Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4

4: May dugong Engkanto



“Cecilia bumalik ka na saʼkin. Hindi ko na kaya manatili dito!” sigaw ng lalaki mula sa kadiliman.

“Aray ko, ang sakit ng ulo ko.”

Bumangon ako mula sa pag ka higa. Parang totoo ang panaginip, tila kay Cecilia karanasan ang nakikita ko ngunit nalilito na ako. Bumukas ang pinto na walang tao man ang nasa labas na aking ipinag taka. Tinawag ko si Lawin ngunit walang sumagot. Napagpasyahan ko lumabas ng silid upang alamin kung may tao ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari, muntik na ako na bagsakan ng hugis bilog na kahoy na mula sa itaas na aking ipinag taka.

Tumingala ako upang tingnan kung  may butas ngunit halos hindi ako makagalaw maraming mga gagamba na maliliit na kulay itim ang nandoon. Parang tila may kung anong bagay ang nandoon na hindi ko matukoy kung ano ito. Sa pagkat natabunan ng mga gagamba na tila parang hindi ko mawari kung anong ginagawa ng mga gagamba sa kisame.

“Binibining Cecilia?”

“O diyos ko!”

“Pasensya ka na Binibining Cecilia kung ika'y  na bigla ko. Ipagpaumanhin mo ang hindi ko pagbibigay galang sa iyo bago mag salita.”

Tumingin ako sa itaas subalit wala na akong makita maliban sa isang sapot ng gagamba. Hindi maari nag malik mata lang ako ngunit hindi ko namalayan umiiling ako ng tatlong beses.

“Nakalimutan yata ni Luningning linisan yan. Nagtataka lang ako Binibining Cecilia, bakit tila ang bilis mag hilom ng sugat mo at nag palit ka pa ng kakaibang kasuotan ?”

Napataas ang magkabilang kilay ko sa kaniyang sinabi. Tiningnan ko naman ang kasuotan ko na labis akong nataranta dahil iba na ang suot ko.

'Ito ang suot ko bago ako na punta dito. Anong nangyari? ʼ lamang ng isip ko. Hindi ako sumagot sa halip umiling lang ako na agad naman niya naunawaan.

“Pakiusap ko lang sa iyo, sana huwag mo ako tawagin Binibining Cecilia dahil hindi ako sanay. Sana'y maunawaan ang aking paki usap kahit alam kong hindi dapat... Pero sana sundin mo na lang ang sinabi ko.”

“Masusunod Binibining Ce— Paumanhin ngunit kung ayaw  mo tawagin kita. Ano pwede kong itawag sa iyo Binibini?”

“Cecilia,” seryosong kong sambit.

Tumango naman si Lawin na sumang-ayon ayon sa sinabi ko. Nag kwentuhan kami tungkol sa iba't ibang bagay na may kinalaman sa pamilya kinabibilangan ko.

Pumanik kami sa ikalawang palapag dahil ayon sa kaniya, nandoon si Donya Corazon. Ang ikalawang palapag ay may dalawang kwatro at hindi ko na alam kung anong meron pa ang nandon dahil hindi ko pa naman na libot maliban sa unang palapag.

Ang laki ng bahay tapos tatawagin bahay lang. Mansion na isang to ngunit may hindi tama kanina pa ako nag hinala. Hindi nag kwento si Lawin na marinig ang tunog ng kampana sa halip kanina pa ito tahimik.

Huminto kami sa isang silid. Lumingon ito sa akin saglit. “Cecilia, sandali lang kakatok muna ako.” sabay katok.

“Sino ang nandyan?” sigaw ng babae mula sa loob.

“Donya Corazon ako po ito, si Lawin at kasama ko si Binibining Cecilia!”

Napakunot noo ako, bakit kailangan pa sumigaw, eh, rinig naman. Dahan-dahan bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang matandang babae na Kasalukuyang nagbabasa ng libro na kulay itim. Lumipat ang tingin nito sa akin na labis ako nag taka sa kaniyang reaksyon pinakita.

“Lawin samahan mo si Luningning sa pangalawang silid. Tiyak ako nahihirapan siya, kailangan niya ang tulong mo, sana'y hindi kayo mag ka mali ulit,” seryusong sambit ng matanda.

“Maraming salamat sa pagtitiwala Donya Corazon. Binibining Cecilia maiwan na po kita.” sabay yuko bago umalis.

Hindi ko inalis ang tingin sa matanda pakiwari ko parang pamilyar ngunit hindi ko lang maalaala kung saan ko nga ba siya nakita.

“Huwag ka na mahiya iha, halika pasok.”

Ngumiti ako saka pumasok habang nakatingin sa palibot sa loob ng silid. Ang lawak halos walang gamit ang nandito maliban may isang hugis bilog na mesa sa gitna at may apat na upuan ang nakapalibot. Kapansin pansin ang librong nasa mesa na katulad ng librong pag may ari ng aking Lola.

Napakunot noo ako napansin ang malaking litrato nakasabit sa pader malapit sa bintana. Napahinto ako, hindi ko alam kung ano ang maging reaksyon ko maliban sa pag ka bigla.

“Sino siya?” sabay turo ko sa litrato.

“Inaasahan ko itatanong mo iyang iha. Tama nga ang aking hinala.”

“Ano ang ibig mong sabihin Donya Corason?” takang wika ko.

“Hindi ikaw si Cecilia ngunit mag ka mukha kayo, ang babaeng nasa litrato ay walang iba kung hindi si Cecilia. Kung ika'y nagtataka bakit ka narito sa panahon namin.”

“Ano?” hindi ko mapigilan hindi mapalagay. Nakaramdam ako ng takot na hindi ko maunawaan kung bakit, kahit hindi naman ako natatakot.

“Bago ko ipaliwanag sa iyo kung bakit ka narito sa panahon namin. Umupo ka muna at huminahon upang ika'y makapag isip ng malinaw sa sandaling malaman mo ang buong katotohanan,” mahinahong wika niya.

Sinunod ko ang kaniyang sinabi kahit nag dalawang isip ako. Hindi ko makikita sa kaniya mga mata ang takot ngunit napansin ko ang kakaibang niyang tingin sa akin.

“Nandito ka sa mundo ng mga Engkanto ngunit dumating ka sa nakaraan. Hula ko ika'y nag mula sa kasalukuyang panahon sa mundo ng mga tao.”

Hindi na ako sumagot sa halip nakikinig na lang ako. Nalilito ako sa nangyari sa akin.

“Hindi ako pwede mag ka mali sa aking hinala kung bakit ka nandito. Parang may malaking misyon kang gampanan.”

“Misyon?”

“Isang misyon na hindi nagawa pag tagumpayan ni Cecelia. Ang kilalanin kung sino ang nasa likod ng sunod sunod na maraming namatay na Arabian at Orimia.”

“Pero hindi ko kaya gampanan ang misyon. Nagtataka lang ako kung buhay pa ba si Cecilia.”

“Ikinalulungkot ko sabihin sa iyo. Walang nakakaalam kung buhay pa si Cecilia dahil naglaho na parang usok siya sa kabilugan ng buwan. Hinala ng lahat ay pinatay rin siya.”

Masakit na ang ulo ko kakaisip. Siguro may  koneksyon ang alamat na i kwento sa akin ni Lola ngunit paano.

“Kung ika'y hindi magtagumpay, alam mo ang mangyari kundi matulad ka sa kaniya. Gusto mo bang bumalik sa kasalukuyang panahon na pinagmulan mo?”

“Gusto ko ngunit hindi ko alam kung paano ako mag simula sa misyon sinabi mo.”

Kinuha niya ang librong nasa mesa saka ibinigay sa akin na agad ko naman tinanggap. Napantingin ako sa pabalat ng libro na aking ikinabigla lalo na sa pamagat.

Nagliwanag ang libro na hindi ko inaasahan ngunit napatigin sa reaksyon ni Donya Corazon. Nanlaki ang mga mata nito nakatingin sa akin habang pailing iling.

“Ako nga po pala si Sabrina. Isang mahinang tao at kung ituring ng kamag anak ay isang salot,” malungkot na wika ko.

Hindi ko mapigilan mag salita na parang may komukotrol sa akin. Binuklat ni Donya Corazon ang hawak niya na libro saka nag palipat lipat ng pahina hanggan sa huminto siya.

“Sabrina may dugo ka ng Engkanto. May kakayahan kang gumamit ng mahika ngunit hindi ko alam kung ano ito. Siguro simulan na natin tuklasin ang iyong lihim.”

Napanganga ako sa kaniyang sinabi. Hindi pwede baka makita niya ang tunay kong wangis ngunit hindi ko alam kung anong gagawin ko.

“Huwag...!” sigaw ko.

“May problema ba Sabrina? Sabihin mo sa akin baka makatulong ako,” nag alala wika niya.

Mabilis ko nabitawan ang libro saka tinakpan ang magkabilang tenga na marinig ko ang ingay ng kampana.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro