Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

“Serena.” Masayang ani ni Dad nang makapasok na kami ni Clevy sa mansion. Kakauwi lang namin ngayon at base sa hitsura nilang lahat ay alam nila ang nangyari sa akin.

“Are you okay? Did they hurt you? Are you hurt?” Sunod sunod na tanong ni Dad sa akin bago niya ako niyakap. Kaagad naman na lumapit rin sa amin si Mom at mahigpit niya rin akong nayakap.

“I'm fine Dad. Hindi naman nila ako nasaktan dahil iniligtas kaagad ako ni Clevy.” Aniya kaya kaagad namang nagpasalamat ang mga magulang ko kay Clevy.

“It must be hard being the president's daughter huh? Being kidn*pped all the time just because they want to get money from us.” Saad ni Kuya Simon bago siya lumapit sa akin at hinaplos niya ang aking buhok.

“Mag iingat ka sa susunod Serena.” Aniya dahilan para mapangiti ako. Kahit may pagkababaero si Kuya ay mabait pa rin talaga siya. Sana makahanap siya ng babaeng mamahalin niya ng seryoso.

“Tsk. She's just reckless kaya nangyari 'yan sa kaniya.” Biglaang singit ni Kuya Stanley dahilan para samaan siya ng tingin ni Kuya Simon.

“Unexpected ang pangyayari kaya hindi siya nakapaghanda Stanley. Palibhasa hindi ka pa naki-kidn*p kaya ang dami mong sinasabi.” Saad ni Kuya Simon bago niya inirapan si Kuya Stanley.

“I agree Kuya Simon. Lalaki tayo bro at babae si Serena kaya bilang mga Kuya niya ay kailangan natin siyang protektahan.” Saad naman ni Kuya Shawn bago siya lumapit sa akin.

“Be careful next time little sis.” Aniya bago siya humarap kay Clevy. “Thank you for saving our little sister.” Pagpapasalamat niya.

“It's my job to protect Ma'am Serena so I'll do anything to save her.” Aniya bago niya ito nginitian.

“Mukang hindi ako nagkamali na piliin ka bilang bodyguard ng anak ko. Good job Clevy, mapagkakatiwalaan ka talaga namin sa anak namin.” Pagpuri ni Dad kay Clevy bago niya hinawakan ang balikat nito.

“You must be tired anak. Gusto mo na bang magpahinga?” Tanong ni Mom kaya agad naman akong tumango. Well nakakapagod naman talaga kase gawa nang ilang oras rin akong nakatali doon 'no. Ang baho pa sa lugar na 'yon.

“I'll be accompanying Ma'am Serena to her room. Goodnight everyone.” Saad ni Clevy bago kami umakyat papunta sa may kwarto ko. Nang makapasok kami sa loob ay nabigla ako nang yakapin niya ako bago hinalikan sa labi.

“Bakit mo ako niyayakap?” Tanong ko sa kaniya bago ko isinara ang pinto. Kaagad kaming humiga sa may kama at mahigpit siyang yumakap sa akin.

“Nothing, I just missed you so much. Alam mo naman, ilang oras din tayong hindi nagkita.” Aniya dahilan para matawa ako. Grabe naman siya hindi pa nga nag iisang araw eh.

Sobrang saya ko ngayon dahil nailigtas niya ulit ako. Hindi ko naman kase inaasahan na maki-kidn*p nanaman ako. Sanay na ako sa mga pangyayaring gano'n dahil simula pagkabata ko ay nangyayari na 'yon sa akin.

“Babi?” Pag tawag niya sa akin habang nakahiga kami.

“Bakit?” Tanong ko sa kaniya habang hinahaplos ko ang buhok niya.

“Galit ka ba sa akin?” Tanong niya dahilan para magtaka ako. Ha? Ako galit? Bakit naman? May dapat ba akong ikagalit?

“H—Hindi naman. Saka bakit naman ako magagalit sayo?” Nakakabigla naman itong lalaking 'to. Bigla bigla na lang nagtatanong kung galit ba ako. Dahil ba nakasimangot ako kanina?

“Akala ko galit ka sa akin dahil nagsinungaling ako sayo. I hide my identity as Iceron to you. I don't really like lying to you but what choice did I have? Saka huwag mo nang isipin na maghahanap pa ako ng iba. Ikaw na 'yan oh, maghahanap pa ba ako ng iba? Sobra sobra na nga ang binigay sa akin ni Lord noong dumating ka sa akin eh.” Aniya na nagpangiti sa akin.

“Alam ko naman na hindi ka na maghahanap ng iba 'no! Masyado ata akong maganda para magloko ka.” Pagyayabang ko na nagpatawa sa kaniya.

“Opo babi. Sayo lang naman ako basta sa akin ka lang. Hindi naman ako magloloko kaya dapat sa akin ka lang ha. Ayaw ko ng may kahati kase madamot ako. Saka kapag nalaman kong may kahati ako sayo, hahatiin ko ang katawan niya gamit ang katana. May collection ako ng gano'n kaya huwag niya akong susubukan.” Pagbabanta niya dahilan para malunok ko ang sarili kong laway. Grabe naman 'yong hahatiin ang katawan eh. Saka kahit naman hindi niya sabihin 'yon ay hindi na ako mahahanap ng iba.

“Marunong ka rin pala gumamit ng katana?” Tanong ko bago siya tumingin sa akin.

“Oo naman mahal. Lahat ata ng mga armas ay kaya kong gamitin. Mapa—baril, katana, kutsilyo at iba pa. Ako 'yong tipo ng lalaki na nag aral gumamit ng gano'n para sa misyon at sa babaeng mamahalin ko upang maprotektahan ko siya. At ang babaeng 'yon ay ikaw Serena.” Aniya dahilan para mamula ang pisnge ko dahil sa kilig na nararamdaman ko. Bakit ba palagi na lang ako pinapakilig ng lalaking ito?

“Bakit namumula ang babi ko? Kinikilig ka nanaman sa akin 'no?” Tanong niya bago niya hinalikan ang labi ko.

“F*ck. I'm getting addicted to your lips babi. Can I kissed it again? One more time please.” Pamimilit niya kaya naman pinagbigyan ko na. Ito na lang ang reward na ibibigay ko sa kaniya matapos niya akong iligtas.

“Sige pero kiss lang ha? Huwag mong ipapasok ang kamay mo sa damit ko.” Taas kilay kong saad sa kaniya. Ilang beses na rin kase ako naii-scam ng lalaking ito. Halik lang daw pero iba na 'yong ginagawa niya pagkatapos ng limang minuto. Napanguso naman siya dahil sa sinabi ko pero kaagad niyang sinunggaban ang aking labi at madiin niya akong hinalikan.

Dahan dahan ang paggalaw ng labi niya kaya naman sinabayan ko siya. He's so gentle and caring and I think I he's the one for me.

Ngunit napatigil ako sa pag iisip nang maramdaman kong gumagapang nanaman ang kaniyang kamay sa aking hita kaya naman bumitaw ako sa halikan namin.

“Oops. Akala ko ba halik lang? Scammer ka talagang lalaki ka!” Saad ko dahilan para mapangisi siya.

“Babi why can't we do it? I want to make love with you please.” Aniya na para bang nagmamakaawa kaya naman napabuntong hininga na lang ako.

“1 round only ha? Kapag sumobra ka hindi na kita ulit papayagan.” Saad ko at parang bata naman siyang tumango tango bago niya sinimulang tanggalin ang butones ng suot niyang damit.

“I love you Serena.” Aniya bago niya pinaghiwalay ang dalawa kong hita at hinalikan niya ito.

“Alam ko. Kahit sino naman mamahalin ako eh.” Saad ko pero sinimangutan niya lang ako.

“Eto naman hindi mabiro. I love you too.” Aniya bago niya na sinimulan ang kababalaghan na gagawin namin.

_

“Why Clevy? Bakit hindi mo ako mapagbigyan ngayong araw? Gusto lang naman kita makasama ah? Ilang araw na kitang sinasabihan ano ba kase ang kailangan mong gawin na importante? Mas importante pa ba 'yan kaysa sa akin?” Galit na sigaw ko sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinigawan ko na siya. Gusto ko lang naman siya makasama ng kahit limang oras pero ayaw niyang pumayag. Halos isang linggo na ang nakalipas simula no'ng huli pa kaming nakasama.

Palagi siyang wala dito dahil sa may mission siya. Nung una okay pa sa akin pero hindi ko an siya naabutan na umuuwi ng gabi. Minsan pa nga ay hindi na siya umuuwi ng gabi. Gustong gusto ko siyang mayakap at makasama pero palagi siyang busy. Ilang araw akong nagtiis na wala siya tapos hindi niya pa rin ako mapagbigyan?

“Serena I promise babawi ako sayo pagkatapos ng mission ko na ito. Huwag ka naman magalit sa akin.” Pagmamakaawa niya pero masyado akong galit para makinig sa kaniya. Ilang araw na niyang sinasabi ito sa akin at nagsasawa na akong marinig ito.

“Huwag akong magalit? Nakakainis na Clevy! Ni kahit nga message o tawag hindi mo ginagawa eh. Hindi mo ba alam na nag aalala rin ako para sayo? Bakit ba ganiyan ka ngayon ha? Akala ko ba mas mahalaga ako kaysa sa misyon mo?” Sigaw ko sa kaniya dahilan para mapabuntong hininga siya.

“Please Serena kung gusto mo makipag away huwag muna ngayon. May kailangan pa akong puntahan mamayang gabi. Intindihin mo naman ako kahit ngayon lang.” Saad niya dahilan para masa lalo akong mainis.

“Anong pag intindi pa ba ang gusto mo? Ginawa ko na ang lahat ng pag intindi Clevy. Bakit ako hindi mo maintindihan? Oras lang naman ang hinihingi ko sayo ah?”

“Don't be selfish Serena. Aalis na ako ngayon, mag usap na lang tayo kapag kalmado ka na.” And just like that, umalis na siya at iniwan niya ako. Ang galing diba? Hindi man lang siya nag sorry sa akin?

Sa sobrang inis ko sa kaniya ay binlock ko ang number niya sa cellphone ko pati na rin sa mga social media accounts ko.

Inaya ko sila Sevy ngayon na gumala kaso mga busy sila. Kaya ang naiisipan kong ayain naman ngayon ay sila Kathlea. Baka wala silang ginagawa ngayon kase balak ko silang ayain uminom. To my surprise, pumayag si Kathlea at Czarina pero si Hailey naman ay hindi dahil buntis siya at bawal uminom ng alak. Naintindihan naman namin siya kaya hindi na namin siya pinilit.

Sinend ko na sa kanila 'yong location kung saan saan kami magkikita mamaya. Sa ngayon, maghahanap muna ako ng susuotin.

Makalipas ang ilang oras ay nakapag bihis na ako at kasalukuyang papunta na kung saan kami magkikita kita. Papunta na raw si Kathlea at si Czarina naman ay nagbibihis lang.

“Kuya I'll be going out with Kathlea and Czarina.” Pagpapaalam ko kay Kuya Simon na kasalukuyang nanonood sa Tv.

“Sure little sis. Basta iupdate mo lang kami every hour para masigurado namin na ligtas ka. At kung sakali man na uuwi kang lasing, sa akin ka na magpasundo dahil wala akong tiwala sa iba pa nating bodyguard except do'n sa bodyguard mo na si Clevy.” Aniya bago Ibinalik ang tingin niya sa tv. Hindi ko alam pero bigla akong nainis nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ni Clevy.

“Don't be overprotective Kuya. Pupunta lang naman 'yan ng bar at makikipag kita sa mga babaeng kaibigan niya.” Saad ni Kuya Stanley sabay irap. Kahit kailan talaga nakakainis itong lalaking 'to. Palagi na lang siyang nakakahanap ng pabalang na isasagot sa mga sasabihin sa amin. Pinaglihi ba siya ni Mom sa sama ng loob? Para atang napasobra 'yong sama ng ugalu niya eh. Kaya nga nagtataka ako nang magustuhan siya ni Miya eh.

“It's our duty to be protective by our little sister Stanley. Stop with your attitude dahil hindi nakakatuwa. Paano kung mapahamak ang kapatid mo? Wala ka man lang bang mararamdaman? Ganiyan ka ba ka manhid? Ngayon sigurado na ako na walang babaeng magkakagusto at tatagal sayo dahil sa ugali mo.” Saad naman ni Kuya Shawn bago siya lumapit sa akin.

“Mag ingat ka ha. Kapag may bumastos sayo doon sabihin mo lang sa akin babal*in ko lahat ng buto niya.” Pagbabanta niya habang nakangiti habang ako naman ay kinabahan. Nakakabigla naman na nasabi niya ang bagay na 'yon ng nakangiti.

“Whatever.” Inis na saad ni Kuya Stanley bago siya umalis at iniwan niya kami doon. Napaka redflag ng kapatid kong ito. Hindi nga siya babaero pero ang sama naman ng ugali niya.

Mabait naman si Mom at Dad ah? Saan kaya niya namana ang napaka gaspang niyang ugali?

“Don't mind him? He's being bitter again at sanay na tayo doon. Mag ingat ka ha. Alam mo naman na prinsesa ka namin.” Huling saad ni Kuya Simon kaya nagpasalamat ako sa kanila ni Kuya Shawn bago umalis.

Nakita ko rin kase na nag chat na si Kathlea at nandoon na raw siya. Kaagad akong lumabas at naabutan kong nasa labas na si Kuya Dren at umalis na kami.

Ilang minuto lang ang ibinyahe namin at maya maya lang ay nakarating na kami sa Nelva Bar. Naabutan kong hinihintay na kami ni Kathlea doon. Maya maya lang ay dumating na rin si Czarina kaya naman pumasok na kami sa loob.

“Himala at sumama ka ngayon Czarina. Hindi ka naman kase nasama sa bar unless nag away kayo ni Navier.” Natatawang saad ni Kathlea pero malungkot lang na tumingin sa amin si Czarina. Mukang nag away nga sila ni Kuya Navier ngayon. Hays talaga naman 'yong lalaking 'yon! Palagi niya na lang inaaway si Czarina.

“Magkaaway rin kami ni Lancer ngayon kaya habang nasa trabaho pa siya ay umalis ako. Mamayang madaling araw pa naman 'yong uuwi kaya sigurado akong hindi niya malalaman. Saka ang paalam ko sa mga maid doon ay pulunta ako tayo sa bahay ni Serena.” Natatawang aniya bago kami pumasok sa bar. Mausok at maraming nag sasayawan dito kaya naman umorder na kami ng alak upang mag enjoy. Marami rin naghahalikan dito dahilan para mapangiwi kami. Like hindi ba sila nahihiya sa mga taong nakakakita sa kanila?

Pero bago pa man ako makaupo sa kinauupuan ko ay may biglang kumalabit sa akin at isang gwapong lalaki 'yon. He's handsome and kinda hot. I'm sure he find me interesting that's why he approached me.

“Hi beautiful. I'm Warren, nice to meet you.” Aniya bago niya hinawakan ang kamay ko at hinalikan niya iyon.

“Hi handsome, I'm Serena and nice to meet you too.” Nakangiting aniya dahilan para mapangisi siya.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro