13
Lumipas ang ilang minuto na wala ako sarili habang nakasunod kay Pan patungo sa labasan. Maraming mga patay na Arabian at Orimia ang halos na nagkalat sa daanan. Siguro sinubukan nila tumakas o mag tago pero hindi sila nag tagumpay.
Hindi ko pinapansin si Liwayway kahit anong ingay niya sa isipan ko. Pero hindi talaga ako na Naapektuhan sa halip mas lalong lumala ang nararamdaman ko na kalungkutan.
Anong laban ko sa may mataas na kapangyarihan na kaya ako talunin sa madaling paraan. Para akong tuloy isang paslit na walay sa ina. Sa kinikilos ko ngayon halatang may malalim ako iniisip.
“Orimia kanina ka pa hindi nag salita. Maari ko bang malaman ang iyong pangalan at kung sino ang iyong amo?” sabay lingon sa akin saglit bago tumingin muli sa harap.
“Ako?” walang gana sagot ko.
“Oo. Ikaw, wala naman ibang Engkanto nandito maliban sa akin at kasama ko na Arabian.”
“Ako si Sabrina,” mahinang sambit ko.
“Hay nako. kung ganyan ka palagi baka hindi mo kayanin mabuhay dito sa Sentro. Sino ang iyong amo, Sabrina?”
Hindi ko siya sinagot, hindi naman niya ako kinulit. Siguro nararamdaman niya ang kalungkutan ko.
“Malapit na tayo sa labasan. Mahalaga sabihin mo sa ibang Engkanto kung sakaling mag tanong kung sino ang amo para di ka nila pilitin gawin alipin nila, lalo na ngayon maraming namatay na Orimia, ” nag alala sambit nito.
May punto naman siya. Huminto kami sa harapan ng lagusan at may nilagay siya na kung ano para mag bukas ang lagusan.
Pag labas namin bumungad samin ang Magulo ng kapaligiran. Halos hindi ko na ito makilala, kung dati ang pangit pero ngayon mas lalong pumangit ang buong palibot sa bahagi sentro na to.
Maraming lumapit sa akin na mga Engkanto. Walang gana ko sila tinapunan blakong tingin, hindi ako Interesado sa kahit kanino.
“Isang kang Orimia, maari ka maging alipin ko? Hindi ka magsisi sa akin dahil maraming ako kayamanan na maaari mong makuha sa akin,” masayang alok sa akin ng matandang Engkanto.
Nilingon ko ang matanda. “Pasensya ka na po. Wala akong balak mag pa alipin sa kahit sino.” sabay lakad ko palayo sa kaniya.
“Huwag kang makinig sa kaniya. Sa akin ka dapat sumama. Talagang magustuhan mo ang aking Paraiso na puno ng iba't ibang nagagandahan bulaklak at halaman,”nanabik na sambit ng matabang lalaking Engkanto.
Huminto ako sa harapan niya. “Gaya ng sabi ko kay Manang, wala akong balak mag pa alipin sa kahit sino.” sabay lakad ko palayo sa kaniya.
“Tamang tama Binibining? Dapat mapunta ka sa akin. Hindi mo pagsisihan dahil mas hamak na mayaman ako at magaling na Engkanto,” gigil na alok niya sa akin.
Akmang hahawakan niya ang kamay ngunit ka agad ko naman iniwasan. Ano ako, uto-uto. Huminto ako upang tingnan mula paa hanggang ulo saka napailing.
“Pasensya na ginoo subalit hindi ko hangad ang kahit anong bagay. Ang tanging gusto ay katahimikan. Maari bang lumayo ka sa akin?”
Nanliit ang tingin nito sa akin. Napansin ko ang pag kuyom ng kamao nito. Hindi nag dalawang isip na sinuntok ngunit nagkakamali siya na kinalaban. Walang kahirap-hirap na salag ko ito na hindi ko man lang tiningnan siya.
“Hindi ba sinabi ko saʼyo, gusto ko ng katahimikan? Ngunit anong ginawa mo? Pwes pagbibigyan kita sa kagustuhan mo.” sabay hila ko sa kamao niya saka binitawan ko na naging dahilan ng pagbagsak nito sa lupa.
Akmang tatakbo sana ako pero humarang ang mga engkanto na sabik na magkaroon muli ng alipin na Orimia. Mabuti na lang na pigilan ni Lucas ang pag hagis ng patalim saʼkin ng ilang Engkanto.
“Alipin ko siya. Ayon sa atin batas mahigpit ipinagbawal ang pag agaw ng alipin!”
Bumalik ang lahat sa normal na malaman ng lahat na may amo na ako.
“Dapat ba ako mag pa salamat?”
“Hmmm...”
“Edi salamat po.”
Umalis na ako para hindi kumulo ang dugo sa lalaking ito. Hindi man lang niya ako kanina tinulungan sa halip pinabayaan ako.
“Orimia, masama ang pakikitungo mo sa iyong amo. Kung ako pa sa iyo, maging mabait ka. Ikaw rin, baka mag bago isip niya at ibigay ka sa ibang Engkanto nandito,” inis na sambit ng pandak na Engkanto.
Akmang tatakbo na ako ngunit hinawakan ni Lucas ang kamay ko.
“Nako Sabrina itigil mo yang binabalak mo kung ayaw mong mamatay.”
“Mamatay?”
“Pagmasdan mo ang palibot.”
May usok ang nag kalat subalit hindi ko tiyak ang aking kaligtasan kong tumuloy ako.
“Eh ano naman ngayon?”
Napahiyaw ako sa sakit, na biglaan may kung anong bagay sa kamay ko na pilit dumikit sa balat ko. Binitawan ni Lucas ang kamay ko.
“Ano ito?”
“Pulseras.”
“Aanhin ko ang pangit na Pulseras? Nagawa mo pa ako saktan gamit yan.”
Sinubukan ko tanggalin ngunit na bigo lang ako.
“Isa yan patunay na alipin Kita. Pasasalamat ka pa saʼkin kung hindi kita ni ligtas sa mga Engkanto gusto ka gawin alipin baka ngayon isa ka na lang ewan.”
“Edi salamat.”
“Sumunod ka sa akin. Mag tungo na tayo sa magandang bahagi ng Sentro. Hindi tayo maaaring mag tagal dito dahil malapit na naman muli lilitaw ang buwan ng pasakit.”
Hindi pa man ako makasagot na hilahin ako nito.
'Kainis kung alam ko sana ang pasikot sikot hindi sana ako sasama sa kaniya. Ginawa pa naman niya ako alipin.ʼ isip ko.
“Kailangan natin mag madali!”
“Tema lang may sa—”
Hinawakan ang kamay ko sabay hila sa akin. Wala ako magawa kundi ang magpa hila habang tumakbo.
Napansin ko halos muli na naman sila tumakbo sa hindi ko malaman dahilan. Hindi ko maiwasan sumigaw na makita na putol ang ulo ng babae sa hindi malamang dahilan. Basta na lang ito bigla humiwalay sa katawan.
“Huwag kang lumingon!” galit na sambit ni Lucas.
“Paano hindi ako lilingon? Kundi puro naman sigawan ng kapwa ko tao,” naiiyak na sambit ko. Hindi ako sanay makakita ng dugo at brutal na pagpatay.
“Ito ang misyon mo, Sabrina. Ang alamin kung sino ang pumatay sa mga tao sa mundong ito subalit sa nakikita ko, hindi mo kaya kung hindi mo malagpasan ang takot na bumabalot sa iyong puso.”
“Hi-Hindi ko kaya.”
Nanginginig ang magkabilang binti ko sa takot. Napahinto ako sa pag takbo na biglaan sumakit ang mga paa ko. Parang may kung anong bagay ang kumakagat.
Napalingon ako muli na pinagsisihan ko makikita ang isang bulto nakatayo sa ilalim ng puno. Masama nakatingin sa akin na para bang handa ako nito patayin.
“Ayaw ko na!” Sabay pikit ng mata ko.
Hindi nag dalawang isip si Lucas na buhatin ako na para bang bagong kasal kung pagmasdan kami maigi.
“Tigil mo na yan kaka iyak mo,” mahinang saad nito.
Sa ngayon wala akong magawa kundi ang umiyak at panghinaan ng loob. Hindi ko inaasahan mas mahirap ito sa inaakala ko.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro