12
12: Ang lalaki sa panaginip
Muli naman lumindol na ikinatahimik ng pandak na Engkanto. Masama tumingin ito sa akin. “Umalis na tayo dito. Hahanapin ko lang yun batang Arabian na sobrang kulit baka na pano na yun,” mahinang saad niya.
Pinagpag ko ang suot ko bago sundan siya. Ang bilis mag lakad ng pandak dinaig pa ang bata.
“Hintayin mo ako!”
Kainis hindi man lang ako ni lingon saglit. Palinga linga ako sa palibot, hindi ko maiwasan manabik. Nandito ako ngayon sa loob ng kweba sobrang lawak. Habang tumatagal napapansin ko patungo ako sa ibaba.
“Nasaan kaya yun?”
Hindi ko makita ang pandak na Engkanto. Huminto ako saglit upang pag masdan ang buong palibot. Nakahinga ako ng maluwag na makita na may maliit na butas sa itaas na nagbibigay liwanag sa madilim na parte.
“Nasaan kayo?”
Nag baka sakaling may makarinig sa akin. Umaasa ako makakatagpu ako ng tulad ni Cora ka bait na Engkanto dito.
Kanina pa ako naglalakad sa walang katapusan na daanan. Wala naman ibang daanan maliban patungo sa ibaba subalit natigilan ako na mapansin ang anino.
Hindi muna ako kumilos sa halip pinag masdam ko ang kilos nito. Na patango tango ako sa sunod na nangyari, tumagos ang anino patungo sa mga ugat na mula sa kung saan.
Napatalon ako sa gulat na may narinig ako sa isipan na pamilyar na tinig.
'Matagal na kita hinahanap Sabrina subalit hindi ko maramdaman ang presensya mo. Mabuti. Nandito ka lang sa ilalim ng lupa, akala ko pa naman kasama sa itaas na unti unting na lason sa usok,” rinig sa isipan ko ang boses ni Liwayway.
“Pasensya ka na Liwayway nakalimutan kita. Paano tayo lalabas dito? Kung isang daanan ang naririto subalit walang kasiguraduhan kung may hangganan iyo.”
'Mabuti. Hindi ka tumuloy. Sobrang mapanganib ang naghihintay sa ibaba. Maraming daanan nandito subalit hindi mo ito napapansin dahil bago lang sa iyo ang bagay na ito.ʼ
“Eh. Saan ako dadaan?”
'Hmmm... Siguro sa bato na iyong. ʼ
Tiningnan ko naman ang bato sinabi niya. Napa atras ako. “Nagbibiro ka yata Liwayway. Paano ako makakapasok dyan kung wala naman akong nakikita na daanan?” kahit ayaw ko pumayag pero wala naman akong alam na pwede daanan kaya sumunod na lang ako sa kaniya.
'Nandito na tayo sa harap ng bato. Nakita ko kanina ang nangyari sa iyo. Hindi mo magawa sumanib o makapasok sa puno dahil isa kang Orimia subalit may paraan ka ngunit hindi mo alam kung ano ito. ʼ
'Tandaan mo palagi isa kalahating Engkanto. Isang misteryo ang may dugong Engkanto at tao ang dumadaloy sa iyo. Batid kong hindi mo alam kung sino ka talaga. ʼ
Akmang mag tanong ako ngunit pinili ko itikom ang bibig ko na marinig ang mga yabag na patungo sa kinaroroonan ko.
Napalingon ako na marinig ang tinig. Natanaw ko sa hindi kalayuan ang isang dalagita nakasuot ng puting bestida na aabot sakong. Medyo hindi malinaw ang tingin ko sa kaniya dahil biglang umuusok ang buong palibot.
Napatingala ako sa itaas at hindi mapigilan napasigaw. “Liwayway nandyan ka pa?” subalit walang sumagot na ikinabahala ko.
Napatingin muli ako sa dalagita ngunit muntik na ako matumba sa pag atras ko. Hindi ko maaari isa siyang Orimia pero dahan-dahan na lusaw ang katawan nito na dumapo sa balat nito ang usok.
“Liwayway nandyan ka pa ba?”
“Pasensya na Sabrina. Sandali ako nawala. Pumasok ka na dito sa bato kung gusto mo pa mabuhay,” nainis na sambit niya.
Nagmamadali ako lumapit sa bato at sinusubukan ang kung ano ano paraan ngunit hindi ako nag tagumpay sa halip bumunggo lang ako na siyang dahilan na pag bagsak ko sa lupa.
“Hindi...!” sigaw ko na lamunin ako ng usok.
Biglang sumakit ang ulo ko. Parang hindi ko na kaya pa manatiling gising. Dahan-dahan pumikit ako.
'Sabrina gumising ka! Hindi ka naapektuhan ng usok gaya ng Orimia nakita mo subalit... ʼ
Hindi ko magawang ibuka ang labi ko. Parang may kung anong bagay ang pumigil sa bawat kilos ko. 'Pasensya ka na Liwayway ngunit hindi ko na kaya labanan ang antok. ʼ isip ko.
“Pag bilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo. Huli ka!” sigaw mula sa itaas.
Bago ako tuluyan makatulog. Narinig ko ang tinig ni Lucas mula sa malayo. Hindi ko naramdaman ang sakit para akong patay.
—
Nagising ako sa magandang tanawin na hindi ko lubos akalain. Ito na siguro ang pinakamagandang nangyari sa akin at na puntahan na hindi ko malilimutan sa tanang buhay ko.
Bumangon ako mula sa pag ka higa. Tiningnan ko ang aking sarili, hindi ko akalain nakasuot ako ng magandang dress na gawa sa mala ginto na tela. May suot pa ako na palamuti sa mahabang buhok ko. Napansin ko may hawak ako na rosas na kulay itim habang titig tinahak ang daan patungo sa pinakamagandang parte ng Paraiso.
Ang sarap sa tenga pakigan ang nag aawitan mga ibon na parang nagsasayahan sa kanilang nasaksihan. Naaalala ko ang kwento sa Fairytale, katulad na katulad ang nangyari akin ngayon.
Sana hindi panaginip ang lahat ng ito. Parang gusto ko na manatili sa Paraiso. Sino ba naman hindi makakatanggi sa ganda ng tanawin.
Napagtanto ko. Parang may mangyari na hindi ko inaasahan ngunit hindi ko alam kung ano yun gumugulo sa isipan ko.
Natigilan ako na matanaw ko ang isang lalaki na kasalukuyang nakatayo habang titig na titig sa akin. Hindi ako maaaring mag ka mali ang lalaking ito ay walang iba kundi si Lucas.
Habang pa lapit ako sa kaniya. Pakiwari ko matangkad siya ng kaunti nong huli kami nag kita. At hindi rin mahaba ang buhok niya.
Huminto ako kasabay sinalubong niya ako. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanang kamay ko habang lumapit sa lalaki nakasuot ng puting kasuotan at may suot na korona.
Huminto kami na makarating sa harapan ng lalaki. Nagkatinginan kami ni Lucas, hindi ko maiwasan kiligin sa kaniyang tingin na parang gusto na ako halikan sa kahit anong oras man.
“Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba na maging kabiyak ang babaeng ito, sa hirap o ginhawa? Sa lungkot o saya? ” sabi ng lalaki.
“Tinatanggap ko ng buong puso,” malambing na sambit niya.
Bakit ito nararamdaman ko? Hindi ko lubos maunawaan kung bakit ako nandito at nag pa kasal kay Lucas. Ang bilis sobra para tuloy ako...
Hindi ko namalayan tapos na pala si Lucas tanungin ng lalaki. Matamis ang kaniyang ngiti ngunit nag alinlangan ako sa hindi malamang dahilan.
“Ikaw babae, tinatanggap mo ba na maging kabiyak ang lalaking ito. Sa hirap o ginhawa? Sa lungkot at saya?” mahinang sambit ng lalaki.
Hindi ako makasagot na makita ang palibot ay parang may itim na kung ano man bagay ang mga nakadapo sa mga halaman at puno. Nanginginig ang katawan kong luminga-linga at tiningnan ang pinagmulan ko kanina subalit bumungad sa akin ang purong kadiliman.
Sa muling pag tingin ko kay Lucas halos lalabas ang puso ko sa sobrang pag bilis ng tibok ng puso ko.
“Sino ka? Hindi ikaw si Lucas!”
Dahan-dahan tinubuan ng sungay gaya sa kwento ni Lola tungkol sa alamat na si Claus. Katulad na katulad ang sungay niya sa alamat.
“Sabrina gumising ka!” nag aalala sambit nang kung sino man.
Nilibot ko ang paningin upang hanapin ang tinig subalit bigla ako sinakal ni Lucas. Mabilis ko hinawakan ang kamay niya para bitawan niya ngunit nagmamatigas ang lalaking ito.
“Gusto lang kita iligtas subalit wala akong magagawa kung ayaw mo.”
Isang sampal ang nag pa gising sa natutulog kong diwa mula sa bangungot. Bumungad sa akin ang pandak na Engkanto habang walang tigil kakasalita sa kasama niya.
'Huwag kang magalit Sabrina. Ako ang may gawa. Muli ka na ligtas ng Engkanto ng lupa, siya si Pan ang pinaka mabuting Engkanto ng lupa. ʼ
'Sabrina?ʼ
Ilang beses na ako tinawag ni Liwayway pero nanatili wala akong kibo. Nawalan ako ng gana mag pa tuloy, hindi ko alam kung kaya pa ba lumaban.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro