23
23: Ang Susi Ng Kalayaan
Ilang oras na ako kakalakad ngunit wala ako makasalubong na kahit anong nilalang. Napag pasyahan ko umakyat sa kakaibang puno na maliliit na bato ang nakalibing sa katawan. Mainit ang puno at nag liwanag ang mga dahon nito lalo na dumilim ang palibot. Sa kisapmata nag laho ang bituin na nag bigay liwanag at napalitan ng isang bituin na kulay bughaw kasabay ang pag lamig ng temperatura.
Napayakap ako sa sarili na maramdaman ang sobrang lamig ng hangin. Mali ang aking akala na hindi ako ma apektuhan sa temperatura dahil kaluluwa na lang ako ngunit mali ako. Nakaupo lang ako sa isa sa mga sanga ng puno kahit hindi ko makayanan ang sobrang lamig ng hangin ngunit malaking pasasalamat ko sa puno dahil nag bigay ito ng kakaibang init saʼkin.
“Anong ginagawa ng isang nilalang sa aking tahanan?” seryusong sambit ng isang tinig mula sa gitna ng katawan ng puno.
Hinanap ko ang tinig. Umakyat ako sa pinaka gitna ng puno na kung saan ang mga sanga ay tabi. Sa aking pag dating sa gitna, bumungad ang isang lalaki nakatalikod habang pilit gumawa ng apoy sa loob ng katawan ng sangay ng puno na parang paikot.
“Inuulit ko ang tanong. Anong ginagawa ng isang nilalang sa aking tahanan?” sabay harap nito saʼkin.
Pareho nanlaki ang amin mga mata na makita ang bawat isa at makilala. “Lucas, ikaw ba yan?” mahinang sambit ko.
Kaagad naman ito lumapit saʼkin. “Paano ka na punta dito? Huwag mo sabihin alam mo na kung sino ang pumatay sa mga tao at nakikila mo na siya,” nag aalang sagot nito sa'kin.
Hinawakan niya ang mukha ko sabay haplos. Hindi namalayan nakatitig na ako sa kaniyang magandang mga mata at hindi ko mapigilan napangiti. Ano itong nararamdaman ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ako mapalagay na gumanti siya ng titig saʼkin. Mata sa mata ang labanan namin.
“Lucas, hindi ko akalaing ikaw pala 'yon. Hinigop lang ako ng isang lagusan patungo sa mundong ito sa hindi ko malamang dahilan ngunit nalaman ko, kung bakit ako naririto. Pero bakit hindi mo sinabi sa ʼkin, ikaw din pala si Claus?" naiiyak na daing ko.
Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang kaniyang palad. “Patawad Sabrina kahit ako hind ko maalaala dahil sa nagyari sa pag atake ng itim na Engkanto muli nagising ang aking diwa bilang isang sundo.” sabay alis ng kamay niya sa mukha ko.
“Wala naman masama sa ginagawa mo sa halip pinalaya mo ang mga tao sa pasakit sa mundo ng Engkanto.”
“Sandali lang, tigil muna natin ang iyakan. Unahin ko muna ang gumawa ng apoy dahil habang tumatagal ang oras mas lalong lalamig.” sabay talikod nito sa'kin. Saka bumalik sa kaniyang ginagawa.
“Lucas sasamahan mo ba ako umalis sa mundong ito?”
Natigilan si Lucas sa kaniyang ginagawa at sakto naman nakagawa siya ng apoy mula sa maliliit hugis bilog na kulay itim.
“Oo naman kaso nga lang hindi ko alam kung paano makaalis sa mundong ito.”
“Hindi ko rin alam. Pero, ayon sa taga-bantay ng mundong ito, tapusin ko ang misyon upang makalaya ako dito. At ikaw yun ang kasagutan dahil ikaw ang misyon ko sa simula pa lang.”
“Hindi sapat ang iyong nalalaman Sabrina. Hindi ganun kadali makalabas sa mundong ito lalo na sa tulad natin. Na itanong mo na ba sa kaniya ang susi ng atin Kalayaan?”
Napailing ako sa kaniyang sinabi. “Paano na ako makakabalik sa katawan ko?” Dahan-dahan ako umupo habang yakap ang aking sarili.
“Ano? Ang ibig mong sabihin isa ka na lang kaluluwa? Ikaw ba yun nararamdaman ko doon sa pag pag Sundo ko sa mga tao at pag hatid sa inferno?”
“Ako nga Lucas. Wala ng iba.”
“Ngayon naintindihan ko na kung bakit ka nandito sa Preaso. Bukas na bukas sasamahan kita hanapin ang nilalang na sinasabi mo. Sa ngayon kailan mo mag pahinga kahit isa ka na lang kaluluwa, mararanasan mo ang kakaibang emosyon na dulot ng iyong nararamdaman sakit.”
Dahan-dahan siya lumapit saʼkin habang pinapaliwanag ang ibang bagay na may kinalaman sa mundong ito. Noong una halos hindi naniniwala sa mga kwento niya sapagkat sobrang imposible.
“Lucas, matulog na ako. Hindi na kaya ng spiritual ko na gising pa ako, baka ako'y mag laho,” nakangiting sabi ko sa kaniya.
Humiga na ako kahit hindi ako mapalagay ngunit na isip ko si Lucas na handa ako bantayan. Gumugulo sa isipan ko, bakit hindi siya nasa anyo ng Sundo.
“Tabihan na kita, huwag ka mag alala. Babantayan kita hanggan umaga kaya matulog ka na.”
Hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong antok hanggan sa hindi ko namalayan nakatulog na ako.
Kinabukasan nagising ako sa tapik ni Lucas. Sa pag mulat ng mga mata ko bumungad ang Sundo na anyo ni Lucas na pinag taka ko.
“Alam ko nagtataka ka. Sasabihin ko na sa iyo. Sa umaga ganito ako at pag sapit ng gabi bumabalik ako sa normal.”
Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi. “Ano yun?” takot sabi ko habang nakaturo sa himapapawid na may kasalukuyang lumilipad ang mga nilalang na parang ibon ngunit mas nakakatakot ang mga to.
“Huwag ka matakot Sabrina. Baka ma amoy nila ang takot mula sa iyo at dahil ka patungo sa pinaka pugad nila. Ayaw mo naman makulong sa mundong ito, hindi ba?”
Sinunod ko ang kaniyang sinabi. May kakayahan naman siya lumutang kaya inalalayan na lang niya ako bumaba sa puno.
Ligtas naman ako nakababa. Sa pag tapak ko pa lamang sa nag aapoy na mga bato kasabay lumindol na muntik ko na ikatumba kundi ako nahawakan ni Lucas.
“Lucas ano ang ingay na yun?”
“Ang tunong ng Prompeta. Ang mga sugo sa mundong ito, natitiyak ko na aalis sila patungo sa nakaraan at kasalukuyang upang alamin kung ayos lang ang lahat.”
“Ano?”
Napayakap ako sa kaniya na mahigpit na muli lumindol. Gamit ang kaniyang kakayahan lumutang kami sa hangin.
“Kailangan natin maka alis dito sa lalong madaling panahon. Kumapit ka ng mabuti saʼkin.”
Sa kisapmata mata sobrang bilis ang lipad ni Lucas. Yinakap ko ang kaniyang katawan ng mahigpit kahit hindi ako mapalagay.
“Malapit na tayo sa sentro at doon natin makikita ang ibang nilalang nakulong sa mundong ito.”
Tumilapon kami na biglang umihip ng malakas ang hangin. Bago pa man kami bumagsak sa mga bato nag aapoy nagawa pigilan ni Lucas sa pamamagitan ng kaniyang sungay na kusang humaba saka tumukod ito sa mga bato.
“Maligayan pag dating sa Sentro ng Preaso!” sigaw ng isang tinig na mula sa kung saan.
Kaagad ako humiwalay ng yakap kay Lucas. Hinanap ng aking mga mata ang pinag mulan ng tinig subalit hindi ko matukoy kung saan sapagkat nakakalito.
Kusang lumutang ako sa hangin. Hindi ako makaapak sa lupa, bato at iba pa. Lumabas ang isang lalaki mula sa likod ng pangit na higanting Mushroom.
“Siya ang lalaki ang sumalubong sa pag dating ko dito, Lucas.”
“Siya ang bantay ng mundong ito. Kilala siya ng lahat na Sundo ng pagitan ng nakaraan at kasalukuyang.”
“Umalis na ang mga Prompeta. Babalik sila na may masamang at magandang balita para sa inyong lahat,” natatawang sambit nito.
Hindi ko matukoy kung seryuso siya sapagkat seryoso ang kaniyang mukha subalit ang kaniyang tinig at kilos ay hindi. Ang hirap hulaan kung ano tumatakbo sa isipan ng nilalang na ito.
Nag litawan ang iba't ibang klase ng nilalang na ngayon ko lamang nakita sa tanang buhay ko. Halos nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita, ang mga nilalang nababasa ko sa mga kwento gaya ng isang nilalang na hugis bilog at may malaking mata at natatabunan ang buong katawan ng mga pakpak na kulay itim.
“Ngayon nandito na kayo ng lahat. Makinig sasabihin ko at hindi ko na ito uulitin pa.”
Iwinasiwas ang kanang kamay nito sa eri kasabay lumitaw ang imahe na hugis puso.
Nag simula mag ingay ang lahat nandito at kasama na rin ako. Ngunit sa palakpak ng lalaki na tahimik kamingaw lahat.
“Ang susi niyo lahat para makalaya sa mundong ito.” sabay turo sa hugis puso na imahe. “Ang pag-ibig, kung wala ka nito. Tanggapin mo na lang ang iyong kapalaran na habang buhay ka na makukulong dito...!”
“Mawalang galang na po,” lakas loob na sambit ng babaeng anino.
“Mag salita ka.”
“Anong mangyayari sa amin kung hindi kami mag tagumpay na mahanap ang pag-ibig na sinasabi mo? At paano namin malalaman pag-ibig na pala?”
“Magandang katanungan. Kundi mo mahanap ang pag-ibig sa takdang oras maging isa ka na lamang alitaptap. Kayo lamang ang makakasagot sa anong klaseng pag-ibig ang Inyong nararamdaman.”
“Sa pag litaw ng dalawang bituin sa kalangitan ang takdang oras ng inyong Kalayaan kung magtatagumpay kayo. Ako'y makakaalis, paalam hanggan sa muli…!”
Sa kisapmata nag laho ang lalaki. Nag simula mag ingay ang ibang nilalang. Napansin ko parang may tumingin sa'kin na kaagad naman ako lumingon.
“Lucas bakit nakatitig saʼkin?” takang sabi ko.
“Wala naman, napaisip lang ako sa sinabi ng Sundo, paano kung ang pag-ibig ang susi ng Kalayaan mo pa balik sa iyong panahon?”
“Oo nga, bakit hindi ko na isip agad yun. Ngayon ang pag isipan ko naman ang pag-ibig na sinabi niya. Akala ko pag na hanap kita makakabalik na ako sa katawan ko ngunit mali pala ako. Yun pala ang hindi sinabi ng lalaki saʼkin ang tungkol sa pag-ibig.”
Akmang mag salita si Lucas na bigla dumilim ang palibot na labis na pag ka bahala ng lahat.
Mabilis ako yumakap kay Lucas sa takot. Hindi ko maintindihan nakagawa kami ng liwanag mula sa init ng katawan ni Lucas at spiritual na katawan ko.
Gumaya ang iba upang makagawa ng liwanag sa gitna ng kadiliman. Sa aking palagay umiikot ang oras sa kadahilanan sobrang bilis sa pag palit ng liwanag at dilim.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro