Chapter 14
KASALUKUYAN akong nag iimpake ng mga damit ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa no'n si Miya. Nagulat ako nang bigla siyang tumakbo papalapit sa akin bago niya ako niyakap.
“Thank you so much beh. Sobrang saya ko talaga na makakasama ko ngayong pasko ang kuya mo.” saad niya. Hindi halatang sobrang saya niya ngayon ah.
“Oo na lang beh. Saka sinama talaga kita para naman ma stuck si Kuya sa'yo ng kahit ilang araw. Wala na kase 'yong ginawa kung hindi sungitan kami dito.” aniya bago ko isinara ang suitcase ko.
“Pero beh, baka sungitan niya nanaman ako. Alam mo naman 'yong kuya mo na 'yon ay lagi na lang hindi pinapansin ang pagmamahal ko sa kaniya.” saad niya habang umaarte na nasasaktan siya. Hindi talaga ako nagkakamali, sigurado akong siya ang mapapangasawa ni Kuya Stanley soon.
Kahit naman kase kami ni Mom, Dad, Kuya Simon and Kuya Shawn ay si Miya ang gusto para kay Kuya Stanley.
“Kaunting lambing pa beh at matutunaw na rin sa'yo 'yon. Saka pakinggan mo ito bagay na bagay. Zhamiah Coleen Delacroixvern, oh diba bagay?” saad ko na nagpakilig naman sa kaibigan kong maypagka delulu.
“Kyahh! Beh bagay na bagay, waiting maging soon to be hipag mo soon.” Natawa na lang ako dahil lumalabas nanaman ang pagiging delulu niya. Kahit na may pagka-delulu ang babaeng ito ay mahal na mahal ko pa rin talaga siya. Siya ang tagalinis ng mga kalokohang ginagawa ko kaya naman thankful na thankful ako sa kaniya.
“Pero beh, papaano kung may mahal na pa lang ibang babae si Stanley? What if may nagugustuhan na siyang ibang babae? Paano na ako?” sunod sunod na tanong niya. Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi niya. Bukod kase sa pagiging delulu niya minsan ay may pagka overthinker rin siya. Parehas na parehas sila ni Clevy. Delulu ft Overthinker.
“Wala 'yon. Bukod sa akin at kay Mom, sa'yo lang siya lumalapit Miya. Parang allergic siya sa babae at ayaw na ayaw niya ng hinahawakan siya.” saad ko kaya naman napahinga siya ng maluwag. Akala mo naman maaagawan siya eh.
“Sigurado 'yan hane? Kakatapos ko lang kase mag overthink kagabi dahil nakita ko si Stanley na may kasamang ibang babae kahapon.” aniya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Seryoso ba? Sino kaya ang babaeng 'yon?
“Weh? Seryoso beh?” tanong ko at tumango na lang siya.
“Hayaan mo na 'yon beh. Nakausap lang naman 'yon ni Kuya. Ikaw makakasama mo si Kuya Stanley mamaya at magkalapit pa ang seat niyo sa eroplano.” saad ko na nagpalawak sa ngiti niya. Nagulat naman ako nang dambahan niya ako bago mahigpit na niyakap.
“Mahal na mahal talaga kita Serena.” masayang saad niya.
“Oo na beh. Saka balak ko nga pa lang mag gala pagkarating natin doon, sasama ka ba?” tanong ko sa kaniya. Matagal niya na rin pangarap pumunta ng Japan kaya balak kongvmag gala gala kami.
“Oo naman 'no! Saka gusto ko rin kumain nung mga masasarap na pagkain doon.” saad niya nang biglaang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Clevy. Kausap niya kase kanina si Dad kaya hindi na niya ako natulungan mag impake ng mga gamit ko.
“Natapos ka na kaagad babi?” tanong niya bago isinarado ang pinto. Kaagad siyang lumapit sa akin at madiin niyang hinalikan ang labi ko bago ako niyakap. Nagtaka naman ako dahil bakit parang biglaan ata ito.
“Ehem, ehem po. Grabe naman kayong dalawa sa harap ko pa talaga. Mas lalo tuloy akong nagmumukang single dito.” nakangusong saad ni Miya dahilan para matawa kami ni Clevy.
“Don't worry magiging taken ka na rin soon. Taken by Sir Stanley.” pang aasar ni Clevy at namula naman ang babaita.
Walang ibang nakakaalam sa relasyon namin ni Clevy bukod sa aming dalawa at kay Miya. Siya lang pinagkakatiwalaan namin ni Clevy na hindi ipagsasabi ang tungkol doon.
“Nga pala babi, pinapababa na tayo ni Ma'am Veronica dahil aalis na raw tayo.” saad ni Clevy kaya naman lumabas na kami sa kwarto ko. Naabutan namin na nandoon sa sala sila Kuya Simon, Kuya Shawn at Kuya Stanley.
“Where's Mom and Dad?” tanong ko nang makababa kami.
“They are already outside, why do you have to be so slow Serena? Palagi na lang ikaw ang nahuhuli sa atin.” inis na saad ni Kuya Stanley.
“Stop being a bastard and let's just go. Kailangan na natin umalis.” saad ni Kuya Simon bago tumayo at lumabas na kami.
“Let's go na. We have to be there before 3 PM because we're going to meet the Head of Masayoshi Family.” saad ni Dad. Ha?
“Masa—what? Sorry Dad parang ang hirap intindihin no'n.” saad ko habang si Clevy naman ay nagpipigil na tumawa. What so funny about that?
“Ma-sa-yo-shi anak. They are the most richest and powerful family in Japan. And I was also hoping that you and his heir could be married someday.” saad ni Dad kaya naman nainis ako. Ilang beses ko ba uulitin sa kanila na wala akong balak magpakasal sa iba. Nasasawa na ako kakasabi nila na ipapakasal nila ako sa anak ng mga mayayaman na kaibigan nila.
Alam kong nasasaktan si Clevy tuwing sinasabi nila sa akin na gusto nila akong ipakasal sa ibang lalaki. Nangako ako kay Clevy na ipapakilala ko na siya soon bilang boyfriend ko at tutuparin ko 'yon.
Napatingin naman ako kay Clevy at halatang halata sa mata niya na medyo nasaktan siya.
“Huwag mong pakinggan ang sinabi ni Dad.” bulong ko sa kaniya at tumango naman ito. Gustong gusto ko hawakan ang kamay niya ngayon ngunit hindi maaari dahil nandito sila.
Sumakay na kami kaagad sa kotse. Habang nasa biyahe kami ay napansin kong maraming sasakyan ang nakapalibot sa sasakyan kung nasaan kami. Mayroong tatlo sa likod, dalawa sa magkabilang gilid at dalawa sa unahan.
“Kailangan ba Dad na palaging may nakapalibot sa sasakyan natin mga ganiyan?” tanong ko.
“Oo anak kailangan talaga 'yan. Nakapalibot sila sa atin para maprotektahan tayo lalo na ang Dad mo dahil siya ang Presidente ng bansa natin.” pagpapaliwanag ni Mom kaya naman sumandal na lang ako. Kalapit ko si Clevy at Miya ngayon habang nasa may likuran namin si Kuya Stanley, Kuya Simon at Kuya Shawn. Nasa may harapan namin ni Mom at Dad na para bang naglalambingan pa.
Maya maya lang ay nakarating na kami sa may airport. Akala ko naman ay pipila kami para sumakay sa ordinary plane pero dinala na kaagad nila kami kung saan lumulipad ang mga eroplano. Oh, I almost forgot that we can't use ordinary plane because of my Father's safety. Marami na rin kaseng maaring manakit kay Dad kaya naman kahit saan siya pumunta ay marami siyang kasamang bodyguard.
“Good Morning President Delacroixvern. Naayos na po namin lahat at maari na po kayong pumasok.” saad nung isa sa mga flight attendant bago kami pinapasok sa loob. Kinuha na nila ang mga bagahe namin at nag proceed na kami sa mga upuan namin. By two's ang seat kaya naman magkalapit kami ni Clevy, magkalapit si Mom at Dad tapos Magkalapit si Kuya Simon at Kuya Shawn. Napatingin naman kami kay Kuya Stanley at Miya na nagtititigan pa.
“What are you waiting for Kuya and Miya? Maupo na kayo at aalis na tayo.” nakangising aniya kaya wala naman silang nagawa kung hindi umupo. May iba pang seat pero doon namin pinaupo ang iba pang mga bodyguard na kasama namin hanggang Japan.
Medyo matatagalan pa raw kami bago makarating doon dahil 3 to 4 hours raw ang biyahe. Nag suot ng headphones si Clevy at gano'n na lang rin ang ginawa ko. Napagpasyahan kong matulog muna para may energy ako mamaya kapag nakarating na kami sa Japan.
_
NAGISING ako nang tapikin ako ni Clevy. Mula sa hindi kalayuan ay nakikita na namin Japan. Kaagad niya akong inabutan ng tissue dahilan para magtaka ako.
“Para saan 'yan?” tanong ko habang nakatingin sa tissue na hawak niya.
“Tumulo ang laway mo Ms Serena. Mukang napasarap ata ang tulog mo.” saad ni Ckevy habang nagpipigil siyang tumawa. Kaagad ko namang kinuha ito at nagpunas.
“Don't worry ang cute mo pa rin naman kahit tulo laway ka babi.” bulong niya bago pinisil ang pisnge ko. Maya maya lang ay nagsalita na ang piloto na pababa na ang eroplano sa may landing area.
Tumayo na kami kaagad nang matapos nang makababa ang eroplano sa lupa.
Naunang bumaba ang mga bodyguard at naglatag muna sila ng Red Carpet at bumaba na kami doon. Sa hindi kalayuan ay may naghihintay na sa aming dalawang sasakyan at may mga japanese na nandoon.
“Ohayōgozaimasu Mr Delacroixvern, Nihon e yōkoso (Good morning Mr. Delacroixvern, welcome to Japan)” bati nung isang japanese kay Dad nang makarating kami sa may kotse.
“Ohayō. Kōshitsu no tōshu no tokoro ni dōkō shite kureru no wa anatadesu ka? (Good morning. Are you the one who will accompany us to the Head of the Imperial family?)” napatingin na lang ako sa kanila dahil wala akong naintindihan. Dapat pala nakinig ako sa Japanese class ko noon. Palagi ko kang kaseng binabato ng kung ano ano 'yong mga teacher ko noon.
“Ano raw?” tanong ko kaya naman natawa si Clevy.
“You're Father asked him if he's the one who will accompany us to meet the Imperial Family.” saad ni Clevy dahilan para mamangha ako. Marunong pala siya mag Japanese?
“Oh, you know how to speak Japanese too Clevy?” tanong ni Dad.
“Yes Sir, I can speak different languages.” aniya dahilan para mamangha rin sila.
“Let's go now, aalis rin kase mamaya 'yong Head ng Imperial Family kaya kailangan na natin siyang puntahan ngayon.” saad ni Dad dahilan para magtaka ako.
“Teka lang Dad, akala ko ba Masayoshi Family ang pupuntahan natin? Bakit naging Imperial Family?” tanong ko.
“Masayoshi talaga 'yon. But we also call them Imperial Family for a reason.” saad ni Dad bago siya pumasok sa unang kotse. Sumunod na sila Kuya, Miya at Mom at napuno na ito.
“Sa kabilang kotse na lang kami Dad.” saad ko habang nakatingin doon sa lalaking kanina pa nakatingin kay Clevy. Problema no'n?
Pumasok na kami ni Clevy sa loob ng sasakyan at nagsimula na itong magmaneho. Nabigla ako nang mag salita 'yong driver at kinausap naman ito ni Clevy. Wala akong maintindihan sa pinagsasasabi nila kaya nakatingin na lang ako sa kanila.
“Anong sinasabi niya?” tanong ko kay Clevy nang hawakan niya ang kamay ko.
“He was just asking something and it's not important. Kapag nakarating na tayo sa place kung saan tayo mananatili ay magpahinga na tayo. Gusto ko ulit makipag cuddle sa'yo.” pag lalambing niya bago niya ako hinalikan sa labi.
“Magpapa-baby ka nanaman sa akin 'no?” natatawang tanong ko.
“Oo naman babi. Sa'yo lang ako magpapa-baby at ako lang ang dapat mong i-baby.” nakangusong aniya bago niya ako muling hinalikan sa labi.
Maya maya lang ay tumigil kami sa isang napakalaking mansion. Pinagbuksan kami ng pinto at lumabas na rin kami kaagad. Bumaba na rin sila Dad at naglakad na kami papasok. Sobrang laki naman nito. Para bang mas malaki ito ng kaunti kaysa sa mansion namin.
Doon sumalubong sa amin ang mga maids at binati kami ng mga ito.
“Just to be clear, hindi tayo dito mag s-stay. Pupuntahan ko lang dito ang Head ng Masayoshi dahil may kailangan kaming pag usapan na sobrang importante.” saad ni Dad nang biglang bumukas ang malaking pinto at iniluwa noon ang isang hindi katandaan na Japanese. Napatingin siya sa gawi namin ni Clevy kaya nagtaka ako pero hindi ko na ito pinansin.
“I'll be speaking english for you to understand me. Welcome to the Mansion of Masayoshi Family.” aniya bago niya kami pinapasok sa loob. Ang daming magagandang gamit doon at malalaking painting.
“It's been a long time since I last visit here Clarivier. By the way, where is your son?” tanong ni Dad habang pinagmamasdan namin ang paligid.
“He's not here right now, he's in the Philippines. But he'll be back here soon before he became the new Head of Masayoshi Family.” pagpapaliwanag ni Mr Clarivier.
“This portrait is so beautiful. This is Siviera right?” tanong ni Dad. Napanganga na lang ako nang makita ko ang isang napakalaking painting ng magandang babae. Sobrang ganda ng pagkaka-portrait at halatang expert na expert ang gumawa no'n.
“Yeah, my son misses her Mother so much that's why he painted her when he visits here last January.” Grabe naman ang mansion na ito. Parang ang sarap mag ikot ikot dito dahil sa ang daming magagandang bagay na makikita.
“Feel free to roam around here while me and Simeon are talking privately.” saad ni Mr Clarivier bago sila pumasok ni Dad sa loob ng library.
“Beh ang ganda naman dito. Tingnan mo 'yong mga gamit halatang mamahalin.” saad ni Miya. Kaagad kaming nag gala at nang makarating kami sa may lugar kung saan walang masyadong tao ay bigla akong hinalikan ni Clevy. Nagulat naman at dahil pasimple pa talaga ang lalaking ito.
Hindi rin naman nagtagal ang pag uusap ni Mr Clarivier at umalis na kami doon. Sa isang hindi kalakihang bahay kami dinala ni Dad at sinabi niya na doon muna kami mananatili hanggang pasko. December 16 pa lang ngayon kaya naman maraming araw pa kaming maaaring mag gala at mag explore dito sa Japan.
“There is only 4 bedrooms here. Lahat 'yon ay solo lang ang kama pero malaki naman. That means, dalawang tao ang mag sha-share sa isang kwarto.” saad ni Dad.
“Clevy you'll be sharing a bedroom with Serena. Hindi ka maaring umalis sa tabi ni Serena kahit nasa Japan tayo. Kami ng asawa ko ang magkalapit. Kayong apat, sino sino sainyo ang magkakalapit?” tanong ni Dad kay Kuya Simon, Kuya Shawn, Kuya Stanley at Miya.
“Kami na lang ni Kuya Simon ang share sa bedroom tapos si Miya at Stanley doon sa kabila.” saad ni Kuya Shawn dahilan para tumanggi si Kuya Stanley.
“What? No! Kalapit ko na nga ang babaeng 'yan kanina sa eroplano tapos magkalapit pa kaming matutulog?” pag rereklamo ni Kuya Stanley dahilan para mapayuko si Miya.
“Oh, ibig sabihin ba niyan ayaw mong makalapit si Miya?” tanong ni Kuya Shawn at akmang sasagot na si Kuya Stanley ng unahan siya ni Kuya Simon.
“Don't worry it's okay. Kayo na lang ni Shawn ang mag sama sa isang kwarto tapos kami na lang ni Mi—” hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang biglang mag salita si Kuya Stanley.
“No!” saad nito dahilan para mabigla kami.
“Okay, edi kami na lang ni Miya ang magkalapit at kayo na lang ni Kuya Simon.” saad naman ni Kuya Shawn.
“Still no!” aniya dahilan para hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya si Dad.
“Ang gulo mo Stanley. Ayaw mo akong kalapit, tapos ayaw mo rin kay Shawn at Miya?” natatawang saad ni Kuya Simon.
“Baka ayaw ni Stanley ng may kalapit. Dito na lang po ako sa may sala matutulog.” saad ni Miya bago pinilit na ngumiti.
“Absolutely no! Kuhanin mo 'yong mga gamit mo at papasok na tayo sa kwarto natin.” inis na saad ni Kuya Stanley bago siya pumasok sa loob ng kwarto nila. Napangiti naman si Miya at kalaunan ay sumunod na rin.
“Ang gulo talaga ng kapatid niyong 'yon 'no?” tanong ni Mom dahilan para matawa kami. Well hindi nagkakamali si Mom doon.
“Halata naman kase na may something siya kay Miya ayaw niya pang aminin.” saad ni Kuya Shawn at sumang ayon naman si Kuya Simon.
“Well hayaan niyo na sila at magpahinga na kayo sa sari-sarili niyong kwarto.” saad ni Dad kaya naman pumasok na kami ni Clevy kung saan kami magpapahinga. Kaagad niyang nilock ang pinto nang makapasok kami at mahigpit akong niyakap.
“Gusto ko na agad makipag cuddle sa'yo babi.” saad ni Clevy.
“Oo na babi wait lang po. Medyo inaantok rin ako eh kaya matulog muna tayo.” aniya bago ako humiga sa may tabi niya at yumakap siya sa akin.
Nakakapagod ngayong araw kaya naman napagpasyahan ko munang matulog.
_
SOMEONE'S POV:
MY suspicion was right. They have a relationship and I have to stop it. I don't understand why did she have to fall Inlove with that lowlife bodyguard.
I'm going to do everything just to break their relationship. He is not the one for him and he doesn't deserve her. There relationship was just a waste of time.
To Be Continue×
× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)
By: Yeliah Writes
Wattpad Acc: queen_yeliah
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro