CHAPTER 11: Unexpected Encounter
"Iwan niyo muna ako." malamig na sambit ko.
"Pero, an--" nag-aalalang pagtututol ni papa sa sinabi ko.
"I said leave me alone! Gusto ko munang mapag-isa kaya pwede ba iwan niyo muna ako!" galit na sigaw ko sa kanila na ikinagulat nilang lahat including Clifford.
"Tara na tito, Clifford." rinig kong pag-aaya ni Claire sa kanila na lumabas.
Narinig kong nagsara ang pinto ng kwarto ko, unti-unti nang nag-uunahan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumuhos hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon matapos kong malaman ang dahilan kung bakit ako nandito sa hospital.
"I-I'm pregnant." utal na sabi ko sa sarili ko.
Dahil sa nangyari nalaman ko mas lalo lang akong nagkaroon ng rason para tapusin lahat ng paghihirap ko. Gusto ko pang i-enjoy ang pagiging teenager ko pero bakit? Bakit nangyari sa akin 'to? Damn! 3 weeks! 3 weeks of me being pregnant with this damn curse fetus inside of me! Gusto kong lumaban pero paano? Gusto kong ayusin ang nasirang buhay ko pero paano? Paano ako magsisimula kung may problema na namang dumating sa buhay ko?! Ganoon na ba talaga ako kasamang tao para mangyari sa akin lahat ng ito?!
I can't imagine na may bata sa sinapupunan ko pero mas hindi ko ma-imagine na ang ama ng dinadala ko ay ang mismong pinsan ko na nagsamantala sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag binuhay ko pa ang batang dala-dala ko ngayon dahil alam kong sa tuwing maaalala ko ang ama ng batang nasa sinapupunan ko bumabalik na naman ang mga alaala ng madilim na nakaraan ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak.
Third Person's POV
Napahagulgol si Zaphria sa gilid ng kaniyang kama. Gulong-gulo na ang isip nito dahil sa sunod-sunod na problemang dumarating sa buhay niya hindi na rin niya alam kung paano mareresolba ang bagong problemang dumating sa buhay niya. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak namamaga na ang mga mata nito.
Tumayo si Zaphria mula sa pagkaka-upo at kinuha ang tinidor na nakapatong sa lamesa. Tinutok niya ito malapit sa pulso ng leeg niya at handa na sanang tapusin ang lahat ng paghihirap niya. Nang biglang may lalaking sumulpot mula sa bintana ng kwarto niya, nagulat siya dahil sa biglaang pagsulpot ng lalaki kaya hindi kalakasang napasigaw si Zaphria.
"S-sino ka?! Papaano ka nakapasok dito?!" tanong ni Zaphria sa lalaki.
Kaagad na lumapit ang lalaki kay Zaphria at sumenyas na huwag siyang gumawa ng ingay na siyang ikinataka ni Zaphria na may halong kaba. Kaba na baka may mangyari sa kaniya at sa batang nasa sinapupunan niya. Kahit kabadong-kabado na siya ay nagawa niya pa ring alalahanin ang batang dala-dala niya dahil sa isip nito'y napakabata pa nito at hindi niya pa nasisilayan ang mundong kinagisnan niya.
"A-ah hindi ako masamang tao, Miss maniwala ka." sagot ng lalaki kay Zaphria.
Medyo napanatag naman ang loob ni Zaphria dahil sa sinabi nito ngunit hindi pa rin siya pwedeng makampante.
Kelvin's POV
"Eh sino ka ba? Papaano ka nakapasok dito?" tanong ng babaeng nasa harapan ko.
Sa kaniya ata ang kwarto na 'to sa suot niya ngayon mukhang isa siya sa mga pasiyente dito. Huminga ako nang malalim bago sagutin ang mga katanungan niya.
"Ako si Kelvin at nakapasok ako dito sa loob dahil umakyat ako sa may puno sa ibaba at pumasok dito sa loob. Bintana mo lang ang nakabukas kaya dito ko naisipang pumasok." detalyadong sabi ko.
"Ah okay." tatango-tango niyang sabi.
"Yeah."
"Pero bakit ka nga ba pumasok dito?" tanong ulit ng babae.
Hindi ko makita ang buong mukha niya dahil nakapatay ang ilaw dito sa loob tanging buwan lang ang nagsisilbing daan upang maaninag ko ang kalahating mukha niya. Parang nakita ko na 'tong babae perk hindi ko lang alam kung saan at kailan.
"Mahabang storya, ikukwento ko pa ba?" tanong ko sa kaniya at napakamot sa batok ko.
"Wag na." maikling sagot niya at uupo na sana sa kama niya nang may mapansin ako.
"Teka lang! Bakit dumudugo yang nasa gilid ng leeg mo atsaka bakit ka may hawak na kutsilyo? Balak mo bang patayin ang sarili mo habang nag-iisa ka?" nagtatakang tanong ko.
Don't get me wrong pero kasi pakiramdam ko may balak siyang hindi magandang gawin sa sarili niya which is not a good thing.
"Wala kang paki-alam. Kung gusto mong mag-stay pa dito manahimik ka na lang at huwag mo akong paki-alaman." malamig na saad niya.
Hindi na lang ako nagtanong muli, napuno ng katahimikan ang buong silid. Wala ni-isang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa nakarinig ako ng pagsinghot sa gawi niya.
Is she crying? But why? Hindi ko napigilan ang sarili kong lapitan siya at sa hindi ko malamang dahilan kusang gumalaw ang katawan ko bigla ko na lang siyang niyakap. Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko kahit ako nagulat din sa inakto ng katawan at utak ko.
"A-ah sorry." utal at nahihiyang paghingi ko nang paumanhin.
Kakalas na sana ako sa pagyakap ko sa kaniya pero pinigilan niya ako at mas hinigpitan ang yakap niya sa akin. Naramdaman kong basa na ang damit ko, umiiyak nga siya and I think she need someone who can be on her side and comfort her. Nagtagal ng mahigit isang oras ang pagyayakapan namin habang umiiyak pa rin siya hindi ko man alam ang dahilan ngunit alam kong sobra ang sakit at bigat ng nararamdaman niya ngayon.
I rubbed her back kaya medyo tumigil na siya sa pag-iyak. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at nagpasalamat.
"Thank you."
"What's your name?" I suddenly asked.
"Zaphria." she said.
Beautiful name.
"Nice to meet you, Zaphria!" hyper na sabi ko sa kaniya.
Bahagya siyang natawa dahil sa inakto ko, nagmukha ata akong bakla sa paningin niya pero ayos lang at least napatawa ko siya at napagaan ko ang loob niya.
"Ah eh, baka gusto mong i-on ang ilaw dito masiyadong madilim." nahihiyang sabi ko sa kaniya.
Lumapit siya sa may lampshade at binuksan ang ilaw. Private siguro 'tong room na kinuha niya kaya may lampshade. Yayamanin.
Pagkabukas ng lampshade ay nagkatitigan kaming dalawa at parang may inaalala. Maya-maya pa ay sabay kaming napasigaw.
Claire's POV
Matapos kaming palabasin ni Zaphria umupo ako sa may long chair dito sa labas.
"Tito, magiging okay naman si Ria di ba?" tanong ko kay tito.
Hindi siya nakasagot. Alam kong kahit si tito ay hindi alam kung magiging okay pa ba si Ria.
"Huwag kang mag-alala, Claire she will be okay at kung hindi man mangyari 'yon we are here to support and help her to be okay." pilit na ngiting sambit ni Clifford.
May silbi rin pala siyang kausap but yeah he's right we are here to help her para maging okay. Ilang minuto kaming walang kibo hanggang sa mapagpasyahan namin na lumabas muna ng hospital para bigyang space si Ria para mag-isip. Si tito pupunta muna daw sa company nila dahil may importanteng bagay daw siyang aayusin doon samantalang kami naman ni Clifford ay nagpasya na pumunta sa 7/11 para bumili ng mga pagkain para sa aming tatlo.
Zaphria's POV
"IKAW?!" sabay naming sigaw ng lalaking kaharap ko.
Oo gulat–gulat na gulat kaming dalawa dahil hindi namin inaasahan na sa ganitong paraan kami magkikita ulit.
"What a coincidence, the last time I saw you is at the cemetery crying in front of the grave of your lola at ngayon naman umiiyak ka na naman sa pangalawang encounter natin. Iyakin talaga no?" manghang sambit niya.
"Heh! Paano ka napunta dito? Di ba nasa Sorsogon ka?" tanong ko sa kaniya.
"Umakyat din ako sa puno tapos pumasok ako sa bintanang nakabukas then boom in just a blink of an eye nandito na ako sa harapan mo." pilosopong sagot niya.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pimimilosopo niya.
"Biro lang! Masyado ka naman atang seryoso sa buhay so yun nga taga Sorsogon talaga ako pero dito ako sa Manila nag-aaral kaya nandito ako ngayon." pagpapaliwanag niya.
"So may klase na kayo?" tanong ko.
"Wala pa, bakasyon namin. Next month pa ang susunod na pasukan namin. Babalik din akong Sorsogon next week nagpunta lang ako dito dahil sinundan ko ang pinsan ko." saad niya.
"Ah..." tanging sambit ko.
Dahil sa kaniya panandalian kong nakalimutan na may problema ako sa buhay. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga bagay-bagay. Nalaman ko rin na nasa kaniya pala ang necklace ko binigay naman niya 'yon sa akin. Akala ko talaga tuluyan ng mawawala ang necklace ko sa akin nasa kaniya lang pala, nagpasalamat naman ako sa kaniya. Sandaling katahimikan ang bumalot sa buong silid hanggang sa may naalala ko.
"Siya nga pala, Kelvin yung panyo mo." sabi ko at kinuha ang panyo niya sa loob ng bag ko. "Here, thank you."
Ngumit siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik.
"Magkaibigan na tayo, ha?" tanong niya sa akin.
Nahihiya pa ata siyang itanong sa akin 'yon.
"Yeah, friends!" nakangiting sagot ko.
"Thank you, I gotta go, Zaph may gagawin pa ako salamat sa time ha? And if there's a problem don't hesitate to reach or call me. Here's my number." He said and gave his number to me.
Again, I smiled. I found a new friend and I hoping that he will never be like my previous ex-friends.
"Thank you, ingat ka. Sa pinto kama dumaan baka mahulog ka pa kapag sa bintana ka na naman dumaan konsensya ko pa." pabirong sabi ko.
"Tss. Sige, una na ako. Cheer up sayo, hindi ko man alam ang rason kung bakit ka na naman umiyak lagi mong tatandaan na nandito ako para maging karamay mo sa lahat ng problema mo." huling sambit niya saka tuluyang lumabas ng pinto.
Is this the sign na kailangan ko pa ring lumaban sa buhay? If this is the sign then I'm going to live and raise this baby inside my womb eventhough I know it's impossible.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro