cking mouth, I'll put a bullet in your head.” pagbabanta ko sa kanila.

“Don't be like that Coldicer. And I'm sorry if I interrupted your vacation here.” paghingi niya ng pasensya pero inirapan ko na lang siya. Pinalabas niya lahat ng agents na nandoon maliban sa amin ni Xander.

“I don't care. Just tell me the details now!” I commanded.

“S—Sorry. Here's the details. Five Mafia Organization from around the world are planning to k*ll every leader from each country. Aside from that, sa France sila nagtatago sa ngayon. Doon nila sisimulan ang plano nila at hindi natin maaring hayaan na mangyari 'yon. Your job is to k*ll that five different mafia leader and steal the chip where all of the evidences about their crimes is imprinted. But the problem is we don't know where is their hideout. Nagpadala na kami ng mga ibang agent para mag imbestiga at mahanap ang hideout nila pero magaling sila magtago.” pagpapaliwanag niya sa akin.

“Mas magtatagal lang ang misyon dahil sa ginagawa niyo. Ipaghanda niyo ako sa France ng mga computer na maari kong gamitin sa pagha-hack. Dalhin niyo 'yon sa lugar na walang katao tao and make sure na walang makakaalam na nandoon ako. Isa sa mga agents natin ang nagbibigay ng impormasyon sa kalaban. I already know who is it and I'm gonna send the evidence later.” saad ko dahilan para magtaka si Crimson.

“Paano mo nalalaman kapag may nagta-traydor sa atin?” tanong ni Crimson dahilan para mapangisi ako.

“Hindi mo pa talaga siguro kilala ng buong buo si Coldicer 'no? Aside from being the Master of Disguise, he is also know as the Master Of Hacking.” nakangising saad ni Xander.

“Kung ako nga ang tatanungin niyo ay sa tingin ko mas malakas pa si Clevy kaysa doon sa Unmasker niyo na palaging wala” nakangising ani ni Xander bago siya tumingin sa akin. Alam ko ang iniisip ng lalaking ito at sana huwag niya nang ituloy ang balak niyang sabihin.

Napatakip na lang ako ng kamay sa aking muka bago nagsalita. “I appreciate the awesome introduction Xander but I have to go now. Matagal pa ba 'yong helicopter?” tanong ko kay Crimson.

“Kakarating lang po nila Coldicer. Nasa taas na po sila ngayon.” saad niya kaya naman kaagad na akong umalis doon at bumalik sa taas. Doon ko naabutan ang helicopter na kasalukuyang hinihintay na ako.

Kaagad akong sumakay at nagsimula na itong lumipad.

_

_

SERENA VIENN'S POV:

NAGISING ako nang maramdaman ko ang sinag ng araw. Panibagong araw nanaman at parang gusto ko ulit mag gala. Akmang yayakapin ko na si Clevy nang maramdaman kong wala na siya sa higaan. Nasa labas na siguro siya ngayon. Kaagad akong nag bihis para kumain na ng breakfast

“Good Morning Dad.” bati ko kay Dad nang makalabas ako sa kwarto ko.

“Good Morning Serena.” pagbati ni Dad pabalik. Wala sila Mom at 'yong tatlong Kuya ko ngayon dito. At saka bakit wala rin si Clevy?

“Wala ang Kuya Shawn at Kuya Simon mo ngayon dito. May pinuntahan sila at kasama nila ang Mom mo.” saad ni Dad na para bang nabas niya 'yong nasa isip ko. Ang daya naman hindi ako sinama.

“Eh si Clevy Dad? Kasama rin ba siya nila Mom?” tanong ko bago umupo sa may bangko para mag breakfast. Napatigil si Dad sa pag inom ng kape bago siya tumingin sa akin.

“Umalis siya Serena. May naging urgent mission si Clevy at sobrang importante nito kaya umalis siya. Kaya sa ngayon ay 'yong normal bodyguard na lang muna natin ang makakasama mo everytime na lalabas ka.” pagpapaliwanag niya dahilan para mapako ako sa kinatatayuan ko. U—Umalis si Clevy? Pero bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit hindi niya ako ginising?

Sa mga oras na ito ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nalulungkot ako dahil hindi man lang siya nag paalam sa akin at natatakot din ako at the same time dahil baka mapahamak siya sa misyon niya. Bigla akong nawalan ng gana kumain kaya bumalik na lang ako sa kwarto ko.

Nang makapasok ako sa aking kwarto ay naupo ako sa kama at napatulala na lang sa kung saan. Habang nakatingin ako sa may bintana ay nahagip ng mata ko ang isang papel na may pangalan kong nakasulat. Kaagad akong tumayo at kinuha ito. Nabigla ako nang makita kong sulat ito ni Clevy.

_

Dear Babi,

I'm sorry dahil kinailangan kong umalis ngayon para sa misyon na ito. Sasabihin ko na lang ang detalye sa'yo kapag nakabalik na ako dyan. Ginagawa ko ito para maging ligtas ka dahil hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa'yo. I promise that I will be back before Christmas and I will celebrate it with you. Be safe and always remember that I love you so much.

Nagmamahal,
Clevy

_

Napangiti naman ako dahil sa letter niya. Hindi man siya nakapag paalam sa akin ng personal pero sinulatan naman niya ako. Panatag na ang loob ko ngayon at hindi na ako malungkot. Ang hinihiling ko lang sa ngayon ay makabalik siya sa akin ng ligtas.

Kaagad akong lumabas ulit ng aking kwarto para magkape na. Wala na si Dad nang makalabas ako kaya kaagad akong naglakad papaunta sa may kusina. Akmang papasok na ako doon nang may marinig akong nag uusap. Kaagad akong sumilip sa may pinto at nagulat ako sa nakita ko.

“Why are you talking to him huh? Sino 'yong lalaking ka video call mo?” inis na saad ni Kuya Stanley habang nakakulong sa bisig niya si Mia na ngayon ay mukang hindi alam ang gagawin.

“W—Wala 'yon Stanley. Kinamusta lang ako ni Daniel.” kinakabahang aniya habang pinipilit niyang umalis sa pagkakakulong niya sa bisig ni Kuya Stanley. Daniel? Si Kuya Daniel ba? 'Yong pinsan ni Mia? Ohh, I smell jealousy.

“And who the f*ck is Daniel? Is he your boyfriend or something?” taas kilay na tanong niya bago mahigpit na hinawakan ang braso ni Mia.

“S—Sandali nasasaktan ako Stanley.” aniya at akmang papasok na ako para tulungan si Miya nang bitawan siya ni Kuya Stanley. Dahan dahan niyang hinawakan ang pisnge ni Mia bago niya ito hinalikan.

“I'm sorry. I just don't like it when you talk to other guys.” malambing na saad ni Kuya bago niya niyakap si Mia. T—Teka? Ano itong nakikita ko? Anong nangyari kay Kuya Stanley? Bakit parang sweet niya kay Mia? May something siguro ang dalawang ito.

“Let's go back to our room.” aniya bago niya muling hinalikan at akmang lalabas na sila sa may kusina kaya naman tumakbo ako papunta sa may sala para hindi nila makitang nakikinig ako sa usapan nila.

Mapapa sana all na lang ako sa kanilang dalawa. Sayang wala si Clevy dito dahil wala akong lalambingin. Masaya pa rin ako dahil nangako naman siya na babalik siya bago mag pasko.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro