Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

15 || Little Comfort

For years, he yearned for those nuances.

— ❁ —

        "GOODMORNING, MY lovies!" Lee's forehead furrowed. Napasulyap siya sa suot na relo. It was one in the afternoon. He didn't bother correcting Lemon. "Oh, I meant afternoon pala. Anyways, my sources say our guest today is about to release his first-ever music video. You believe me, right?"

        The tech person played the infamous "right" sound effect of "Lemon's Aid for You".

        As Lemon went on with the introduction, Lee stared at the small cactus on the coffee table. Umayos siya ng upo sa puting sofa. Walong araw na lang bago ang premiere ng music video ng "Iyo". Everything has been set, actually. Patapos na ang editing. Title card at credits na lang ang kulang.

        Lee barely got through the 4-minute video without sighing.

        Lemon played some advertisements. Pagkatapos niyon, nagtuloy-tuloy na ang mga tanong nito kay Lee. "So, we know what 'Iyo' is about, right?" Pinindot ulit iyong sound effect. "Is it safe to expect na same lang 'yong story ng mismong video or should we expect something totally unexpected?"

        Lee tried his best to smile despite feeling annoyed. Nakita niya kasi kung paanong inikot ng cameraman iyong lens, makapag-zoom in lang sa mukha niya. Pati iyong boom mic, ibinaba at inilapit rin sa kanya kahit na may suot naman siyang lapel. He caught a glimpse of Charlotte gesturing behind the camera.

        Gamit ang mga braso, gumawa ng ekis ang manager niya.

        "Hmm." He pretended to be deep in thought. Pinalawak niyang lalo ang ngiti nang pumangalumbaba si Lemon. "Siguro for now, ang masasabi ko lang ay nag-enjoy ako sa process. Magkapatid kasi 'yong paggawa ng music video sa pag-record ng kanta kaya nando'n ulit 'yong feeling ng fulfillment."

        That was a lie. The whole time, Lee was scared. Nabawasan lang siguro ang kaba niya noong kinukunan 'yong eksena nila ni Laurie. It just felt nice to dance with her again. Besides dancing, he missed seeing her hide her smile and chuckle up close.

        For years, he yearned for those nuances.

        Lee blinked. Pumitik kasi ang host na si Lemon sa harap niya. "Ay, lovies~" Pumalatak ang babae at saka, ngumisi. "Simeon Lee seemed to have stopped working. Kanina pa nakangiti, e. Okay, so to repeat my question kanina, can you share with us the exact time of the release of the video?"

        "Hala, 'di niyo ba alam?" He faked a gasp. Tinakpan pa niya ang bibig na ikinatawa ni Lemon. "Guys, in case you missed it, may countdown po sa official Twitter ng R/C. 'Yon po 'yon, ha-ha. Kino-confirm ko na ngayon pa lang na para sa 'Iyo' 'yon."

        "Well, there you have it, my lovies," Lemon delivered her spiels, laughing. "I think Lee just spoiled his own music video release."

        "Sorry pero nakikita ko kasi 'yong tweets niyo. May nabasa ako. Sabi niya, 'di raw siya matutulog hangga't 'di sigurado na para sa 'Iyo' 'yong pa-countdown," tumatawa niyang kuwento. "Nakalimutan ko 'yong username pero kung nakikinig o nanonood ka ngayon, please lang. Matulog ka na."

        That earned a chortle from Lemon.

        After the videocast, Charlotte twisted Lee's ear. "Why did you do that? Alam mo namang ayon 'yong point ng countdown, e, para mag-abang sila tapos—" Bumuga ito ng hangin. "—but okay. No point in dwelling about that."

        "Manager, ikaw kaya nagsabi na bigyan ko ng kahit ano si Lemon," umiiling na katwiran ni Lee. "Alam naman nating 'di 'yon tumitigil hangga't wala siyang exclusive."

        "I guess it's fine." Umangkla ito sa braso niya at inakay siya palabas ng building. "Kumusta ka nga pala after the shoot? I saw you and Laurie talking while dancing, pero alam kong 'di mo naman ikukuwento kung anong pinag-usapan niyo so. . . I just want to know if you're okay."

        Lee fixed the collar of his blue dress shirt. "I'm okay. Okay ako. Wala rin kaming masyadong pinag-usapan no'n, about sa kanta lang."

        Mahinang natawa ang manager niya. "Did she ask if the song was about her?"

        "Alam naman niya yata no'ng una pa lang."

        "Alam din ba niya 'yong about sa viral mong video? Does she know you were crying because of her?"

        "Siguro? Imposible namang 'di niya napanood 'yon." Lee shrugged. "A, may ipapaalam nga pala ako sa 'yo. Nag-reach out kasi 'yong alma mater ko. Ini-invite akong tumugtog sa foundation day."

        Narating na nila iyong van na ipinarada ni Junnie sa tapat ng building.

        "Alma mater niyo ni Laurie 'yan, right?" Tumango siya sa tanong ni Charlotte. "Is she going with you?"

        Lee bit his lip, unable to hide his excitement at the thought of visiting his old university with Laurie. "Hindi raw siya sure pero parang gusto niya? Depende raw sa schedule kung may event sa café."

        "Your nonchalance scares me," wala sa sariling sabi ng babae bago buksan ang pinto ng van. "Parang mas gusto ko 'yong kinakabahan ka kaysa 'yong ganito mong mood. You just look happy."

        His brows knitted in confusion. "Sinasabi mo bang ayaw mong nakikita akong masaya?"

        "No, it's not that," Charlotte mumbled, sighing. "Ayoko lang na nakikita kang umaasa. Ganito ka rin no'n, kada iisipin mong nakasabay mo si Laurie sa kalsada sa gitna ng traffic. You act all giddy and happy, only to end up crying while hugging a bottle of beer."

        "Manager naman," buntonghininga niyang sabi bago sumakay sa van. "Napag-usapan na natin 'to. 'Di na mauulit 'yon, promise."

        "E, si Laurie? Did she promise the same thing? Na 'di na niya mauulit 'yong nangyari before?"

        Lee felt a lump in his throat. He knew that Charlotte was just looking out for him but he still felt annoyed. Hindi naman siya nainis na lumagpas ito sa pagiging manager. Matagal na kasi silang magkaibigan.

        Nairita siya sa katotohanang may punto si Charlotte. However, he refused to acknowledge it. He knew Laurie. Narinig din niya ang sinabi nito noong nagkasakit siya. Humingi ito ng pasensya. From that alone, Lee could tell she didn't hurt him intentionally back then.

        Ramdam din niya ang takot ni Laurie na makapanakit ulit. Nakita niya iyon pagkatapos siya nitong yakapin.

        Charlotte sat beside him, scoffing. "Tingnan mo. You're not sure, either."

        Lee tried his best to smile. "Okay lang namang 'wag maging sigurado. Life is about risks nga, 'di ba?"

        His manager just sighed exasperatedly before shutting the door.

        SIGHING, LAURIE opened the door of her car. Lakad-takbo rin ang ginawa niya papunta sa pintuan ng café. She and Malie were planning to make croissants and lemon meringues again. Besides that, the posters of Theo's pictures just arrived. Balak niyang i-check ang quality at size ng mga iyon.

        Pabukas niyang hinila ang pinto.

        "Goodmorning and welcome to Cafuné—hala, Lauwie. Ikaw pala 'yan."

        "Were you expecting someone else?" Ipinatong niya ang bag at ang bitbit na plastic containers sa counter. "Nag-text ako sa 'yo na tapos na 'yong klase ni Chef Denise, 'di ba? That is pasta Bolognese, by the way."

        "Ikaw ulit gumawa ng mismong pasta?" Excited na binuksan ni Malie ang container nang tumango siya. After getting a fork, she immediately dug in. "Oh, my Gosh, Lauwie, this is good."

        Laurie frowned. "Stop being nice, Mal. Alam naman natin pareho na spaghetti lang 'yan."

        "No, it's not. Mas fresh ang lasa ng Bolognese kaysa sa spaghetti," tumatawa nitong sabi. "By the way, alam mong mamaya 'yong release ng MV ni Lee, 'di ba?"

        "Yep." Pinuno niya ng kape ang thermos niya. "He actually messaged me. Invited daw tayo sa launch party sa Maginhawa."

        "Anong sabi mo?"

        "Sabi ko, 'di tayo makakapunta kasi mga 10 PM tayo magsasara. He said it's okay but I think he was disappointed," kuwento niya, sabay inom ng kape. "Pero ikaw, kung gusto mong pumunta, you can go."

        Malie ate some of the pasta, humming. "So, inaamin mo ba sa 'king excuse mo lang 'yong 10 PM closing time natin? Kasi if aalis tayo ng 10, dadating tayo do'n around 12 midnight. That's not really late, Lau. Baka nga kakasimula pa lang ng party ng gano'ng oras."

        "I know but it's Sunday tomorrow. Maaga tayong bibili ng supplies."

        "Okay, what is it?" Malie crossed her arms. "Okay naman kayo no'ng nakaraan, a? May nangyari ba?"

        Umiling siya. "It's nothing like that."

        Pinaningkitan siya ng mata ng kaibigan. "Okay, if you say so." Malie put the container down before scratching her chin affectionately. Pinaikot niya ang mga mata. Tinatrato na naman kasi siya nitong parang pusa. "Mahal kita, Lau, pero minsan, parang 'di ko gets kung gets mo ba sarili mo."

        She chuckled. "That's a bit confusing."

        "Do you want me to tell you how you really feel?" Malie asked, scrunching her nose. "Legit suggestion 'to, Lauwie, 'ha? Ayoko lang kasi na nahihirapan ka."

        "Hi, excuse me po," a girl interrupted them. Ipinakita at iniharap nito iyong dalang phone sa kanila ni Malie. "Ia-ask ko lang po sana kung ikaw po 'tong nasa pic?"

        Saglit silang nagtinginan ni Malie.

        Laurie held out her hand. "Can I see?" Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang makita iyong nasa screen. It was a snapshot from the video uploaded as a teaser. "I'm sorry but no. Kamukha ko lang siguro dahil sa buhok."

        "A, okay po. Sorry po sa abala, he-he." The girl smiled apologetically before leaving.

        Bumulanghit ng tawa si Malie pagkatapos. "I can't believe she bought that. Halatang-halata kaya na ikaw 'yon," naiiling nitong sabi at saka, pumalatak. "Pa'no pala 'pag lumabas na 'yong full vid later? Idi-deny mo pa rin na ikaw 'yon 'pag may nagtanong?"

        Laurie sipped her coffee again. "We'll cross the bridge when we get there."

        "I'M SORRY we can't be there but congratulations on the video."

        Paulit-ulit na binasa ni Lee ang message na iyon. Nang magsawa, ibinaling niya ang atensyon kina Sandro at Junnie na tumatalon-talon sa saliw ng tugtog ng Makamundo. He checked Twitter after that. As expected, "#IyoMV" was trending.

        His phone vibrated. Smiling, Lee pressed "answer". "Hello, 'La? Kung 'di niyo pa rin napapanood, paturo po kayo kay Tito Jake."

        "Ginakita namin, 'nak," tumatawang sabi ni Lola Pasing sa kabilang linya. "Pinakabit ko pa nga sa atung TV para malaki, mas kita namun an imu pamayhun. Nagmana ka talaga sa akun."

        Natatawa niyang hinilot ang sentido ng ulo. "Hala naman, 'La. Baka lalong mainggit mga ka-mahjong mo d'yan, may gwapo kang apo."

        "Sino nga pala 'yong babae, 'nak? Kay ganda san pamayhun. Artista ba ina siya?"

        "Kilala niyo 'yon, 'La." Lee bit the inside of his cheek. Hindi niya kasi kinuwento kay Lola Pasing na nagkita sila ulit ni Laurie. Hindi rin niya binanggit na nakatrabaho niya ito. "Naaalala mo no'ng tumawag ka sa dorm no'n, ta's naliligo ako? Siya 'yong sumagot sa tawag mo no'n, 'La, 'yong tinawag mong maputla."

        "A, si Lau—Laurine ba?"

        "Opo, si Laurie nga po."

        "Nagkita pala kayo, anak. Ba't dili mo sinabi sa akun?"

        "Nawala lang po sa isip ko, ha-ha. Medyo na-busy po kasi sa shoot ng video, e. Anyway, nagustuhan niyo po ba 'yong video? Pinalagay ko po pangalan niyo nina Papa sa dulo, e, sa dedication."

        "Ayos ka lang ba, anak?"

        Nalukot ang noo niya sa tanong na iyon. "Oo naman po. Excited nga po ako kasi sabi sa 'kin ni Manager, guaranteed na 'yong next music video ko dahil sa 'Iyo'. 'Yong kanta na lang po na gagawan ng video 'yong problema, ha-ha."

        "Simeon, anak. . ."

        "Po?"

        "Sasabihin mo naman kay Lola kung may problema, 'di ba?"

        He nibbled his lower lip. "S'yempre naman po."

        Nang magpaalam ang Lola Pasing niya, nilibot niya ng tingin ang bar. Everyone seemed drunk already and it was just 9 PM. Lee sighed when Sandro pressured Jegs to take another shot. Kaagad niyang nilapitan ang dalawa.

        Inagaw niya iyong shot glass na tinutulak ni Sandro. Tumungga siya. "Shit. Ano 'yon?"

        Humagikhik si Sandro habang sinisiko ang katabing si Junnie. "Bacardi, ha-ha."

        "Tama na, 'ha?" nakangiwing sabi ni Lee. "Mauuna na pala 'ko. 'Wag niyong lalasingin si Junnie."

        "Hatid na kita, Kuya, tapos balikan ko na lang sila dito," pagprisinta ni Junnie. Bago pa siya makasagot, tumayo ito at umakbay sa kanya. "Pahatid ka na, Kuya, please? Sama na lang ako sa 'yo. Papagalitan ako ni Alice 'pag umuwi akong lango, e."

        Mahina siyang natawa. Nilingon niya sina Sandro. "Una na kami, a? Babalikan na lang daw kayo ni Junnie."

        While walking, he searched for Charlotte. Kumaway siya nang mamataan itong may kausap. "Manager!" pagkuha niya sa atensyon nito. Kunot-noo lang siya nitong tiningnan at saka, tumuro sa mga kaharap.

        In response, Lee pointed in the direction of the doors and waved goodbye.

        "Sa'n pala tayo, Kuya? Diretso na ba tayo sa bahay mo?" magkasunod na tanong ni Junnie, pagsampa niya sa van.

        "Sa Cafuné sana pero kahit do'n sa convenience store mo na lang ako ibaba," nangingiting sabi ni Lee.

        LAURIE WAS yawning as she locked the café's doors. Pinauna niyang umuwi si Malie. Napagod kasi ito sa kamamasahe ng dough. As for the croissants, they ended up wasting six packs of flour again. They just couldn't get the thickness right.

        With the lemon meringue, the lemon's zest kept overpowering everything. Doon lang naintindihan ni Laurie kung bakit ganoon katapang ang lemon sa meringue ng Café Maurice.

        She walked to her car. Napamaang siya nang makita roon si Lee. Kumurap-kurap siya. He just looked like a dream, leaning against her car door while holding two paper cups. "Hi," pagbati nito sa kanya.

        "What are you doing here?" She glanced at her watch. "Akala ko, nasa Maginhawa ka?"

        "Nanggaling na 'ko do'n." Inabot nito sa kanya ang isa sa mga baso. "'Di ka na yata umiinom ng galing sa vending machine pero kape 'yan."

        Sumimsim si Laurie mula sa baso. Nilingon niya ang sarado nang café. "Pumunta ka ba dito para mag-dinner? I literally just closed the door but I can reheat some pasta. May dala akong Bolognese kanina."

        "'Di naman dinner pinunta ko dito." Nagpamulsa si Lee. "Gusto lang kitang makita."

        She looked at him, confused. "Are you okay?"

        "Gano'n ba kahalata na hindi?"

        Muli niyang binawasan ang kape at saka siya tumabi kay Lee. "Did you drink?"

        "Kaunti lang pero kanina pa 'yon," buntonghininga nitong sabi.

        "Congratulations again, by the way."

        "P'wede ba 'kong magtanong?"

        That question would have made Laurie nervous if she heard it days ago. This time, however, she felt concern. Nagpalamon siya sa pag-aalalang nararamdaman para kay Lee. Hindi naman ito mukhang lasing. That was more frightening, actually. He seemed sober but lonely.

        "What about?" she finally dared.

        Lee faced her. Saglit na dumaplis ang kaliwa nitong braso sa kanya. "No'ng nagsisimula pa lang ako, gusto kong makilala saka kumita ng pera habang ginagawa ko 'yong gusto ko. After kong ma-scout ng R/C, gusto kong makagawa ng album, kanta, or video. Pruweba siguro na legit ako, LOL."

        Laurie drank the rest of her coffee. Napangiwi siya. Naipon kasi sa ilalim iyong asukal kaya gumuhit sa lalamunan niya iyong tamis. "But now, what?"

        Nangingiti itong umiling. "Pero ngayon na nagawa ko na 'yong isa do'n, parang 'di ko ramdam. Ewan ko, baka 'di ko pala gano'n kagusto. Normal ba 'yon?"

        She began panicking internally. Comforting people wasn't her strongest suit. "Nothing's wrong with you. P'wede namang nagbago lang priorities mo. That just means you're growing as a person."

        Tumango-tango si Lee. "E, ikaw ba? Gano'n ba 'yong nangyari sa 'yo no'n?"

        Nalamukos niya iyong paper cup sa narinig.

        Lee chuckled. "Never mind. 'Wag mo na munang sagutin. Sorry." He drank from his cup. "Kung p'wede. . . ganito muna tayo ngayon, okay lang ba?"

        Laurie hummed. "By the way, how are you going home?"

        Nagkibitbalikat ito. "Grab or Angkas."

        "I can't let you go home alone in that state. Ihahatid na kita." Pati siya ay nagulat sa sinabi.

        Tinungga ni Lee ang hawak na baso. "Ganito na muna tayo. Mamaya na natin pag-usapan 'yan," nakangiti nitong sabi. "Ay, oo nga pala. Birthday mo na next week, 'di ba? Anong gusto mong regalo?"

        "I don't know. Kakain lang naman kami nina Malie."

        "Nina as in? Kasama si Theo?" tanong nito, malayo ang tingin.

        Mariing kinagat ni Laurie ang labi. If someone were to tell her months ago that she would be staring at Lee again, she might have scoffed. She wouldn't have believed it if someone said he would be so close, their elbows touch. Baka nga pinaikot pa niya ang mga mata.

        Ganoon kaimposible ang ngayon.

        Pinanatili niya ang atensyon kay Lee sa kabila ng ingay ng mga sasakyang dumaraan. "Magluluto ako. You can come if you want."

        He shot her a look. "Sure kang p'wede?"

        "Dinner lang 'yon dito sa café. I already invited you. You don't have to ask for permission anymore."

        "Kung naaawa ka lang kaya mo 'ko in-invite—"

        "It's not that," putol niya sa balak sabihin ni Lee. "I would actually appreciate it if you're there. Ang dami kasing gustong lutuin ni Mal tapos magluluto pa ako. Masasayang lang 'yong pagkain."

        "Sure ka, 'ha?"

        "Yes, pero kung busy ka sa araw na 'yon, it's fine."

        "I'll be there. 'Wag kang mag-alala." He laughed softly before nudging her arm. "Pero uy, ano ngang gusto mong birthday gift?"

        Laurie stared at him, biting the inside of her cheek. Hindi niya napigilang isipin kung nabawasan o nadagdagan niya ang mga iniisip ni Lee. Maliwanag na kasi ulit ang mukha nito habang hinihintay ang sagot niya. She wasn't a selfish person but at the moment, she was ready to sacrifice anything just to protect that light.

        His light.

        She cleared her throat. Ilang ulit siyang lumunok, mailibing lang iyong bikig na tumutubo sa lalamunan niya. "I don't know. 'Di mo kailangang magregalo."

        "Alam ko. Gusto ko lang," he said, nonchalantly. "So, ano ngang gusto mo? Una mong maisip."

        Pangalan ni Lee ang una niyang naisip. She bit her lip again.

        "More time, probably," Laurie finally answered, sighing.#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro