Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

04 || Storyboard

A criticism – no matter how random or harsh – meant someone cared.

— ❁ —

        LEE'S THUMB hovered over Lemon's promotional tweet. Kapo-post lang kasi nito ng guesting nila ni Sandro sa podcast. Iyong livestream naman, maganda ang naging reception. Lee was supposed to retweet Lemon's promo tweet on his account but he hasn't decided on a proper caption yet.

        Hindi pa kasi humuhupa ang inis niya kay Lemon.

        "I already sent you the caption written by our socmed manager. 'Yon na lang kung wala kang maisip." Tinapik ni Charlotte ang kanan niyang balikat. She settled on the empty seat beside him. "By the way, malapit na si Direk saka si Kat. Ready ka na ba?"

        Pilit siyang ngumiti. "Yep. Ano bang pag-uusapan ngayon?"

        "May storyboard na from Direk, so kailangan ng approval natin do'n. Mayro'n na ring locations from Kat. Pipili na lang tayo."

        Tumango lang si Lee. He scrolled through his phone, looking for the caption provided. He copied and pasted it. Sighing, he edited some words. Nagdagdag din siya ng emojis. Napaka-formal kasi ng pagkakasulat. It didn't sound like him.

        After sending the tweet, he muted his notifications.

        Lee sat up straight. Inayos din niya ang pagkakatupi ng kuwelyo. Habang hinihintay ang mga ka-meeting, pinaglaruan niya ang suot na kuwintas. He pulled on the pendant. Guitar pick iyon. Nang hindi siya niyon napakalma, nagsimula siyang pumadyak-padyak sa ilalim ng mesa.

        Narinig niyang pumalatak si Charlotte. "I thought you said you were ready."

        Lee grinned. "Kung humindi ako kanina, p'wede pa bang umatras?"

        Sa tanong niyang iyon, ibinaba ni Charlotte ang kanina pang binubutingting na phone. She must have been messaging Sandro. Kasalukuyan kasi itong nasa Bulacan para sa isang gig. "Okay, be straight with me. Ikaw mismo nagsabi kay Lemon. You know we've been discussing this for ages. Why do I feel like you want to back out now?"

        "Manager, 'di naman sa gano'n."

        "Kinakabahan ka? Normal lang naman 'yon. Wait." Charlotte squinted at him. "Is this about your ex?"

        Medyo oo na hindi.

        Sigurado naman kasi siyang napanood nito iyong video. Malamang, alam din nito kung bakit siya umiiyak doon. Lee just wasn't sure about the music video itself. Making it would unearth certain feelings he didn't feel anymore. Hindi na kasi siya iyon. Dalawang taon na ang lumipas. Kapag nakainom na lang naman niya ito iniiyakan.

        He doesn't cry about her while performing in public anymore.

        Lee cleared his throat. "Okay, uh. . . Manager, naaalala mo 'yong reaksyon ko no'ng una kong narinig sarili ko sa booth?"

        Charlotte slowly nodded. Nakuha yata nito agad ang pinupunto niya. "Nagki-cringe ka na? Is that what you're saying?"

        "Mm-hmm." Napasuklay siya ng buhok. "Pero gets ko rin naman na maraming nag-aabang ng music video ng 'Iyo' kaya strategically, magandang 'yon unahin natin bago ako sumulat ng bago."

        "It's good that you get that. Sasabihin ko pa lang, e," natatawang sabi nito.

        "Pero 'yon, lilinawin ko na lang din na 'di ako nagba-back out."

        "'Di rin naman kita papayagan if ever. Shaira is a college friend. She's doing this as a favor mainly because she's bored, saka last year pa kasi 'yong huli niyang MV."

        The glass doors behind them slid open. Both Lee and Charlotte stood up to greet the director and location manager. Pagkatapos ng kamayan at formalities, inilabas ni Shaira ang storyboard. Si Charlotte ang unang tumingin niyon.

        "Hmm, I actually like everything," puri ni Charlotte habang iniisaisa ang pages. Lee caught Shaira and Kat high-fiving under the table. "Ikaw ba, Lee? What do you think?"

        Lee took the folder. He flipped through it until a particular scene caught his eye. The sketch wasn't detailed, though. Storyboard pa lang kasi. Tinuro niya iyong drawing ng isang babae at lalaking magkaharap. "Uh, ano pong plano sa scene na 'to?"

        Napasulyap si Shaira kay Charlotte. "'Wag mo na 'kong pino-'po'. Magkasing-edad lang kami nitong manager mo," natatawa nitong saway. "Anyway, for the first chorus and the bridge, I'm thinking of a waltz scene. Ang emotional kasing pakinggan no'ng biglang pagpasok ng violin sa background. I wanted to incorporate that sana into a scene where you're waltzing with a girl."

        Napatango siya. "May balak na ba kayo kung sino 'yong babae?"

        Shaira shook her head. "I already prepared a list, pero 'di ko pa nako-confirm 'yong availability nila. For the meantime, tatanungin na muna kita kung approved 'to sa 'yo?"

        Napalabi si Lee. Iisang tao lang naman ang agad na pumasok sa isip niya nang makita niya ang sketch. They used to slow dance in every gig they went to. Even if the band onstage was playing a rock song, he would take and put her hands around his nape. Ang mga kamay naman niya, laging nauuwi sa baywang nito.

        Tapos, pagkatapos ng ilang minuto, hahapitin siya nito palapit. Isusubsob nito ang mukha sa kanan niyang dibdib. Her warmth would always prompt him to place his chin on the top of her head.

        And then, he would gently plant a kiss on her temple.

        "Lee?" he heard Charlotte say. "Tinatanong ni Direk kung approved na ba 'to?"

        "If may revisions ka or suggestions, welcome din naman," nakangiting dugtong ni Shaira.

        Mariing lumunok si Lee. "No, ha-ha, wala naman na akong suggestions. Actually, 'di ko pa alam kung anong gusto kong mangyari kaya for a moment, na-amaze ako na may ganito." Ibinalik niya kay Shaira ang storyboard. Pasimple rin niyang kinamot ang ilong para pasikretong suminghot. "Pero ngayon na nakita ko 'to, parang tama lang. Kuhang-kuha 'yong vibe saka message ng 'Iyo' kaya wala pa man, thank you na agad."

        Shaira and Charlotte exchanged glances again before laughing.

        Charlotte nudged Shaira, raising her brows. "Galing mambola 'no?" Ikinatawang lalo iyon ni Shaira. "But now that's settled, p'wede na siguro tayong mag-move on sa location?"

        Bumaling silang lahat kay Kat na kanina pa tahimik. Nang mapagtanto nitong naghihintay sila, ngumiti ito nang maliit. "Sorry po, medyo sabog. Wala lang tulog, ha-ha."

        "Okay lang 'yan," pagkunswelo ni Charlotte. "Aren't we all, 'di ba?"

        "Bale, uhm, halos lahat po ng scenes ay sa café kukunin at restaurant. May scenes din po tayong kukunan sa kuwarto pero for now, focus po muna tayo sa café." Kinalkal ni Kat ang dalang tote bag. Mayamaya, naglabas ito ng isang folder. "Nakapag-curate na po ng moodboard and ito 'yong cafes na pasok sa ini-aim nating aesthetic."

        Like before, Charlotte skimmed through the folder first before handing it to Lee.

        "Iisang café lang po 'yong need natin kasi 'yong waltz scene ay parang dream sequence so. . . sa dream sequence na 'yon, pagmumukhain lang nating alternate reality 'yong café," dagdag na paliwanag ni Kat. "So dahil same café, need po natin ng malawak para may space for the sayaw, sa equipment, saka po for the orchestra people na tutugtog kunwari sa background."

        Tahimik na pinasadahan ni Lee ang nasa listahan. Nakikita na niya sa Instagram ang karamihan doon. Ambassador din si Sandro ng isa roon. "Okay lang ba kung tingnan ko 'yong socials nila?"

        Tumango si Kat. "Ay, kung actual pics po 'yong gusto niyong makita, nand'yan po sa folder."

        "Okay, thank you." Lee was familiar with most of them except one. Iyon ang hinanap niya sa Facebook at Instagram. After a few seconds, he found the café's account. Weeks ago pa ang huling post doon. "Ito ba, wala kang actual pictures?"

        "Puro drinks po kasi 'yong laman ng socials nila. May nakita akong pics from customers before the pandemic, kaso baka iba na ngayon, e. I-check ko na lang po muna in person."

        Natigilan si Lee nang makita ang logo'ng nakabalandra sa page. He turned to Charlotte. "Manager, ito ba 'yong pinagbilhan mo ng kape after ng shoot natin kay Lemon?"

        Nalukot ang noo nito. "Galing 'yon kay Lemon pero staff niya nag-abot. Pa-thank you raw kasi tayo sumagot ng breakfast nila." Kinuha nito ang phone niya. She scrolled down before returning it to him. "But yes, I think ito 'yon. Malapit lang sa studio ni Lemon 'yong address, e."

        "Kat, maybe you could drop by and take actual pictures?" tanong ni Shaira habang tumitipa sa phone. "Kung tingin mo, pasok sa mood, kausapin mo na rin siguro 'yong may-ari."

        "Okay lang ba kung ako na?" Ramdam ni Lee ang tingin ng tatlo sa kanya. Tumunghay siya mula sa phone. "Ako kasi 'yong nag-suggest, saka gusto ko ring makita sana in person."

        Nag-aalangang tumingin si Kat kay Shaira. "Sure ka po bang okay lang?"

        Lee nodded. "P'wede ko nang i-check bukas. Ako na rin siguro 'yong kukuha ng pictures. Ipapadaan ko na lang kay Manager," sabi niya, sabay ngiti sa katabing si Charlotte.

        "Of course, it's fine," Shaira mumbled, chuckling. "It's your video. Kahit ako ang director, I will still take your thoughts into account. Ire-request ko na lang siguro sa 'yo na i-confirm mo agad sa 'kin kung go tayo d'yan sa bet mo or not. That way, makakahanap agad tayo ng Plan B to Z kung may aberya."

        Malalim siyang bumuntonghininga at saka, ngumiti. "Of course po. Thank you." He held out his right hand. "I'm looking forward to working with you."

        Smiling, Shaira shook hands with him. Ganoon din ang ginawa ni Kat. After the meeting, Lee headed out. Tambak kasi ang notifications niya. Kaagad niya iyong inisaisa pagsakay sa van. He decided to call his grandmother, too. Junnie greeted him. In response, he placed his forefinger on his lips.

        "Si Lola ba 'yan, Kuya?" nangingiting tanong ng road manager niya.

        Natatawa siyang tumango. "Tumatawag kasi kanina, e, naka-silent ako."

        "Hala, baka magtampo 'yan." Pumalatak pa si Junnie bago buhayin ang makina. "May dadaanan pa ba tayo, Kuya? Or diretso na tayo sa unit mo?"

        "Diretso na tayo pero sa kanto mo na lang ako ibaba para 'di ka na ma-hassle," sagot niya habang nakaipit pa rin ang phone sa tainga. "Nand'yan pa naman 'yong bike ko sa likod, 'di ba?"

        "Yep, pero wala po dito 'yong helmet mo."

        Napabuga siya ng hangin. "Ay, oo, nasa bahay." He reclined the car seat before lying down. "Susunduin mo ba si Sandro mamaya?"

        "Mamaya pa pong ala-una."

        Lee looked at his screen. Nagda-dial pa rin iyon. Nagtampo nga yata ang Lola Pasing niya. He kept calling anyway. "Pakisabi na 'wag na siyang dumaan mamaya. May lakad ako bukas, e."

        "Hatid ko pa po ba kayo?"

        "'Wag na," umiiling niyang sabi. "Umuwi ka na paghatid mo kay Kuya Sandro mo. Baka magtampo si Alice niyan. Nagseselos na 'yon sa 'min, 'di ba?"

        Junnie chuckled heartily at the mention of his girlfriend. "Medyo lang naman, Kuya. Mas marami pa raw picture natin sa IG kaysa sa amin, e."

        It was true, of course. May collection na nga si Junnie ng stolen pictures niya habang tulog. In most of them, he was either drooling or crying. If Junnie wanted to, he could extort Lee for money. Ang kaso, bukod sa mabait si Junnie, alam din ata nitong wala itong mapapala kay Lee.

        Nang lumipas ang isang oras at hindi pa rin sumasagot ang lola niya, natulog na lang si Lee. Besides checking the café in the morning, he had a gig scheduled in the evening. He needed all the sleep he could get.

        Junnie woke him up an hour later. Nasa tapat na sila ng building niya. Kinuha na lang din niya ang bike. Lee didn't bother washing up or changing his clothes. Pabagsak siyang humiga sa kama. Awtomatikong dumapo ang mga mata niya sa painting na nakasabit sa gilid ng TV. It was an odd place for sure but he didn't know where else to put it.

        It was his last plate in college. She never saw it. Iyon dapat ang ireregalo niya rito pagkatapos ng graduation.

        The feelings Lee poured into that painting didn't just remain in college, though.

        Nag-unat siya ng mga binti. Habang nakapikit, hinawakan niya ang guitar pick na nakalambitin sa leeg. He fiddled with it until he fell asleep.

        By car, Google Maps said the café was 30 minutes away. Lagpas isang oras naman kapag bisikleta. Binilang na lang ni Lee bilang workout iyon. He was to blame anyway. He refused Junnie's offer. Nag-volunteer din siyang pumunta. Humahangos niyang pinunasan ang noo gamit ang kanang manggas.

        Finally, the lights flashed green. Tinuloy-tuloy niya ang pagpedal.

        Lee felt relief wash over him as the café came into view. Bukas na kasi. Mula sa labas, mukhang wala namang nagbago sa interior niyon kumpara sa pictures nito bago ang pandemic. Before approaching the door, he locked his bike.

        Lee fixed his baseball cap. Inayos din niya ang face mask bago niya binuksan ang pinto. The door chimes chimed, gaining the attention of the brown-haired girl behind the counter.

        "Goodmorning, sir, and welcome to Cafuné!"

        LAURIE WOKE up with missed calls from her twin brother. Normally, she wouldn't have any problem ignoring them. That morning, she had no choice but to rush to Cafuné. Ayon kasi sa text message ni Stefan, baka pumunta sa café ang ex-fling nitong si Karen. May nakakita raw kasi kay Stefan sa café.

        Tuloy, inakala ng babae na may kinikitang bago ang kapatid niya.

        Iritableng kinalas ni Laurie ang hair clamp niya. Dumudulas kasi iyon pababa dahil basa pa ang buhok niya. While waiting for the lights to turn green, she anxiously tapped her nails on the steering wheel. Malie was probably alone at the café.

        Mag-aalas-diyes pa lang kasi.

        Pagkatapos ng nakahihiya niyang ginawa, ayaw na niyang madagdagan pa ang kasalanan sa best friend. Malie might have told her it's okay but the issue wasn't over for Laurie yet. Maling-mali na dito niya itinuon ang inis sa daddy niya.

        Naging berde ang mga ilaw. Laurie crossed the intersection with ease.

        While parking, she saw a woman in red storming away.

        "Fuck," she muttered. Kamukha kasi ni Karen. She really hasn't met Karen but Stefan had the audacity to attach a picture with his warning.

        Laurie ran to the doors. Agad na hinanap ng mga mata niya ang best friend. Nakatalikod ito. Mukha ring umiiyak. Panicking, she went inside the coffee bar and turned Malie around. She quickly checked her cheeks. "I saw Karen. Okay ka lang ba, Mal? If she hit you and you didn't fight back, we could file for assault."

        Malie's initial response was a bewildered look on her face. Makaraan ang ilang segundo, bumulanghit ito ng tawa. Pinaypayan pa nito ang sarili. "Lauwie, I appreciate the concern, pero oki lang ako. Walang sampalan or anything. Actually, 'di mo ba siya nakita?"

        Mabagal na umiling si Laurie. "Malayo na siya no'ng dumating ako."

        "Nag-usap lang kami. Inalok ko na rin ng mango tart saka promo card," Malie said, grinning widely while making finger guns. "In-explain ko na rin kung ba't nandito si Stefan last week."

        Sighing, she let go of Malie. Inilapag niya ang purse sa countertop pagkatapos. "Sorry, wala ako dito. Nadamay ka pa."

        "Wala namang nangyari, e," pagpapakalma nito sa kanya. "But now that you're here, p'wede na siguro nating pag-usapan 'yong problema sa budget?"

        Laurie took her thermos from her purse. Siya mismo ang nagsalin ng Americano roon. "Do we have to? The bottom line is we need money fast."

        "Agree ako, but how do we exactly do that?" tanong ni Malie bago kumain ng kapirasong leche flan. "Gusto mo bang magpalit ng supplier ng beans?"

        "No, I still like our beans. Two years na rin tayong kumukuha sa Rosalia. I don't want to burn that bridge. How about we rebrand our socmed accounts instead? We could also add onto our menu."

        "Hmm, okay lang para makasabay tayo sa milk tea-han sa kabila," ngumunguyang sabi nito. "Sa tingin mo, magkano aabutin?"

        Sumimsim siya ng kape habang sumasandal sa counter. "I could ask Theo for the photos. Getting a discount would be easy. Alam niyang naiinis pa rin ako sa ginawa niya."

        True enough, Theo still hasn't contacted her since they met Stefan in Alejandro's. Kabisado kasi siya nito. Alam nitong kailangang siya ang maunang lumapit. Theo also knew that if he tried to surprise her in the café, he would only annoy her more.

        "Ay, wait lang." Ipinitik nito ang mga daliri. "'Yong light bulb pala sa CR, need nating palitan." Inilapag nito ang platito ng leche flan sa counter.

        Laurie drank the rest of her coffee. "I just got here. Let me do it. Tapusin mo muna pagkain mo." Bago pa kumontra si Malie, nangalkal na siya sa maliit nilang storage room. Kinuha niya ang bumbilya at saka siya bumalik sa coffee bar. "Pa-refill naman ako," tukoy niya sa thermos niya.

        "Nag-breakfast ka ba?" kunot-noong tanong ni Malie.

        "No." Laurie was on her way to the comfort room when something caught her eye. She turned to Malie. "Saan galing 'tong painting na 'to?"

        Her best friend chuckled softly. "Kahapon pa 'yan. Actually, hinihintay kong mapansin mo kaya 'di ko sinabi sa 'yo."

        Pinagkrus niya ang mga braso sa ibabaw ng dibdib. Pinanatili niya ang tingin sa painting na nakasabit sa gilid ng coffee bar. "You didn't answer my question."

        "May customer lang na nagbigay. Ang aesthetic daw ng café natin pero ang blangko tingnan. S'yempre na-offend ako no'ng una pero no'ng pinaliwanag niya na. . . na-realize kong may point siya. I told him na dati 'tong art gallery."

        "And?"

        "Sabi niya, kaya raw pala maganda kahit medyo blangko."

        Laurie always thought of Cafuné as an extension of her life. It was their baby born against all odds. May kung sinong tumawag na blangko sa buhay niya pero napabuntonghininga lang siya. Nakapagtataka lang. Hindi rin siya nakaramdam ng ni katiting na inis.

        If anything, she felt grateful. A criticism – no matter how random or harsh – meant someone cared.

        Besides that, the painting felt familiar from its thin to thick strokes that blended seamlessly. The negative space was also utilized properly. Halatang propesyunal ang may gawa. Hindi appraiser si Laurie pero marunong siyang tumingin ng value ng art. Hobby kasing mangolekta ng daddy niya.

        And the one hanging on Cafuné's wall seemed to cost around 30 to 50 thousand.

        She bit her lip, holding her curiosity in. "Did he leave a business card?"

        "Oo pero 'di yata kanya 'to, e." Nilapitan siya ni Malie para iabot ang card. "It's an agency's."

        Laurie's eyes shifted from the painting to the card. "Charlotte G. Ocampo, R/C Records," she read slowly.#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro