Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11

11: Ang kaguluhan sa gitna ng kaharian

Nagising ako sa ingay ng palibot. Ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan ako tumayo ngunit may pumigil sa akin.

“Huwag ka muna tumayo. Nandito na tayo ngayon sa sentro ng kaharian. Hindi tiyak ang kaligtasan natin kung sakaling may maka kita sa atin sa ganitong kalagayan.”

“Nasaan tayo ngayon?”  ang pangit ng kulay ang nakadikit sa pader ng mga kabahayan. Parang hindi ito ang tinutukoy ni Cora na Sentro ng kaharian. Kabaliktaran sa kwento ni Cora ang nakikita ko ngayon.

“Nandito tayo sa pangit na bahagi ng sentro ng kaharian kung saan makikita natin ang mga Engkanto naghihirap.”

“Ano ang ibig mong sabihin naghihirap?”

Pati naman ba dito sa mundo ng Engkanto meron hindi magandang nangyari. Walang pinag ka iba sa mundo ng pinagmulan ko.

“Hindi mo yata alam ang tungkol dito. Ang paghihirap ng mga Engkanto sa bahagi ng Sentrong ito, matagal na mangyari ang Aksidente dahil sa sumpa ng Itim na Engkanto.”

“Nasira ang balanse ng kalikasan dahil sa pagbitaw niya sa kaniyang tungkulin bilang tagapangalaga ng kalikasan. Itinuturing ng lahat na sumpa ang kaniyang pag bitaw sa pwesto.”

“Yun lang. Ano naman nangyari sa pag bitaw niya?”

“Naging ganap siya na Itim na Engkanto. Nagpadala siya sa kaniyang emosyon hanggan hindi niya namalayan nasira ang lahat na pinagmulan ng lakas ng mga mababang Engkanto at pang hanapbuhay ng mga ito ay nadamay sa  pag ka sira sa delubyo ginawa ni Itim.”

“Ano? Siya ang dahilan ng lahat ng ito ngunit hindi ko maunawaan ang isa pang gumugulo sa isipan ko.”

Hindi ito na i kwento sa akin ni Cora ang tungkol dito. May tinatago ba siya sa akin subalit ang lahat ng pinapakita niya sa akin ay totoo.

“Ano  yun Sabrina?”

Hindi ako nag dalawang isip. “Sino ang pumatay sa mga Arabian at Orimia? Ito ang pinunta ko dito,” takang sambit ko.

Lumayo siya ng konti sa akin. Palinga linga sa palibot na parang may iniiwasan.

“Yan ang pangalawang problema dito. Halos lahat ng mga Arabian at Orimia naninirahan dito sa pamamahala ng mga Engkanto subalit hindi nila magawang protektahan dahil masyado silang mahina at hinaharangan ng Itim na Engkanto ang kanilang pandama.”

“Ayon sa naka kita isang lalaki ang pumapatay sa mga Arabian at Orimia. May dalawang sungay ang lalaki subalit hindi nila makita ang mukha nito.”

Na bigla ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko inaasahan masasagot niya ang tanong ng ganun kadali.

“Lalaki? May sungay?”

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi maaaring mangyari ang nasa isip ko. Ang kwento ni Lola tungkol sa alamat na si Claus, hindi kaya siya ang tinutukoy dito.

“May problema ba?”

Ka-agad naman ako umiling upang hindi niya mahalata. Parang may nakalimutan ako ngunit hindi ko maalala kung ano yun. Palinga linga sa buong palibot, gusto ko lumabas sa pinag taguan namin pero pinigilan niya ako.

“Sabrina, may hinahanap ka ba?” takang sambit niya.

“May kasama ba tayo?”

“Oo, yun Timre. Pasensya ka na pero nahuli siya, pagkatapos natin tumawid ng tulay sinalubong tayo ng Engkanto ng Lupa. Huwag kang mag alala ligtas siya. Sa pagkakaalam ko mahilig ang Engkanto ng Lupa sa mga ligaw na hayop.”

Biglang lumindol. Nagkatinginan kami sa isa't isa. Napag pasyahan lumabas sa pinag taguan baka kami ay makulong sa pinag taguan.

Naglalabasan na rin ang mga Engkanto habang nakatingin sa kalangitan. Nagtataka ako nong una pero may napansin ako naka lutang na isang nilalang. Hindi ko mawari kung ano sapagkat sobrang labo ang paningin ko.

“Nandyan na naman ang Itim na Engkanto!  Magmadali kayo mag tago mga Arabian at Orimia!” sigaw ng matabang Engkanto na kasalukuyang pilit hinila ang mga naglalakihan mga dahon na mula sa higanteng puno.

“Anong nangyayari?” takang sambit ko.

Napalingon ang payat na Engkanto sa akin.

“Kabilugan ng buwan ngayon. Ito ang tamang oras para umatake ang itim na Engkanto at sunod sunod na mamatay  na mga Arabian at Orimia!” sigaw ng sambit habang walang tigil na sinusubukan sumanib sa katawan ng higanteng puno.

Hinila ako ni Lucas patungo sa isang puno. Hindi ko alam kung ano ang balak niya. Kahit anong tanong ko sa kaniya subalit hindi naman ako sinasagot.

Nang malapit na kami sa itim na puno ka agad naman siya naka sanib ngunit na iwan nakatulala. Hindi ko lubos maunawaan ang nangyari.

“Sumanib ka na katawan ng puno upang makaligtas sa matinding lason ng itim na Engkanto. Nag aalala ako sa kaligtasan mo, pakiusap pumasok ka na habang may oras pa.”

“A-Anong mangyari kung hindi ako mapasok?” Kinakabahan saad ko.

“Isa kang Engkanto kaya maaari ka rin manghina sa lason subalit hindi ko tiyak kung anong epekto ang lason sapagkat hindi ko alam kung anong klaseng Engkanto ka.”

Nag dalawang isip ako kung gagawin ko. Tumingin ako sa palibot halos wala sa sarili ang ibang Engkanto na kasalukuyang naghahanap na pwede pag taguan.

Nagmamadali ako lumapit sa itim na puno saka hinawakan subalit nagtataka ako. Walang nangyari na labis ang pa gulat kay Lucas habang nakatingin sa akin.

“Kaya pala wala kang alam sa mga nangyayari dito. Isa kang Orimia na walang nag may-ari sa iyo. Ang tanong paano ka napadpad sa mundong ito?”

Halos hindi ako makapaniwala sa akin nalaman. “Ang ibig sabihin ng Arabian na lalaki at Orimia na babae ay isang tao binihag niyo sa mundo ng mga tao, para gawin alipin,” mahinang tugon.

Kung ganun maraming buhay ang nasayang. Pag dating sa mundong ito mamatay muli sila na walang kalaban laban tulad ng dati nilang buhay.

“Tama ka nga. Isa akong Orimia. Pabayaan mo na ako kahit anong pilit mong gawin para maligtas ako. Walang mangyayari dahil hindi tatalab sa akin ang kapangyarihan mo. “

Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi niya habang nag lakad ako patungo sa isang direksyon. Parang may gustong palapitin ako kahit kinakabahan hindi ko pinansin ang ingay ng palibot.

Hindi pa man ako nakarating. Nagmamadali ako nag tago na marinig ang pag sabog na mula sa itaas. Napatingala saglit upang alamin ang nangyari. Nanlaki ang mga mata ko na makita ang mabilis na pag bagsak na mga bolang usok. Ito na siguro ang tinutukoy nila na lason.

“Gusto mo yata mamatay. Halika dito!” sabay hila sa akin ng isang pandak na Engkanto patungo sa hukay.

Wala na akong magawa kundi ang magpadala. Nahulog kaming dalawa sa ilalim kasabay bumagsak ang mga bolang usok na muntik na malanghap ko ito ngunit malaking pasasalamat ko na mabilis na takpan ang butas ng bato.

“Ang bigat mo. Kapagod!”

Bumagsak kami sa lupa na una ang pang upo. “Aray ko ang sakit!” pa iyak na sambit ko.

Samantala ang pandak na Engkanto tuwang tuwa halos hindi makahinga kakatawa habang nakatingin sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro