CHAPTER 15: His Feelings
Kelvin's POV
Sinamahan ko si Zaphria na kumain sa isang restaurant dito sa Manila dahil nagugutom daw siya at ang gusto niya dito siya kumain.
"Ano masarap ba?" tanong ko sa kaniya.
"Sobra, Kelvin! Thank you sa pagsama sa akin dito ha? The best ka talaga!" masayang sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero nagiging masaya ako kapag nakikita kong masaya si Zaphria, ang bilis ng tibok ng puso ko kapag kaharap ko siya lalo na kapag malapitan. Alam kong mali itong nasa isip at nararamdaman ng puso ko dahil magkaka-anak na si Zaph pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito sa isang babae at hindi lang basta-basta ang nararamdam ko ngayon para kay Zaph...I think I love her- no I already love her from the day we met at the cemetery.
"Hey, Kelvin ayaw mo ba sa pagkain?" tanong niya sa akin.
"No, I mean I like the dishes." nakangiting sagot ko.
"Are you sure? Eh bakit hindi ka kumakain? Tignan mo oh wala pa ring bawas ang pagkaing nasa plato mo." sabi niya sabay turo sa plato ko.
Ngayon ko lang napansin na hindi ko pa pala nababawasan ang pagkain ko, aish. Kasalanan 'to ni Zaph e ang ganda niya kasi ngayon ayan tuloy nabusog na ako sa kakatingin sa kaniya.
"Hoy, Kelvin!" nabalik ako sa katinuan ng bigla niyang tinapik ang balikat ko.
"Oh?"
"Aish! Wala ka ata sa sarili ngayon, hali ka nga dito sa tabi ko." sabi niya niya sabay tapik sa katabing upuan niya.
"And why?" kunwaring pagsusungit ko sa kaniya.
"Wala nang maraming tanong, come here and sit beside me." she said and gave me a genuine smile.
Paano ba ako makakatanggi sa babaeng 'to? Aish! Wala na akong nagawa kung hindi ang lumipat sa upuang katabi niya.
"Oh katabi mo na ako, ano pa ang susunod na gagawin ko?" tanong ko sa kaniya dahil panigurado may iuutos na naman siya na kasunod nito.
But I admit I'm glad na magkatabi kami sa iisang table, we look like a family. I look like a father of the baby inside her womb and she looks like my wife, the mother of our baby.
"Say ah!" she said with the spoon in front of my mouth.
"Wha---" magtatanong pa sana ako pero bigla niya na lang isinubo ang kutsarang may lamang pagkain sa bibig ko.
"Ayan, kumain ka para tumaba ka naman kaya ang payat-payat mo e hindi ka siguro kumakain." pabirong sabi niya sa akin.
Damn! Bakit parang ang sweet niya sa akin ngayon? Aish! Cut the imagination, Kelvin buntis si Zaphria kaya pabago-bago ang mood niya don't expect nor imagine na sweet siya sa'yo ngayon because all of that is only a hallucination.
"Isa pa, open your mouth Kelvin." utos niya na sinunod ko naman agad.
Napatingin ako sa mga taong kumakain din dito sa restaurant at halos lahat sila ay natingin sa amin! Yung iba narinig ko pang na-iinggit kay Zaphria dahil may gwapo daw siyang boyfriend kung totoo lang sana yung mga iniisip nila na boyfriend ako ni Zaphria mas lalo siguro akong matutuwa. Yung iba naman kinukuhanan kami ng litrato at yung iba naman ay kinikilig sa amin.
"Hoy, Zaph tignan mo oh pinagtitingan na nila tayo may pa-subo ka pa kasing nalalaman e ayan tuloy halos lahat sa kanila nakatingin sa atin." mahinang bulong ko na sapat na para marinig ni Zaph.
"Eh ano naman ngayon? Ayaw mo nun center of attraction tayo dito sa resto," natatawang sabi niya na ikinatawa ko na lang din.
"Kahit kailan talaga puro kalokohan nasa isip mo." sabi ko at napa-iling na lang dahil sa ka-cute-an ng kasama ko.
"Heh! Ikaw rin naman ah, pareho kaya tayo lagi ng iniisip! Hmp!" sabi niya at kumain na naman ulit.
Sana nga pareho tayo ng iniisip, Zaph pero mabuti na rin na hindi mo alam ang nasa isip ko para hindi mo ako iwasan. Napabuntong hininga na lang ako sa iniisip ko, lagi na lang talaga akong nawawala sa katinuan kapag siya ang kasama ko baka mabaliw na ako nito dahil sa kaniya pero kung siya ang magiging dahilan kung bakit mababaliw ako magiging masaya pa ako.
*****
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso agad kami dito sa park. Naglakad-lakad kami para makahanap ng magandang spot na pagpapahingaan hanggang sa may nakita akong tiyak na magugustuhan niyang spot. Sinenyasan ko siyang sumunod sa akin, nang makarating kami sa spot na nahanap ko ay dahan-dahan ko siyang pina-upo sa may damuhan. Dito sa spot na nahanap ko ay makikita mo ang halos kabuuan ng park, nasa gilid kasi kami kaya kitang-kita ng mga mata mo ang mga taong masayang nagtatawanan at naglalaro.
"You like it?" tanong ko sa kaniya.
"Yeah," tanging sagot niya sa tanong ko. "Kelvin." tawag niya sa pangalan ko kaya napalingon ako sa kaniya.
"Yes, Zaph?"
"Thank you for today, Kelvin you don't know how happy I am to be here with you." she said.
"What do you mean?" I asked to her because I got confused on her last sentence.
"A-ah nothing." Zaph's said.
Akala ko kung ano na wala naman pala, ikaw rin naman kasi Kelvin tigil-tigilan mo na 'yang kakaisip ng kung ano-ano sinasaktan mo lang ang sarili mo!
"Ah, okay." tanging sabi ko.
Nag-stay pa kami ng ilang minuto sa park bago namin napagpasyahan na umuwi na. Hinatid ko si Zaph sa bahay nila tita Sarah dahil dito na daw muna siya titira hanggang sa makapanganak siya. Pagkarating namin sa bahay nila tita Sarah at tito Allen ay bumaba ako ng sasakyan para pagbuksan ng pinto si Zaph.
"Thank you." pagpapasalamat niya ng makababa siya sa sasakyan.
"Ihahatid na kita sa loob." I insisted.
"No, it's okay umuwi kana sa inyo para makapagpahinga ka na rin." she refused.
"No, I insist." sabi ko at nginitian siya.
"Are you sure?" tanong ni Zaph sa akin.
"Of course, pumasok na tayo sa loob mainit na dito baka mainitan ka pa at nang baby." sabi ko at inalalayan siyang maglakad.
Pagkapasok namin sa loob ay agad na bumungad sa amin sila Rasha at Allisha.
"Nakauwi na pala kayo, ate and kuya Kelvin." bungad ni Allisha.
"Ah, oo. Ihahatid ko muna ang ate ninyo sa kwarto niya para makapagpahinga na siya, if it's okay with you, guys?" tanong ko sa mga kapatid ni Zaph.
"Of course, kuya Kelvin! Pwedeng-pwede mong ihatid si ate Zaph sa kwarto niya kahit nga doon kana rin matulog ayos lang sa amin, di ba ate?" sagot ng kapatid ni Zaph at Allisha na si Rasha.
Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya.
"Oo naman, Rasha! Oh ihatid mo na si ate sa itaas kuya, aakyat na rin kami sa kwarto namin." nakangiting pagsangayon ni Allisha sa sinabi ni Rasha.
Nginitian ko muna sila bago kami umakyat ni Zaph sa kwarto niya, pagkarating namin sa labas ng kwarto ni Zaph ay ako na ang nagbukas sa pinto.
"Here, matulog kana muna alam kong napagod ka sa lakad natin kanina. Sasabihan ko na lang si tita na gisingin ka na lang kapag mag-di-dinner na kayo, uuwi na ako." malambing na sabi ko kay Zaph.
Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Do you need something? Water? Wait, I'll get you." tanong ko sa kaniya at lalabas na sana ng kwarto niya para bumaba at kumuha sana ng tubig ng tawagin niya ang pangalan ko kaya napahinto ko.
"Kelvin, no I don't need something. I just wanted to say thank you. Thank you, Kelvin. Take care and drive safe." malambing na sabi niya bago tuluyang makatulog.
Lumapit ako sa kama niya at hinalikan ang noo niya.
"I will." bulong ko sa tainga niya bago tuluyang umalis.
Hindi naman niya siguro malalaman na hinalikan ko siya sa noo dahil nakatulog na siya. I'm sure of what I feel right now...I really do love this girl.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro