CHAPTER 13: New Circle of Friends
Zaphria's POV
Nag-aya si Claire na lumabas kasama si Clifford mag-sho-shopping daw kasi siya at kailangan daw kasama ako. No choice na ako kaya pumayag ako sa gusto niya lalabas lang naman e. Tinawagan ko si Kelvin para makasama siya sa amin atsaka kaibigan ko na rin naman siya kaya walang problema 'yon, ipapakilala ko na rin siya kila Claire at Clifford pero mamaya na.
Sinabi ko kay Kelvin kung saan banda sa loob ng mall kami pupunta para alam niya at hindi siya maligaw. Paalis na kami ngayon at hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin sa mga kasama ko ngayon, I smell something fishy. I think there is something going on between this two but nevermind saka ko na sila tatanungin kapag may ebidensya na ako.
"Damulag, sa mall tayo pupunta ha hindi sa bar." pagpapa-alala ni Claire kay Clifford.
Paano ba naman kasi yung suot nu Clifford parang pupunta sa bar para akitin lahat ng babae doon.
"Hoy pangit! Alam ko manahimik ka baka ihulog kita dyan!" singhal ni Clifford kay Claire.
Mukhang mali ata ang iniisip ko na may namamagitan sa kanilang dalawa hindi pa rin sila nagbabago bangayan pa rin nang bangayan.
"Magsisimula na ba ang world war ll sa inyong dalawa? Kailangan ko ba munang bumaba sa sasakyan para hindi kami madamay ng baby?" pilosopong saad ko at nagkunwaring natatakot.
"Siya kasi e!" sabay nilang sigaw at nagsisihan pa.
Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa kanila. Para silang mga bata na nag-aagawan para sa isang kapiraso na candy.
*****
Maya-maya pa'y nakarating na kami sa mall at gaya ng napag-usapan kanina kakain muna kami bago mamili ng mga gamit. Siya nga pala magli-limang buwan na ang baby sa sinapupunan ko kaya medyo malaki na ang tyan ko. Ang bilis ng panahon parang kahapon lang gusto ko nang tapusin ang sarili ko dahil sa batang dinadala ko pero ngayon ingat na ingat ako sa sarili ko para lang hindi madamay ang bata sa sinapupunan ko.
Naging parte na rin si Clifford ng pagkakaibigan namin ni Claire, siya rin minsan ang inuutusan namin kapag bibili ng mga pagkaing pinaglilihian ko kahit gabi pumupunta talaga si Clifford para lang maibigay ang pangangailangan ko. Si Claire naman daig niya pa ako kung maka-utos kay Clifford para bumili ng mga craving foods niya kaya ayun lagi silang nag-aaway pero kahit ganiyan sila I'm still thankful na naging kaibigan ko sila dahil kahit ganito na ang nangyari sa akin hindi pa rin nila ako iniwan at pinabayaan.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa isang stall dito sa mall para mamili ng mga damit ni Claire at mamaya sasamahan naman nila akong bumili ng mga gamit ko naman. Nahagip ng mga mata ko si Kelvin na nakaupo sa may bench kaya tinawag ko siya.
"Kelvin!" tawag ko sa pangalan niya.
Lumingon-lingon siya hanggang sa makita niya na ako.
"Zaph!" sigaw niya at lumapit sa gawi ko.
Humarap naman ako sa mga kasama ko at ipapakilala ko na sana si Kelvin ng biglang magsalita si Clifford.
"Magkakilala kayo?" naguguluhang tanong niya at tumingin sa amin ni Kelvin.
"Yes, did you know him?" tanong ko sa kaniya.
"He---" naputol ang sasabihin niya dahil nagsalita si Kelvin.
"Magpinsan kami." sabi ni Kelvin na ikinagulat ko.
"What the hell, all this time pinsan mo pala si Clifford? Pero bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" tanong ko.
"Hindi ko naman kasi alam na si Clifford pala ang bodyguard niyo e. Kung alam ko lang---" pinutol ni Clifford ang sasabihin ni Kelvin.
"Hoy, bwisit kong pinsan! Dito lang pala kita makikita ah kung saan-saan na ako naghanap pagkatapos dito lang pala kita matatagpuan? Atsaka g*g* hindi ako bodyguard nila Zaph, kaibigan nila ako K A I B I G A N gets mo?" mahinang sigaw ni Clifford kay Kelvin.
"Hindi ko gets." sagot ni Kelvin at lumingon-lingon.
Mahina akong natawa dahil sa sagot ni Kelvin kay Clifford, hindi na maipinta ang mukha ni Clifford dahil sa naging sagot ni Kelvin akala ko susuntukin niya si Kelvin pero hindi pala...sumakay siya sa likod ni Kelvin kaya nakuha nila ang atensyon ng ibang mamimili.
"Hoy, pangit bumaba ka dyan nagmumukha kang damulag na gustong kargahin atsaka tignan niyo lahat ng tao nakatingin sa inyo, my God!" suway ni Claire kay Clifford ngunit hindi sila natinag.
Sinabunutan ni Clifford si Kelvin kaya napa-aray si Kelvin ng mahina.
"Hoy! Tukmol tigilan mo ako!" hindi bumaba si Clifford bagkus ay mas hinigpitan pa niya ang kapit kay Kelvin. "Hoy baba sabi e!" sigaw ni Kelvin bumaba naman si Clifford dahil na-realized niya na pinagtitinginan na silang dalawa.
"Mabuti naman at naisipan niyo pang tumigil, tara na." sabi ko at inirapan silang pareho.
Nauna kaming naglakad ni Claire.
"Hoy, Ria hindi ko pa kilala kung sino yang pogi na kaibigan mo ha. Marami tayong pag-uusapan mamaya." sabi niya at inirapan ako.
"Sus, nagseselos ka no? Wag kang mag-alala, Claire hinding-hindi kita iiwan at ipagpapalit you will be my one and only best of the very best friend," nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Talaga lang ha, lagot ka talaga sa akin kapag pinagpalit mo ako sa Kelvin na 'yon! Hmp!" she said and act like a 5 years old kid.
"Sorry na, mamaya mag-ku-kwento ako sa'yo." panunuyo ko sa kaniya and I hug her tightly.
"Aw, I can't breath, R-ria!" she said kaya kaagad akong kumalas sa kaniya.
"Oh sorry, Claire!"
"It's okay, let's go and look for something pretty stuff to buy!" she excitedly exclaimed.
****
After half of an hour choosing a pleasant and beautiful dresses for Claire we moved to another store but we paid the dresses first. Dumiretso kami sa store na merong binebenta for new born babies. Wala akong alam tungkol sa pamimili ng gamit para sa bata kaya hindi ako nakakapili kung ano ang mas maganda at appropriate na bilihin.
"Ria, ano may napili kana ba?" tanong ni Claire sa akin.
"Wala pa, hindi na muna ako bibili sa ibang araw na lang I don't know what to buy for a new born baby, Claire. Hali kana umuwi na lang tayo para makapag-dinner na rin." pagod na sabi ko sa kaniya kahit na wala naman akong ginawa buong araw.
"Sige, para na rin makapagpahinga kana because you look so tired." nag-aalang sabi ni Claire.
GABI na nang makauwi kami galing sa mall dahil medyo may kalayuan din ang mall sa bahay namin.
"Claire, Clifford, and Kelvin dito na lang muna kayo matulog gabi na rin at delikado na sa labas baka may mangyari pa sa inyo kapag umuwi pa kayo. Claire, sa kwarto ka na lang matulog while you Clifford and Kelvin, sa guest room na lang kayo matulog ipapahatid ko na lang ang mga gamit ninyo. Just call manang Yoli if you need something, okay? Good night." nakangiting saad ko sa kanilang tatlo.
Nauna na ako sa kwarto ko dahil feeling ko sobrang dami ng ginawa ko kahit na wala naman talaga akong ginawa buong magdamag. Kahit ramdam ko nang pipikit na ang talukap ng mga mata ko ginawa ko pa rin ang night routine ko pagkatapos kong isagawa routine ko humiga na ako sa kama ko and everything went black.
Someone's POV
"How is she?" bungad na tanong ko sa investigator na ipinadala ko sa Pilipinas para hanapin at bantayan ang anak ko.
"Nabiktima ng rape ang anak mo, ma'am at ngayon limang buwan ng nagdadalagang tao ang anak mo, ma'am. " agad na report niya sa akin.
"Okay, thank you." sabi ko at pinatay ang tawag.
Tila gumuho ang mundo ko sa narinig ko.
N-no! Bakit walang ginawa si Allen para maprotektahan ang anak namin? Bakit!?
Kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinawagan ang number ni Allen, nakaka-ilang dial na ako pero walang sumasagot. I need to talk to that man as soon as possible.
Allen's POV
Kanina pa may tumatawag sa cellphone ko pero wala akong balak na sagutin kung sino man ang tumatawag because I know it's her. I know she knew it already that's why she's calling me again and again.
Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya, naging pabaya akong ama at alam ko 'yon. Alam kong magagalit siya sa akin dahil hindi ko naprotektahan ang anak namin kung pwede ko lang ibalik ang panahon na 'yon edi sana napigilan ko pang mangyari 'yon. Hindi ko siya kayang kausapin pero hindi ibigsabihin na naduduwag akong kausapin siya gusto ko lang muna makapag-isip ng mabuti bago ko siya harapin dahil alam kong gumagawa na siya ng paraan para makabalik agad dito sa pilipinas.
Marami siyang sources kaya hindi imposibleng mangyari ang gusto niya. Matagal kong itinago sa anak ko na buhay pa rin ang Mama niya kaya hindi ko masabi sa anak ko ang totoo dahil may galit pa rin na natitira sa puso ko. Galit dahil iniwan niya kami at mas pinili niya ang pumunta sa states para sa career niya. She chose her career in states over me and her daughter because of her, her mother suffered for so many years kaya kinailangan kong iwan muna si Zaphria sa lola niya at magtrabaho upang palaguin ang kompanya namin para mabuhay kaming dalawa ng anak ko ng hindi tumatanggap ng tulong mula sa ina niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro