Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

I had so much fun attending that party. Sino ba namang hindi sasaya eh nakasama ko yung mga babaitang 'yon. Masaya naman sila Dad at Mom dahil hindi daw ako gumawa ng gulo sa party na 'yon.

Kakauwi lang namin ngayon at kasalukuyan akong nag bibihis nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. Hindi ko na kailangan pang tingnan kung sino 'yon dahil alam ko na kaagad na si Clevy iyon.

“What do you want?” tanong ko sa kaniya bago ko tinanggal ang kamay niya at isinuot yung sando ko. Kanina pa siya ganito sa akin. Bigla bigla na lang niya ako niyayakap na parang nagtatampo siya. Hindi ko naman malaman ang dahilan dahil hindi niya sinasagot ang tanong ko tuwing tinatanong ko siya.

“I wanna cuddle with you.” pag lalambing niya sa akin dahilan para mapabuntong hininga ako. Agad ko namang ibinuka ang aking braso, sinesenyasan na yumakap siya sa akin at agad naman niyang ginawa 'yon.

“Seryoso, bakit ka nagkaka ganiyan? There's something wrong right? Tell me?” tanong ko sa kaniya bago niya ibinaon ang ulo niya sa may leeg ko. Para bang may gusto siya sa aking sabihin na hindi niya lang masabi.

“Your Dad wants you to have a relationship with the Older Child Of MonteAlveroz Family” aniya dahilan para gulat akong mapatingin sa kaniya. Seryoso ba siya? Si Kuya Theron ba yung tinutukoy niya?

“You mean si Kuya Theron? Bakit? Paano mo naman nasabi yan?” gulat na tanong ko sa kaniya bago kami naupo sa may kama. I don't understand, why would Dad want me to have a relationship with Kuya Theron? Hindi naman porket kaibigan niya si Tito Trevor eh pwede na silang mag decide ng magiging karelasyon ko. Saka nakakatandang kapatid ang turing ko kay Kuya Theron.

“Yes, the guy who's with Xander. Are you going to have a relationship with him? Baka naman ipakasal ka na agad ni Mr President sa lalaking 'yon.” malungkot na saad niya bago siya naupo sa may tabi ko at ipinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko.

“Hindi ako papayag 'no! I would never marry someone that I don't love.” pag dedepensa ko bago ko siya niyakap pabalik. Manliligaw ko pa lang siya pero grabe na siya mag overthink.

“Paano mo nasabi yan bunny? Hindi ka pa sigurado dahil malay mo pilitin ka ng Dad mo. He keeps talking about that he wants a perfect man for her precious daughter. Paano naman ako? I'm not perfect bunny. I don't know what to say, hindi ako yung tipo ng lalaki na magugustuhan ng Dad mo para sayo.”  malungkot na aniya. Agad kong inangat ang ulo niya dahil nakatungo siya sa akin ngayon.

“Listen Clevy. I don't care If they want me to love someone. Buhay ko ito at hindi nila ako mapipilit na mag mahal ng lalaking hindi ko naman gusto ko. Ikaw ang gusto ko at mahal ko at kailangan nilang tanggapin 'yon sa ayaw at sa gusto nila.” nakangiting saad ko bago ko hinalikan ang labi niya. Hindi ko din alam kung bakit ko ginawa 'yon pero gusto ko kaseng hindi na siya mag overthink.

“D—Did you just say that you love me? Is this true Serena? Sinasagot mo na ba ako?” nauutal na tanong niya bago niya hinawakan ang kamay ko.

“I like you Clevy. No, I already love you. So that means, yes.” aniya dahilan para mamula siya ngayon na parang kamatis bago niya ako niyakap at hinalikan at the same time.

“I love you so much Serena. I never thought that I'll fall in love because I always prioritized my work. Now that you're my girlfriend, you're my first priority.” masayang saad niya bago niya ako muling niyakap.

“Ibig sabihin ba nito, mag jowa na tayo?” tanong niya na parang naninigurado kung niloloko ko lang ba siya.

“Oo naman po. Mahal na mahal kita Clevy.” nakangiting aniya bago ko hinaplos ang buhok niya. Nabigla ako nang mamuo ang luha sa kaniyang mata bago siya tuluyang umiyak.

“Anong problema Clevy? Bakit ka umiiyak?” natatawang saad ko. Nakaka gulat naman dahil sinabihan ko lang siya na mahal ko siya tapos umiyak na.

“Nothing, I'm just so happy because you're finally my girlfriend. Masaya din ako dahil may karapatan na akong mag selos.” aniya na nag patawa sa akin. Naiyak siya dahil may karapatan na siya mag selos. Grabe naman..

“Nang dahil lang sa nagkaroon ka na ng  karapatan mag selos, masaya ka na?” natatawang tanong ko sa kaniya.

“Oo malaking bagay na kaya 'yon. Ang hirap sikmurain nung nag seselos ako noon dahil wala pa akong karapatan that time. Ngayon meron na.” aniya habang ako naman ay nagpipigil tumawa. No wonder I love this man. He might not see it but he's perfect for me. I love him the way he is.

“Let's sleep na Clevy. Mag aalas dose na ng madaling araw. Pag aaya ko at agad naman siyang sumunod at nahiga na sa kama bago siya yumakap sa akin.

_

“Bakit parang pinagsaklob ka naman ang langit at lupa dahil sa simangot mo? May problema ba?” tanong ko kay Miya habang naka upo kami dito sa may sala. Mag aalas otso na ng gabi ngayon at wala pa rin ang mga kapatid kong mokong. Kasalukuyan kaming nag iinom dahil bigla siyang nag aya ngayon dahil malungkot daw siya. Kami lang ni Miya ang nandito ngayon sa mansion dahil wala si Clevy dahil may importante siyang mission. Sila Dad at Mom naman ay nasa Hong Kong ngayon dahil may meeting si Dad doon.

“Yung Kuya mo kase eh. Napaka manhid niya sobra Serena.” malungkot na saad ni Miya bago niya nilagok ang isang baso na punong puno ng alak.

“Let me guess, hindi ka nanaman pinansin ni Kuya Stanley 'no?” tanong ko sa kaniya.

“Mas malala ngayon Serena. May kasama kase siyang babae kanina tapos ang sweet sweet pa nila. Bakit ganon? Wala man lang ba siyang nararamdaman para sa akin? Bata pa lang tayo mahal na mahal ko na 'yang Kuya mo pero hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako.”  pagpapaliwanag niya dahilan para mapabuntong hininga ako.

“Sabi ko naman kase sayo tigilan mo na 'yon. You deserve better kaysa sa walang kwenta kong Kuya.” Well totoo naman ang sinabi ko. Hindi ko ba alam kay Kuya kung bakit palagi niyang nirereject si Miya. Habang nag iinom kami ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Kuya Simon. Agad siyang lumapit sa amin at binati niya kami.

“Kamusta sa inyong dalawa? Oh, mukang lasing na lasing na si Miya.” aniya habang si Miya naman ay patuloy pa rin sa pag inom ng alak.

“Siyempre. Sino ba namang hindi mag lalasing kapag nakita niyang may kasamang iba ang lalaking minamahal niya.” pang aasar ko dahilan para mapanguso si Miya.

“Oh, that hurts. Okay lang yan Miya ” saad ni Kiya bago niya kinuha yung cellphone niya.

“Gusto niyo ng magic? Mayroon akong trick na kayang gawin para mapauwi dito si Stanley.” nakangising ani ni Kuya Simon dahilan para ma-curious ako. Trick para mapauwi si Kuya Stanley? Parang imposible naman ata 'yon? Saka ang alam ko ay bukas pa uuwi si Kuya Stanley.

“Madali lang yan my dear sister. Wait pi-picturan ko lang si Miya.” aniya bago niya kinuhanan ng litrato si Miya. Nabigla ako ng tawagan niya si Kuya Stanley. Sumagot naman ito kaagad.

“What now? I'm busy.” malamig na bungad ni Kuya Stanley nang sagutin niya yung tawag.

“Busy ka pala?” tanong ni Kuya Simon.

“Oo kaya stop bothering me.” inis na saad ni Kuya Stanley at akmang papat*yin na niya yung tawag nang mag salita si Kuya Simon.

“Sayang naman. May bisita kase dito sa mansion at lasing na lasing na siya. Tingnan mo yung sinend kong picture.” saad ni Kuya Simon. Maya maya lang ay narinig ko nang sumigaw si Kuya Stanley sa kabilang linya.

“Anong ginagawa niya dyan?” tanong ni Kuya Stanley.

“She's drunk Stanley. Don't worry, I'll take care of her. Alam mo naman magaling ako mag alaga.” nakangising aniya habang puso sigaw naman ang naririnig ko sa linya ni Kuya Stanley.

“I already told you Kuya. Not her! Mag hanap ka na lang ng iba!” saad ni Kuya Stanley. “Uuwi na ako.” nabigla ako nang sabihin ni Kuya Stanley 'yon. Nang dahil sa picture ni Miya uuwi na siya? Akala ko ba wala siyang pakielam sa babaeng 'to?

Maya maya lang ay may narinig na kaming pumarada na sasakyan at pumasok na din kaagad si Kuya Stanley sa mansion. Nagmamadali siyang lumapit sa amin bago niya tiningnan si Miya.

“Anong ginawa mo kay Miya?” galit na tanong niya. Why is he acting this way? Parang akala mo ba girlfriend niya si Miya kung makaasta siya.

“Chill Stanley. Wala pa akong ginagawa sa kaniya 'no.” pag dedepensa ni Kuya Simon nang umupo sa tabi ni Miya si Kuya Stanley.

“Wala pa? Ibig sabihin may balak kang gawin kay Miya? I already warn you Kuya, not her.” malamig na saad ni Kuya Stanley bago niya binuhat si Miya at dinala niya ito sa kwarto niya.

“Diba magic?” tanong ni Kuya Simon habang ako naman ay hindi makapaniwala sa nangyari. Para bang may gusto si Kuya Stanley kay Miya dahil ayaw niyang galawin ito ni Kuya Simon. Napapalakpak na lang ako dahil sa ginawa niya bago ako bumalik sa kwarto ko.

_

It's been several months since nung nag punta kami sa party at nakausap kong muli yung mga babae. Nagulat ako nang mabalitaan kong nag hiwalay si Kuya Theo at Klea dahil kay Celine. Pero ang hindi alam ni Kuya Theo ay buntis pala si Klea.

“Bunny I have another mission tonight. I won't be able to come with you.” aniya habang nag aayos ako ng gamit ngayon. Nagka-ayaan kase kami nila Sevy na mag swimming sa resort na pagmamay ari ng asawa ni Pearl na si Xander. Agad naman akong pumayag na sumama nang ayain nila ako. Siyempre nag paalam muna ako kay Dad at pumayag naman ito.

“It's okay babi. Kasama ko naman sila Sevy doon qt sigurado akong sandamakmak din ang dalang bodyguard ni Pearl. Hindi naman 'yon hahayaan ni Xander na lumabas ng walang bodyguard lalo na't hindi siya kasama nito.” I said reassuring that I'll be safe.

“Sigurado ka? Isang linggo naman kayo doon diba? Susunod na lang ako sa isang araw.” aniya kaya agad naman akong tumango. Okay lang naman kahit hindi ko siya kasama. Mahalaga ang misyon niya at ipinangako ko sa sarili ko since nung naging kami na hindi ako magiging sagabal sa kaniya.

“You know what, hindi na ako tutuloy sa misyon.” aniya na parang nag bago ang isip niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

“What? At bakit naman hindi mo itutuloy?”  tanong ko sa kaniya bago siya umupo sa tabi ko.

“Mas mahalaga ang kaligtasan mo kaysa sa mga misyon ko. You're my girlfriend, my priority. You comes first before that mission.” saad niya dahilan para mapangiti ako.

“Okay nga lang ako Clevy. Susunod ka din naman diba? Saka wala namang mangyayaring masama sa akin doon 'no. You are the Number 1 Agent in your organization, it's your responsibility yo do that mission. I'll be safe and I'm counting on you to finish that mission. Dahil kapag naging successful ang misyon mo na 'yon, may regalo ka sa akin.” nakangising saad ko dahilan para mabuhay ang ngisi sa kaniyang labi. Alam ko na agad kung ano ang nasa isip niya. Ang manyak talaga ng lalaking 'to.

“Sige papayag na ako. Saka gagalingan ko din dahil gusto ko na agad makuha yung regalo mo sa akin.” nakangising aniya bago niya pinisil yung dibdib ko.

“Susunduin ako nila Pearl mamaya kaya hindi mo na ako kailangan ihatid. Galingan mo sa misyon mo ha. ” I said before smiling at him. Nabigla ako nang hawakan niya ang batok ko at madiin niya akong hinalikan.

Nang matapos na akong mag impake ng gamit ko ay nanatili na lang kami sa kwarto ko para mag pahinga at mag cuddle dahil 'yon ang paboritong gawain ni Clevy.

Naligo na din ako nang malapit nang mag gabi at nag bihis dahil nag chat na sa akin sila Sevy na papunta na daw sila. Nag bihis na din si Clevy dahil didiretso na din siya sa headquarters nila. Napagpasyahan naming sa sala na mag hintay kaya agad kaming bumaba at naabutan kong nanonood sila Kuya Stanley at Kuya Simon. Parang wala pa si Kuya Shawn?

“Nasaan si Kuya Shawn? Bakit wala pa siya?” tanong ko sa kanila bago ako umupo sa may sofa.

“Nagtaka ka pa Serena, malamang nasa XEM Hotel nanaman 'yong lalaking 'yon. Nambababae nanaman.”  saad ni Kuya Simon dahilan para matawa ako. Kung ako ang Trouble Maker sa aming magkakapatid, si Kuya Shawn naman ang Playboy. Agad namang napadako ang tingin ko kay Kuya Stanley na nakabusangot habang nag ce-cellphone.

“Bakit parang mainit ang ulo niyan?” tanong ko kay Kuya Simon.

“Yan ba? Nakita niya kase kanina si Miya na may kasamang lalaki sa mall. Kaya ngayon nag seselos siya kahit wala siyang karapatan.” pang aasar ni Kuya Simon kay Kuya Stanley dahilan para matawa ako.

“Mabuti na lang ako may karapatan na.” mahinang saad ni Clevy kaya ako lang ang nakarinig.

“Ligawan mo na Sir para kapag sinagot ka na niya, may karapatan ka na.” biglaang singit ni Clevy bago niya ako nginisian.

“F*ck this stupid sh*t!” sigaw ni Kuya Stanley bago niya hinagis ang cellphone niya.

“Oh bakit mo naman binato 'yang cellphone?” tanong ni Kuya Simon.

“Tatlong oras na akong naghihintay sa reply niya tapos sineen niya lang! Wala man lang reply! Nakakainis hindi ako sanay nang wala siyang chat sa isang araw!” sigaw ni Kuya Stanley bago niya kinuha ang coat niya at susi ng kotse niya.

“Saan ka pupunta Kuya?” tanong ko.

“Tuturuan ko nang leksyon 'yong kaibigan mo.” malamig na saad niya bago siya umalis at naiwan kaming tatlo doon.

“Parang ibang leksyon yung tinutukoy niya. Baka mabuntis na niya kaagad si Miya.” natatawang saad ni Kuya Simon bago niya kinuha ang remote at nanood na lang ulit.

Maya maya lang ay narinig ko nang may pumarada na kotse sa may labas. Kagaya nga ng inaakala ko ay nandoon na sila Pearl at agad silang pumasok sa loob.

“Serena nandito na kami.” sigaw ni Sevy nang makapasok sila dito sa mansion namin. Agad namang akong lumapit sa kanila at nakipag beso.

“Good Evening girls. Paki bantayan ang kapatid ko dahil matagal nang hindi gumagawa ng gulo 'yan. Kaya sigurado ako na may kalokohan nanaman na gagawin ang babaeng 'yan.” saad ni Kuya Simon dahilan para matawa ang mga kaibigan ko.

“Hindi kaya! Behave lang kaya ako 'no! Wala akong gagawing gulo, pustahan 5 Million?” pag aakit ko.

“Huwag na lang, masasayang lang 5 Million ko sayo.” aniya bago niya ipinagpatuloy ang panonood ng tv. Hinatid ako ni Clevy hanggang sa labas.

“Aalis na ako babi, mag ingat ka ha.” aniya ko bago ko siya niyakap at hinalikan sa labi.

“Mag ingat ka din bunny. I love you.”  nakangiting aniya bago ako sumakay sa kotse kung nasaan sila Sevy. 

“I love you.” huling saad ko habang nakasilip ako sa bintana bago tuluyang umandar ang kotse.

Nag simula nang mag maneho yung driver at nag usap usap kami habang nasa biyahe.

“May balak ka bang ipaalam kay Theo ang tungkol dyan?” tanong ko kay Klea habang nakatingin sa tiyan niya na ngayon ay maumbok na. Four months na siyang buntis kaya medyo malaki na din ang tiyan niya ngayon.

“Wala at kahit kailan ay hindi ko ipapaalam ang tungkol sa anak ko.” lakas loob na saad niya. Wala naman kaming nagawa kung hindi suportahan ang desisyon niya dahil kaibigan namin siya at 'yon ang gusto niya.

“Ang laki na niyan. Ano kayang magiging hitsura ng anak mo kapag lumabas na siya.” saad ni Pearl habang hinihimas niya ang tiyan ni Klea.

“Pustahan kamuka yan ni Theo.” biglaang singit ni Keisha habang kumakain siya ng sandwich ngayon.

“Grabe naman! Malay niyo ako yung maging kamuka ng anak ko.” nakangusong saad ni Klea.

“Sana nga.” saad ni Sevy na parang nang aasar.

“Mag pahinga na lang muna tayo. Manonood muna ako.” saad ni Pearl bago niya binuksan yung laptop niya at nanood sila ng k drama.

Habang nag ce-cellphone ako sa biyahe ngayon. Nagulat kami ng biglang tumigil ang sasakyan. Agad kaming nag tanong sa driver kung anong nangyari nang makita naming may dalawang itim na van ang nasa harapan namin. Mayroon ding van sa likuran namin. Anong nangyayari? Bakit may ganito?

Nakakapag taka dahil malawak naman yung daan kaya bakit nila kami hinarang. Nasagot lahat ng tanong ko nang may lumabas na mga lalaking naka maskara muka sa van habang may hawak hawak silang bar*l. Nag simula na kaming mag panic. Ano nang gagawin namin? Mukang may masama silang balak na gawin sa amin ngayon. Kinakabahan na ako, wala pa naman kaming mga kasamang lalaki ngayon dahil lahat ng bodyguard na kasama ni Pearl ay nasa resort na. Nabigla ako nang buksan ng mga lalaki ang pinto ng kotse.

“Sino dyan Commander?” tanong nung lalaki.

“Hello Serena. Nice to meet you.” saad numg commander nila bago nila ako hinigit at tinakpan nila ang bibig ko.

“Bitawan niyo ang kaibigan namin!” sigaw ni Pearl pero itinulak lang siya nung ibang mga lalaki habang. Nag pupumiglas ako pero madami na silang nag tulungan para ipasok ako sa loob ng van. Hindi naman makagalaw sila Sevy, Keisha at Klea dahil may nakatutok na bar*l sa kanila. I felt so helpless. Ano nang gagawin ko ngayon? Please Clevy, help me.

“Mamaya mo tawagan ang tatay nitong babaeng 'to. Sigurado ako iiyak ang Presidente kapag nakita niyang hawak natin ang anak niya.” nakangising aniya nung lalaki.

“Kailangan lang natin mag ingat dun sa isang taong yun. May nakapag sabi sa akin na Number 1 Agent pala ang bodyguard niya. Nakakapag taka dahil wala yung bodyguard niya ngayon.” saad naman nung commander nila habang itinatali nila ang kamay at paa ko.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro