CHAPTER 8: Manong Driver
Pagkarating namin sa room namin naabutan namin si papa na seryosong nakaupo sa sofa.
"We're home, tito!" masiglang sabi ni Claire.
"Hi, pa!" masiglang sabi ko at hinalikan si papa sa cheek niya.
"Mauuna na akong bumalik sa Manila, anak and Claire we have an urgent meeting together with our investors." agad na sabi ni papa sa amin.
"What? Why, papa may naging problema ba?" tanong ko.
"Oo nga tito, may problema po ba?" tanong din ni Claire kay papa.
"Hindi naman malaki ang naging problema we'll do everything to fix it." sabi ni papa na napahawak pa sa sentido niya.
"Oh, papa ayos ka lang? Masakit ba ang ulo niyo bukas ka na lang bumalik sa Manila papa baka ano pang mangyari sa'yo sa daan e!" nag-aalalang sabi ko kay Papa.
"Tito, Ria is right ipagpabukas mo na lang po ang pagbalik niyo sa Manila. For now, you should take a rest and get some sleep dahil napansin namin ni Ria na palagi ka pong puyat dahil sa work." sabi ni Claire.
Kumuha ako ng tubig at gamot para mas mapabilis ang pagkawala sa sakit ng ulo ni Papa.
"Pa, inom ka muna ng gamot pagkatapos magpahinga kana rin bukas na lang tayo bumalik sa Manila sasama na rin kami ni Claire pabalik dahil baka may mangyari pa sa'yo na masama while driving." sabi ko sabay abot sa gamot at tubig na hawak ko.
No need to ask si papa kung nag-dinner na ba siya dahil alam kong kumain na siya never nagpapalipas ng gutom si papa dahil for him health is wealth.
"Sigurado ba kayo dyan? Hindi ninyo pa na-e-enjoy ang vacation ninyo here in Sorsogon, both of you can stay here I can handle myself. So don't worry about me." sabi ni papa sa amin at tumayo.
Biglang nahilo si papa kaya agad kaming napatayo ni Claire para alalayan siya.
"You can handle yourself pala tito ha." iiling-iling na sabi ni Claire kay papa.
He can handle his self daw pero nahihilo pa rin.
"Nako, papa huwag ng matigas ang ulo. Bukas na bukas babalik tayo sa Manila hahanap na lang ako ng maghahatid sa atin pabalik kaya ngayon magpahinga kana muna." sabi ko kay papa.
Hinatid namin si papa sa kwarto niya. Pinatay din namin ni Claire ang wifi dahil alam naming dalawa na kapag matutulog na kami mag-tra-trabaho na naman si papa. After naming patayin ang wifi nagluto na ako para sa dinner namin ni Claire it's already 9:10 PM pero hindi pa rin kami kumakain kaya napag-isipan kong magluto na lang.
Hinanda ni Claire ang dinning table habang ako hinahanda na ang mga pagkain na kakainin namin for dinner. Adobo, Hotdogs, Rice, and Juice ang kakainin namin. Pagkatapos naming kumain ay nagpresinta si Claire na siya na raw ang maghuhugas since ako daw ang nagluto pumayag naman ako sa gusto niya niligpit ko na ang pinagkainan namin at inilagay sa lababo nag-start ng maghugas ng mga pinagkainan namin si Claire.
After couple of minutes tapos na siyang maghugas ng mga pinagkainan namin mabuti na lang at hindi spoiled brat si Claire kung hindi sa akin din ang bagsak ng mga hugasin. Naligo na ako dahil feel ko ang lagkit na nang katawan ko after kong maligo si Claire naman ang sumunod since isa lang ang bathroom dito sa room namin.
Napagpasyahan namin ni Claire na ayusin na ang mga gamit namin at mag-impake na rin para bukas wala na kaming po-problemahin. Before ako matulog nag-book muna na ako ng driver na susundo at maghahatid sa amin bukas pabalik sa Manila after that we sleep in peace.
*****
MAAGA akong gumising dahil ipaghahanda ko sila Claire and Papa ng breakfast nila sosobrahan ko na rin para may kakainin kami damay ko na si manong na maghahatid sa amin mamaya habang nasa kalagitnaan ng biyahe kapag nagutom kami. Tapos na akong magluto pero hindi ko pa inihain sa lamesa mamaya na lang after kong maligo.
Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako and after that inihain ko na ang mga niluto kong pagkain sa lamesa. Una kong pinuntahan si Claire at ginising ito hindi naman siya mahirap gisingin kaya madali ko lang siyang nagising. Sunod ko namang pinuntahan si Papa sa kwarto niya naabutan ko siyang mahimbing na natutulog habang yakap-yakap ang isa nitong unan, tignan mo 'tong si papa parang bata kung matulog. Mamaya ko na lang siya gigisingin he needs to gain more sleep para hindi na siya ulit mahilo.
Time check it's already 5:40 in the morning mamayang 6:00 o'clock ko na lang gigisingin si papa.
"Hindi mo man lang ako inantay." nakabusangot na sabi ko kay Claire.
Nauna na kasi siyang kumain.
"Pasenya na gutom ako, kumain kana rin dyan." sabi niya at sumubo ulit ng hotdog.
"Lagi ka namang gutom." bulong ko pero mukhang narinig niya.
"Che!" narinig niya nga.
*****
Malapit na daw sa hotel na tinuluyan namin ang driver na nakuha ko para maghatid sa amin, maya-maya pa ay dumating na rin siya sakay ng isang white Van hindi ko makita kung sino ang driver na nasa loob dahil tinted ang Van.
"Ipasok mo na ang mga bagahe ko ako na ang magpapasok sa mga bagahe nila." utos ni Papa kay manong driver.
Hindi ko alam kung ano ang itsura ni manong driver dahil hindi ko pa ito nakikita tinutulungan ko kask si Claire na buhatin ang ibang gamit niya.
"Sige po, sir." sagot ni manong driver kay papa.
Teka pamilyar ang boses niya sa akin pero hindi ko lang maalala kung saan ko yun narinig. Bahala na nga baka nagkakamali lang ako.
"Ma'am, tulungan na po kita." magalang na sabi niya at kinuha ang bag na dala ko.
Nahulog ang wallet ko kaya pinulot ko ito. Biglang lumapit si Claire sa akin at may binulong.
"Ria, ang gwapo ng driver natin saan mo siya nahanap 'yan?" kinikilig na sabi ni Claire sa akin.
"Anong sinasabi mo dyan? Matanda ang nahanap kong driver na maghahatid sa atin kaya manahimik ka namamalikmata ka lang." sabi ko sa kaniya.
"Hindi nga, tignan mo oh!" sabi niya at ngumuso sa direksyon ni manong driver.
Pagkakita ko kay manong driver laking gulat ko ng hindi yung manong driver na nakuha ko ang maghahatid sa amin! Agad akong umaksyon dahil baka isa siyang magnanakaw o scammer mabuti na yung nag-iingat!
"H-hoy ibaba mo 'yang gamit namin kung ayaw mong tumawag ako ng police!" utos ko sa kaniya.
Lumabas si papa sa Van samantalang si Claire ay naguguluhang lumapit sa akin.
"Anak, what's wrong?" tanong ni papa pagkalabas niya ng Van.
"Oo nga, Ria what's wrong?" tanong din ni Claire sa akin.
"That man," sabi ko sabay turo sa direksyon ng lalaki hindi ko matukoy kung sino siya dahil naka-mask ito. "Hindi siya ang driver na kinuha ko, papa and Claire!"
"What do you mean? Kung hindi siya edi sino 'tong lalaking 'to?" tanong ni Papa at tumingin sa lalaking naka-mask.
"Sandali!" sabi niya at dumapo ang tingin niya sa akin. "Zaph? Zaphria? Ikaw, ikaw yung babae sa beach!" masayang sabi ng lalaki.
Teka sino ba 'to?
"Hey, how did you know my best friend's name!?" tanong ni Claire na nakapamewang animo'y handang sumugod sa laban.
"How did you know my daughter's name?" tanong ni Papa sa kaniya.
Oo nga paano ba? Atsaka sino ba siya? Paano niya nalaman na nag-beach ako?
"Wait a second, sir." magalang na sabi niya kay papa.
Unti-unti niyang tinanggal ang mask niya na naging dahilan para tuluyan kong makita ang kabuuan ng mukha niya.
"Christian?!" gulat na banggit ko sa pangalan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro