Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7


7: Ang Lakas ng isang babaeng Engkanto

Nagising ako nang bigla at hindi ko nakita ang anumang bagay kundi purong kadiliman. Naririnig ko ang ingay sa paligid ngunit hindi ko matukoy kung ano o sino ang gumagawa ng ingay. Tumayo ako upang malaman kung nasaan ako ngayon. Hinawakan ko ang aking ulo dahil sa labis na sakit nito.

Hindi ako makapag-hakbang dahil wala akong nakitang anumang bagay. Ngunit bumilis ang tibok ng puso ko, hindi na pigilan mag isip ng mga nakakatakot na pwede mangyari sa akin. Wala na akong pwedeng gawin kundi pumikit at pag tulungan ng pansin ang ingay ng palibot upang malaman ko.

Na tahimik ako na may biglang humila sa binti ko ngunit nang bumaon ang kuko ay napasigaw ako ng tama na. Isang tapik ang nag pa gising sa akin.

“Huminahon ka, Sabrina. Limang araw ka na tulog, anong nangyari sa iyo sa Hardin?” 

“Wala.”

Hindi na muli nag tanong si Cora sa halip inimbitahan niya ako kumain. Gusto ko man mag tanong sa kaniya pero mas mahalaga makakain ako muna bago itanong ang bagay na gumugulo sa akin isipan.

Nakarating kami sa unang palapag at bumungad sa akin ang mahabang mesa na maraming pagkain ang nakahain. May dalawang tao ang kasalukuyang nakaupo habang nakatingin sa amin.

Kumaway si Lawin sa akin samantala si Luningning ay ngumiti lang. Lumapit ako at tumabi kay Lawin samantala si Cora ay umupo sa tabi ni Luningning.

“Maraming salamat sa biyaya natanggap namin may likha, lubos kami natutuwa sa maliit o malaking natanggap na biyaya,” mahinang sambit ni Luningning.

Akmang kukuha sana ako ng itim na kanin ngunit tinapik ang kamay ko ni Cora. Ka agad naman niya ipaliwanag kung bakit nagawa niya sa akin. Hindi na ako komontra, wala akong magagawa at mabuti na lang sinabi niya.

Habang kumain ako, may napansin ako sa kulay itim na Prutas na hugis bituin, ngayon ko lang ito nakita sa tanang buhay ko. Palihim ako kumuha ngunit akmang kagatin ko na sana ngunit mabilis inagaw sa akin ni Cora.

“Sabrina, mapanganib sa tulad mo gaya ng Prutas na ito. Hindi nga nag ka mali si Luningning na walang  kakayahan ka pagdating sa pagkain.”

Tumayo na siya at ako  na walang alam sa kaniyang sinabi. Nag lakad na ito palabas ng bahay kasama namin si Lawin samantala si Luningning ay nag pa iwan.

Huminto kami sa malaking puno na pinalibutan ng puting bato. “Ngayon malalaman natin kung ano ang iyong kakayahan!” pumasok siya sa harang ngunit ako ay nanatili nasa labas maging si Lawin man.

Sinimulan ni Cora sumayaw habang nagsimula mag liwanag ang puno na siyang dahilan na biglang kumawala ang malakas na hangin na naging dahilan na pag tilapon namin.

“Lawin anong nangyayari?”

Ngunit walang sumagot. Hinahanap ko si Lawin sa pamamagitan pag tingin sa palibot pero wala akong makita dahil sa hamog.

Hindi ko magawang makatayo, hindi ko alam kung bakit, wala naman akong nararamdaman masakit. Kusang kumilos ang bibig ko, na bigla ako na umaawit ako ng paboritong kanta ni Lola.

Habang tumatagal  ay naakit ko  isang malaking Tigre na labis ako na takot baka saktan ako nito. Ngunit malaking pasasalamat ko na umupo lang ito sa tabi ko habang maamong tumingin sa akin.

Alam kong hindi Tegre ang isang ito base kaniyang wangis, may matulis na tenga at may balahibo na gaya sa Tigre pero kulay pula at itim ang sa kaniya. Gumapang patungo sa likod ng tigre habang patuloy na umaawit.

Kahit nagtataka hindi ko na lang pinansin. Huminto bigla ang malakas na hangin kasabay narinig ko ang pag sabog. Nakahinga ako ng maluwag na makatayo saka tiningnan kung anong nangyari ngunit muntik na ako matumba ng lumingon ang tigre sa akin.

“Sabrina, Oyy ikaw Timre huwag mong galawin siya kundi malilintikan ka sa akin!”

Timre? Ang nilalang na ito ngunit bakit tila natatakot si Cora sa Timre.

Umiling ang Timre saka naglalakad palayo sa akin, huminto ito saglit saka lumingon sa akin. Kitang-kita ko ang kalungkutan ng Timre ngunit wala akong magagawa sa pagkat wala akong alam kung mapanganib siya sa akin.

Nagmamadali lumapit sa akin si Cora, saka sunod sunod ang tanong. Nang matapos siya mag salita, ipinaliwanag ko sa kaniya ang nangyari upang maunawaan kung anong nangyayari.

Iba talaga ang babaeng ito pa bago bago ng ugali minsan seryuso, ngayon tinawanan ako ngunit pinag pilitan ko sa kaniya na totoo ang sinabi ko.

Napailing ako, dahil sa pananaliksik ko na ulitin ang aking ginawa. Iniwan ko si Cora at nag tungo sa malaking puno, akmang pipigilan sana ako ni Cora ngunit huli na ang lahat nakapasok na ako sa harang.

Hindi ko siya pinansin. Sinimulan ko awitin ang paboritong kanta ni Lola habang tumatagal ay na bigla ako sa sunod nangyari .

Bumalik ang Timre na kasalukuyang tumatakbo at paminsan minsan ay tumatalon. Para siyang bata kung pagmasdan maigi.

Huminto ako na makita si Cora na kasalukuyang pinipigilan ang malakas na hangin. Nagmamadali ako lumabas at sinalubong naman ako niya.

“Ngayon  nalaman na natin ang iyong kakayahan. Simula natin mag sanay ngayon!”

Huminto ang Timre sa harap ko. Hindi ko inaasahan na magkaroon ako ng kakayahan nang hawakan ko siya. Ang kakayahan ko ay sobrang lakas at napatunayan ko na buhatin ang Timre at hindi nag dalawang isip ng ihagis ito.

Hinintay ko bumalik ang Timre Subalit hindi na bumalik, ayon kay Cora mapanganib ang isang yun sa tulad ko.

Akala ko namangha si Cora subalit nagkakamali ako. Ayon sa kaniya walang babaeng Engkantong ang may taglay ng lakas dahil halos ay may kinalaman sa elemento ng kalikasan. At dagdag pa niya na ako ang kauna-unahan babaeng Engkanto taglay ang lakas.

Pumasok kami sa harang ng malaking puno at hawak kamay na ipinatong ang kamay sa ugat ng puno. Nabitawan ko ang kamay ni Cora nag simula na naman sumakit ang ulo ko at hindi ko mapigilan pumikit. Nakikita ko naman sa aking isipan ang isang nilalang na may pares na pulang mata habang nagpupumilit na makawala sa kadiliman.

Hindi ko alam kung anong nangyari ngunit napasigaw ako sa sobrang sakit kasabay dahan-dahan pa lapit sa akin ang nilalang hanggan sa huminto ang lahat.

“Sabrina! Tulungan mo ako. ”

Kahit anong gawin ni Cora para imulat ko ang mga mata ko ngunit parang mas malakas ang nilalang na pumasok sa aking isipan.

Hinawakan ng nilalang ang mukha ko kasabay naramdaman ko ang matinding init. Init na parang sinunog ako sa inferno.

“Sino ka?”

Nanginginig ang buong katawan ko, hindi ko maipaliwanag sa aking sarili kung anong klase ng takot ang nararamdaman ko ngayon

Tumawa ang nilalang na labis sumakit ang magkabilang tenga maging ang aking ulo parang sasabog na sa sakit. “Hindi...!” linamon na naman ako ng kadiliman.

Bago ako nawalang ng malay narinig ko sa sa isipan ko ang tinig ng nilalang ngunit hindi ko maunawaan kung ano ang kaniyang gustong sabihin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro