CHAPTER 12: Acceptance
Allisha's POV
Naghahanda kami ngayon para sa pagdating ng kapatid ko which is si Zaphria. Mas matanda si Zaphria sa akin ng dalawang taon kaya ang sabi ni Mama sa amin irespeto at mahalin namin siya bilang isang tunay na kapatid. Oo, hindi ko kadugo si ate Zaphria pero mahal ko–namin siya alam kong nahihirapan pa rin siyang tanggapin kami bilang panibagong pamilya niya kaya nga ginagawa ko ang lahat para mapalapit ako sa kaniya at ituring niya na rin akong kapatid balang-araw.
"Ate! Malapit na daw sila, Papa." excited na sabi ng nakababata kong kapatid na si Rasha.
"Talaga? Ano pang tinatayo mo jan tulungan mo ako dito my god Rasha pagkakataon na natin 'to para mapansin ni ate Zaph! Dalian natin!" utos ko kay Rasha.
"Ah sorry naman, ate masyado lang akong na-excite." saad ni Rasha at inayos ang mga kagamitan para sa pagkain.
Tahimik kong nilalapag ang mga pagkaing niluto namin ni Mama sa hapag kainan. Maya-maya pa'y narinig kong may bumusina sa labas, nagkatinginan kami ni Rasha at excited na tumakbo sa palabas. Pagkalabas namin ni Rasha nakita namin sila Papa sa labas kasama sina ate Claire, ate Zaphria and that man beside ate Claire.
"Ate Claire, boyfriend mo?" itatanong ko sana 'yan kay ate Claire kaso naunahan na ako ni Rasha.
Lumaki naman ang mata ni ate Claire dahil sa tanong ni Rasha sa kaniya samantalang 'yung lalaki na katabi niya ay napatawa nang mahina.
"Itong lalaking 'to boyfriend ko? My god! Hindi kami talo no sa ganda kong 'to mapupunta lang ako sa isang damulag na mukhang unggoy? No way!" maarteng sabi ni ate Claire.
"Hoy babaeng nakalunok ng megaphone! Sa gwapo kong 'to tatawagin mo lang akong damulag at mukhang unggoy? Baka kapag niligawan kita maihi kana lang dahil sa kilig atsaka hindi rin tayo talo hindi kita type no! Pangit mo!" sagot naman nung lalaki kay ate Claire.
Hindi ko alam kung naasar siya sa sinabi ni ate Claire o inaasar niya si ate Claire. Nagpatuloy sila sa pag-aasaran habang kami ay napa-iling na lang sa ginagawa nilang dalawa hanggang sa sinuway na sila nina tito at ate Zaph.
"Claire, stop it you're not a kid anymore tigilan niyo na 'yang pagbabangayan ninyo ni Clifford." pagsaway ni ate Zaph sa kanila.
"Tama na 'yan kumain na tayo hindi magandang pinaghihintay ang pagkain." sabi ni Papa sa amin at naunang naglakad patungong dining area sumunod naman sa kaniya si Mama.
Nahihiyang lumapit kami ni Rasha kay ate Zaphria.
"A-ah hi a-ate Zaph." nakayukong pagtawag pansin ko kay ate.
Ito na ang pagkakataon namin ni Rasha para mapansin ni ate pero mukhang mabibigo na naman kami kagaya ng dati.
"A-ate hali kana." bulong ni Rasha sa akin at bahagyang hinila ang ibaba ng damit ko.
Again, we failed but it doesn't mean na susuko na kami ni Rasha. Aalis na sana kami ni Rasha nang biglang nagsalita si ate Zaph na ikinagulat ko or should I say namin ni Rasha.
"Where are you going? Hindi niyo ba ako hihintayin?" tanong ni ate Zaph sa amin.
Nagkatingin kaming dalawa ni Rasha, hindi nagtagal ay maluha-luha kaming lumingon sa kaniya. Hindi niyo malalaman kung bakit kami nagkakaganito ni Rasha hangga't wala kayo sa posisyon naming dalawa.
"A-ate!" sabay naming sigaw ni Rasha at dinambahan ng yakap si ate Zaph.
Hindi ninyo kami masisisi kung bakit ganito na lang ang pagkasabik namin ni Rasha na sana balang-araw mapansin at pansinin rin kami ni ate Zaphria. Matagal namin siyang sinusuyo, ginawa namin ang lahat para lang ituring niya kami bilang isang tunay na kapatid niya pero lagi kaming nabibigo. We always failed but not until this day came sa wakas mukhang magiging okay na kaming tatlo. I hate to say this but kung hindi lang nabuntis si ate ng hayop na 'yon hindi niya sana kami papansin.
"I can't breath!" mahinang sabi ni ate Zaph kaya agad kaming napakalas sa pagyakap.
Hindi ko mapigilang maging sobrang emosyonal dahil for the first time kinausap kami ni ate Zaph at hindi lang 'yon nayakap pa namin siya. I think this is the best day ever in my entire life.
"Zaph, una na muna kami ni Clifford." pagpapaalam ni ate Claire kay ate at dumiretso na sa dining area.
"Ate, sorry kung masyado akong naging makulit noon gusto ko lang talaga na pansinin mo kami ni ate Allisha." nakayukong sabi ni Rasha sa gitna ng mga hikbi niya.
"I'm sorry too, ate Zaph promise hindi ko na pakiki-alaman ang mga gamit mo." sabi ko sa kaniya habang hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.
"Hey, that's okay. Tumahan na kayo ang pangit niyo umiyak." sabi ni ate Zaph sa amin.
"Ate!" pag-angal namin ni Rasha.
Ang ganda ko kaya tapos si Rasha ang cute niya nasaan ang pangit doon?
"Kidding, so ano iiyak na lang ba kayo dyan? Why don't you give me a warm hug?" tanong ni ate Zaph sa amin.
Lumapit naman ako sa kaniya at binigyan siya ng mahigpit na may kasamang pangungulila na yakap. Naramdaman kong may tumabi sa akin at niyakap din si ate Zaph. Ilang segundo kaming nagyakapan hanggang sa isa-isang tumunog ang tiyan namin, napatawa naman kaming tatlo.
Sarah Madrigal's POV
Masaya akong natanggap na ni Zaphria ang mga anak ko bilang isang tunay na mga kapatid ngunit hindi ko pa rin maalis sa isipan ko kung kailan niya ba ako matatanggap o matatanggap pa ba niya ako bilang isang step mother niya? Ramdam kong mabait na bata ang anak ni Allen at ramdam ko rin na may parte sa puso niya ang may kulang.
Noong nalaman ko na nabuntis si Zaphria pinaghalong lungkot at poot ang naramdaman ko. Bilang isang ina alam ko kung gaano kasakit na may mangyaring masama sa mga anak ko, masakit isipin na sa murang edad niya naranasan na niya kung gaano kalupit ang mundo. Kaka-19 niya lang noong nakaraang taon pagkatapos mararanasan na niya ang lahat ng paghihirap at pasakit sa buhay niya. Kung alam ko lang na mangyayari sa kaniya 'yon sana napigilan ko pa siyang ituloy ang balak niyang pagpunta sa party ng kaibigan niya. Galit na galit kaming mag-asawa dahil sa ginawa ng pamangkin ni Allen sa mismong anak niya halos mapatay na ni Allen si Nikko dahil sa nangyari mabuti na lang at napigilan ko siya.
Tahimik kong pinagmamasdan ang mga anak ko ngayon ko lang nakita na masaya sila. Matagal nilang pinapangarap na sana balang-araw ay mapansin sila ni Zaphria at sa tingin ko natupad na ang matagal nilang hinihiling. I can't explain how happy I am seeing my kids talking to their big sister and I am hoping that sooner or later she will open her heart and welcomed me as her mother.
Clifford's POV
Ang gulo pala nang pamilya ni Zaph yung babaeng akala ko sobrang saya ng buhay ay hindi pala. I really thought that she's almost perfect but she's not. She had a broken family and his father has another family and now, she's pregnant. I hope I can help her to be happy in life pero baka mabigo ako.
"Hoy damulag bakit nandito ka? Ayaw mo bang pumasok sa loob?" biglang sulpot ni pangit.
"Hoy ka rin pangit! Mamaya na magpapahangin muna ako dito isa pa hindi naman talaga ako dapat nandito e." sabi ko at tumingala sa itaas.
"Hindi ka naman talaga dapat nandito e, biro lang. So bakit nga? Ang lalim naman ata ng iniisip mo kasing lalim na ba 'yan ng Pacific Ocean?" pabirong tanong ni Claire.
Kahit kailan talaga 'tong babae na 'to hilig mang-asar.
"Isipin mo." tanging sagot ko sa kaniya at lumabas ng gate.
Hindi na ako magpapa-alam gusto ko silang bigyan ng masayang moment.
"Hoy saan ka pupunta?" tanong ni Claire.
Aba! Sumunod pala siya sa akin.
"Wala kana don." sagot ko.
"Sama ako!" sigaw niya at sinabayan ako sa paglalakad.
"Sumama ka kung gusto mo hindi naman ako ang mapapagod e." sabi ko sa kaniya at naunang naglakad.
Claire's POV
May dalaw ba 'to ngayon? Napakasungit e.
"Oh bakit ka nakatingin sa akin?" masungit na tanong niya.
"Wala." sagot ko at hindi inalis ang tingin ko sa kaniya.
"Eh anong tinitingin-tingin mo dyan?"
Kulit din nito.
"Iniisip ko lang naman po kung buwanang dalaw mo na kung hindi mo maintindihan search mo sa Google, dinaig mo pa kasi si Ria kung magsungit kapag may dalaw e." sagot ko sa kaniya.
"Anong akala mo sa akin babae? Dinadatnan ganon? Hoy pangit, kung marami ka nang nahithit wag ako ang pagtripan mo!" inis na sigaw niya sa akin.
Nagulat ako sa inasta niya kaya bahagya akong napaatras mula sa kaniya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot nung sigawan niya ako kaya tumakbo ako papalayo sa kaniya. Naramdaman ko na basa ang pisngi ko kaya pinunas ko ito, umiiyak ako...napa-iyak ako ng isang Clifford na mukhang damulag na unggoy. Isipin niyo nang napaka-over kung maka-react ako pero ganun talaga ako e, madaling masaktan.
"Hoy pangit! Saan ka pupunta?" pagtawag ni Clifford sa akin pero hindi ko siya nilingon.
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo palalayo kay Clifford, dinala ako ng mga paa ko sa mini park na nasa loob ng village kung saan nakatira sina tita Sarah. Tss...sa simpleng pagsigaw lang ni Clifford sa akin malaki na ang naging impact nito sa akin. Never pa akong nasigawan ng kahit sino tanging si Clifford lang ang nakagawa non. Si Clifford na bago lang namin nakilala at nakasama, I didn't imagine na siya lang pala ang magpapa-iyak ulit sa akin ng ganito. Masyado ata akong naging makulit at maingay kaya nainis siya sa akin at nasigawan ako, aish.
"Ikaw naman kasi, Claire napaka-ingay mo ayan tuloy nasigawan ka ni Clifford, aish." bulong ko sa sarili ko at umupo sa damuhan.
"Ang bilis mong tumakbo, pangit dati ka bang athlete? Atsaka bakit mo ako iniwan doon?" nagulat ako nang biglang sumulpot sa gilid ko si Clifford na naghahabol ng hininga.
Sinundan pala ako ng damulag na 'to.
Hindi ko siya sinagot at nanatiling tahimik.
"Claire." seryosong tawag niya sa pangalan ko.
"Hmm?" tanging tunog na lumabas sa bibig ko.
"Sorry," binaling ko ang tingin ko sa kaniya at nagtagpo ang mga mata namin.
Nakatingin pala siya sa akin habang nagsalita.
"For?" I asked.
"For shouting you, mainit lang talaga ang ulo ko kanina kaya nasigawan kita. Sorry talaga hindi ko alam na masasaktan ka dahil sa ginawa ko if i knew it earlier sana naging mahinahon ako. Sorry talaga, I hope you'll forgive me." sincere na pag-so-sorry niya.
Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita.
"Ayos lang, wag mo na sanang uulitin." nahihiyang sabi ko.
Ngayon lang ako dinatnan ng hiya at sa kaniya pa talaga my God!
"Sorry ulit, ito candy pambawi bukas na lang yung Ice Cream gabi na e atsaka walang nagtitinda." nahihiyang sabi niya sabay abot sa candy na hawak niya.
"Thank you." pagpapasalamat ko.
Lumalalim na ang gabi kaya bumalik na kami sa bahay nila tita Sarah para magpahinga. Ang daming kaganapan ngayon araw at sa hindi ko ma-ipaliwanag na dahilan masaya ako ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro