
04
HINDI NYA alam kung paano nya ba haharapin ang binata. Matapos ang nangyari sa kanila kaninang umaga ay hindi na nya ito matignan ng diretso.
Nahihiya sya.
“Gly, nandito ka lang pala.” Tangkang hahawakan sya ni Venom pero umiwas sya dito. “Hey Glycel, something wrong?”
“Something wrong? Nag jojoke ka ba Venom?” pinipigilan nya ang mapaluha sa harap nito. “Matapos kung mapahiya sayo kanina dahil hinayaan kitang gawin ang gusto mo. Matapos kong mag mukhang cheap sa paningin mo. Siguro ngayon tumatawa ka na. Nanalo ka nanaman. Nagawa mo nanaman akong paikutin.”
“Gly, hindi kita maintindihan. Ano bang pinag sasabi mo?”
“Itigil na natin to Venom. Sawang sawa na akong makipag laro sayo kaya pwede ba iuwi mo na ako. Ibalik mo na ako sa manila.”
“Ayoko!”
“Ano ba naman Venom! Ano pa bang gusto mo? Gusto mong makipag sex ako sayo? Tara. Pero sana lang pagkatapos nito pauwiin mo na ko. Ayoko na dito.”
“You used to love this place. Bakit ngayon ayaw mo na.”
Dahil sayo. Gusto nyang isagot pero itinikom nya ang bibig. “Iuwi mo na ako Venom.”
“Bakit?”
“Venom, ano bang bakit? Can’t you see. Ayoko na dito, ayokong malapit sayo, ayoko-ayoko sa lahat.”
“You used to love me, you used to love this place. You used to love Abuela. Bakit ngayon ayaw mo na? Bakit ang dali sayo na kalimutan lahat?”
“I’m out of this.” Tinalukuran nya ito pero pinigilan sya ni Venom.
“Lagi ka nalang bang tatakas? Why can’t you tell me everything? Ano bang mali? Anong bang nagawa ko?”
Imbes na sagutin ay iba ang sinabi nya. “Tigilan na natin to Venom.” Tinangal nya ang kamay nya mula sa pagkakahawak nito at iniwan ang binata.
Pag kapasok nya sa loob ng bahay ay naabutan nya doon si Abuela. “Iha, come.” Inilahad nito ang kamay senyales na gusto sya nitong yakapin.
“La.” Hindi nya mapigilang mapaiyak ng mayakap ang lola ni Venom. “I miss you La.”
“Me too Ija. I don’t know what happened to both of you pero nalulungkot ako dahil mukhang masyadong malalim ang nangyari sa inyo.”
Binitiwan sya nito at pinunasan ang kanyang luha. “Kung ano man ang hindi nyo pinag kasunduan. Pag-usapan nyo. Sayang ang relasyon nyo ija. And I can tell that you two are still in love with each other. Mag-usap kayo.”
Hindi na sya umumik kahit pa gusto nyang kontrahin ang sinabi nito. They are not in love. Kung may nararamdaman sila ngayon, iyon ay galit lalo na sya. Niloko lang sya nito at pinag laruan.
Dinala sya ni Abuela sa kusina at nag patulong itong magluto sa kanya kagaya noon. Natatandaan nya pa na tuwing sembreak nila ni Venom at holiday noong nag tatrabaho na sya ay dinadala sya nito dito. Sa lahat kasi ng pinag dalhan sa kanya ng binata ay ito ang pinaka paborito nya.
She fell in love in this Island the first time she landed here with Venom. Naakit agad sya sa malinaw nitong tubig, mala asukal nitong buhangin sa puti at pino. Sa magarang mansyon na nakatayo sa gitna ng isla. Sa mga puno na nakapalibot sa mansyon at sa hardin na may ibat ibang uri ng bulaklak na syang paborito ng mommy ni Venom.
Natatandaan nya pa na tuwing pupunta sila dito ay nag papaunang sabi na agad si Venom sa abuela nito na nasa hacienda sa kabilang bayan. Gusto kasi nito na lagi silang makasama tuwing mag babakasyon sila sa isla kaya nag pupunta agad ito dito. Ganun din ang mommy ni Venom. Pag nataong nasa pilipinas ito ay gusto nitong sumasama sa Isla kapag magpupunta sila doon.
Kaya nya naging paborito ang lugar na ito. Dito kasi nya nararamdaman ang pagmamahal ng totoong pamilya na hindi nya nararanasan sa sarili nilang bahay. Dito hindi lang sya ang nag mamahal, hindi na nya kailangang mamalimos ng pagmamahal ng mga tao dito dahil kusa nila iyong ibinibigay sa kanya. Sa lugar na ito, masaya sya.
Pero dati ‘yon. Dahil mula nang maghiwalay sila ni Venom ay naputol narin ang ugnayan nya sa lahat ng tao at bagay na nakapaligid dito.
“How are you Ija?” naputol lang ang pag-iisp nya ng marinig ang tanong ni Abuela.
“Ayos naman po La.”
“I’m Glad to hear that.” Binuksan nito ang oven upang kunin ang tray na nasa loob pero pinigilan nya ito. Sya ang kumuha noon at inilagay sa lamesa upang palamigin. “Alam mo ba noong sinabi ni Venom na umalis ka nag alala kami. Inisip namin na baka kung napaano ka na. Hindi ka naman kasi basta bastang umaalis. Kahit nag kakatampuhan kayo dati ni Venom, tumatawag ka parin sa akin at kay Veron.”
“I’m sorry La.”
“Shh. It’s ok. Nag alala lang kami.”
She felt guilty. Sa sobrang sakit na nararamdaman nya noon ay bigla nalang syang umalis. Hindi na sya nga paalam sa mga ito dahil ayaw nyang matuntun sya ng binata. Galit na galit sya sa sa mga panahon na iyon kaya hindi na sya nakapag isip pa ng tama.
“Dalhin na natin ito sa labas ng makapag meryenda na tayo.”
“Sure La.”
Sa buong maghapon ay tanging silang dalawa lang ni Abuela ang magkasama. Nagkwentuhan sila. Sa maghanpon ding iyon ay hindi nya nakita maski na anino ni Venom. Hindi nya alam kung nasaan ito at nagpapasalamat sya dahil doon.
Pero nang mag gabi ay medyo nakadama sya ng kaba ng hindi parin ito dumarating.
“Ija, gabi na. Magpahinga ka na.”
“sige lang po La. Magpapahangin lang po muna ako. Hindi pa rin naman kasi ako inaantok.”
“Sigurado ka ba? Kung hinihintay mo si Venom, baka bukas pa iyon dumating. Nagsabi kasi kanina ang isa sa mga bangkero na pumunta daw si Venom sa karatig isla dahil may fiesta doon.”
“Hindi ko po sya hinihintay La. Magpapahangin lang po talaga ako.”
“Sige, pero kapag masyado nang malamig pumasok ka na. Baka mag kasakit na nyan. Alam mo namang ayaw ng apo ko na magkasakit ka.”
“Sige po La.” Humalik sya dito bago ito umakyat sa taas kasama ang isang maid na syang nag aalaga kay Abuela.
Ilang oras na syang nasa labas pero hindi parin sya dinadalaw ng antok. Hindi nya alam pero hindi sya mapanatag.
“Dinala dala mo ako dito tapos iiwan mo din ako para makifiesta sa iba. Bakit dahil may mga babae doon?” pabalik balik syang naglalakad sa hardin. “Ahh. Nakakainis nakakainis ka Venom.”
Nahinto lang ang kanyang ginagawa ng makita ang paparating na bangka.
Biglang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib ng makita ang pamilyar na pigura ng tao na lulan noon. Maliwanag naman kasi sa parteng dagat dahil may maliit na tower na nagsisibing parola ng Isla. Doon sa parteng iyon dumadaon ang mga bangka lalo na pag gabi.
Nang bumaba ang taong sakay nang bangka parang gusto nya itong sugurin. Lalo pa ng napaluhod ito sa tubig. Para itong lasing.
“Senyorito, naku bakit kayo bumaba agad.” Narinig nyang sabi ng bangkero. Inalalayan nito ang binata at naglakad ang dalawa papunta sa kanya.
“Manong ano pong nangyari?”
“Naku Ma’am, naparami po ata ng inom si Senyorito.”
“Bakit bumyahe pa kayo ng ganitong oras? Akala ko ba bukas pa po kayo uuwi?” tinulungan ng ang matnda na alalayan si Venom. Isinampay nya ang isa nitong kamay sa kanyang balikat.
“Nagpumilit po kasi si Senyorito. Gusto nya daw po ngayon umuwi.”
“Kahit delikado?”
Napakamot nalang ang matanda sa ulo matapos nilang ihiga ang binata sa kama nito. “Sabi po kasi ni Sir Venom baka daw po kasi umalis kayo.”
Parang may kung anong humaplos sa kanyang dibdib sa sinabi nito. “Sige po manong salata po.” Pumasok sa kwarto ni Venom ang dalawang kasambahay. Tutulungan sana sya ng mga ito pero sinabi nyang kaya nya na.
Nang maiwan nalang sila ni Venom sa loob ay sinimulan nya nang hubarin ang damit nitong basang basa. Pero habang ginagawa nya iyon ay biglang nag flash back sa kanyang ala ala ang mga bagay na ayaw nya nang gunitain.
“Dammit Glycelyn, stop remembering those memories.” Kastigo nya sa sarili ay sunod sunod na umiling. Ipinag patuloy nya ang paghubad sa damit ni Venom. Kahit ang boxer nito ay kanyang ring tinangal. Noong una ay naaasiwa pa sya. Ilang taon narin kasi nang huli nyang makita ang kabuuhan ng binata. Pero pilit nyang nilabanan an pagkaasiwa na iyon.
Matapos punasan at mabihisan si Venom ay pinag masdan nya ang gwapo nitong mukha. She touched his sexy jaw.
“Alam mo kahit na gago ka ang gwapo gwapo mo parin. Hindi man lang nabawasan yang kagwapuhan mo.”
“Gly!” he said dreaming. Hinawakan nito ang kanyang kamay na nakahawak sa mukha ng binata. “Gly, please come back. Gly!” sa tono ni Venom ay parang hirap na hirap ito. Para bang nasasaktan ito kagaya nya.
“Bakit mo ako pinababalik kung sasaktan mo lang din naman ako?”
“Gly, please come back. I love you Gly.” Sa sinabi nito ay doon na tumulo ang kanyang luha. Hangang dito ba naman nag sisinungaling parin si Venom? Kahit tulog ito nagagawa parin sya nitong saktan.
“Tama na Venom. Tama na.”
Tinangal nya ang pagkakahawak nito sa kanyang mukha at iniwan ito sa silid mag-isa. Pumasok sya sa isang guest room na dati nyang tinutuluyan. Doon, ibinuhos nya ang lahat ng kinikimkim.
“Bakit kasi nakita pa kita ulit? Naaalala ko nanaman tuloy lahat.” Umupo sya sa kama at niyakap ang dalawang binti. “Nakakainis ka Venom. I hate you!”
Hindi nya alam na habang umiiyak sya ay malungkot syang pinag mamasdan ng binata. Nakatingin lang ito sa kanya. Litong lito kung ano ba talaga ang nangyari noon na dahilan ng kanyang pag alis.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro