Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1

1: Ang Daan Patungo Inferno

May isang alamat na ayaw ko paniwalaan, natatawa ako sa tuwing naaalala ko ngunit hindi ko pa narinig ang alamat ng kwento.

“Cecilia!”

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ngunit hindi ko inaasahan wala akong nakita kahit isang tao man lang. Labis ako nakaramdam ng takot na mapagtanto na ako lang pala ang tao dito sa malaking hardin namin.

Napasigaw ako sa takot na may biglaan humawak sa balikat ko. Nag madali ko naman ito inalis habang wala tigil kakasigaw.

Napatigil ako ng marinig ang tawa ni Lola. Tinitigan ko mabuti si Lola bago mag reak, nag madali yinakap ko siya.

“Sabrina hindi ako makahinga.”

Agad naman ako humiwalay. Sabay kami umupo habang nakatingin sa hawak na libro ni lola.

“Lola, alam mo ba ang tungkol sa alamat? Kasi intersado akong malaman kung anong kwento nito kasi ayaw ko maniwala basi sa pamagat at pangalan ng may akda.”

"Hmmm…”

Hinawakan ko ang magkabilang kamay ni lola saka nag pa kyut sa kaniya habang paulit-ulit na sinambit ang tungkol sa alamat.

“Kahit kailan ang kulit mo talaga Sabrina. Paano ko ba ito simulan?”

“Lola naman eh,” sabay bitaw ko dito. Kunwari nagtatampo ako baka magbago isip.

“Naalala ko na. Sandali lang.” sabay buklat sa libro hawak niya.

"Nakita ko na ang larawan.” binigay niya sa akin ang libro upang makita ko ang larawan tinutukoy niya.

“Ano?”

Isang gwapong binata na may dalawang maliit na sungay at sa unang tingin ko mukhang anak siya ng mayaman angkang.

“Siya si Claus ang lalaking na banggit sa alamat.”

"Bakit may sungay si Claus?” takang sambit ko.

“Simulan ko sa umpisa upang maunawaan mo ng mabuti ang kwento. May mag asawa hindi biniyayaan ng anak dahil ang babae may pangalan Donya Soria ay walang kakayahan mag buntis. Nang nalaman ni Don Lucas ay gumawa ito ng paraan ngunit sa kasamaang palad hindi ito nag tagumpay.”

“Kung hindi po sila nag ka Anak.”

“Ayon sa kwento isang tanyag na scientist si Don Lucas na tinitingala ng lahat ngunit sa likod nito may tinatagong lihim na walang nakakaalam maliban sa kaniyang asawa na si Donya Soria.”

“Nalaman ng buong nayon ang tungkol kay Donya Soria na walang kakayahan mag buntis. Ngunit lumipas ang ilang buwan napag alaman nila nagsilang ng sanggol si Donya Soria na ikinabigla ng lahat.”

“Pero lola paano siya na buntis? kung wala naman siyang kakayahan ayon sa kwento mo,” takang sambit ko.

Ngumiti si Lola ng malungkot sa akin bago mag pa tuloy sa kwento.

“Wala ng ka kaalam sa tunay na nangyari kung paano. Ngunit hinala ng lahat gumawa ng paraan si Don Lucas dahil isa itong magaling na scientist.  Saktong kaarawan ni Donya Soria pinakilala ang bata ngunit na bigla ang lahat na masilayan ang kakaibang wangis nito.”

“Anong sunod nangyari Lola?”

Intersado na ako ngayon sa kwento ngunit hindi ako naniniwala na tunay ang nangyari sa kwento.

“Hulaan mo?” natatawa na saad ni Lola.

Napakamot na lang ako sa ulo dahil wala akong ideya, ngunit ang hinala ko ay hindi maganda ang sunod nangyari pero hindi  ako sumagot kay Lola sa halip umiling lang ako.

“Na galit ang mga tao. Naniniwala ang lahat na humiling ang mag asawa sa demonyo upang bigyan ang kahilingan matagal na nila pinangarap, ngunit walang magawa ang taga nayon kundi mag pakitang tao upang hindi mahalata ng mag asawa.”

"Sa araw na iyong walang nangyari ngunit kinabukasan nag ka isa ang mga taga nayon na paalisin sila sa nayon.”

" Anong sunod po nangyari?”

“Walang na gawa ang mag asawa kundi ang umalis sa takot ngunit bago pa man makalayo sa nayon. Ayon sa naka kita may lumitaw na daanan patungo sa kung saan.”

“Daan? Baka patungo sa kadiliman.”

“Tama ka riyan Apo. Ang tinutukoy ng naka kita ang daan patungo Inferno. Ayon sa alamat ang maka kita ng daanan patungo sa inferno ay sila ang nakatakda…”

Nagsasalita si lola ngunit walang lumalabas na boses sa kaniyang bibig. Ka agad ko naman tiningnan maigi si lola, napahawak ako sa magkabilang pisngi ko napagtanto natutulog si Lola.

Ngayon ko lang napansin may nakasulat sa ibaba ng larawan ngunit hindi ko maunawaan kung ano ang nakasulat. Inilipat sa sunod na pahina ngunit hindi ko inaasahan ang aking nakita na larawan, muntik ko na ito nabitawan.

“Ang daan patungo Inferno? Ito na siguro yun tinutukoy ni Lola.”

Isang daanan patungo sa ikaliman ng lupa habang sa magkabilang gilid ng daan may mga metal na hugis patulis ngunit sa bandang dulo nito ay malaking apoy na may anyong Bola.

May mga simbolo sa ibaba ng larawan ngunit ang nakapagtataka ay naunawaan ko ang bawat simbolo. Alam ko ang kahulugan at kung anong nais iparating ng mga simbolo nakasulat sa ibaba ng larawan.

“Ito ang daan ang susi ng init ng katawan at kaisipan. Sa bawat hakbang ay may kaakibat  panganib.”

“Dios ko!”

Nabitawan ko ang libro.

“Pasensya ka na apo. Mukhang naunawaan mo ang nakasulat sa ibaba ng libro, hindi kaya na punta sa iyo ang kakayahan ng iyong ina.”

“Ina?”

“Pasensya ka na hindi mo pala kilala ang tunay mo na ina. Kung sino man nakakabasa ng libro nakasulat sa ibaba ng larawan ay nakatakda makikita mo ito sa hinaharap.”

"Ang ibig mong sabihin makikita ko ang daan ng Inferno?”

Nanlalaki ang mga mata ko, hindi ako mapalagay na para bang may nakatingin sa akin na mula sa kung saan. Ngunit hindi ko pinahalata kay Lola natatakot na ako.

“Mag ingat ka apo.”

Nagtataka naman ako sa kaniya sinabi.

“Bakit po? May masamang bang mangyari sa akin? Lola naman mo huwag ako takutin.”

Dinamput ni Lola ang libro habang hindi sinagot ang tingin ko. Tinapunan ako ng kakaibang tingin sabay napa kunot noo, kakaiba ang kaniyang kilos.

“Mauna  na ako sayo apo. Palagi mong tatandaan mag ingat ka. Sa susunod na lunes ako dadalaw muli.”

Umalis si lola na hindi man lang lumingon sa akin. Kainis kahit kailan binitin ako palagi, hay nako makatulog nga muna dito sa damuhan.

Hindi ko maipaliwanag ang sobrang antok kahit hindi naman ako pagod. Bumagsak na lang ako sa damuhan na biglaan ako nakatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro