15
Lumapit saʼkin ang munting nilalang na lubos ko ipinagtaka ngunit na bigla ako na hinawakan niya ang pulso ko, sa hindi ko malaman dahilan.
“Isa kang alipin ng kaibigan ko. Hindi ko lubos maisip paano ka nag karoon yan?” sabay bitaw nito sa kamay ko.
Tiningnan ko naman ang tinutukoy niya na marka sa kamay ko. Isang simbolo ito na katulad sa libro na hawak palagi ni Lola. Ang librong tungkol sa alamat na si Claus.
Hindi ako maaaring mag ka mali ang mga pakpak na simbolo na kulay itim sa aking kamay ngayon ay may kinalaman sa alamat.
“Ibibigay ko saʼyo ang Gayuma ngunit sa isang kondisyon kailangan mo inomin ang gayuma ng tubig upang aking malaman kung isa ka talagang tao.”
Ang lakas ng munting nilalang na to hanggan beywang ko lang tangkad nito. Ka-agad ako pumayag kahit tutol si Lucas. Gusto ko rin malaman ang kasagutan at malinawan sa puntong ito.
Tinanggap ko ang gayuma ng tubig. Kung tingnan ang maliit na bote na hugis bilog ay pang karaniwan.
Hindi ako nag dalawang isip na inumin ang Gayuma. Noong una wala naman epekto, tinawanan ko pa ang munting nilalang ngunit natigilan ako na biglaan nahihirapan ako huminga kasabay sa pag bitaw sa bote ng gayuma.
Hindi ko mapigilan sumuka ng dugo. Nanlaki ang mga mata ko na makita ang kulay ng dugo ko.
“Hindi ako maaaring mag ka mali isang kang maalamat na Engkanto. Ikaw na siguro ang tinutukoy ng Reyna na mula sa ibang mundo.”
Bumagsak ako sa sahig kasabay ang pag pikit ng mga mata ko. Naririnig ko ang tinig ni Lucas na nag alala saʼkin kahit hindi ko na kaya imulat ang mga mata ko, rinig ko lahat ang pinag talunan ng dalawa tungkol saʼkin.
Nawalang na naman ako ng malay sa sobrang pagod.
...
Nagising ako sa ingay ng paligid. Dahan-dahan ko minulat ang mga mata ko, unang bumungad sa'kin ang mukha ni Lucas na kaagad ko naman siya tinulak.
“Ano balak mo saʼkin? Ikaw ah, manyak!”
Tinawanan ako ng loko habang tumayo. Kahit anong gawin ko na paalisin siya sa harapan ko pero mas lalo ako na inis sa pagmumukha nito.
Natigilan ako na mag salita siya. Pinaliwanag niya ang nangyari sa'kin at kung bakit nakatingin siya sakin ng malapitan.
“Ano?!” hindi makapaniwala sambit ko.
Isang linggo ako tulog dahil hindi kinaya ng katawan ko ang sobrang pag ka pagod mula sa paglalakbay. Sa isang linggo ay ligtas ako nanatili sa tahanan ng munting nilalang.
“May problema tayo.”
“Ano yun?” takang sagot ko.
“Mahigpit pinag bawal ng Reyna at Hari na lumabas ang mga babae, alipin man o Engkanto.”
“Paano ko malalaman kung sino ang pumatay sa mga alipin? kundi ako pwede makalabas.”
Parang huminto ang oras na marinig ko sa isipan ang tinig ni Liwayway.
'Sabrina bukas ng gabi, pagkakataon mo na malaman kung sino ang pumatay subalit may malaking problema. Alam kong alam mo na ang tinutukoy ko. Nitong nakaraan araw maraming namatay, ang hinala ng lahat ang Engkanto itim o ang isang nilalang ang pumatay. ʼ malungkot na paliwanag saʼkin ni Liwayway.
“Anong gagawin ko?!” sabay gulo ng buhok ko.
“Sinong kausap mo?” takang sambit ni Lucas.
“Wala, ang gwapo mo.”
“Gwapo ko pala, ikaw ah,” natatawang sambit nito.
“Esti naaalala ko si Gwapong,” mahinang sambit ko. Sana gumana palusot ko.
“Huwag mo na ipagkaila, Sabrina.”
“Ikaw? Malabo mag ka gusto ako sa tulad mo…!”
Mabuti dumating ang munting nilalang kaya nag iba ang pinag usapan namin ni Lucas. At pansamantala kinalimutan ang tungkol sa sinabi ko.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro