3
3: Ang Tahanan ng mga patay
Nakakatakot pag masdan ang malaking bahay sa loob ng tarangkahan. Nanatili akong nakatayo, ayaw ko pumasok sa takot na anong mangyari. Napalingon sa akin ang lalaking katulong na nagtataka nakatingin sa akin.
“Binibining Cecilia, o bakit tila takot na takot ka? Hindi ba ikaw yun nanakot sa akin dati ngunit naninibago ako sa kinikilos mo ngayon.”
Huminga ako ng malalim at nag iisip ng dahilan. “Pasensya ka na, hindi maganda ang pakiramdam ko. Hindi ako natatakot sadyang nanaig sa akin kaisipan ang nangyari kanina kung bakit nasugatan,” Kinakabahan wika ko.
"Paumanhin sa akin na sabi Binibining Cecilia. Tayo na oh, pumasok.” itinulak niya ang tarangkahan na halos napatakip ako ng tenga sa sakit. Ang sakit pakinggan ang nagawa ingay ng tarangkahan.
Pag pasok pa lamang namin, agaw pansin ang pusang nakaupo sa harapan ng bahay ngunit hindi ko ito maaninag dahil sa hamog. Napayakap ako sa sarili ko na biglaan umihip ang malakas na hangin saglit. Gusto ko sana tanungin ang lalaki ngunit naunahan ako ng takot.
Kinakabahan ako sa bawat hakbang, parang may mangyari hindi maganda. “Inay!” Napatalon ako sa gulat saka nagmamadali nagtatago sa likod ng katulong na lalaki.
Nawala ang hamog ngunit hindi ko inaasahan na libingan ito ng mga patay. Maraming nag kalat na kung ano ano dekorasyon at palamuti. Kainis sino kaya si Binibining Cecilia na yan!
“Huwag ka mag takot, sa pagkat yan ang mga namayapa katulong sa bahay. Wala silang kamag anak, napag pasyahan ni Donya Corason na dito ipalibing sila.”
“Bakit tila hindi mo alam ang tungkol dito? May nangyayari ba sa iyo Binibining Cecilia sa Mansion ng mga Haver? Ipag paumanhin mo, ako'y na huli ng dating kanina.”
“Wala akong naaalala,” pag sinungaling ko dito. “Sino ang kasama ko sa tahanan ito maliban sa iyo?” takang sambit ko.
“Sir Donya Corason at si Luningning.”
"Ano apat lang tayo?”
Tumawa ang lalaki, hanggang ngayon hindi ko pa alam kung sino siya.
“Paumanhin Binibining Cecilia. Maraming tayo kasama…”
“Anong ibig mong sabihin na maraming tayo kasama? Ayon sa sinabi mo, apat lang tayo naninirahan sa tahanan ito.”
Nagawa ko ng pag masdan ang mga puntod ng mga namayapa katulong. Kahit papaano nakaramdam ako ng awa ngunit malaking pala isipan sa akin ang dami naman nila.
“May alaga kang pusa na pinangalanan mo si Itim at tinuring mo itong kabilang ng pamilya. Maliban doon ang mga kaluluwa nandito ay malaya nakakausap ni Donya Corason.”
Napahinto ako sa pag lakad. 'Siguro baliw ang tinutukoy niyang si Donya Corason. Nakakausap ng kaluluwa, nakakatawa isipin nagpapaniwala ang lalaking ito,ʼ lamang ng isip ko.
“O siya nga pala, huwag ka na mag taka kung maraming akong walang maalaala at kabilang na ikaw. Sino ka ba?”
Napahinto sa pag lakad ang lalaki, dahan-dahan lumingon sa akin saglit na hindi makapaniwala. Nag pa tuloy ito habang iwinagayway ang kanang kamay. Ka agad ko naman sinundan ng tingin kung sino ang kinawayan niya.
Ngunit wala akong makita maliban sa pusang si Itim na kasalukuyang nakatingin sa amin habang walang tigil kaka meow.
“Ako nga pala ulit si Lawin, dalawampung taong gulang at anim taon na ako nanilbihan kay Donya Corason,” masiglang wika nito.
Hay nako naman wala akong maalaala kahit mismo kong alaala ay nakalimotan ko, kahit anong pilit ko alalahanin ngunit sumakit ang ulo ko.
“Nandito na tayo Binibining Cecilia. Sandali lang, mauna ako papasok upang ayusin ang mga bagay bagay sa loob. Makipaglaro ka muna kay itim habang naghihintay dito,” paalam nito.
Ka-agad naman ako tumango, tamang tama may upuan malapit sa bintana. Umupo ako dito habang nakapikit saglit upang pakiramdaman ang paligid.
Tumalon ang pusa na kulay itim na ka-agad ko naman na Salo at yinakap saglit saka binaba sa sahig na makontento ako.
Tumingin ako sa harapan. Naghihinayang ako sa magandang tanawin, Kapansin pansin ang mga bulaklak sa palibot na iba't ibang klase. Napailing ako ng dalawang.
“Sayang, nagmistulang sementeryo.”
Wala akong magawa kung hindi patingin tingin sa mga puntod. Ang tagal naman ni Lawin nilalamig na ako, ayaw ko pumasok dahil hindi ko alam kung anong meron baka mapahamak pa lamang ako.
Lumipas ang ilang minuto ngunit hindi lumabas si Lawin na labis ikina inis ko. Na patay ako bigla, may natanaw akong maraming mga tao naglalakad ngunit hindi ko maaninag dahil sa hamog at medyo madilim ang parteng yun.
“Siguro nag malik mata lang ako.”
Paulit-ulit ko ginawa ang pag dilat at pikit ngunit ganun pa rin ang nangyari. Nag sitayuan ang balahibo ko sa katawan na makita ang isang nilalang na kasalukuyang gumagapang patungo sa akin habang tulo laway.
“Binibining Cecilia?”
Napalingon ako kay Lawin. Muli ako tumingin sa harapan ngunit wala na ako makita. Sigurado ako totoo ang nakita ko pero hindi ko alam anong paniniwala ko.
“Papasok na ba ako, Lawin?”
Akmang papasok na ako sa loob nang tinawag niya ako. Napalingon ako sa kaniya habang naghihintay ng sagot.
“Binibining Cecilia, hindi ba sinabi mo na wala kang maalaala?” takang sambit nito.
"Oo, bakit may problema ba?”
“Meron, kung may napapansin ka man na kakaiba sa mga puntod o sa paligid, huwag niyo na lang pansinin baka ika'y hindi papatulugin nila hangga't hindi nila na susunod ang gusto nila.”
Napalunok ako ng tatlong beses, parang gusto ko na tuloy umalis sa pamamahay na ito. Pero wala akong mapupuntahan kung aalis ako. Wala akong magagawa kung hindi ang manatili dito.
"Ang tahanan ito ay tinatawag ng karamihan na ang tahanan ng mga patay dahil maraming kaluluwa ang nandito at mga nilibing, halos buong palibot may patay na nilibing.”
Tumango na ako na lang ako sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng antok. Ka agad ko naman sinabi sa kaniya na matutulog na ako at mabuti naman hinatid niya ako sa silid ko.
Ang linis ng bahay at maganda ang bawat hugis na nakadikit sa pader ng bawat silid. Talagang planado ang pag ka gawa ng bahay kahit kahoy ang gamit na materyalis sa pag buo ng ilang kagamitan sa bahay.
Bago ako pumasok, binalaan ako nito na huwag buksan ang pinto kung may tatawag o kakatok na ipinagtaka ko.
Nag madali ako humiga sa katre. Kahit hindi naman ito gaya ng kama na higaan ko, ma swerte pa rin ako kahit papano ngunit ang pinag alala ko bakit ako naririto.
Bukas ko na yun siguro problema hindi, ang mahalaga maka tulog ako.
May naririnig ako na magandang tinig pero hindi ko alam kung saan nag mula ang tinig na iyon. Masarap pakinggan, nakakagaan at malinaw sa kaisipan ang bawat bigkas ng salita ngunit hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro